Share

CHAPTER 3

  HACIENDA DECKER.

      "NO ME gusta este vestido." Hindi maipinta ang mukha ni Adalina, habang nakatitig sa kaniyang suot na kulay puting blusa at mahabang itim na palda na ipinahiram sa kaniya ni Mirka.

      "Ano? Hindi kita maintindihan," sambit naman ni Mirka habang pinagmamasdan ang dalaga.

      "Sabi ko, ayoko ng damit na 'to! Ang pangit!" Halata sa mukha nito ang pandidiri dahil sa hindi sanay sa ganoong kasuotan.

      "Ay, aarte pa ba? Alangan naman mag-a-apply ka bilang katulong habang suot mo ang mga branded mong damit, haler?!" Nakapameywang na turan sa kaniya ni Mirka. "At isa pa, ah. Tigil-tigilan mo ang pagsasalita mo ng español dito, hindi ka nila maiintindihan, girl."

       Napasimangot si Adalina. Kailangan na niyang panindigan ito dahil kapag hindi siya nagtrabaho, wala siyang aasahang pera na mahahawakan.

      "Kaya tara na. Go, lakad, mestizang bangus at baka mainip pa sa kahihintay si mayordoma." Sabay tulak ni Mirka kay Adalina papasok sa malawak na solar ng mga Decker.

       Nagpatianod na lamang ang dalaga habang inililibot ang paningin sa paligid, napakalaki ng mansion na kaniyang natatanaw.

       Saglit siyang natigilan sa paglalakad at tumingin kay Mirka.

     "Ano na nga ulit ang apilyido ng pamilyang 'to?" Usisa niya.

     "Decker, bakit?"

     "Decker?" Mahina niyang ulit sa sinabi ni Mirka.

       Pamilyar kay Adalina ang apilyido, may naaalala siyang ganoong apilyido noong high school siya. Bigla siyang napailing, baka nagkakamali lamang siya.

     "Uy, bakit? May kilala ka bang Decker?" Muling untag ni Mirka sa dalaga.

     "Wala naman."

      Ngumiti ng malawak si Mirka. "Alam mo, ang swerte mo kung matatangap ka, dahil ang magiging amo mo ay si Sir Liam Decker." Biglang nagningning ang mga mata ni Mirka na tila nangarap dahil tumingala pa ito sa kalangitan at para bang iniimagine ang binanggit nitong pangalan. "Napakagwapo ni Sir Liam, para kang nakakita ng tunay na prinsipe, para kang magsisilbi sa isang tunay na prinsipe..." dagdag pa nito.

      Napangiwi si Adalina sa inasta ng kausap. "Estás loca," bulong niya habang pinagmamasdan ang tila nababaliw na si Mirka.

      Anong swerteng pinagsasabi nito? Kailan pa naging swerte ang maging katulong at maging alila?

      Biglang bumalik sa realidad si Mirka. "Hoy, anong sinasabi mo? Nilalait mo na yata ako ako?"

     Inirapan niya ang babae at nagpatiuna nang maglakad, humabol naman ito sa kaniya. Nagtungo sila sa isang silid kung saan sila iginiya ng isa pang kawaksi na nakita nila.

     "Nandito sa loob sina mayordoma at Sir Liam, Mirka. Saktong-sakto mukhang hiring ng personal maid, dahil mukhang sumuko na ang kasalukuyang maid ni sir," imporma ng babae na napag-alaman niyang Janice ang pangalan. Pagkaraan ay tumingin ito sa kaniya. "Ang ganda mo naman, sigurado ka bang personal maid ang aapplyan mo at hindi chics ni Sir Liam?" Natatawang tanong nito.

     Kung kayang sampalin niya ito ora mismo? Ginawa pa siyang la furcia nito na ang ibig sabihin ay whore o hooker sa ingles.

      Naputol ang balak na pagsagot ni Adalina sa babae nang mula sa saradong pinto ay lumabas ang isang babaeng umiiyak. Nakita niyang napailing sina Janice at Mirka.

     "Isa na namang babae ang hindi kinaya ang ugali ni Sir Liam," bulong ni Janice.

      Napatingin si Mirka kay Adalina. "Kinakabahan ka ba?" Usisa nito sa dalaga.

     "Hindi. Mas mukha ka pang kinakabahan sa akin."

      Ngumisi si Mirka. "Hindi ka pala kinakabahan, o sige pasok na." Sabay tulak kay Adalina papasok sa silid at hinila nito pasara ang pintuan.

Wala ng nagawa si Adalina kung hindi harapin ang mga taong nasa loob ng silid. Nanlaki ng bahagya ang mga mata niya nang makita kung sino ang katabi ng mayordoma. Hindi siya maaring magkamali! Malaki man ang ipinagbago ng katawan at mukha nito, nakikilala pa rin niya ang lalaki. Pinagmasdan niyang maigi ito at tiniyak na si Liam Decker ang kaharap niya.

     Ang lubos pa niyang ikinagulat at ipinagtataka ay bakit nakaupo ito sa wheelchair na iyon. Walang kangiti-ngiti ang labi nito at blanko ang ekspresyon. Iniisip niya kung nakikilala ba siya nito, pero sana ay hindi! Malaki at malayong-malayo ang ipinagbago ng anyo nito kesa noon, at in fairness, totoo ang sinabi ni Mirka, mukha itong prinsipe, mas higit pa nga roon, mukha itong isang greek god.

     "Ikaw ba ang aplikante?" Boses ng mayordoma na halatang masungit.

      Tumingin siya rito at tumango.

     "Anong pangalan mo?"

      Nag-alangan siyang sabihin sa matanda ang pangalan niya. Pero sa huli ay sinabi na rin niya,   "Adalina Alvarez." Sabay ngiti. Para naman magmukhang mabait. "But you can call me Yna."

     "May experience ka ba sa pagiging personal maid?"

      Umiling si Adalina. Mukha ba siyang katulong? Duh.

    "Marunong ka bang magluto?"

     Muling umiling si Adalina. Pagkain nga niya hindi niya kayang iluto.

    "Mag masahe?"

     Nangunot ang noo ni Adalina. Pero umiling pa rin. Kailangan ba talagang dapat ay marunong magmasahe bago pumasa sa pagiging personal maid ni Liam?

    "E alam mo bang maglinis ng malaking silid?"

     Muling umiling si Adalina. Gosh! Sabagay, hindi alam ng matandang ito na laki siya sa mayamang pamilya, at hindi uso sa kaniya ang maglinis ng silid niya dahil may gagawa n'un para sa kaniya.

      Tumalim ang mga mata ng matanda sa pagkakatitig sa kaniya. "E, ano bang alam mong gawin?" Mataray na sabi nito kay Adalina.

     

      Nag-isip ang dalaga, ano nga ba? Hindi naman kasi nabanggit ni Mirka na with experience pala dapat?

     "Wala bang training here?" Maarte niyang usisa sa mayordoma.

     "Wala! Hindi ka pasa-"

      Natigilan ang mayordoma nang senyasan ito ni Liam na tumigil sa pagsasalita.

     "I'll take care of it, you can leave now."

      Wow! Lalaking-lalaki ang boses ni Liam. 'yong tipong boses pa lang ay masarap na.

      Bago lumabas ang mayordoma ay tinapunan siya nito ng matalim na tingin.

      Natahimik ang paligid nang sila na lamang dalawa ng lalaki. Tinignan niya ito at nakita niyang pinagmamasdan din siya nito. Nakakatawa, pero bakit ba nanlalamig ang mga kamay niya at nakakaramdam ng pagka-intimidate, bagay na hindi karaniwan sa kaniya.

     "What happened?"

      Kumunot ang noo ni Adalina. "What?"

      Ngumisi ng may panlalait si Liam sa kaniya. "Anong nangyari sa matayog na si Adalina Alvarez at ngayon ay namamasukan na lamang bilang katulong?"

      Nakikilala nga siya nito. Sabagay, hindi naman nito basta-basta makakalimutan ang ginawa niya noon dito.

      Para bang nagpanting ang tenga niya sa paraan ng pagtatanong nito. Halatang pinagtatawan siya nito ngayon.

"How about you? Anong nangyari at bakit ka nalumpo?" M*****a niyang tanong at nilangkapan niya ng sarkastiko ang tinig.

      Kita niya nang tumiim ang mga bagang ng lalaki. As if ay may sensitibong bagay siyang natumbok sa tanong niya. Pero wala siyang pakialam.

     "It's none of your business." -Liam.

     "Exactly! Kaya huwag mo rin akong tanungin kung bakit nagkaganito ang buhay ko," aniya at ngumiti ng peke sa kaharap. "Ang gusto ko lang malaman ngayon kung pasado ako bilang personal maid mo or not?"

      Hindi mabasa ni Adalina kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Liam nang mga sandaling iyon. Pero isa lang ang sigurado niya, hindi maganda.

     "Okay, you're hired."

      Pinagmasdan niya ang mukha ni Liam, pero wala siyang nakita ni anong reaksyon sa mukha nito. He's just giving her that blank and cold stare na hindi naman niya natatangap dati mula rito. Confirmed, Liam seems to have moved on from his love he had for her before...

   

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status