Share

Chapter 3

Klaire's POV

"Ano ba babe? Ang hirap hirap namang makipag ayos sayo, isang linggo na kong nagsosorry sayo, ano pa bang gusto mo?" sabi ko habang corner ko sya sa hagdan.

"E di tumigil ka sa pakikipag ayos sakin, pinipilit ba kita?" pabalang nyang sagot.

"What is wrong witn you?! Ang simple lang naman ng kinagagalit mo na nawalan ako ng oras, sobrang busy lang ako dahil sa acads. Simpleng dahilan lang naman yun hmm kaya sorry na talaga" patuloy kong pangungulit sa kanya.

Hindi kasi ako sanay na ini-ignore nya ko ng ganito.

"Oo na, Tumigil ka na"

"Talaga?" paninigurado ko, tumango naman sya, dahil dun natuwa na ko at niyakap ko sya.

Ang saya-saya ko! Okay na kami sa wakas. Naramdaman kong yakap na din nya ko. I felt weird because I felt like pati pagyakap nya sakin ay nagbago. Nababaliw na ata ako.

Nagulat ako ng bigla nya kong bitawan at medyo lumayo sya sakin. Marahan nya din akong naitulak, muntik pa kong mahulog sa hagdan. Buti at nakahawak agad ako sa isang gilid.

Napatingin naman ako sa tinitingnan nya.

"Ashley, bakit?" bigla nyang tanong sa babaeng pababa na patungo samin.

Habang papalapit sya ay namukhaan ko ito, sya yung babaeng bagong transfer samin, yung maganda at maarte.

Tsk! Gusto ko pa sana mainis dahil sa presensya nya pero mas nalulungkot ako sa ginawa ni Dwayne sakin.

"Hinahanap kasi kita" sabi nung Ashley sa boyfriend ko.

"Bakit mo naman sya hinahanap?" tanong ko, cutting them off.

Bakit nya naman kailangang hanapin ang boyfriend ko?

"Sya na kasi yung napili naming kapalit muna ni Kath bilang lead singer ng band para sa darating na school festival" Dwayne answered instead.

Oo nga pala, naalala kong nagkaproblema si Katherine sa lalamunan nya at inabisuhan syang di muna sya pwedeng kumanta for 3 months.

"Nakahanap ka na pala ng kapalit, hindi mo man lang sinabi sakin" I tried my best na wag ilabas ang inis sa tono ng boses ko.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa Ashley na ito.

"Lahat ba kailangan nyang sabihin sayo?" Ashley asked me kaya napataas ang kilay ko.

"Hindi naman lahat pero dahil girlfriend nya ko, I think he can share that with me at sino ka ba to ask me this kind of question?" inis na inis kong tanong dito. Ano bang problema nya sakin?

"Ano ba naman Klaire! Napaka isip bata mo, pumasok ka na nga lang sa klase mo please? Ashley and I have to go to the rehearsal" sabi ni Dwayne sakin at basta-basta na lang na tumalikod sakin at sumunod naman si Ashley.

Nakatingin lang ako sa likod nya habang lumalakad sila palayo sakin.

Ang bigat ng nararamdaman ko. I wanted to cry for some reason.

Alam nyo yung pakiramdam na, unti unti kang manghihina at nangiginig yung buong kalamnan mo?

Nagulat na lang ako noong maramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mata ko, ilang taon na kami ni Dwayne pero ngayon lang ako umiyak ng ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito galing sa kanya. Napakalamig ng trato nya sakin. Para syang ibang tao.

Pababa na sana ako ng hagdanan ng biglang mawalan ako ng balance at ini expect ko na ang pagbagsak ko sa sahig ng may biglang humawak sakin and pulled me back.

"Watch where you goin' miss" sabi nito sakin.

Sa accent nya palang halatang foreigner sya. I was able to look at him, he looks like a korean/chinese guy.

"Are you allright?" he asked me. "Do you need me to bring you to the clinic?"

Lumayo ako sa kanya ng marealize kong masyado akong malapit sa kanya.

"No, no, I'm all good." Sabi ko sabay talikod ng hatakin nya ko ulit. "What again?"

"Uhm"

"Ano bang problema mo?!" Napakamot ako sa ulo ko ng maalala kong baka di nya ko naiintindihan. "What do you want?"

"Don't worry, I can understand tegelog"

Napalakas ang pagtawa ko ng marinig kong mag blend ang accent nya sa sinabi nya sakin. Ang cute naman!

"Stop laughing at me, I'm just worried because you're crying" sincere nyang sabi sakin

"Tsk! Do I know you? Close ba tayo?" pagmamataray ko pa rin kahit na nagiging mabait sya.

Bakit ba kasi nag iiyak ako dito, may nakakita tuloy.

"Whatever, I just don't like seeing a girl crying. By the way I'm Rain Park and youu are?" sabay lahad nya ng kamay nya sakin.

Nag isip ako saglit kung tatanggapin ko ba?

I looked at him intently and sighed. Tinanggap ko ang kamay nya.

"Klaire Lim" pagpapakilala ko. He smiled  to me and I couldn't help but smile back.

Nagulat ako noong bigla nya kong hatakin pababa ng hagdanan, buti ay hindi kami parehas nahulog.

"Sandali nga, saan batayo pupunta?" tanong ko habang hatak nya pa rin ako at nagulat ako nung pumasok kami sa cafeteria "Anong gagawin natin dito?"

"We're gonna eat" simpleng sagot nya.

"Tsk! Nagtitipid ako"

"My treat, you stingy!"

"Hindi ako kuripot! Marunong lang akong mag budget"

"Excuses"

"Hindi nga! Bahala ka kung ayaw mong maniwala dyan" sabi ko habang umupo na.

Nagkibit balikat ito bago umalis.

Nalungkot na naman ako noong maalala ko ang nangyari kanina. How Dwayne acted and reacted. I was about to be too emotional nang biglang may lumitaw na cookies and cream ice cream sa harap ko.

Napatingin ako sa may hawak noon and currently offering it to me.

Si Rain.

"Mianhe for this food" sabi nito as he sat down.

"What?" I asked him, hindi ko kasi naintindihan yung una nyang sinabi sakin.

"Mianhe means sorry. I was apologizing because this is the only thing that I can think of buying for you but I frequently buy this when my sister is upset and crying. It helps her calm down" mahaba nyang explanation.

"Thank you, this is just what I needed" sabi ko as I open the ice cream.

"Klaire" napalingon ang lahat ng mga tao sa canteen ng marinig namin ang pagsigaw ng pangalan ko.

Papasok ang mga kaibigan ko.

"Oh? Tinitingin tingin nyo? Alam naming maganda kami, pwede na kayong bumalik sa pagkain nyo" pagtataray ni Aira na nagpabalik sa mga student sa pagkain.

Nung makalapit sila ay nagsi-upuan na sila sa harap namin at guess what?

"Be, gwapo nya" bulong ni Tessa.

"Ang hot nya ang sarap papakin" Valerin

"Chinito" Haria added.

"Leche, Tumigil ka Haria, magalit sayo ang boyfriend mo, akin na lang sya" Cherry

"Ako na lang, ako naman pinakamaganda satin" Aira.

"Girls, mahiya naman kayo kay Rain!"

"Ang gwapo ng pangalan nya" sabi ni Tessa sabay beautiful eyes pa kaya binatukan naman sya ni Haria.

Sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Are they your friends?" tanong ni Rain sakim.

"Bestfriends" dugtong ni Aira.

kaya tumingin sakin si Niall na parang humihingi ng confirmation.

"Yeah, unfortunately"

Simamaan naman ako nila ng tingin.

"Hoy Klaire! Bakit mukha kang garfield? Namamaga ang mata mo! umiyak ka ba?" tanong sakin ni Cherry.

Our other friends came closer to verify it, umiwas naman ako sa kanila

"Oo nga!" sabay sabay na pagpayag ng apat habang tumatango pa.

"Si Dwayne ba ang dahilan nyan?" prangkahang tanong sakin ni Valerin.

"Who's Dwayne?" tanong ni Rain.

"He's my boyfriend" sagot ko sa kanya.

Tumatango-tango naman ito.

Is he still my boyfriend?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status