Napapikit si Roxanne na isinandal ang kanyang likuran sa malambot na backrest. Napaisip din siya sa katangahan niya na ipinaalam kay Jameson kung saan siya nakatira at hindi niya maintindihan kung bakit nanlalambot pa rin ang puso niya sa lalaki. "So dito kalang pala nakatira." Ani ni Jameson at pinarada ang kanyang sasakyan sa tapat. Bumaba silang mag-asawa habang inutusan ni Jameson ang dalawa niyang bodyguard na dalhin ang mga gamit sa kanyang kwarto. Inalalayan niya rin si Roxanne sa hagdan na napahawak sa railings, pero nagulat siya nang bigla itong natumba at mabuting kaagad niya itong nasalo. "Roxanne!" Naramdaman niya ang mainit niyang balat kaya dali-dali niya itong dinala sa loob ng kwarto para ihiga sa kama. Pinaalis niya na ang mga guwardiya kaya silang dalawa lang ang natira sa loob. Inasikaso niya ngayon ang asawa at nagpunta sa salas para kumuha ng maaligamgam na tubig at pamunas. Inayos niya ang mesa at napansin ang isang papel na nakadikit sa dingding.
Pumintig ang mga taenga ni Jameson ng marinig iyon at hindi siya naniniwalang baog ang asawa. "That's not true, hindi lang siya handa na magbuntis. At kahit wala kaming anak, hindi iyon rason para maghiwalay kami dahil mahal na mahal ko siya." "You're a fool, Jameson. If you truly love your wife then why did you fuck your secretary, huh? Wala ka talagang pinagkaiba sa tarantadong ama mong si Emerson, nakikita ko ang pagmumukha niya sayo!" Pang-iinsulto ni Lolo Gerald. Kinamumuhian niya ang ama nila na niloko si Juliette noon at ipinagpalit sa ibang babae. "Dad! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang anak ko!" Suway ni Madame Julie na bumaba ng hagdan at nilapitan si Jameson na nilalamon na ng kanyang emosyon. Ipinaupo niya ang anak sa couch at kinausap, "Jameson, you need to calm down. That's not true okay? H-hindi ka katulad ng ama mo." Nasasaktan din siya bilang ina na makita ang anak niyang nagkakaganoon. Napabunting-hininga si Lolo Gerald at tumingin sa apo, "Akala ko ba
"Let's go home." Hinawakan ni Devon ang kamay ni Roxanne at akmang aalis pero napahinto siya dahil mayroong ipinahabol si Grandpa Gerald. "Mas pinapanigan mo ang babaeng 'yan kaysa sa kapatid mo. Wala ka talagang kwenta!" Bulyaw nito at inunahan silang makaalis doon. Hindi na ito pinansin ni Devon at dumeretso sa labas. Pinagbuksan niya si Roxanne ng pinto para makapasok sa loob ng sasakyan at para ihatid sa kanyang tinitirhan. "Sa susunod, huwag ka basta-bastang sasama sa kahit na sino." Seryosong sabi ni Devon habang iniikot ang manobela. Tumango si Roxanne na hinuhubad ang kanyang basang blouse. May suot naman siya na manipis na sando at nakikita ang strap ng kanyang kulay itim na bra sa balikat. Sinusubukan ni Devon na ituon ang atensiyon sa kalsada pero hindi niya maiwasan na maakit sa hitsura ni Roxanne na biglang nagpainit sa kanyang katawan. "Wear your clothes." Utos niya. "Kita mo namang basa ang blouse ko, diba?" Taas kilay niyang tugon at napansin na nai
Kanina pa tumatawag si Grace kay Roxanne para kamustahin ito ngunit hindi ito sumasagot. Nasanay siya na kaagad sinasagot ng kaibigan ang kanyang tawag. Hindi niya maiwasang mag-alala kaya naisipan niyang puntahan ito para kamustahin. Pagdating niya doon, nagulat siya nang makita si Jameson Delgado na kakalabas lang ng building kaya dali-dali siyang nagtago sa likod ng punongkahoy. Siguradong malilintikan siya ng lalaki na sinabihan niyang wala siyang alam sa kinaroroonan ni Roxanne. "Oh my gosh. Papaano niya nalaman 'to?" Tanong niya tsaka napakamot sa ulo. Nang makaalis si Jameson, magmadali siyang umakyat sa building at narating ang pintuan. "Roxanne? Si Grace 'to. Nandyan ka ba?" Kumakatok siya ng ilang beses. Nang mabuksan ang pinto, nakita niya si Roxanne na magang-maga ang mata dahil sa kakaiyak. "Anong nangyari sayo??" Nilapitan niya ito para yakapin. "W-wala lang." Pinipilit ni Roxanne na ngumiti ngunit namumutawi ang lungkot sa kanyang mga mata. "Anong wala la
Kinakabahan si Grace sa sinabi ng babae na nagpakilalang girlfriend ni Liam Bautista dahil ang totoo ay boyfriend na tinutulungan siya sa kanyang negosyong bar. Hinawakan ni Roxanne ang malamig niyang kamay at hinila. "Hayaaan mo na yan, besh. Papansin lang 'yan." Tumango naman si Grace. "Oo nga. Nagsasayang lang tayo ng oras dito." Sa pagtalikod ng dalawa nakita nila ang isang lalaking pumasok sa loob ng store. Natigilan si Grace ng mamukhaan na ito ay si Manuel. Ang assistant ng kanyang boyfriend. Nagmamadali ito na lumapit sa babae na mahigpit ang hawak sa bag na naglalaman ng dress na nais niyang bilhin. "Miss Naomi, mayroon pong inaasikaso si Sir Liam kaya ako ang ipinadala niya ngayon." Ani ni Manuel. "Ano po pala ang problema Miss?" "Ang mga babaeng 'to kasi, inaagawan ako." Turo niya sa gawi nila Roxanne at Grace. Napatingin si Manuel sa kanila at nanlaki ang mata niya nang mapansin ang nakabusangot na mukha ni Grace. "Miss Grace?" Usal ni Manuel na nakaramdam n
Inihatid ngayon ni Roxanne si Grace sa kanyang condo, hindi rin siya nagtagal doon at nagpaalam para umuwi sa boarding house. Paglabas niya sa elevator. Nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa labas na kanina pa siya hinahanap. "Roxanne, kailangan nating mag-usap." Kaagad siyang hinila ni Jameson at dinala siya sa parking lot. May inilabas si Jameson na mga larawan at ipinakita sa kanya. "Anong ibig sabihin nito?" Medyo madilim ang paligid kaya nahihirapan si Roxanne na tignan ito pero naaninag niya na litrato ito kung saan ay lumabas siya sa isang hotel at sa isang litrato naman ay makikita si Devon na sumunod na lumabas doon. Napatingin si Roxanne sa lalaki na alam niyang pinag-iisipan siya ng masama. "At anong problema mo d'yan?" "Tsk. Hindi ako tanga, Roxanne. May nangyari sa inyong dalawa noong gabing iyon, tama ba?" Nais niyang kumpirmahin ni Roxanne ang kanyang pagdududa. Nalaman din ni Jameson na burado ang surveillance footage ng hotel noong gabing iyon
"W-wala nga tayong dapat na ipangamba pero papaano natin ipapaliwanag kung sakaling may makaalam na m-magkasama tayo sa iisang kwarto nun?" Pag-aalala ni Roxanne. "Then tell them you entered the wrong room and may black out that night." Ani ni Devon. Napag-usapan din nila na dumistansya muna sila sa isa-isa upang timigil si Jameson sa pagdududa na mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. Pagdaan ng linggo, natapos na ang suspensyon ni Roxanne kaya nakabalik na siya sa trabaho. Pagpasok niya sa office, napansin niya na mayroong nakapatong sa kanyang mesa. Isa itong bouquet ng rosas at mayroon ding maliit na pulang box. Binuksan niya ito at nakita na ang laman nito ay mamahalin kwintas na mayroong diamond. May card din na nakaipit sa loob ng bulaklak kaya binasa niya ito. [Your beauty enchants me like a rose in bloom. With each rose, I offer you my heart and soul.-Jameson] "Taray mo, Roxanne. Ang yaman naman ng manliligaw mo." Ani ni Lily, ang kanyang isang workmate na sin
Nakapagbihis na si Roxanne at humiga sa kama pero bigla siyang may naisip kaya kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan na isang kakilalang ahente upang ipagkatiwala na ibenta ang isang mansyon. "I'll tell you the address Mang Ruel, and pwede mong samahan ang buyer para tignan ang mansyon. If ever makabenta tayo then I'll give you 3% of the price commission." Nagkakahalaga ng walong milyon ang mansyon na kanilang ibebenta kaya malaki-laking komisyon ang mabibigay niya sa ahenteng tutulong sa kanya para maghanap ng bibili nito. Bago matapos ang kanilang pag-uusap may itinanong sa kanya ang ahente. "Ma'am, bakit pa po kayo tumitira sa isang boarding house kung mayroon kayong malaking mansyon?" Ayaw ni Roxanne na may malaman ito kaya gumawa siya ng kapani-paniwalang rason. "Sorry but hindi akin ang bahay na 'yon. Sa kaibigan ko 'yon." Sagot niya. Ibinaba na ni Roxanne ang phone niya tsaka naman ipinadala ang mga detalye ng mansyon na kanilang ibebenta. Alas-nuebe na p
"Sige, alamin mo kung ano ang nangyari kay Roxanne nitong mga nakaraang taon at kung sinu-sino ang mga nakasalamuha niya!"Hindi siya pwedeng kumilos nang personal, ganoon din ang mga taong malapit kay Roxanne."Opo, Ma'am."Pagkaalis ng tao, matalim na tumitig si Irene sa bintana, puno ng galit ang kanyang mga mata.‘Kung patay na siya, bakit kailangan pa niyang magpakita sa kanila? Hindi ba mas mabuting manatili na lang siyang patay?’ Isip niya.Sa kahit anong paraan, ngayong pagkakataon ay hindi na niya hahayaan na may sinuman pang sumira sa relasyon nila ni Devon!Dahil natagalan sila sa mall, bandang alas-singko na sila nakarating sa bahay ni Paris, kaya nagdesisyong maghapunan na rin si Donovan sa kanila.Habang nagluluto si Paris, tumutulong si Donovan sa gilid.Habang pinagmamasdan niya si Paris na nakasuot ng apron, nakatali lang ng simpleng itim na goma ang kanyang mahabang buhok, at tahimik ang kanyang kilos, biglang lumambot ang puso ni Donovan.Ang simpleng buhay na ganit
"Oo, hindi niya nga ako makilala. Mabuti na rin ‘yun at para na rin sa kaligtasan ng anak ko.”Matatag ang kanyang tingin, at wala ni kaunting bakas ng pananabik kay Devon. Sa wakas, nawala na ang pagkabahala ni Donovan na matagal na niyang kinikimkim.“Don’t worry, Paris. Nandito naman ako para tulungan kang protektahan si Lance.""Salamat, Donovan."Pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan, nagsalita si Donovan na may bahid ng pag-aalala, "Pero nasa Manila na ngayon si Devon. Baka hindi mo na maitago ang mga nangyayari sa'yo roon nang matagal."Hindi nagulat si Roxanne sa sinabi niya. May kutob na siya noon pa man nang makasalubong niya si Irene sa isang restaurant. Ngunit ngayon, si Devon ang nawalan ng alaala. Hindi siya ang dapat matakot, kundi si Irene.Pagkatapos ng lahat, si Irene ang fiancée ni Devon ngayon. Kahit pa nawalan ng alaala si Devon, siguradong nababalisa siya na baka isang araw ay maalala ng lalaki ang lahat at kanselahin ang kasal nila.Ang isang tao, kapag mas
Napangiti si Melissa at mabilis na nagsalita, "Salamat, Miss Paris!"Ngumiti si Paris. "Sige, simulan na natin ang paghahanda para sa experiment."Sa tulong ni Paris, naging maayos ang takbo ng eksperimento.Bandang alas-sais ng umaga, tiningnan ni Melissa ang data sa computer at napabuntong-hininga ng may gaan sa pakiramdam. Lilingon na sana siya para ibalita kay Paris ang magandang resulta nang mapansin niyang nakatulog ito sa mesa.Hindi na niya itinuloy ang sasabihin at kusa na ring naging mahina ang kanyang paghinga.Kagabi, salitan silang nagpahinga, pero si Paris ay tutok na tutok sa eksperimento. Malamang ay sobrang pagod ito dahil hindi talaga ito nakatulog buong gabi.Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na ibang tao."Mr. Devon, ito po ang aming laboratory, silipin niyo po..."Pagkapasok na pagkapasok ni Devon, agad na napako ang tingin niya sa mahinang pigura na natutulog sa mesa. Biglang lumalim ang ekspresyon sa kanyang mga mata.Tumayo agad sina Melissa at kasa
Habang nakatitig siya sa kalmadong mga mata nito, sandaling natigilan si Irene. Naalala niya kung paano tumingin si Devon noon kay Roxanne—may lambing at pagtitimpi. Ngunit ngayon, wala ni kaunting bakas ng ganung damdamin.Tatlong taon na silang magkasintahan, pero kahit kailan, hindi siya tiningnan ni Devon ng ganoon ka-giliw, gaya ng tingin niya kay Roxanne. Kapag nakatingin ito sa kanya, palagi na lang kalmado, malamig, at walang emosyon.Minsan ay napapaisip si Irene, baka naman pinili lang siyang maging kasintahan dahil akala nito’y siya ang pinakaangkop na ipareha?Pinilit niyang itaboy ang magulong kaisipan at mahina niyang sabi, "Wala naman, siguro napagod lang ako sa biyahe."Lumapit siya at naupo sa tabi ni Devon. Kinagat niya ang ibabang labi, saka buong tapang na nagsalita, "Devon, bakit hindi na lang tayo magpakasal ngayong taon? Hawak mo na ang kumpanya, wala namang masyadong problema ngayon. Gusto ko nang magpakasal."Hindi siya sinagot ni Devon, sa halip ay malamig nit
Tumango si Lance. "Yes po, Uncle Lance."Mas lalong lumambot ang ngiti ni Donovan at naging banayad ang kanyang mga mata. "Miss na miss ka na ni Tito. May dala akong regalo para sa’yo."Habang nagsasalita, parang mahikang inilabas ni Donovan mula sa likod ang isang set ng English books at iniabot ito kay Lance."Huling beses na nakita kitang nagbabasa ng ganitong libro sa bahay. Kaya ngayong nagpunta ako sa ibang bansa para sa business trip, binili ko na ang original na version para sa’yo. Gusto mo ba ito?"Napangiti si Lance sa tuwa. "Thank you po, Uncle Donovan!"Kinuha niya ang libro at sabik na binuksan ito. Sa wakas, lumabas din ang inosenteng ngiti ng isang bata sa dati’y seryoso niyang mukha.Tiningnan ni Paris si Donovan na may bahid ng pagkaasiwa. "Huwag ka nang gumastos sa susunod. Mahal ‘yan."Limang taon na ang nakalipas mula nang dumating siya sa Maynila. Hindi rin nagtagal ay natagpuan siya ni Donovan. Malaki ang naitulong ni Donovan sa kanya nitong mga nakaraang taon—par
Hindi na pinagtuunan pa ni Roxanne ang usapan at ipinagpatuloy ang naunang paksa. Matapos ang ilang sandaling pag-uusap, pinag-isipan ni Devon at sa huli ay nagdesisyong mamuhunan sa dating pinagtatrabahuan ni Roxanne.At pinapaalala niya sa sarili na hindi na siya si ROXANNE na kinalimutan ng lahat, siya na ngayon si PARIS at may kakaunting pagbabago sa kanyang hitsura kaya hindi siya masyadong makilala.Lagpas alas-diyes na ng gabi nang matapos ang salu-salo. Sina Paris at ang kanyang mentor ay inihatid sina Devon at ang iba pang mamumuhunan sa harap ng hotel.Ang sekretaryong kasama ni Devon sa pagkakataong ito ay si Chris. Na-recruit siya sa Pharmanova apat na taon na ang nakalilipas at personal na sinanay ni Secretary Kenneth. Ang estilo niya sa trabaho ay halos pareho ng kay Secretary Kenneth.Habang pauwi, hindi naiwasan ni Secretary Chris ang mapabuntong-hininga. “Ang ganda at ang galing ni Miss Paris. Siguradong maraming nanliligaw sa kanya!”Nagbabasa si Devon ng dokumento at
Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige
"Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J
Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin