"Salamat, Daddy!"Tumigil ang tingin ni Devon mula kay Lance patungo sa mukha ni Roxanne sa tabi niya. Isang komplikadong liwanag ang sumilay sa kanyang mga mata, bago siya muling kumalma."Roxanne, kamusta na ang paggaling mo?"Natigilan si Roxanne nang magtama ang tingin nila ni Devon na malamig at walang emosyon.Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya, pero kanina lang ay parang naramdaman niyang may sandali na tila bumalik ang alaala ni Devon.Mabilis niyang pinigilan ang kakaibang pakiramdam sa kanyang puso."Devon, mas mabuti na ako ngayon. Nakalabas na rin ako sa ospital. Maraming salamat sa tulong mo noong araw na iyon. Kung hindi dahil sa inyo, baka patay na ako ngayon."Hindi niya inakala na si Devon mismo ang magmamadaling sumagip sa kanya, hindi alintana ang sarili niyang kaligtasan. Ngayon habang inaalala ang eksenang iyon, hindi pa rin mapigilan ni Roxanne ang pagkabog ng kanyang dibdib.Ibinaling ni Devon ang tingin pababa at malamig na sinabi, "Ikaw ang pinakamaha
Gumulong ang dalawa sa isang lugar na may mas patag na lupa. Agad na kumapit si Roxanne sa mga damuhan sa tabi. Kahit na tinusok ng mga tinik ang kanyang mga kamay, hindi siya bumitaw at mahigpit ang kapit. Sa wakas, tumigil din ang kanilang pagkatumba.Huminga ng malalim si Roxanne at agad na lumingon kay Devon. Nakita niyang nakapikit ang mga mata nito, maputla ang mukha, at pawis na pawis ang noo. Biglang lumubog ang kanyang dibdib."Devon... gumising ka, ayos ka lang ba?"Walang tugon si Devon kahit ilang ulit siyang tinawag ni Roxanne, ngunit ang kamay na nakayakap sa kanyang baywang ay lalong humigpit.Nanlaki ang mga mata ni Roxanne sa kaba at dali-daling hinanap sa katawan nito ang cellphone.Buti na lang at nasa kanya pa ang telepono, kaya agad niya itong kinuha at tinawagan si Secretary Kenneth.Nagising muli si Devon makalipas ang tatlong araw. Wala ni isang parte ng katawan niya ang hindi masakit, at pati ang paghinga ay tila napakahirap.Nang makita ng mga nasa tabi niya
Walang anumang ekspresyon ang makikita sa mukha ni Devon. "Bibigyan kita ng tatlong segundo. Kapag hindi mo sinabi, personal kitang ipapadala sa ibang bansa para pulutin ang bangkay ng anak mo."Nagpanik ang mukha ng lalaki at nanginginig ang boses. "Sasabihin ko na... nasa bundok silang lahat!""Mas mabuti pang huwag kang magsinungaling sa akin, kung hindi pagsisisihan mong isinilang ka sa mundong 'to."Pagkasabi niyon, iniwan ni Devon ang ilang tao para bantayan ang lalaki, habang siya naman ay pinangunahan ang karamihan sa mga tauhan papunta sa bundok.Mabigat ang mukha ni Devon, tila nababalot ng maiitim na ulap. Ang buong katawan niya ay naglalabas ng nakakakilabot na lamig.Samantala, matagal nang hinahanap ni Roxanne si Lance sa loob ng abandondanong building, ngunit hindi pa rin niya ito natatagpuan. Sa halip, may nakasalubong siyang mga tauhan ni Devon."Ma’am.. bakit po kayo nandito?""Nasaan si Devon?""Kakalapag lang po namin ng isa. Si Sir Devon ay kasalukuyang..."Hindi
Narinig ito ni Roxanne at bigla siyang kinabahan, namutla ang kanyang mukha.Tumalon pala si Lance mula sa ikatlong palapag ng gusali!Hindi niya maisip kung gaano siya naging desperado para gawin iyon. Habang lalo niyang iniisip, lalong nadudurog ang puso ni Roxanne at kusang tumulo ang kanyang mga luha.Hindi siya sinagot ng nasa kabilang linya, at biglang naging alerto ito. "Bakit hindi ka sumasagot?! Hindi ikaw si Jameson, ano?!"Mariing kinagat ni Roxanne ang kanyang ibabang labi, hindi nangahas magsalita, at agad na ibinaba ang tawag.Diretso siyang pumasok sa banyo, kumuha ng palanggana ng tubig, at bigla itong ibinuhos sa ulo ni Jameson.Mabilis nagising si Jameson at napansin niyang nakatali siya, habang si Roxanne ay nakatayo sa harap niya, nakatingin pababa sa kanya. Sandali siyang natigilan, tapos ay ngumiti.“Roxanne, hindi ko inakala na pagkatapos ng limang taon, mas matalino ka na kaysa noon.”Malamig siyang tinitigan ni Roxanne. “Wala akong oras para makipagbolahan sa'y
Pagkagising muli ni Roxanne, napansin niyang nakatali ang kanyang mga kamay at paa habang nakahiga sa kama, at wala si Lance sa tabi niya.Base sa ayos at kasangkapan ng silid, malinaw na siya ay nasa isang kuwarto. Ngunit ang kuwartong ito ay tila pamilyar sa kanya.Napakunot ang kanyang noo, at bago pa siya makapag-isip nang maayos, bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang isang lalaking naka-amerikana at leather shoes.Pagkakita niya sa lalaking pumasok, ang pagkabigla sa mukha ni Roxanne ay napalitan ng galit.“Jameson, hayop ka! Nasaan si Lance?! Nasaan na siya ngayon?! Kapag may nangyari sa kanya, hindi kita palalagpasin, pati na rin si Devon!”Sumingkit ang mga mata ni Jameson, lumapit siya sa kama at naupo, sabay tingin kay Roxanne na tila puno ng lambing.“Roxanne, ang tagal na nating hindi nagkausap nang maayos, lalo na’t lagi tayong pinanghihimasukan ng ibang tao.”“Nasaan na si Lance?!”Tinitigan ni Roxanne si Jameson, puno ng galit at pagkasuklam ang kanyang mga mata. “
Namasa agad ang mga mata ni Roxanne. Mahigpit niyang niyakap si Lance at nagsalita sa pagitan ng hikbi, “Lance, sobrang saya ni Mommy na meron akong anak na katulad mo.”Iniunat ni Lance ang kanyang munting kamay, marahang tinapik ang likod ni Roxanne at sinabi sa mahinahong tinig, “Mommy, magiging mabait po ako. Magiging maayos din po tayo kapag lumipat na tayo sa bagong tirahan.”Binitiwan ni Roxanne si Lance, pinunasan ang luha sa sulok ng kanyang mga mata, at ngumiti, “Sige, tara na’t magsimula ng panibagong buhay sa bagong lugar.”Buong seryosong tumango si Lance, may matatag na ekspresyon sa mukha. Kaunti lang ang gamit nila kaya naimpake nila agad iyon sa umaga.Habang tanghalian, sinabi ni Roxanne kay Manang Lucille na sila'y aalis na.Napahinto si Manang Lucille at muntik nang matapon ang sabaw na hawak niya.Agad niyang inilapag ang sabaw at hindi makapaniwalang nagsalita, “Ma’am Roxanne, bakit bigla kayong aalis? Ayaw na po ba ni Sir na dito kayo manirahan?”Sa harap ng mapa
Pagkatapos sabihin iyon, tumakbo si Grace palayo nang hindi hinintay si Roxanne na magsalita, na para bang may humahabol sa kanya.Pagkaalis ni Grace, nabalot ng katahimikan ang buong sala.Ibinaling ni Roxanne ang tingin sa sahig, nag-alinlangan ng ilang saglit, saka tumingin kay Devon. Sa kanyang pagkabigla, nakatitig din ito sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata sa ere, at sa ilang sandali, walang sinuman sa kanila ang nagsalita.Sa huli, si Roxanne ang unang nagsalita: "Devon, patawad po sa nangyari noon. Babayaran ko ang pinsalang natamo ng Pharmanova. Isa lang ang pakiusap ko, sana huwag mong ilayo si Lance sa akin."“Sige, hindi na kita muling tatakutin gamit si Lance. Kung ayaw mong tumira rito, maaari kang lumipat kasama si Lance, pero hindi ka pa pwedeng bumalik sa city ngayon."Kung iuuwi ni Roxanne si Lance sa Maynila, hindi niya masisiguradong hindi na naman ipag-uutos ni Madame Julie na dukutin ang bata. Pero kung mananatili sila sa San Lorenzo, mas mapoprotektahan niy
Tumingin si Secretary Kenneth sa kanya na may bahid ng lungkot, "Kahit ano pa man, umaasa pa rin akong magkakaroon kayo ni Devon ng magandang pagtatapos."Ngumiti si Roxanne, "Para sa’kin, ang hindi na paggambala sa isa’t isa ang pinaka-magandang ending."Nanahimik si Secretary Kenneth saglit, at sa huli’y umalis nang hindi na nagsalita pa.Ngayon, labis na maingat si Roxanne kay Devon. Bilang tagalabas, kung magsasalita siya ng sobra, baka lalo lang lumalim ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa. Mas mabuting hayaan na lang ang kapalaran ang magtakda.Kung talagang nakatadhana sila sa isa’t isa, magkikita pa rin sila sa dulo.Hindi pa man lumilipas ang matagal na panahon mula nang umalis si Secretary Kenneth, dumating na si Grace, may dalang maraming laruan para kay Lance.Nang makita ni Roxanne ang sangkatutak na dala nito, nagulat siya, "Kailangan bang bumili ng ganito karami? Naku, ewan ko lang kung mahilig pa ‘yun sa laruan!"Ibinaba ni Grace ang mga dala niya at sinulyapan si Roxanne
Nagbago ang ekspresyon ni Jameson at mabilis na tumawag ng tulong.Agad namang dumating ang nars upang tingnan ang kalagayan ni Madame Julie, saka pinaalis ang lahat sa loob ng kuwarto at ikinabit si Madame Julie sa ventilator.Sa labas ng silid, galit na galit na tiningnan ni Jameson si Henry na kakarating lang. “Henry, dumalaw ka lang ba para lang panoorin ang kahihiyan ng pamilya namin. Sa palagay ko, sapat na 'yon. Ngayon, nawalan na rin ng malay si Mom dahil sa galit sa inyo. Pwede ka na bang umalis?!”Ngumiti si Henry habang nakatitig kay Jameson. “Hindi ako pumunta para tumawa sa inyo. Nandito ako para paalalahanan si Lola mo na huwag niyang sayangin ang lahat ng pinaghirapan niya ngayong malapit na siyang ilibing.” “Hindi mo karapatang pakialaman ang mga problema ng pamilya namin!”Hindi rin nagalit si Henry. Umiling ito at nagsabing, “Kung ikukumpara ka kay Devon, walang-wala ka, kahit talampakan niya, ‘di mo abot.”Pagkasabi niya nito’y tumalikod na siya at umalis.Habang na