Nagmamaneho si Jameson papunta sa tinitirhan ni Savannah na apartment dahil hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Pagdating niya doon, naabutan niya itong nagbibilang ng maraming pera na nag kalat sa sahig. "Jameson? A-anong ginagawa mo dito?" Natataranta siyang iniligpit ang mga pera sa ilalim ng kama. Inayos niya rin ang sarili tsaka hinarap ang lalaki na matalim ang tingin. "Madami ka ng nahablot na pera sa lolo ko ah?" Sarkastikong tanong ni Jameson. Napayuko si Savannah na mayroong maduming sekreto dahil nakakatanggap siya ng pera mula kay Lolo Gerald na pinag-uutusan siya. Minsan binebenta niya na rin ang katawan para pasayahin ang matanda. "Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi na tumawag ang asawa ko??" Seryosong tanong ni Jameson. Natakot si Savannah na tingnan ang mga mata nitong nag-aapoy sa galit, "T-tumawag siya p-per-" "Anong sinabi niya?!" Nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses ng lalaki. "S-sinabi niyang kinidap siya pero hindi naman kapani-paniw
"Huwag niyo pong ikuwenta sa akin ang nagawa mong tulong dahil hindi naman namin hiningi iyon. Ikaw ang nagkusang lumapit sa amin at nagpapasalamat ako nun pero hindi ibig sabihin ay may utang na loob ako sayo." Pagkaklaro ni Roxanne, hindi niya nagustuhan na binanggit nito ang kondisyon ng ama. Nanunuyo ang lalamunan ni Madame Evelyn at magsasalita pa sana siya pero nakita niyang may pumasok na matangkad na lalaki. "A-anong ginagawa mo dito, Sir Devon?" Tanong niya. Kilala niya na ito ang CEO ng Pharma Nova at kung saan nagtatrabaho ang kanyang asawa. "I'm her brother-in-law, at sino po ba kayo?" Tugon ni Devon. Napakagat-labi si Grace na pinipigilang matawa dahil na back-to-you ang babae na ginanon siya kanina. "Hindi niyo po ba ako maalala? A-ako ang asawa ni Robert Garcia." Pangiti-ngiti si Evelyn na tinignan siya mula ulo hanggang paa. Namamangha sa sobrang gwapo na parang lumabas mula sa libro. Naalala naman ni Devon na nais ipatalsik ni Jameson ang asawa niyang si
Narinig ni Roxanne ang kanyang mga sinabi, tumigil na rin siya sa pagpapanggap kaya iminulat niya ang mga mata at tiningnan ang asawa na nasurpresa sa kanyang kinauupuan. "Iyon ba talaga ang ikinakatakot mo, Jameson? Ang mahulog ako sa kapatid mo??" Seryoso niyang tanong. "O-oo, dahil intensyon niyang kunin ang loob mo kaya ginagawa niya itong lahat para mapaniwala kang mabait siyang tao pero pinagtatakpan niya lang ang totoo niyang kulay." Paninira ni Jameson at wala siyang pakialam kung maririnig man siya ng kapatid sa labas. "Ang lakas mong manghusga sa ibang tao no? Pero hindi ka makatingin sa sarili mong repleksyon para makita mong ikaw ang kasuklam-suklam. Habang ang sinisiraan mo, narito para sa akin, nagmamalasakit ng walang kapalit." Bumigat ang pakiramdam ni Jameson dahil sa paraan na tingnan siya ng asawa, "Gumagawa rin naman ako ng paraan na makabawi pero binabalewala mo lang. Mas pabor ka pa nga kay Devon kaya ano ang ibig sabihin nun? Binibigyan mo siya ng mot
Lumabas na si Roxanne sa presinto at naglakad siya papunta sa kalsada para pumara ng sasakyan nang biglang may paparating na malaking truck na nawalan ng preno at patungo ito sa kanyang direksyon. Wala sa katinuan si Roxanne na nanigas lang sa kanyang kinatatayuan pero may humila sa kanyang tao papalayo sa disgrasya. "Miss? Okay ka lang ba?" Tanong ng lalaking napadaan lang din sa tabi. Nakatulala si Roxanne na tumingin sa tao tsaka bumalik siya sa reyalidad, "S-salamat." Mahina niyang sabi. Dahan-dahan siyang tumayo at nakita ang truck na mabuting tumama lang sa puno. "Maging maingat ka naman miss, muntik ka ng mahagip ng truck kanina." Sabi naman ng lalaki tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Habang pumara na si Roxanne ng taxi at nagpahatid papunta sa hospital na kung nasaan nagpapagaling pa ang ama. Pagdating niya doon, nasurpresa si Tita Martha na makita siyang nakalabas na pala, "Pamangkin!" Nilapitan siya nito at niyakap. "Mabuting magaling ka na." "Opo, tita. Tsa
Itinanggal ni Roxanne ang suot na earphones dahil nasurpresa siyang marinig ang sinabi ng asawa. Nakaramdam din siya ng ginhawa dahil magagamit kaagad ang ama niya doon sa hospital para masiguro ang kanyang paggaling. "S-salamat, Jameson." Naiinis man kay Jameson pero parang gumaan ang loob niya ng kaunti kaya may naisip siyang bagay para makipag-ayos pero hindi ibig sabihin ay makikipag-balikan siya sa kanya. "Pasensiya na rin kung naging malamig ako sa iyo. N-nahihirapan pa rin kasi akong patawarin ka pero susubukan ko ng paunti-unti. Gusto ko lang din na matigil na ang pag-aaway natin." Kumislap ang mga mata ni Jameson at abot-tengga ang kanyang pagkakangiti, "Seryoso ka, Roxanne?" Akala niya ay galit pa rin ito sa kanya, ngunit hindi niya inaasahan na makikipag-ayos ito ngayon. Tumango si Roxanne, "Yep, kahit hindi pa kita napapatawad ng lubusan, naisip ko ring mali na lagi nalang tayong nag-aaway. Tapos, naisipan ko rin na umuwi na sa mansyon sa susunod na araw k-kasi tama
Nagpupumiglas si Roxanne dahil ayaw niyang mahuli sila ni Jameson na naghahalikan doon. Binitiwan naman siya ni Devon na nawawala sa sarili matapos na nakainom ng baso ng alak. Alam niyang asawa ito ng kanyang kapatid ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Nagiging mapusok siya bigla kapag nakikita siya. Pareho silang binalot ng katahimikan sa loob pero binasag ito ni Devon. "Ang sabi mo diba, hihiwalayan mo na siya? P-pero bakit magkasama kayo ngayon?" Naguguluhan si Roxanne sa pinagsasabi niya, "A-asawa ko pa rin si Jameson. Normal lang na magkasama kaming maghapunan. Gusto ko nga siyang hiwalayan pero..." "Pero ano? Mahal mo pa rin ba siya?" Hinihintay ni Devon na malaman kung anong nilalaman ng kanyang puso. Nahihirapan si Roxanne na sabihing hindi niya na mahal ang asawa, "Bakit mo ba ito tinatanong, Devon?" Bakas sa boses niya ang pagkalito. "Roxanne, just answer my question. Mahal ba siya o hindi?" Pag-uulit niya. "Devon, hindi ko alam kaya pwede ba paalisin m
Halos walang pag-alinlangan na sumang-ayon si Jameson sa sandaling matapos magsalita ang asawa. Kahit nais niya itong makatabi ulit sa kama pero ang mahalagang bagay sa kanya ngayon ay mananatili na siya ulit sa mansyon at mababantayan niya pa lalo. "Okay, walang problema pero wala rin naman akong balak na magdala pa ng babae sa pamamahay natin. Tinigilan ko ng magloko." Pagkaklaro niya naman. Maraming beses ng narinig ni Roxanne ang mga walang kabuluhan niyang pangako na laging napapako. Since nag-decide siya na bumalik sa mansyon, gagawa siya ng paraan para protekahan ang sarili dahil nga nasa puder siya ng asawang minsan nagiging marahas. "Sige, sabi mo eh." Tugon niya naman sa sinabi nito. Sa sumunod na dalawang araw, nagligpit na si Roxanne sa kanyang mga dadalhing gamit pabalik sa mansyon. Hindi niya naman napansin ang kaibigan na si Grace na nakatayo na pala sa pinto. Napatingin ito sa mga nagkalat na bag sa sahig "Whats the meaning of this?!" Napatalon si Roxann
Nasa loob ng kanyang opisina si Devon, nakatutok sa mga binabasang papeles upang matiyak na walang magiging problema sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga bagong investors. Nadistorbo siya bigla ng isang tawag at sinagot niya naman ito kaagad nang makitang ina niya ito. "Hello, Mom?" "My dear, Devon, your grandfather wants you to come home and join us for a dinner this evening. Mayroon din kaming surpresa para sayo." Masiglang sabi ni Madame Julie. Sinulyapan naman ni Devon ang mga dokumentong hindi pa niya tapos na basahin. "I'm currently busy, Mom. Tsaka kung mayroon na naman kayong ipapakilalang babae sa akin, then sorry but I have no time for that stuff." Pagtatanggi niya. "Anak, you must make time tonight no matter what, kung hindi ay ako mismo ang pupunta dyan para sunduin ka." Pangungulit ni Madame Julie. Napakamot ng buhok si Devon at gumawa pa ng rason. "Marami akong ginagawang bagay ngayon at sobrang importante ng mga ito." "No, no, no. Kahit gaano ka ka-busy
[Miss Paris, sinabi sa akin ni Chris na may anak ka na.]Nanlumo si Paris. Tinitigan niya lang ang mensahe nang walang imik. Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapag-reply kay Secretary Kenneth.Bandang alas nuwebe ng gabi, matapos niyang tiyaking tulog na si Lance, pinakiusapan ni Paris ang yaya nito na bantayan ito sa kwarto. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit at naghanda nang umalis."Miss Paris, gabi na. Saan ka pupunta?""May aasikasuhin lang ako sa laboratory. Susubukan kong makauwi bago mag-alas dose."Tumango naman ang yaya. "Sige, mag-ingat ka."Halos alas diyes na nang makarating si Paris sa lugar na napagkasunduan nila ni Secretary Kenneth.Pagpasok niya sa restaurant, tumayo si Secretary Kenneth at kumaway sa kanya.Dumilim ang mga mata ni Paris habang papalapit siya at naupo sa tapat ng lalaki."Secretary Kenneth, nandito na ako. Sabihin mo na ang pakay mo."Sandaling natigilan si Secretary Kenneth habang pinagmamasdan si Paris, na ngayo'y ibang-iba na sa Roxanne lima
Nang makita ni Devon ang gilid ng mukha ni Lance, tila may naramdaman siyang pamilyar na pakiramdam, ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.Bago pa niya ito mapagmasdan nang maigi, naisuot na ni Paris ang mask kay Lance.Tumayo si Paris at hinarap sina Devon at Chris, pilit na kalmado ang tono. “Mr. Devon, Secretary Chris, what a coincidence.”Tumango si Devon. “May proyekto kasi ang kompanya sa amusement park, kaya pumunta kami para inspeksyunin ito.”Habang nagsasalita siya, napatingin si Devon sa batang hawak ni Paris sa harap niya.Tinitigan din siya ng bata. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, may kakaibang pakiramdam ang biglang sumagi sa dibdib ni Devon.Hindi siya mahilig sa mga bata. Para sa kanya, abala lang ang mga ito. Pero sa unang sulyap pa lang sa batang ito, hindi niya maramdaman ang pagkainis.“Sino ang batang ito…”Awtomatikong itinago ni Paris si Lance sa likuran niya. Nang mapagtanto niyang masyado iyong halata, pinilit niyang panatilihin ang isang m
Malamig ang ekspresyon ni Devon sa narinig mula sa pinsang si Henry, "Baka nagkamali ka lang ng tingin.""Talaga! Nagmamadali ako noon kaya hindi ko na nakuhanan ng litrato. Pero makakapagsumpa ako, kung ikaw mismo ang makakakita, siguradong magugulat ka. Sa totoo lang, pinaghihinalaan kong baka anak mo sa labas iyon na naglalakad-lakad lang sa labas, ano?" Natatawa pang sabi ni Henry."Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na ang tawag.""Uy, sandali lang… May pag-asa pa bang makakuha ng parte sa amusement park project na balak pagbidahan ng Pharmanova?""Pumunta ka sa branch bukas para pag-usapan natin."Pagkasabi nito, ibinaba ni Devon ang tawag.Kakatapos pa lang niya ilapag ang telepono nang bigla ulit itong tumunog.Nang makita niyang si Irene ang tumatawag, nanlabo ang kanyang mga mata. Pagkaraan ng ilang segundong pag-iisip, sinagot niya ito."Ano'ng problema?""Ah Devon, kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko nung isang araw. Kung ayaw mo pa ring magpakasal ngayon, hind
Nanlaki ang mga mata ni Paris sa gulat, pagkatapos ay tumingin kay Devon."Hindi...Bakit ko naman sasabihin 'yan Mr. Devon?"Tinitigan siya ni Devon gamit ang kanyang malalim na mga mata, puno ng mga emosyon na mahirap basahin."Kung hindi, bakit ka lumalayo sa akin?"Nanigas ang katawan ni Paris saglit bago siya mabilis na umayos ng upo, ibinaba ang tingin at mahinang nagsabi, "Kasi... ayokong makaistorbo sa trabaho sayo, Mr. Devon."Pagkaupo niyang tuwid, mas naging malapit ang distansya nila sa isa’t isa. Maayos niyang inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang hita, ang tingin ay nakatuon lang sa harapan.Ibinaba ni Devon ang mga dokumento at biglang naalala ang eksena noong nakita niya itong si Paris na masayang nakikipag-usap sa loob ng kotse sa may bintana. Nakangiti ito noon, pero kapag siya ang kaharap, parang ayaw niyang mapalapit sa kanya.Tahimik silang dalawa habang papunta sa opisina ng Pharmanova branch. Pagkababa ni Paris sa kotse, napalalim siya ng hinga. Kanina pa kas
"Sige, alamin mo kung ano ang nangyari kay Roxanne nitong mga nakaraang taon at kung sinu-sino ang mga nakasalamuha niya!"Hindi siya pwedeng kumilos nang personal, ganoon din ang mga taong malapit kay Roxanne."Opo, Ma'am."Pagkaalis ng tao, matalim na tumitig si Irene sa bintana, puno ng galit ang kanyang mga mata.‘Kung patay na siya, bakit kailangan pa niyang magpakita sa kanila? Hindi ba mas mabuting manatili na lang siyang patay?’ Isip niya.Sa kahit anong paraan, ngayong pagkakataon ay hindi na niya hahayaan na may sinuman pang sumira sa relasyon nila ni Devon!Dahil natagalan sila sa mall, bandang alas-singko na sila nakarating sa bahay ni Paris, kaya nagdesisyong maghapunan na rin si Donovan sa kanila.Habang nagluluto si Paris, tumutulong si Donovan sa gilid.Habang pinagmamasdan niya si Paris na nakasuot ng apron, nakatali lang ng simpleng itim na goma ang kanyang mahabang buhok, at tahimik ang kanyang kilos, biglang lumambot ang puso ni Donovan.Ang simpleng buhay na ganit
"Oo, hindi niya nga ako makilala. Mabuti na rin ‘yun at para na rin sa kaligtasan ng anak ko.”Matatag ang kanyang tingin, at wala ni kaunting bakas ng pananabik kay Devon. Sa wakas, nawala na ang pagkabahala ni Donovan na matagal na niyang kinikimkim.“Don’t worry, Paris. Nandito naman ako para tulungan kang protektahan si Lance.""Salamat, Donovan."Pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan, nagsalita si Donovan na may bahid ng pag-aalala, "Pero nasa Manila na ngayon si Devon. Baka hindi mo na maitago ang mga nangyayari sa'yo roon nang matagal."Hindi nagulat si Roxanne sa sinabi niya. May kutob na siya noon pa man nang makasalubong niya si Irene sa isang restaurant. Ngunit ngayon, si Devon ang nawalan ng alaala. Hindi siya ang dapat matakot, kundi si Irene.Pagkatapos ng lahat, si Irene ang fiancée ni Devon ngayon. Kahit pa nawalan ng alaala si Devon, siguradong nababalisa siya na baka isang araw ay maalala ng lalaki ang lahat at kanselahin ang kasal nila.Ang isang tao, kapag mas
Napangiti si Melissa at mabilis na nagsalita, "Salamat, Miss Paris!"Ngumiti si Paris. "Sige, simulan na natin ang paghahanda para sa experiment."Sa tulong ni Paris, naging maayos ang takbo ng eksperimento.Bandang alas-sais ng umaga, tiningnan ni Melissa ang data sa computer at napabuntong-hininga ng may gaan sa pakiramdam. Lilingon na sana siya para ibalita kay Paris ang magandang resulta nang mapansin niyang nakatulog ito sa mesa.Hindi na niya itinuloy ang sasabihin at kusa na ring naging mahina ang kanyang paghinga.Kagabi, salitan silang nagpahinga, pero si Paris ay tutok na tutok sa eksperimento. Malamang ay sobrang pagod ito dahil hindi talaga ito nakatulog buong gabi.Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na ibang tao."Mr. Devon, ito po ang aming laboratory, silipin niyo po..."Pagkapasok na pagkapasok ni Devon, agad na napako ang tingin niya sa mahinang pigura na natutulog sa mesa. Biglang lumalim ang ekspresyon sa kanyang mga mata.Tumayo agad sina Melissa at kasa
Habang nakatitig siya sa kalmadong mga mata nito, sandaling natigilan si Irene. Naalala niya kung paano tumingin si Devon noon kay Roxanne—may lambing at pagtitimpi. Ngunit ngayon, wala ni kaunting bakas ng ganung damdamin.Tatlong taon na silang magkasintahan, pero kahit kailan, hindi siya tiningnan ni Devon ng ganoon ka-giliw, gaya ng tingin niya kay Roxanne. Kapag nakatingin ito sa kanya, palagi na lang kalmado, malamig, at walang emosyon.Minsan ay napapaisip si Irene, baka naman pinili lang siyang maging kasintahan dahil akala nito’y siya ang pinakaangkop na ipareha?Pinilit niyang itaboy ang magulong kaisipan at mahina niyang sabi, "Wala naman, siguro napagod lang ako sa biyahe."Lumapit siya at naupo sa tabi ni Devon. Kinagat niya ang ibabang labi, saka buong tapang na nagsalita, "Devon, bakit hindi na lang tayo magpakasal ngayong taon? Hawak mo na ang kumpanya, wala namang masyadong problema ngayon. Gusto ko nang magpakasal."Hindi siya sinagot ni Devon, sa halip ay malamig nit
Tumango si Lance. "Yes po, Uncle Lance."Mas lalong lumambot ang ngiti ni Donovan at naging banayad ang kanyang mga mata. "Miss na miss ka na ni Tito. May dala akong regalo para sa’yo."Habang nagsasalita, parang mahikang inilabas ni Donovan mula sa likod ang isang set ng English books at iniabot ito kay Lance."Huling beses na nakita kitang nagbabasa ng ganitong libro sa bahay. Kaya ngayong nagpunta ako sa ibang bansa para sa business trip, binili ko na ang original na version para sa’yo. Gusto mo ba ito?"Napangiti si Lance sa tuwa. "Thank you po, Uncle Donovan!"Kinuha niya ang libro at sabik na binuksan ito. Sa wakas, lumabas din ang inosenteng ngiti ng isang bata sa dati’y seryoso niyang mukha.Tiningnan ni Paris si Donovan na may bahid ng pagkaasiwa. "Huwag ka nang gumastos sa susunod. Mahal ‘yan."Limang taon na ang nakalipas mula nang dumating siya sa Maynila. Hindi rin nagtagal ay natagpuan siya ni Donovan. Malaki ang naitulong ni Donovan sa kanya nitong mga nakaraang taon—par