Share

Chapter 2

Dwayne's POV

♪You never love yourself right darlin', But I want you to.

If I let you know, that Im here for you, Maybe you'll love yourself like I love you♪

♪And I've just let these little things, slip out of my mouth, because it's you, Oh' it's you. Oh it's you, they add up to. And I'm inlove with you and all your little things♪

"Ayun sa wakas natapos na din!" tumawa pa sya "Ang swerte mo naman tol, nasasabay lagi ang anniversary nyo ni Klaire sa araw ng school festival, siguradong kikiligin na naman yun" sabi sakin ni Anthony.

Anthony is our drummer.

"Oo nga, excited na ko, kikiligin talaga yung si Klaire, alam mo naman napaka simple lang ng ikasisiya nun" sabi ko habang nilalagay sa guitar case ko ang gitara ko.

"Dapat may talent fee kami dito, gamit na gamit kami" sabi ni Katherine.

"Ako na lang talent fee mo Kath, sayong sayo ako" biglang sabat ni Lourence, co- guitarist ko. Crush na crush nyan si Katherine.

"Leche! Tantanan mo ko sa galawang breezy mo, pwede ba? Lumayo ka sakin?" sabi ni Katherine at kasunod noon ang sunod-sunod nyang pag ubo.

"Mukhang malala na yan Kath, uminom ka na ba ng gamot? Malapit na ang school festival baka di ka makakanta nyan, patay tayo dyan" biglang singit ni Airene. She handles the electric keyboard.

"Hindi naman siguro pero ininuman ko naman na ng gamot" sagot nya.

"O sige tara na guys pack up na! Alis na tayo ihahatid ko pa pauwi si Klaire, sa Wednesday na lang ulit. Pagaling ka Kath ah" Sabi ko sabay labas na ng band room namin at sumunod naman sila.

Lumabas na ako para hanapin na si Klaire, nasaan na kaya yung babaeng yun?

Linga ako ng linga, mga 30 minutes ko na syang hinahanap only to find her seating in their spot.

Nakita ko syang nakasalamin at mukhang nagbabasa habang kumakain ng kwek-kwek. Ang takaw talaga at sobrang hilig talaga nito sa street foods. Hindi na naman nya siguro namalayan ang oras dahil sa pagbabasa.

Well, yang girlfriend kong yan is quite nerdy at baliw. Basta kakaiba talaga pero simple lang naman sya. Yung tipong kahit lumaking may pera ay nakikipag unahan pang umubos ng kikiam sa mga barkada nya. She's extraordinary.

Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan ng di nya namamalayan at biglang sumigaw ako ng "BOO!" sa may tenga nya

"Damn it!" napatayo sya bigla at napatingin sakin. "Ano ba Dwayne?!"

"Nagulat ka no?" sabi ko habang tumatawa.

"Tsk! Muntik ng matapon yung kwek kwek ko sa binabasa ko" Sabi nya habang bumalik sa pagkakaupo at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Babe naman, tama na nga yang pagbabasa mo, umuwi na tayo dahil 2pm na oh, tara na, ihahatid na kita, pagod na din ako" pagyayaya ko.

"Mauna ka na dahil may hahanapin pa ko sa library na kailangang i-review babe, sorry di ko agad nasabi sayo" sagot nya habang di inaalis ang tingin sa libro

"Ano ba yan? Uunahin mo pa ba yan kesa sakin?!" galit kong sabi, aaminin kong medyo mainit na ang ulo ko kaya tumaas ang boses ko.

"Babe naman! Intindihin mo namang nagreresearch ako dahil may orientation kami bukas" sagot nya. This time tumingin na sya sakin with pleading eyes.

"Wag mo ng gawin yan dahil papasa ka pa din naman. We own this school kaya no worries. Uwi na tayo"

"Alam mo namang di ganyan ang prinsipyo ko at kahit kailan di naging applicable sakin yan kaya kung gusto mo babe, mauna ka na. I can handle myself na"

"So uunahin mo talaga yan kesa saking boyfriend mo?" nakakainis dahil gusto ko lang kasi ng quality time with her dahil magiging busy na ko this following days dahil nagpi prepare ako para sa surprise sa kanya.

"Sorry but YES" parang nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi nya.

"Fine! Magsama kayo nyang libro! Yan ang asawahin mo!" Sabi ko sabay walk out.

Nakakainis sya, lagi na lang syang ganyan.

Alam nya namang gusto ko syang makasama tapos ganyan ang inaarte nya. Tuloy tuloy ako palabas ng bigla akong may mabangga, unfortunately para sa kanya. Tumalsik sya.

"Aray" boses ng isang babae. Babae pala yung nabangga ko ng magbaba ako ng tingin.

Wala talaga ako sa mood.

Lumapit ako sa kanya.

"Sorry that was an accident" sabi ko, I offered my hand to help her out na tinanggap nya naman, humawak sya sa kamay ko at tinulungan ko syang tumayo.

Nagpagpag sya ng palda and then she flipped her hair na tumatabing kanina sa mukha nya and honestly when she did that

My jaw dropped.

She is like an angel

I was kinda starstruck dahil to be honest, ang ganda nya. Sobrang ganda nya.

"Sorry din, di rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabi nya sa malambing na boses at ngumiti sya revealing her dimples na mas nagpaganda sa kanya

"It's my fault pero sige, una na ko" sabi ko at aalis na ko dahil ayaw kong ma attract masyado sa kanya dahil kahit na galit ako kay Klaire, she is still my girlfriend and I should only feel attraction towards her.

Sya lang ang dapat na maganda para sakin.

"Wait Dwayne" sigaw nya sakin, hinabol nya ko at nakalapit na sya sakin.

"Bakit kilala mo ko?" I asked her.

"Oo naman, you're Dwayne Elliniel Cruz of The Magnificent, I'm a great fan of your band. Actually, ikaw nga ang reason why I transferred here"

"Really? By the way who are you?"

"Your future girlfriend"

Natulala ako sa sinabi nya. Did I hear her right?

"Ano? Miss-

Tumawa sya kaya I was cut off.

"I'm Ashley, Ashley Ramirez, and like I said I'm gonna be your girlfriend" confident nyang sabi.

"Miss Ramirez, you've mistaken. May girlfriend na ko" Sagot ko, ngumiti sya ng matamis.

Fvck! Bakit ba parang naa-attract ako sa ngiti nya.

"I know, I'll take you away from her soon enough. See you around" Sabi nya sabay talikod at naglakad papasok.

That girl is making me feel something I don't know.

It's weird and scary.

Klaire's POV.

"Nakakainis! Di nya ba maintindihan na busy ako ngayon" sabi ko sa mga kaibigan ko habang kumakain kami ng sanga, bato, lupa at dahon pero syempre joke lang, pizza pala tong minimeryenda namin.

"Ikaw naman kasi Klaire, sobra-sobra kang mag aaral. Kulang na lang ay kainin mo yang libro" sabi ni Aira habang nag ii-sketch ng design.

"So right! We truly understand Dwayne, Minsanan na nga lang kayo magkita tas ini-snob mo pa kaya natural na reaction nya iyon" Valerin added.

"Why so conyo Val? Mukha kang tanga" sabi naman ni Tessa sa kanya

"Tsk! Syempre yun ang role ko sa play namin. Kina career ko lang. Winner ba?"

"Hindi" sabay sabay naming sagot na lima kay Val kaya sinimangutan nya kami.

"Leche kayo! Napaka supportive nyo talaga! Nakakagigil kayo!"

"Pero Klaire, totoo yun. You should spend some quality time with him. Nag sorry ka ba?" tanong sakin ni Haria.

"Nag sorry ako sa personal at call tas sabi ba naman "Busy ako" tas sabay end call ang bait, muntik ko ng i-refer nung marinig kong hiring ng demonyo sa impiyerno"

"OMG! Dominant pala talaga si Dwayne, I like it!" pang aasar sakin ni Cherry.

I just rolled my eyes at her.

"Tse!" sabi ko sa kanya sabay bato ng hot sauce na tumama sa noo nya. "Lapad ng noo mo" nagtawanan kaming anim.

"Ang ganda nya pare, tingnan mo oh!"

"Oo nga no! Ang sexy nya pa"

"Ano yun?" Tessa asked.

"Sight-sung mo nga Haria" Aira

"Naku! Ikaw na Val, ikaw ang magaling sa mga ganyan." Haria

"Ikaw na lang Klaire" Valerin

"Ayoko, masabihan pa kong tsismosa" sagot ko naman sa kaila.

"Mga tamad! Ako na nga" sabi ni Cherry, bago tumayo at pumunta sa kumpulan ng estudyante.

What's with the commotion? May alien ba?

Maya-maya bumalik sya.

"What?" Aira asked her.

"Hottest chick daw sa campus. We can judge dahil dadaan naman sya dito" sabi nya sabay upo sa tabi namin.

Naghintay lang kami saglit ng makita naming may papalapit.

She has a long straight hair na nililipad lipad ng hangin. Maputi sya at naka sleeveless, she is wearing maong shorts.

"She's pretty" I said.

"Ang laki ng hinaharap nya" Valerin

"Foam lang yan" Aira

"Baka silicon teh" Haria

"Push up bra yan" Tessa

"Mali kayo, gumamit sya nga pampalobo ng lobo sa boobs nya" Cherry.

Lahat kami naglingunan sa kanya tapos sabay sabay kaming natawa sa sinabi nya.

Alam mo yung ang nonsense ng sinabi nya? Sa sobrang nonsense ay natawa na lang kami.

"Hi miss ang ganda mo naman" bati sa kanya ng isang ka-schoolmate namin.

"Enekebe? Di nemen selemet" sabi nya sabay pa cute. Hindi naman nya ganoon sinabi pero parang ganyan kasi yung tunog samin.

"Bakit ba natin sya nilalait?" Valerin

"Kasi kalait lait sya" Aira

"Kasi famewhore sya" Haria

"Kasi may problema sya sa E" I said.

"Kasi pabebe sya" Tessa

"Kasi flat chested sya na nagpi feeling na may boobs" Cherry

Ganyan kaming magkakaibigan.

I mean if one of the squad member hates you, well expect all of us to hate you. Immature pa yata talaga kami.

Nagtatawanan kami at mukhang napansin nyang sya ang pinag uusapan namin kaya lumapit sya samin.

"Hi!" Bati nya samin.

Spell RUDE.

Kami yun dahil wala man lang sumagot sa kanya. Wala kasing pumansin sa kanya sa amin.

"Ang gaganda nyo naman po! Senior na po siguro kayo dito? Transferee po kasi ako dito 3rd year na ko" sabi nya

"Ano? Senior?!" Haria

"Baka ikaw" hindi ko napigilan ang sarili kong sumagot.

"Mas mukha ka pa ngang matanda samin" Tessa

"Kamukha mo nga yung Lola ko" Cherry

"Ninuno ko pwede pa" Valerin

"Sakong ko na lang" Aira

"Ay! Pasensya na po. Parehas lang po ba tayo ng age? Akala ko kasi matanda na kayo base sa look nyo. Well then, pwede ba kong sumali at maging kaibigan nyo.

"HINDI!" sabay sabay naming sagot.

"Tsk! E di wag! Palibhasa inggit kayo sakin dahil mas maganda ako sa inyo" sabi nya sabay talikod at flip ng hair.

"The guts!" sabi ni Valerin bago minasahe ang ulo.

Nagkibit balikat na lang ako, are we too harsh on her?

She is really pretty for me.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status