Kahit na kinasusuklaman ni Roxanne si Jameson at si Savannah, hindi niya magawang magalit sa bata dahil alam niyang inosente ito, na walang kaalam-alam na bunga siya ng isang kasalanan."Ikaw at si Savannah ang may kasalanan dahil sa pagtataksil ninyo sa akin pero labas doon ang bata. Hayaan mo na siyang isilang sa mundong ito." Tugon niya. Pagdating nila sa mansyon, pumarada sa tapat ang kanilang sasakyan at nanatili muna sila sa loob saglit."Roxanne, ayaw kong ipagtulakan mo ako sa kanya dahil lang may anak kami. Gusto kong maging madamot ka rin sa akin." Ani ni Jameson. "Ba't naman kita ipagdadamot?? Eh, may kahati na akong bata pero sinabi ko na sayo, ayos lang. Tanggap ko siya." Nakangiti niya pang sabi. Bumaba na siya sa sasakyan at iniwan doon si Jameson na mababaliw kakaisip kung anong nangyayari sa asawa. Pinaandar niya niya ulit ang sasakyan para puntahan si Savannah sa kanyang apartment para tingnan kung napano siya. Pagpasok ni Roxanne sa mansyon, sinalubong siya ni
Ibinaba ni Roxanne ang kanyang phone at mabilis na lumabas ng mansyon dala ang susi ng kanyang sasakyan. Paaandarin niya na sana ang makina nito ngunit napaisip siya kung tama bang magpunta siya roon sa bar. Napabuntong hininga siya at napasandal sa upuan, tingin niya mas lalo lang magiging magulo kung papagitna siya sa magkapatid. Bumaba siya sa sasakyan at bumalik sa loob ng kanyang kwarto. Kumalma muna siya at nakipag-usap ulit kay Grace para makibalita. "Roxanne, may panibagong akong chika! Ito palang si Savannah ay may kaalitan sa kasama ni Devon na magandang babae, na Irene ang pangalan. Ewan ko kung anong pinag-awayan nila pero narinig ko pinagalitan ni Irene si Jameson dahil nga may kasama siyang ibang babae, eh may asawa na siya. Nagalit si Jameson at binastos siya kaya nasuntok siya ni Devon." Kuwento ni Grace. Napakurap si Roxanne sa narinig, at bahagyang nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha. Buti nalang din na hindi siya tumuloy doon dahil magiging katawa-tawa siya sa
Nakita ni Irene ang paggalaw ng adam's apple ni Devon dahil napalunok ito sa kanyang ibinatong tanong. "Ano bang klaseng tanong 'yan, Irene?" Ipinatong niya sa mesa ang hawak na folder. Ngumisi lang si Irene na tinitigan siya sa mata, "I know you know what I'm talking about. I notice that you have a secret admiration for your sister-in-law. Even if you don't say it, it's very evident in your actions." "Get out of here, Irene." Turo ni Devon sa pinto. "Please don't ask me to leave right away. Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko and I'm here to help you." Kumunot ang noo ni Devon. "Help? For what? Kung ano mang binabalak mo, huwag mo ng ituloy." Tumayo si Irene para umikot papalapit sa kanya. "Devon, you know even if Roxanne and Jameson get divorced, you can't be together. So why don't you just be with me? It's less complicated." "Sorry, but I don't like you, Irene." Deretsahang sabi ni Devon. Nasaktan si Irene sa narinig at kumuyom ang kanyang mga kamao sa inis. Ngayo
Naikuwento ni Naomi Velez kay Irene na una niyang nakita si Roxanne sa loob ng mall kasama ang kaibigan nitong si Grace na nakipag-agawan sa kanya ng damit. At nalaman niya rin noong araw na iyon na si Grace ang karibal niya sa dating boyfriend/fiance na si Liam Bautista. Plano niyang maghiganti kay Grace dahil sa pamamahiya nito sa kanya ngunit dahil wala ito, si Roxanne nalang ang pagbubuntungan niya at para rin sa kaibigan niyang si Irene na nabigong kunin ang loob ni Devon Delgado. "So what's your plan?" Tanong ni Irene. Ngumisi si Naomi na tinanggal ang suot niyang mamahaling diamond necklace. "Pareho sila ng kaibigan niyang magnanakaw, kaya pagbibintangan natin siyang nagnakaw ng kwintas ko." Gusto nilang sirain ang imahe ni Roxanne sa harap ng maraming tao, na pahiyain siya hanggang sa wala na siyang maipakitang mukha kinabukasan. Tumawag si Naomi ng isang waiter at pinag-utusan ito, binayaran niya rin ito ng pera para wala itong reklamo. Ibinigay niya na ang kwintas
Napatingin ang lahat kay Roxanne at mas lalong nagtaka dahil sa kanyang sinabi. Pareho ring kinabahan si Irene at Naomi na makita na ang kanilang biktima ay nagsalita. "Pinapahiya niyo lang ang mga sarili ninyo. Dinadamay pa ninyo ang mga inosenteng tao at kinakapkapan na parang mga magnanakaw." Isang matalim na tingin ang binigay ni Roxanne kay Naomi, pati na rin kay Irene na alam niyang kasabwat nito. Mabilis naman nakapag-isip si Naomi kung papaano siya barahin para idiin siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa. "Baka ikaw ang mapahiya?? Sinabi lang namin na tingnan ang mga bag ng lahat at nag-react ka na ng ganyan. Nakapagtatakang tumututol ka. Huwag mong sabihin na tumayo ka at pumunta rito sa harapan para isuko ang ninakaw mo??" Nakita ng lahat na biglang hinablot ni Naomi ang bag ni Roxanne tsaka ibinuhos ang mga laman nito sa carpet. Nanlaki rin ang mga mata nila na makita ang kumikinang na alahas. "See?! Ikaw nga ang magnanakaw!" Turo pa sa kanya ni Naomi. Tuwan
Narinig ng lahat ang sinabi ni Devon na dumating kasama ang host ng charity dinner na si Mr. Guerrero. Nasurpresa naman si Jameson dahil akala niya hindi pupunta ang kapatid. Ngunit bigla itong dumating at nangingialam, nag-aalala siya na baka maapektuhan ang ugnayan ng kompanya niya sa pamilya ni Naomi Velez at Liam Bautista. Malamig na tiningnan ni Devon si Naomi at kasama nitong si Irene. Alam niyang silang dalawa ang nagbalak na manira kay Roxanne. Nagulat din sila na may pumasok na mga tauhan ni Devon dahil ipapadakip niya ang mga walanghiyang nang-alipusta kay Roxanne para dalhin sa presinto. "A-anong ibig sabihin nito??" Takot na tanong ni Naomi. "Kung ayaw mong lumuhod at humingi ng tawad, ipapadampot kita at ipapakulong dahil sa paninira mo ng reputasyon ng ibang tao. Ayaw mo namang mapanood ng lahat na kinakaladkad ka papunta sa rehas?? Mangiyak-ngiyak si Naomi na kumapit sa braso ni Liam at humihingi ng tulong. "Iligtas mo ako, please." Takot din si Liam
Napikon si Jameson sa sinabi ng kapatid. "Makasarili ka talaga, Devon. Kaya hindi ka pinili ni lolo para hawakan ang kompanya dahil ganyan ka. Tapos hindi ka pa talaga titigil magpapansin sa asawa ko??" Dikta niya. Hinila naman siya bigla ni Devon papalabas ng hall, umiwas sila doon dahil baka may makapansin sa kanila na nagbabangayan. "Jameson, ginawa ko lang ang bagay na nais niyang makita mula sayo? Pero duwag ka kasi kaya hindi mo ako masisising ipaglaban siya."Nang matanggap niya mula kay Secretary Kenneth na mayroong gulo sa charity dinner at nasasangkot si Roxanne, hindi siya nagdalawang-isip na pumunta doon. Nalaman niya rin kasi na walang ginawa si Jameson kahit na pinaratangan na ang asawa niyang magnanakaw, pero alam niya na may pinoprotektahan lamang itong interes. "Bumalik na siya sa akin kaya lumayo ka na. Tigilan mo na ang ilusyon mong mapapasayo si Roxanne dahil hinding-hindi iyon mangyayari. Pinili niya na sa akin umuwi." Paulit-ulit niya ng sinabihan ang kapatid n
"Roxanne? Kung hindi mo na ako mahal, bakit mo ba ako binalikan?" Inaantok na si Roxanne at gusto niya sanang makaidlip ngunit nawala ang kanyang antok dahil sa tanong ni Jameson. "Kung hindi na kita mahal, pakakawalan mo ba ako?" Pabalik niyang tanong. Napalunok muna ng laway si Jameson bago sumagot. "H-hindi." "Then what's the point of asking?? Ikaw lang din naman ang nagpumilit sa akin na umuwi, ginamit mo pa nga si papa at pinaniwala mo siyang ako ang nagloko at naglayas." Mahinahong sabi ni Roxanne habang sinara ang bintana. "Pero ano 'yung sinabi mo na may kaunti ka pang nararamdaman para sa akin??" Naalala pa ni Jameson ang sinabi niya doon sa boarding house noong kausap niya si Grace."Jameson, please. Huwag ng maraming tanong. Gusto ko ng magpahinga. Pagod na pagod ako." Pagbalik nila sa mansyon, kaagad na umakyat si Roxanne papunta sa kanyang kwarto. Tinawagan naman siya ni Grace at ikinuwento niya ang buong nangyari kanina sa charity dinner."I'm sorry talaga, Besh. K
[Miss Paris, sinabi sa akin ni Chris na may anak ka na.]Nanlumo si Paris. Tinitigan niya lang ang mensahe nang walang imik. Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapag-reply kay Secretary Kenneth.Bandang alas nuwebe ng gabi, matapos niyang tiyaking tulog na si Lance, pinakiusapan ni Paris ang yaya nito na bantayan ito sa kwarto. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit at naghanda nang umalis."Miss Paris, gabi na. Saan ka pupunta?""May aasikasuhin lang ako sa laboratory. Susubukan kong makauwi bago mag-alas dose."Tumango naman ang yaya. "Sige, mag-ingat ka."Halos alas diyes na nang makarating si Paris sa lugar na napagkasunduan nila ni Secretary Kenneth.Pagpasok niya sa restaurant, tumayo si Secretary Kenneth at kumaway sa kanya.Dumilim ang mga mata ni Paris habang papalapit siya at naupo sa tapat ng lalaki."Secretary Kenneth, nandito na ako. Sabihin mo na ang pakay mo."Sandaling natigilan si Secretary Kenneth habang pinagmamasdan si Paris, na ngayo'y ibang-iba na sa Roxanne lima
Nang makita ni Devon ang gilid ng mukha ni Lance, tila may naramdaman siyang pamilyar na pakiramdam, ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.Bago pa niya ito mapagmasdan nang maigi, naisuot na ni Paris ang mask kay Lance.Tumayo si Paris at hinarap sina Devon at Chris, pilit na kalmado ang tono. “Mr. Devon, Secretary Chris, what a coincidence.”Tumango si Devon. “May proyekto kasi ang kompanya sa amusement park, kaya pumunta kami para inspeksyunin ito.”Habang nagsasalita siya, napatingin si Devon sa batang hawak ni Paris sa harap niya.Tinitigan din siya ng bata. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, may kakaibang pakiramdam ang biglang sumagi sa dibdib ni Devon.Hindi siya mahilig sa mga bata. Para sa kanya, abala lang ang mga ito. Pero sa unang sulyap pa lang sa batang ito, hindi niya maramdaman ang pagkainis.“Sino ang batang ito…”Awtomatikong itinago ni Paris si Lance sa likuran niya. Nang mapagtanto niyang masyado iyong halata, pinilit niyang panatilihin ang isang m
Malamig ang ekspresyon ni Devon sa narinig mula sa pinsang si Henry, "Baka nagkamali ka lang ng tingin.""Talaga! Nagmamadali ako noon kaya hindi ko na nakuhanan ng litrato. Pero makakapagsumpa ako, kung ikaw mismo ang makakakita, siguradong magugulat ka. Sa totoo lang, pinaghihinalaan kong baka anak mo sa labas iyon na naglalakad-lakad lang sa labas, ano?" Natatawa pang sabi ni Henry."Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na ang tawag.""Uy, sandali lang… May pag-asa pa bang makakuha ng parte sa amusement park project na balak pagbidahan ng Pharmanova?""Pumunta ka sa branch bukas para pag-usapan natin."Pagkasabi nito, ibinaba ni Devon ang tawag.Kakatapos pa lang niya ilapag ang telepono nang bigla ulit itong tumunog.Nang makita niyang si Irene ang tumatawag, nanlabo ang kanyang mga mata. Pagkaraan ng ilang segundong pag-iisip, sinagot niya ito."Ano'ng problema?""Ah Devon, kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko nung isang araw. Kung ayaw mo pa ring magpakasal ngayon, hind
Nanlaki ang mga mata ni Paris sa gulat, pagkatapos ay tumingin kay Devon."Hindi...Bakit ko naman sasabihin 'yan Mr. Devon?"Tinitigan siya ni Devon gamit ang kanyang malalim na mga mata, puno ng mga emosyon na mahirap basahin."Kung hindi, bakit ka lumalayo sa akin?"Nanigas ang katawan ni Paris saglit bago siya mabilis na umayos ng upo, ibinaba ang tingin at mahinang nagsabi, "Kasi... ayokong makaistorbo sa trabaho sayo, Mr. Devon."Pagkaupo niyang tuwid, mas naging malapit ang distansya nila sa isa’t isa. Maayos niyang inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang hita, ang tingin ay nakatuon lang sa harapan.Ibinaba ni Devon ang mga dokumento at biglang naalala ang eksena noong nakita niya itong si Paris na masayang nakikipag-usap sa loob ng kotse sa may bintana. Nakangiti ito noon, pero kapag siya ang kaharap, parang ayaw niyang mapalapit sa kanya.Tahimik silang dalawa habang papunta sa opisina ng Pharmanova branch. Pagkababa ni Paris sa kotse, napalalim siya ng hinga. Kanina pa kas
"Sige, alamin mo kung ano ang nangyari kay Roxanne nitong mga nakaraang taon at kung sinu-sino ang mga nakasalamuha niya!"Hindi siya pwedeng kumilos nang personal, ganoon din ang mga taong malapit kay Roxanne."Opo, Ma'am."Pagkaalis ng tao, matalim na tumitig si Irene sa bintana, puno ng galit ang kanyang mga mata.‘Kung patay na siya, bakit kailangan pa niyang magpakita sa kanila? Hindi ba mas mabuting manatili na lang siyang patay?’ Isip niya.Sa kahit anong paraan, ngayong pagkakataon ay hindi na niya hahayaan na may sinuman pang sumira sa relasyon nila ni Devon!Dahil natagalan sila sa mall, bandang alas-singko na sila nakarating sa bahay ni Paris, kaya nagdesisyong maghapunan na rin si Donovan sa kanila.Habang nagluluto si Paris, tumutulong si Donovan sa gilid.Habang pinagmamasdan niya si Paris na nakasuot ng apron, nakatali lang ng simpleng itim na goma ang kanyang mahabang buhok, at tahimik ang kanyang kilos, biglang lumambot ang puso ni Donovan.Ang simpleng buhay na ganit
"Oo, hindi niya nga ako makilala. Mabuti na rin ‘yun at para na rin sa kaligtasan ng anak ko.”Matatag ang kanyang tingin, at wala ni kaunting bakas ng pananabik kay Devon. Sa wakas, nawala na ang pagkabahala ni Donovan na matagal na niyang kinikimkim.“Don’t worry, Paris. Nandito naman ako para tulungan kang protektahan si Lance.""Salamat, Donovan."Pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan, nagsalita si Donovan na may bahid ng pag-aalala, "Pero nasa Manila na ngayon si Devon. Baka hindi mo na maitago ang mga nangyayari sa'yo roon nang matagal."Hindi nagulat si Roxanne sa sinabi niya. May kutob na siya noon pa man nang makasalubong niya si Irene sa isang restaurant. Ngunit ngayon, si Devon ang nawalan ng alaala. Hindi siya ang dapat matakot, kundi si Irene.Pagkatapos ng lahat, si Irene ang fiancée ni Devon ngayon. Kahit pa nawalan ng alaala si Devon, siguradong nababalisa siya na baka isang araw ay maalala ng lalaki ang lahat at kanselahin ang kasal nila.Ang isang tao, kapag mas
Napangiti si Melissa at mabilis na nagsalita, "Salamat, Miss Paris!"Ngumiti si Paris. "Sige, simulan na natin ang paghahanda para sa experiment."Sa tulong ni Paris, naging maayos ang takbo ng eksperimento.Bandang alas-sais ng umaga, tiningnan ni Melissa ang data sa computer at napabuntong-hininga ng may gaan sa pakiramdam. Lilingon na sana siya para ibalita kay Paris ang magandang resulta nang mapansin niyang nakatulog ito sa mesa.Hindi na niya itinuloy ang sasabihin at kusa na ring naging mahina ang kanyang paghinga.Kagabi, salitan silang nagpahinga, pero si Paris ay tutok na tutok sa eksperimento. Malamang ay sobrang pagod ito dahil hindi talaga ito nakatulog buong gabi.Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na ibang tao."Mr. Devon, ito po ang aming laboratory, silipin niyo po..."Pagkapasok na pagkapasok ni Devon, agad na napako ang tingin niya sa mahinang pigura na natutulog sa mesa. Biglang lumalim ang ekspresyon sa kanyang mga mata.Tumayo agad sina Melissa at kasa
Habang nakatitig siya sa kalmadong mga mata nito, sandaling natigilan si Irene. Naalala niya kung paano tumingin si Devon noon kay Roxanne—may lambing at pagtitimpi. Ngunit ngayon, wala ni kaunting bakas ng ganung damdamin.Tatlong taon na silang magkasintahan, pero kahit kailan, hindi siya tiningnan ni Devon ng ganoon ka-giliw, gaya ng tingin niya kay Roxanne. Kapag nakatingin ito sa kanya, palagi na lang kalmado, malamig, at walang emosyon.Minsan ay napapaisip si Irene, baka naman pinili lang siyang maging kasintahan dahil akala nito’y siya ang pinakaangkop na ipareha?Pinilit niyang itaboy ang magulong kaisipan at mahina niyang sabi, "Wala naman, siguro napagod lang ako sa biyahe."Lumapit siya at naupo sa tabi ni Devon. Kinagat niya ang ibabang labi, saka buong tapang na nagsalita, "Devon, bakit hindi na lang tayo magpakasal ngayong taon? Hawak mo na ang kumpanya, wala namang masyadong problema ngayon. Gusto ko nang magpakasal."Hindi siya sinagot ni Devon, sa halip ay malamig nit
Tumango si Lance. "Yes po, Uncle Lance."Mas lalong lumambot ang ngiti ni Donovan at naging banayad ang kanyang mga mata. "Miss na miss ka na ni Tito. May dala akong regalo para sa’yo."Habang nagsasalita, parang mahikang inilabas ni Donovan mula sa likod ang isang set ng English books at iniabot ito kay Lance."Huling beses na nakita kitang nagbabasa ng ganitong libro sa bahay. Kaya ngayong nagpunta ako sa ibang bansa para sa business trip, binili ko na ang original na version para sa’yo. Gusto mo ba ito?"Napangiti si Lance sa tuwa. "Thank you po, Uncle Donovan!"Kinuha niya ang libro at sabik na binuksan ito. Sa wakas, lumabas din ang inosenteng ngiti ng isang bata sa dati’y seryoso niyang mukha.Tiningnan ni Paris si Donovan na may bahid ng pagkaasiwa. "Huwag ka nang gumastos sa susunod. Mahal ‘yan."Limang taon na ang nakalipas mula nang dumating siya sa Maynila. Hindi rin nagtagal ay natagpuan siya ni Donovan. Malaki ang naitulong ni Donovan sa kanya nitong mga nakaraang taon—par