LOGINAdalina Alvarez - she's a filipino-spanish model from Spain. Adalina is a self-centered brat, she thinks highly of herself and can easily get everything she wants with just a flick of her fingers. Until her parents sent her to the Philippines for some reason. In an instant, Adalina's life changed. Napilitan siyang mamasukan bilang personal maid ng isang kilalang business tycoon. Huli na nang malaman niyang si Liam Decker ang lalaking pagsisilbihan niya. Kilala ni Adalina ang lalaki, alam niyang sasamantalahin nito ang sitwasyon niya upang gantihan siya sa kasalanang ginawa niya noon dito. And now, Adalina has to live with and tolerate Liam's grumpy version. But she suddenly finds herself slowly falling in love with him... But a fact pulls Adalina back to the reality that she and Liam are not meant for each other, dahil mayroon ng nagmamay-ari sa puso ng binata at hindi siya ang babaeng 'yon.
View MoreNANG marinig ni Yna ang sinabi ni Liam ay natigilan siya. Ganoon ba kamahal ang batong 'yon? Nagkamali ba siya ng pagkilatis sa value ng bato? "M-mahal ba 'yan sobra?" Natitigilang usisa niya sa binata. Hindi nagbabago ang madilim na mukha ni Liam na nakatitig sa dalaga. Wari bang isa itong mabangis na hayop na anumang sandali ay sasakmalin siya. Lalo tuloy nadagdagan ang kaba ni Yna, sa unang pagkakataon ay ngayon lang yata tila nanginig ang kaniyang mga paa. "Tinatanong mo gaano ito kamahal?" Pagkaraan ay tumawa ng may pagkasarkastiko ang binata. "Someone gave it to me, and you'll never know the value of this things to me, Yna. Dahil hindi ka naman marunong magpahalaga ng mga bagay-bagay na ibinibigay sa'yo ng taong nasa paligid mo, hindi ba?" Kailanman ay hindi naging sensitibo si Yna sa mga bagay na sinasabi sa kaniya. But what Liam said hits different. May kung anong natumbok ang mga salitang iyon sa parte ng kaniyang pagkatao na nagpakirot sa kani
"GOOD MORNING!" Katulad kahapon, naging masigla rin ngayong umaga ang pagbati ni Yna kay Liam na nakaupo sa wheel chair nito at nasa loob lamang ng silid nito. Naisip ni Liam na nakuha pa nitong ngumiti ng ganoon, e ang late na nito sa pagpasok. Ni hindi nga ito ang nag-serve ng kape niya at almusal. "May dala ako para sa'yo," anang dalaga na lumapit kay Liam at iniaabot ang isang basket ng lansones na galing sa pananim na naroon din sa sakop ng hacienda ng mga Decker. Panandaliang natigilan si Liam at tinignan ang babae. For a moment, tila ba nakita niya si Raya sa katauhan nito. Maamo ang mukha at napakatamis ng ngiti. Madalas din siyang dalhan ni Raya noon ng lansones sa tuwing magtutungo ito sa mansion. May kung anong pinong kurot ang nadama ang binata pagkaalala sa dalaga. "Alam ko paborito mo ito," muling sabi pa ni Yna na todo ang ngiti. Ipinilig ni Liam ang ulo at nag-iwas ng tingin mula kay Yna. Pinanatili ang blankong ekspresyon ng mukh
"RISE AND SHINE!" malakas na sabi ni Yna habang hinahawi ang mga makakapal na kurtina sa silid ni Liam upang makapasok ang sinag ng araw. "Damn it! What are you doing?!" Asik ng binata na nagising nang tumama ang sinag ng araw sa mukha nito. Tinakpan nito ang mga mata dahil nasilaw na ito. "Good morning, Sir Liam. It's time for your breakfast in bed," energetic na sabi pa ng dalaga. Kinuha nito ang pagkaing ipinatong sa glass table na nasa silid ni Liam. Inilapit niya ang pagkain na 'yon sa binata na hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkaistorbo mula sa pagtulog. Umayos ng upo si Liam, madilim pa rin ang mukha at halatang iritable. Pero hindi iyon pinansin ni Yna, desidido siyang magtagumpay sa mission niya sa binata. "What are you doing here?" Masungit pa rin ang tinig ng lalaki. Inayos ang puting t-shirt na suot. "Ipinagluto kita ng almusal," inosenteng sabi ni Yna na akala mo ay pagkabait-bait. Nangunot ang noo ni Liam. "It's su
"WHAT are you doing here?" Masungit na bungad ni Yna kay Mirka nang pagbuksan niya ito ng pinto nang gabing 'yon. "Sungit naman. Gusto mo?" Sabay taas ng dalawang bote ng coke na dala-dala nito. Mayroon din mga sitsiryang nakaipit sa kili-kili nito. Base sa ngiti ni Mirka, alam na alam na ni Yna ang gusto nito - ang makitsismis sa kaniya at paniguradong kukulitin na naman siya nito tungkol sa mga tanong nito kanina sa mansion ng mga Decker. "Pasok." Tsaka siya nagpatiunang umupo sa upuang kahoy sa kaniyang maliit na sala. Nalukot ang ilong ni Mirka, pagkakita sa ayos ng bahay-kubo ni Yna. "Grabe. Naglilinis ka pa ba ng bahay mo?" Usisa nito. "I have no time." Pero ang totoo ay wala talaga siyang hilig sa paglilinis ng bahay dahil nga hindi naman siya nasanay, maging sa sarili niyang silid sa Spain ay iba ang naglilinis. "Pero sa pagpapaganda sa gabi bago matulog may time ka, ane?" Sabay upo sa may hindi kalayuan kay Yna. "Ofcourse!












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews