LOGINSalamuch po
"Matanda ka na, Fausto, kaunting panahon na lang ang ilalagi natin sa mundo. Huwag mo nang pakialaman ang mga anak mo lalo na si Nicholas. Matanda na siya at alam na niya kung ano ang gusto at magpapasaya sa kaniya. Huwag ka nang makialam, puwede ba?!" Lalong naging mabagsik ang anyo ng kan'yang ama. Palitan silang mag-ina na tiningnan niyo nang matalim. "At ano? Pagkakampihan n'yo akong mag-ina?" "Hindi ko kinakampihan ang anak natin. Pero, Fausto, mali ka. Hindi palaging ikaw ang masusunod. Matanda na si Nicholas." "Ayon na nga, eh. Kung kailan tumanda iyang anak mo, saka naging bobo!" Walang gatol na sabi nito. "Fausto!" Namula sa matinding galit ang mukha ni Nick dahil sa sinabi ng ama. "Hindi kabobohan ang mahalin ang isang babaeng kamahal-mahal, Dad. Hindi kabobohan na sa isang babaeng hindi natin ka-level sabi mo ang babaeng minahal ko! She deserves to be love!" "Bobo!" "Fausto!" Nilamukos ng kaniyang ina ang bibig nito. "Tumigil ka na!" "Tawagin mo n
"Aya..." Bigla siyang nanlambot at nanghina. Mukhang napansin naman ni Aya iyon dahil kaagad itong nag-explain sa kaniya. At doon niya nalaman kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon. Na kaya pala biglang ayaw na nitong sumama sa kaniya pabalik ng Manila ay natatakot daw ito na baka totohanin ng daddy niya ang banta na kung hindi ito makikipaghiwalay sa kaniya nang kusa ay ito mismo ang gagawa ng paraan. Natatakot daw ito na baka saktan ito ng daddy niya. Nakaramdam siya ng galit sa ama dahil sa pananakot na iyon sa asawa niya. "Aya, no. It won't happen. Hindi ako papayag na may gawing masama sa 'yo si Dad o ang kahit na sino. I'm here. I will protect you." "Hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng daddy mo, Nick. At ayokong maulit iyong nangyari noon na sa kagustuhan kong ilaban, muntik na akong mapahamak. Dahila akala ko, hanggang pananakot lang iyon na gagawin nila ang lahat para mawala ako." Hindi siya nakapagsalita. Naiintindihan niya kung saan ito n
MARIING NAKUYOM ni Nick ang mga kamao nang sabihin ni Aya na gusto nitong sa mga magulang muna umuwi kaysa ang sumama sa kan'ya pabalik ng Manila. Pagkatapos nitong sabihin iyon ay hindi na ito muling nagsalita. Ni hindi siya magawang tingnan. Lumipas ang ilang sandali. "Wife..." Untag niya dahil hindi na niya kaya ang pagiging tahimik ng kaniyang asawa. "Wife, please. Umuwi tayo sa Manila." Pakiusap niya rito. "Hindi kita puwedeng iwan dito sa Isabela. Gusto kong kasama ka sa pag-alis ko. Hindi kita iiwan rito," dagdag niya. Ngunit wala pa ring sagot o reaksyon man lang. "Wife, talk to me, please? Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo. Bakit bigla-bigla na gusto mong sa inyo umuwi?" Frustrated na marahas na napahagod sa sariling buhok si Nick nang hindi pa rin kumibo ang asawa niya.Nanatili itong nakatingin sa labas ng bintana. Tahimik. At ang pagiging tahimik nito ang mas nakadagdag sa alalahanin niya. Dahil hindi niya alam kung ano ang tu
Nanigas siya sa pinagkukublihan. Ramdam na ramdam niya ang disgusto sa boses ni Don Fausto. Ni hindi nito nagawang sabihin ang pangalan niya. "Hindi ako baliw, Dad! I love her! Did you hear me, Dad? I fvcking love her. At hindi kabaliwan na minahal ko siya!" "Bullshit! How old is she? 25? 26? You're damn crazy, Nicholas! Anong mapapala mo sa isang 25 years old, huh? Ano bang alam sa buhay niyan?""Ano bang natapos niya? Sabihin mo nga sa akin? Paano ko siya ipagmamalaki sa mga kaibigan at pamilya natin kung wala man lang siya sa kalingkingan ni Eunice?!" "Dad!" "Ibalik mo na kung saan mo siya napulot dahil hinding-hindi ko siya matatanggap sa pamilya natin. Ni hindi mo alam kung anong klaseng dugo ang nananalaytay sa ugat ng babaeng iyon, Nicholas. She's an orphan, right? Paano kung mamamatay tao ang totoong pamilya niyan?" "Dad, enough! Kahit anong sabihin n'yo, hindi ko hihiwalayan si Aya. Mahal ko siya, Dad. Mahal ko siya!" "Puwes ako mismo ang gagawa ng paraan
"Whoa!" Nakangising sabi ni Nick nang tumigil siya sa paghalik. Naghahabol ito ng paghinga. Nginitian niya ito. "Magaling na ba akong humalik?" Sinadya niyang lakasan ang boses dahil muli niyang nakita si Eunice. "Yes. Muntik na akong maubusan ng hangin, wife. You're a faster learner, huh?" "Siyempre, magaling ang mentor ko, eh." Humagikhik siya na parang kinikiliti. Sa gilid ng kaniyang mga mata, kitang-kita niya ang pagtalim ng tingin ni Eunice sa kaniya. Mamatay ka sa inggit. Sa loob-loob niya bago naglalambing na nanguyapit ulit sa batok ng asawa. "Extra sweet ka yata ngayon? Don't tell me..." binitin nito ang sasabihin sabay hawak sa tiyan niya, "don't tell me may laman na ito at ako ang pinaglilihian mo?" Puno ng pag-asam at kasabikan ang tono nito, maging ang mga mata. Sana nga... Sana nga may laman na. Bigla ay nahiling ni Aya na sana ay buntis na nga siya. Bigla siyang umasa na baka kapag may baby na sila ni Nick ay matanggap na siya ng ama nito. Nguni
"ARE YOU SURE?" Naninigurong tanong ni Nick kay Aya. Plano na nilang umalis ng mansyon at bumalik ng Manila ngayong araw. Ngunit nang magpaalam si Aya sa ina ni Nick, nakiusap itong mag-stay pa kahit dalawang araw pa. Gustong-gusto ng ina ni Nick na mas makilala pa ang manugang niya. Kahit gusto na ni Aya na umalis, pinili niyang pagbigyan ang hiling ng asawa niya. Mabait naman kasi ito sa kan'ya kaya hindi niya matanggihan. Kaya ang pag-alis nilang mag-asawa ngayong araw ay hindi matutuloy at sa susunod na araw na lamang. "Wife, are you sure?" Muling tanong ni Nick sa kaniya pagkatapos niyang tumango. "Puwede kang humindi kay Mommy. Maiintindihan ka niya." Nginitian ni Aya ang asawa. "Bakit naman ako hihindi sa mommy mo?" Bumuntong-hininga si Nick. At gets ni Aya kung para saan iyon. "Don't worry, okay lang ako. Gusto ko ring pagbigyan ang mommy mo lalo na't maayos ang pakikitungo niya sa akin. Your mom loves me, Nick. Ang hirap niyang tanggihan." Muling nagpa
"Hindi nga akin iyan. Bakit ba ayaw ninyong maniwala? Malamang talaga kay Shine iyan." Mukhang diskumpiyado pa rin sila. "Promise. Ilang beses ko nang nakapalitan ng ulam si Shine, at kilala ko iyan. Ilang beses ko na ring nakita na may naghatid-sundo sa kaniya diyan. Kaniya talaga iyan. Teka, at
Amaya Shannel KAHIT GALING sa bar kagabi, maaga pa rin akong bumangon para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko. Paalis kasi kami ngayon ng mga bago kong officemates. Aakyat kami ng Batangas. Nagyaya silang mag-hiking at hindi ako nagdawang-isip na sumama. Kagabi sa bar, pinag-usapan na namin ang
CONTINUATION "TUMIGIL na kayong dalawa." Saway ni Mike nang makitang nagsusukatan pa rin kami ng tingin ni Warren. Maya-maya, ako ang hinarap nito. "Pare, relax. Walang ibig sabihin si Warren sa sinabi niya. Iyong sinabi niyang naikuwento ni Rome sa kaniya, actually alam ko rin iyon." Napat
NICHOLAS "AKALA namin hindi ka na darating. Magsisimula na sana kami." Salubong sa akin ni Warren pagdating ko sa bar kung saan nila ako hinihintay ni Mike. Nagyaya si Warren. Kung anong mayro'n, hindi ko alam. Medyo matagal-tagal na rin nang huli kaming makumpletong tatlo kaya um-oo na rin ak







