AMAYA'S POV
"BESTY, pagkakataon mo na 'to para masabi sa kan'ya ang kailangan mo." Bulong ni Pat sa akin habang nagtitimpla ng hot choco ng lalaking 'yon. Nang hindi ako sumagot, dinunggol ni Pat ang braso ko. "Hoy, kinakausap kita." "Narinig ko." "E, ba't hindi ka sumasagot?" "Iniisip ko kasi kung paano sasabihin sa kaniya ang kailangan ko. Kinakabahan ako." Pag-amin ko. Sinilip ni Pat ang mukha ko. Tiningnan ako sa mga mata. "Huwag kang kabahan. Isipin mo na lang na para 'to kay Anthony." Pagkarinig sa pangalan ng nobyo ko, biglang lumakas ang loob ko. Yeah, para kay Anthony. "Sige." "Go, besty. Pagkakataon mo na 'to, kaya i-grab mo na agad. Kasi narinig mo naman ang sinabi ni Ate Mica kanina, 'di ba? Bawal tayong pakalat-kalat dito bukas dahil maraming tao, for sure hindi ka na makakalapit or mahihirapan ka nang makausap siya. Magiging busy na si Atty bukas." "Kaya nga." Maikling sagot ko. "Kaya nga, go na. Nakakangarag ng beauty ang trabaho rito, besty. Hindi kinakaya ng power ko. At ayokong mauwi sa wala ang pagod natin dito ngayon at bukas." "Ako rin, Pat." "Kaya nga go ka na. Grap the chance. Okay?" Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Pat dahil nilapitan na kami ni Ate Mica at sinabing bilisan ko na raw dahil isa sa pinaka ayaw ng Señorito niya ay ang pinaghihintay. "Sige po," sabi ko, saka sumunod sa kaniya nang sabihing ihahatid niya ako sa may pinto ng silid ng amo niya. Habang paakyat sa taas ng magarang hagdan, alisto ako dahil baka sumabit ang mga paa ko. Sobrang ganda ng loob ng mansyon. Tipong kahit saan ka lumingon, nakikita mo ang sarili mo sa sobrang kintab. "Amaya, ito ang silid ni Señorito Nick." Napukaw ang atensyon ko nang magsalita si Ate Mica sa unahan ko. Tumigil kami sa harap ng nakasaradong pinto. "Kumatok ka na lang para alam niyang nandito ka na," bilin ni Ate Mica bago ako iniwan sa labas ng silid ng amo niya. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Bakit kasi sa kuwarto pa niya kailangang dalhin? Hindi ba puwede sa balcony o sa sala? Sa kuwarto talaga? Nakailang buntong-hininga yata ako bago nagpasyang kumatok. Nakatatlong sunod-sunod na katok na ako, ngunit walang sumasagot mula sa loob o nagbubukas ng pinto. Ano ba naman ang lalaking 'yon? Lalamig na 'tong hot choco niya. Gamit ang libreng kamay, hinawakan ko ang seradura. "Hindi pala naka-lock." Minsan pa akong kumatok. At nang wala pa ring tugon, lakas-loob na dahan-dahan kong itinulak pabukas ang pinto. Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang napakagandang silid. Lalaking-lalaki ang ambiance at ang amoy. Nalibot ko na ng tingin ang kabuuan ng silid, pero walang tao. Wala doon ang lalaki. "Nasaan kaya siya?" "Baka naman nasa labas pa at nauna pa ako rito sa silid niya." Ako rin ang sumagot sa sarili kong tanong. At dahil hindi ko alam kung nasaan ang lalaking 'yon kaya inilapag ko na lang sa ibabaw ng bedside table ang dala ko. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa kabuuan ng silid bago nagpasyang lumabas nang may narinig akong ingay, tila nagbukas na pinto. Pagharap ko sa pinanggalingan niyon, sumalubong sa akin ang lalaking hinahanap ko. Nasa bungad ng pintong bumukas. Basang-basa ang buhok at hubad-baro. Tanging puting tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya. Mukhang katatapos lang niyang maligo kaya hindi ako naririnig kanina. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa pagkapahiya. Hindi ako madalas makakita ng katawan ng lalaki. At kung makakita man ay iyong mga lalaking tambay sa kanto. Na maaga pa lang ay nag-iinoman na kaya malalaki ang tiyan. Maging ang nobyo ko, bihirang maghubad sa harap ko. Tumikhim ako, saka napapahiyang tumalikod sa kaniya bago nagsalita. "Pasensya na po kung pumasok na ako. Kanina pa po kasi ako kumakatok, pero walang sumasagot. Lalamig po kasi ang hot choco n'yo. Pasensya na po." Hindi siya sumagot kaya muli akong humingi ng pasensya sa kaniya para hindi magalit. Hindi ako puwedeng magkamali dahil may hihingin akong pabor sa kaniya. "Ganiyan ka ba makipag-usap?" "Sir?" "Nakatalikod? I don't like those who turn their back while speaking to me." Napairap ako. Hindi ba siya aware na n*******d siya? Tapos gusto niya akong tumingin? "Pasensya na po, Sir, pero--" "Turn around." Putol niya sa pagsasalita ko. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" "Narinig ko po. Pero pasensya na rin dahil hindi ko rin po gustong makipag-usap habang n*******d ang kausap ko." Matatag na sagot ko, nakatalikod pa rin sa kaniya. Hindi siya nagsalita. Mayamaya ay narinig ko ang kaluskos. "Puwede ka nang humarap." Sabi niya kapagkuwan. Hindi ako sumunod. "Come on, nakadamit na ako." Sa sinabi niya, humarap agad ako. At yeah, nakadamit na siya. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang tila ngiting sinusupil nito. "May nakakatawa po ba, Sir?" "Nothing. I'm just amazed. Hindi ako makapaniwala na may babae pa palang nahihiya kapag nakakakita ng hubad na katawan ng lalaki." "Excuse me?" "Well, nowadays most of the women, sabik na sabik makakita ng katawan ng lalaki. Naninilip pa nga ang iba para lang makakita--" "Sorry po, Sir. Pero hindi po ako kasali sa "most" na mga babaeng sinasabi n'yo. Hindi po ako kasali sa mga babaeng sabik na sabik makakita ng katawan ng lalaki." May diing sabi ko. "Yeah, obviously." Sabi niya, saka kinuha ang hot choco sa ibabaw ng bedside niya. Ininom niya 'yon, pero saglit lang at inabot sa akin ang tasa. "Sir?" Nagtatanong na tiningnan ko siya. "Hot choco ang gusto ko, hindi cold choco. Pakipalitan ng bago, can you?" Lihim akong napairap at walang lingon-likod na lumabas ng silid niya. Sa gigil ko, medyo napalakas ang hila ko ng pinto. Lumikha ng ingay 'yon. Pagbalik ko sa kusina, agad akong nilapitan ni Ate Mica at tinanong kung bakit dala ko pa rin ang hot choco ng señorito niya. "Cold choco na raw po kasi, Ate." "Ay siya, palitan mo na lang tapos dalhin mo ulit sa kaniya." Wala akong nagawa kundi ang magtimpla ng bago para sa kaniya. Kung wala lang akong kailangan sa kaniya, hinding-hindi ko 'to dadalhin sa silid niya. "Besty, ano? Nasabi mo na?" Paalis na ako ulit nang lapitan ako ni Pat. "Hindi pa. Mas mauuna pa yatang mapatid ang pasensya ko sa kaniya kaysa ang masabi ang kailangan ko." "Ha? Bakit?" "Mamaya na tayo mag-usap, baka lumamig na naman 'to, eh." "Sige, sige." Iniwan ko na siya at bumalik sa taas dala ang hot choco ng lalaking 'yon. Kumatok ako, dalawang beses. Nang walang magbukas, nilakasan ko ang katok. "Come in." Nang marinig ang sinabi niya, itinulak ko pabukas ang pinto. Nadatnan ko siyang nakahiga sa kaniyang kama. "Heto na po, Sir." Hindi siya bumangon at inutusan niya akong ipatong sa bedside table ang tasa kaya napilitan akong lumapit sa kaniya. "What's your name again?" Natigilan ako sa tanong niya. "Amaya po." Iyon lang at lumayo na ako, balak ko nang lumabas dahil hindi na ako kumportable sa presensya niya. Hahanap na lamang ako ng ibang pagkakataon para sabihin ang kailangan ko. Pero hindi rito sa kuwarto niya. Bilang may nobyong babae, hindi maganda kahit pa wala naman akong ginagawang masama. "Amaya." Tawag niya nang malapit na ako sa pintuan. Napatda ako. "Sir." "Marunong ka bang magmasahe?" Napaawang ang bibig ko. Ano raw? Inis na hinarap ko siya. "Excuse me?" "I'm asking you kung marunong kang magmasahe. Magpapamasahe ako--" "Mukha ba akong masahista, Sir?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "No. Kaya nga nagtatanong ako, 'di ba? Baka lang marunong ka." "Hindi po ako masahista." Mariin kong sabi. Gustong-gusto ko na siyang singhalan, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil may kailangan pa ako sa kaniya. At bago pa man mapatid ang pagtitimpi ko, lumabas na ako at bumalik ng kusina. Uminom ako ng tubig, pampawala ng init ng ulo. "Anong nangyari? Nasabi mo?" Usisa ni Pat nang lapitan ako. "Hindi." "Bakit?" "Pat, gusto niya akong gawing masahista!" Nandidilat ang mga matang sumbong ko. Nasamid ng laway ang kaibigan ko. "Nakakabastos siya, Pat." Himutok ko. "Eh, paano na?" "Hahanap na lang ako ng ibang pagkakataon mamaya or bukas. Basta hindi sa kuwarto niya. Pakiramdam ko ang manyak niya." Napahagikgik si Pat. "Grabe ka naman. Nagpapamasahe lang, manyak agad?" "O, bakit? Masahista ba ako?" "Oh, 'di sana ini-recommend mo na lang ako para ako na lang. Kahit whole body massage pa 'yan, gora." Kumindat pa ito na ikinailing ko na lamang. "Tanong mo kung gusto pa niyang magpamasahe, ako na ang gagawa para sa 'yo, besty." Inikutan ko siya ng mga mata. "Ewan ko sa 'yo. Ikaw na lang ang magtanong."NICHOLAS POV HINDI KO MAINTINDIHAN ang sarili ko habang patungo kami sa opisina ng judge na magkakasal sa amin ni Aya ngayon. Literal na para akong gago na ngumingiting mag-isa. Daig ko pa ang teenager na excited sa date namin ng crush ko. Fvck! I'm too old to feel like an idiot. Kung malalaman lang ng mga kaibigan ko ang mga pinaggagawa ko ngayon, malamang pagtatawanan nila ako nang malala. Naiiling na nilingon ko si Aya sa tabi ko. Napakatahimik niya. Alam kong ang lalaking 'yon na naman ang laman ng isip niya. At ewan ko ba? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil alam kong ang lalaking 'yon ang nasa isip niya. Ano pa bang aasahan mo, Nick? Mahal na mahal niya 'yong lalaki. Kaya nga siya napilitang um-oo sa kasal na inalok mo dahil para sa lalaking 'yon, hindi ba? Sulsol ng kabilang bahagi ng isip ko. "Tss! Hindi sila bagay." Bulong ko habang nakatingin pa rin kay Aya. At sinong bagay sa kaniya? Ikaw? Biglang lumingon si Aya dahilan para itigil ko ang lihi
NICHOLAS POV I CAN'T HELP IT but to smile. Dahil kitang-kita ko ang inis sa magandang mukha ni Aya pagkatapos kong sabihin sa kaniya na ngayong araw na rin kami ikakasal. Namumula ang mukha niya. Halatang nagtitimpi lang na 'wag magsalita nang hindi maganda sa akin. Dahil alam niyang posibleng magbago ang isip ko sa usapan namin. Posible pa nga ba? Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ko upang itago ang pinipigilan kong ngiti dahil alam kong kuhang-kuha ko ang inis at gigil niya ngayon. Bukod sa pamumula ng mukha niya, mariin ding nakakuyom ang mga kamao niya. Parang kating-kati siyang bigwasan ang mukha ko. Palihim kong inihanda ang sarili ko, tinalasan ang pakiramdam para kung sakaling umigkas ang mga kamao niya ay ready ako. Sinubukan kong 'wag na siyang lingunin ngunit tila may kung anong klaseng mahika ang humihila sa akin para ibalik ang tingin kay Aya. God! She's so damn gorgeous. And I can't help it but to stare at her. Matinding pagpipigil ang gi
AMAYA'S POV MAY ILANG minuto na ang nakalipas mula nang maiwan akong mag-isa sa loob ng sasakyan ni Atty. Nick, pero hindi ko pa rin magawang igalaw ang mga paa ko para sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginawa ko. Itong mga naging desisyon ko. Pakiramdam ko kasi, mali at naging padalos-dalos ako. Lalo na sa parteng magpapakasal ako sa iba gayong si Anthony ang kasama kong nagplano tungkol sa bagay na 'yon. Siya ang kasama kong nangarap at nagplano. Napabuntong-hininga ako, saka sumubsob sa mga tuhod ko habang nakahawak nang mahigpit sa buhok ko. Nakaka-frustrate ang mga nangyayari dahil kahit sabihing tatlong taon lamang tatagal ang kasal na 'yon sa abogadong 'yon, still ikakasal pa rin ako sa kaniya. Lord, please, tulungan Mo po akong mag-decide at mag-isip. Hindi ko po alam kung tama ito, pero ang alam ko lang po ay gagawin ko ang lahat para sa nobyo ko. Piping dasal ko habang nananatiling nakasubsob sa mga tuhod ko. Nasa ganoong posisyon ako nang
AMAYA'S POV AMAYA'S POV "UHM...ARAY!" Hindi ko napigilang mapadaing habang ginagamot ng nars ang sugat ko sa kanang siko. Dito ako sa hospital idiniretso ni Atty. Nick pagkaalis namin sa pinangyarihan ng aksidente. Kahit anong giit kong 'wag na dahil okay lang ako ay hindi siya pumayag. Sa huli, siya pa rin ang nasunod kaya nandito kami ngayon sa emergency room para gamutin ang sugat ko. "Ouch, uhm!" Mariin akong napapikit dahil masakit. At nang nandito na kami sa hospital, saka ko na-realize na hindi pala simpleng sugat lang ang natamo ko mula sa pagkakahila ni Atty. Nick sa akin. Medyo malalim at malaki ang sugat ko sa kanang siko. Tumama yata sa matulis na bato kaya gano'n. Habang nakapikit, saka lang nag-sink in sa akin na muntik na pala talaga akong mamatay kung hindi ako nahila ni Atty. Nick palayo sa humahagibis na mixer truck dahil nawalan ng preno. Kung wala siya, malamang patay na ako. Pinanlamigan ako ng katawan nang bumalik sa isip ang video na pinanuod sa akin
AMAYA'S POV "OKAY KA LANG?" Napatingin ako sa kaibigan kong si Pat nang tabihan ako sa upuan at magtanong kung okay lang ba ako. Nandito ako sa bahay nila. Dito ako dumiretso sa kanila pagkagaling ko sa city jail para sana bisitahin si Anthony. Kaso hindi niya ako hinarap. "Kanina ko pa napapansin na maya't maya ang buntong-hininga mo," dinunggol niya ang balikat ko. "Ano bang nangyari sa pagbisita mo kay Anthony?" Malungkot akong umiling bilang sagot. "Hindi ka niya hinarap kagaya nang sinabi niya?" Panghuhula niya. Tumango ako, saka muling bumuntong-hininga bago sinabi kung bakit tila pasan ko ang mundo. Ikinuwento ko sa kaniya na hindi ako hinarap ni Anthony, pero ang kapatid niyang si Ate Verlyn at si Diva ay hinarap niya. Na naiinis ako at nasasaktan dahil bakit sila hinaharap niya habang ako ay hindi. "Girlfriend niya ako, Pat. Ba't gano'n? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kaya niya 'to ginagawa ay dahil galit siya sa akin at ako rin ang sinisisi niya sa na
AMAYA'S POV "BAKIT AKO?" Lakas-loob na isinatinig ko ang tanong sa isip ko. "Bakit hindi ikaw?" Nailang ako nang hagurin niya ng tingin ang kabuuan ko. "Disente ka naman na pasok sa criteria ko." "Disente talaga akong tao, Atty, pero baka lang po nakalimutan n'yo na may nobyo ako. At siya po ang dahilan kung bakit ako lumapit sa 'yo para humingi ng tulong." Paalala ko dahilan para salubungin niya ng tingin ang mga mata ko. Napalunok ako bago nagpatuloy. "Bakit hindi n'yo na lang ako tulungan tapos hahanapan ko kayo ng tamang babae para sa inyo. Iyong single. Iyong malaki ang posibilidad na magustuhan n'yo ang isa't isa along the way ng marriage n'yo." "Marami akong kaibigan, disente, single, ready to mingle at higit sa lahat ay virgin pa. H-Hindi kagaya ko na may mahal ng iba at h-hindi na v-virgin," nangungumbinsing dagdag ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang nabadtrip ito. "Atty." Bumalik ito sa pagkakaupo at pinaglaruan ang ballpen na hawak niya