Nakalagay sa likod ni Sunny ang kamay ni Tristan, inaalalayan ito sa paglalakad habang mahinang nagbubulungan ang dalawa.
"Sila na ba?" tanong niya kay Drake na hindi pinansin ang tanong nito sa kaniya kanina.
Nagkibit-balikat naman ito.
"Ewan. Hindi namin alam kung ano'ng score sa kanilang dalawa. Bakit? Selos ka?" nanunudyong tanong nito sa kaniya.
Lumabi siya at inirapan ito.
Siyempre . . . Bulong niya sa isip. Pero hindi niya isinatinig dahil alam niyang tutudyuin lang siya ni Drake. Dapat talaga hindi na lang siya sumabay sa mga ito, hindi niya pa kasama si Tere dahil sinundo ito ng kuya niya.
"Alam mo, hindi ko akalain na ipagtatanggol mo si Sunny roon sa grupo nina Melody," anito na nakapagpalingon sa kaniya.
"Kapatid ko siya, malamang na tulungan ko siya kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Ikaw ba kapag nakita mong ginugulpi ng iba ang kapatid mo, hindi mo gagawin ang ginawa ko?"
Nagkibit ito ng balikat. "Wala akong kapatid," simpleng sagot nito.
"Tss!" palatak niya at hindi na ito umimik pang muli.
Itinuon niya ang mga mata kina Sunny at Tristan. Naiinggit siya sa kapatid, gusto niya ring maranasan na maalalayan ni Tristan na parang isang mamahaling bagay na handa nitong ingatan anumang oras. Gusto niyang titigan din siya nito na para siyang napakagandang tanawin na hindi nito kayang tiisin na hindi titigan.
Gusto niyang mapunta sa lugar ni Sunny.
"Kain muna tayong fishball!" aya ni Bench at nauna nang maglakad palapit sa nagtitinda ng fishball.
"Libre kita, tara!" ani naman ni Drake sa kaniya, hinawakan pa siya nito sa siko at iginiya papunta sa nagtitinda ng fishball.
"Here," ani Tristan kay Sunny, iniaabot nito ang plastic cup na may lamang fishball at kikiam na ito mismo ang tumuhog.
"Gusto mo ikuha rin kita?" tanong sa kaniya ni Drake.
Nangunot ang noo niya. Nagtataka siya kung bakit kanina niya pa ito napapansin na parang bumait sa kaniya. Hindi naman siya dating ganito, madalas siyang asarin nito at buwisitin na hindi nito ginagawa simula pa kanina. Hindi rin ito humihiwalay sa kaniya.
"May gusto ka ba sa akin?" diretsang tanong niya rito.
Nagulat naman ito sa tanong niya at hindi lang ito ang nagulat dahil napalingon din sa kanila ang mga kasama nila, pati si Tristan. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya.
"Oooooh! Relasyon!" sigaw ni Justin, nakipag-apir pa ito kina Bench at Carlo habang nagtatawanan ang mga ito. Maski si Tristan ay napangiti rin, samantalang nangunot naman ang noo ni Sunny na nakatingin sa kanilang dalawa ni Drake.
"Gutom lang 'yan!" ani Drake na pulang-pula ang mga tainga at hindi makatingin sa kaniya nang diretso.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Nakaramdam ng hiya dahil sa katabilan ng bibig niya. Baka mamaya isipin ni Tristan na napaka-assume-ra niya para isiping may gusto sa kaniya si Drake. Guwapo si Drake, maski sina Bench, Justin, at Carlo. Kaya nga sikat ang mga ito sa campus. Kaya napakaimposible nang itinanong niya kay Drake kanina dahil sino ba siya? Si Amelie lang naman siya. Hindi na nga kagandahan, hindi pa kasing talino ni Sunny.
Kinuha niya na lang ang inabot sa kaniya ni Drake at nagsimulang kumain. Hindi na siya nag-angat pa ng tingin kahit tumabi na ulit sa kaniya si Drake at nag-umpisa na ring kumain. Nang matapos sila, kinuha pa sa kaniya ni Drake ang plastic cup at stick niya para itapon. Inulan tuloy sila ng tukso na tinawanan lang nito.
"MAS mabuti pa araw-araw ka na lang sumabay sa amin," ani Drake nang naglalakad na sila. Niyuko siya nito. "Hindi titigil sina Melody hangga't hindi 'yon nakagaganti," anito na may concern sa tinig.
"Bakit ba siya nakabangga ni Sunny?" tanong niya.
Dumikit sa kaniya si Drake para bumulong. "Ex ni Tristan si Melody," mahinang bulong nito.
Nanlaki ang mga mata niya at nilingon ito. "Totoo?"
Tumango ito. "Kaya siguro niya inaway si Sunny kasi napapabalitang nililigawan ni Tristan si Sunny."
Parang may sumipa sa dibdib niya sa narinig. Nililigawan ni Tristan si Sunny? Napasulyap siya sa dalawa na nasa unahan nila. Kaya pala close na close ang mga ito. Kaya pala sobra kung asikasuhin ito ni Tristan.
May gusto si Tristan kay Sunny . . . at ang sakit, wala naman silang relasyon ni Tristan—dahil malabong mangyari 'yon—pero ang sakit-sakit. Para siyang pinagtaksilan.
Hindi na siya umimik at napansin naman 'ata iyon ni Drake kaya tumahimik na lang ito hanggang sa makarating sila sa kalye nila. Nakita niya pa nang haplusin ni Tristan ang braso ni Sunny bago ito nagpaalam.
"Gusto mo sunduin kita bukas?" tanong sa kaniya ni Drake. Seryoso ang mukha nito pero halatang kinakabahan.
"Bakit?" takang tanong niya.
"Para sabay tayong papasok sa school."
Ipinaikot niya ang mga mata. "Sabado bukas, walang pasok."
Napakamot ito sa batok. "Oo nga pala."
"Drake! Lika ka na!" tawag ni Carlo kay Drake. Nauuna nang maglakad sina Carlo at kasabay na ng mga ito si Tristan.
"Bye!" ani Drake sa kaniya na tinanguan niya lang.
"Nanliligaw sa 'yo si Drake?" tanong ni Sunny nang silang dalawa na lang ang sabay na naglalakad.
Nangunot ang noo niya. "Saan mo naman napulot 'yan?"
"Halata namang may gusto sa 'yo si Drake," nakangiting anito pero may ibang emosyon ang dumaan sa mga mata ni Sunny na hindi niya alam kung ano.
Hindi na niya pinansin iyon dahil sa sinabi nito. Siya? Magugustuhan ni Drake? Imposible!
"Akala mo lang 'yon. Teka ano nga palang idadahilan mo kina Tita at Daddy kapag nakita nila 'yang mga pasa at kalmot mo?" tanong niya.
"Wala sila ngayon. Bukas lalagyan ko na lang ng concealer."
Tumango-tango siya. Naalala niyang may out of town nga pala ang daddy niya kasama ang mommy ni Sunny. Silang dalawa lang ngayon at ang mga katulong ang maiiwan sa bahay.
"Salamat nga pala."
Napalingon siya kay Sunny.
"Salamat dahil tinulungan mo ako kanina," anito.
Nagkibit siya ng balikat. "Kapatid kita, e," simpleng sagot niya at naunang pumasok sa bahay.
WEEKEND at maaga siyang sinundo ng mommy niya at iniwan sa bahay ng lola niya bago ito umalis. Sanay na siya kaya balewala na sa kaniya kahit pa imbis na makapiling niya ito at maka-bonding ay mas gusto nitong iwanan siya sa pangangalaga ng lola at lolo niya.
Nagmano lang siya at inilapag ang bagpack sa living room saka nagtatakbo na sa kabilang bahay.
"Good morning, Ate Melba!" bati niya sa kasambahay na nagdidilig ng halaman. Tinanguan lang siya nito.
Excited naman siyang pumasok sa loob ng kabahayan at agad na hinanap si Tita Bianca. Natigil lang siya sa pagpasok sa kusina nang dumaan sa harapan niya si Tristan na naghihikab pa, halatang inaantok pa dahil namumungay ang mga mata nito, gulo-gulo rin ang kaniyang buhok, mukhang kababangon lang sa kama.
Napalunok siya, parang napigil ang paghinga niya nang masilayan niya ito. Ngayon niya lang nakita si Tristan na bagong gising pero ang guwapo pa rin nito.
"Hoy!"
Nilingon niya si Kuya Travis na nakasuot na naman ng basketball uniform nito at may hawak na bola. Nakangisi ito sa kaniya at nanunudyo ang mga mata.
"Na-in-love ka na naman," anito sabay akbay sa kaniya.
Kung posibleng ma-in-love nang paulit-ulit sa isang tao ay gano'n ang nangyayari sa kaniya kapag nakikita niya si Tristan. Nahuhulog siya riato nang paulit-ulit at hindi niya alam kung makaaahon pa siya. Napabuntonghininga na lang siya habang sinusundan ng tingin si Tristan.
"Ang guwapo niya talaga, Kuya," aniya na nangangarap nang gising.
Sinakal naman ni Kuya Travis ang braso niya sa leeg at natatawang hinila siya patungo sa dining area. Naroroon na si Tito Henry—ang Daddy ni Tristan at Kuya Travis—nasa tabi nito si Tita Bianca na pinagsisilbihan ang asawa. Nakaupo na rin si Tristan at tahimik na umiinom ng kape.
"Ma, nandito na 'yong manugang mo," natatawang ani Kuya Travis.
Inis na siniko niya ito dahil sa kalokohan. Namumula tuloy ang mukha niya dahil sa pag-iinit. Hindi tuloy siya makasilip man lang kay Tristan.
"G-Good morning p-po . . ." nahihiyang bati niya sa mga ito.
Nakangiti rin namang bumati sa kaniya ang mag-asawa. "Maupo ka na, hija, nag-almusal ka na ba?" magiliw na tanong ni Tita Bianca.
"For sure hindi pa. Nakita ko 'yan nagmamadaling tumakbo rito, e," natatawang pangbubuko ni Kuya Travis sa kaniya.
Natawa rin naman si Tito Henry. "Ampunin na kaya natin si Amelie, sweetie?" biro ni Tito Henry.
"Naku, incest kalalabasan mo niyan, Ami," bulong ni Kuya Travis. Siniko niya ito dahil hiyang-hiya na talaga siya. Pasimple niyang sinilip si Tristan sa gilid ng mata niya. Wala itong pakialam sa paligid at tahimik lang itong kumakain.
Hindi na naman niya naiwasang mag-imagine na inaasikaso niya si Tristan habang nag-aalmusal ito. Siya ang magluluto ng agahan, magtitimpla ng kape nito sa umaga—tapos magpapasalamat ito sa kaniya at yayakapin siya, at marami pang iba. Haaay . . .
Simula noong twelve siya, ang pinangarap niya na ay ang pagsilbihan si Tristan, ang maging maybahay nito. Kaya nga ngayon pa lang ay nag-aaral na siya kung paano magluto. Inaalam niya rin kung ano-ano ang mga paborito nitong pagkain sa tulong ni Tita Bianca.
"Siya nga pala, Tristan, nag-take ka na ba ng entrance exam sa university?" tanong ni Tito Hentry na nagpahinto sa kaniya sa pagkain.
"Yes, Dad," sagot ni Tristan.
Oo nga pala, graduating na si Tristan, college na ito sa sunod na pasukan. Hindi niya na ito madalas makikita. Biglang siyang nalungkot. Kaya lang naman siya sinisipag pumasok araw-araw para masilayan ito.
"Good. Ikaw naman, Travis, kumusta ang mga grades mo?" Bumaling si Tito Henry sa panganay niya.
"Good na good, Dad," sagot ni Kuya Travis kahit punong-puno ng pagkain ang bibig.
"That's great!" Nasiyahan naman si Tito Henry sa sagot ng mga anak.
NANG matapos ang almusal ay umalis na rin sina Tito Henry at Kuya Travis. Naiwan naman siya sa kusina kasama si Tita Bianca, tinutulungan niya ito na linisin ang mga pinagkain at maghanda ng iba-bake nila. Samantalang umakyat namang muli si Tristan sa kuwarto nito.
Wini-whisk niya na ang whip cream nang may tumawag kay Tita Bianca at magpaalam ito sa kaniya na sasagutin lang ang tawag.
Nanigas naman siya sa kinatatayuan niya nang makitang pumasok sa kitchen si Tristan. Nakaligo na ito at nakasuot ng pambahay habang may nakasalpak ng earphone sa tainga nito. Ang fresh nitong tingnan samantalang siya puro harina ang mga kamay at medyo maasim na rin siya. Nahiya siya ng kaunti. Nagkatinginan sila ni Tristan at muntik na siyang mapasinghap. Muntik niya nang maibuko ang sarili rito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Tristan para hindi nito mapansin na bigla siyang na-excite nang dumating ito.
Nagiging malikot na naman ang imahinasyon niya, nag-uumpisa na naman siyang managinip nang gising at walang ibang nasa panaginip niya kundi si Tristan. Nakasunod sa bawat galaw ni Tristan ang mga mata niya.
Pumunta sa ref si Tristan at kumuha roon ng juice. Nakikiramdam siya sa mga kilos nito sa loob ng kitchen hanggang sa napapitlag siya nang maupo ito sa stool na nasa tabi niya.
"Ano 'yan?" kaswal tanong nito sa kaniya.
"H-Ha?" nauutal na tanong niya kahit narinig niya naman. Kaso umandar na naman ang pagka-eng-eng niya. Nabigla kasi siya nang kausapin siya nito. Nagmukha tuloy siyang gaga na nakatingin lang dito.
"Sabi ko, ano 'yan?" ulit nito sabay sulyap sa ginagawa niya.
"Ahhh . . . w-whip cream," nabubulol na sagot niya. Hindi niya mapigilan ang sariling mabulol dahil napakalapit sa kaniya ni Tristan, amoy na amoy niya ang pabango nito na naglalaro at tumatambay sa ilong niya.
"Para sa cupcakes?" tanong nitong muli habang umiinom ng juice.
Hindi niya tuloy malaman kung ano ang uunahin niya. Ang titigan ito habang umiinom o sagutin ang tanong nito.
"A-Attend ka ba ng valentines' ball? Kasali ang Grade 10, 'di ba?"
Napakurap-kurap siya. Two weeks na lang valentines' ball na. At oo, kasama ang mga Grade 10 student, pero wala siyang balak um-attend dahil wala naman siyang gagawin do'n. Wala siyang date at hindi rin a-attend si Tere.
"Oo, kasama ang mga Grade 10. In-annouce na last month." Aabutin niya sana ang liquid food color nang unahan siya ni Tristan at ito ang nag-abot sa kaniya.
"T-Thanks."
Hindi na lang boses niya ang naginginig pati na rin ang mga kamay niya dahil muntik nang magdikit ang mga kamay nila ni Tristan.
"A-Attend ka?" tanong nito.
Yumuko siya at hinayaang humarang sa mukha niya ang kaniyang buhok para hindi nito makita ang kilig na bumalatay sa kaniyang ngiti. Ayaw niyang mag-assume pero feeling niya talaga may something sa mga tanong ni Tristan.
Marahan siyang umiling. "Hindi ko alam. W-Wala naman kasi akong kasamang a-attend."
"Kung sasamahan kita, pupunta ka?" nananantiyang tanong ni Tristan.
Mariin niyang kinagat ang labi para pigilin ang malakas na tili.
"S-Sasamahan mo ako?" hopeful na tanong niya rito.
"Mmm . . . susunduin kita sa inyo," anito saka tumayo na at lumabas ng kusina.
Nanghina naman ang mga tuhod niya kaya napaupo siya sa sahig.
Sasamahan siya ni Tristan sa ball! Si Tristan ang makakasama niya sa ball!
"Oh, Amelie, what happened?" nag-aalalang tanong ni Tita Bianca na mabilis na dinaluhan siya at inalalayang makatayo. "Are you sick?"
Namimilog ang mga matang umiling-iling siya. She was so shocked. Si Tristan! Inaya siya ni Tristan!
Tita, 'yong anak mo lakas magpakilig!
MAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp
IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam
"TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s
"HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong
"GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa."W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan."Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—""Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan."'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan.""Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"Huminga muna siya nang malal
AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito."Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pa