Share

Chapter 4

Klaire's POV

It's been a week since sobrang naramdaman ko na ang panlalamig nya sakin. Yung kaba at takot na unti-unting bumabalot sa puso ko sa bawat araw na nagdaraan. Sinasabihan na nga ako ng mga kaibigan kong tama na ang katangahan ko pero heto ako at umaasang maayos pa rin namin ang lahat. Hindi ko sya kayang bitawan ng ganun na lang, hindi ko kayang itapon yung limang taon naming pagsasama.

Iniisip ko pa lang ang mga sakripisyo namin para marating kung ano kami ngayon ay syang dumudurog sa puso ko sa gabi. Naluluha akong isipin na itatapon lang namin yun, no, itatapon nya lang yun? Ganoon kadali?

Hindi ko kasi alam kung bakit sya nagkakaganyan? Bakit bigla nya kong iniiwasan at halos hindi ko na sya maramdaman. Boyfriend ko pa din naman sya diba? Phase lang ng relationship ito, kaya dapat hindi ko sya sukuan.

Kahit isa man lang sa amin ay manatiling lumalaban para sa amin.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng makita kong may nagbukas ng pintuan ng practice room nila at nanginginig ako sa sobrang sama ng loob sa nakita ko, masaya silang dalawa, silang dalawa ni Ashley habang naghahampasan at tila isang magkasintahan na naglalambingan sa hallway ng paaralan. Nahinto naman sila, nung makita ako ni Dwayne.

"Klaire, anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin

"I am just thinking if ihahatid mo ko ngayon, gusto ka kasing makasabay mag dinner ng mga kapatid ko tonight" sabi ko sa kanya.

"Wait! Klaire, are you okay? You look pale" biglang singit ni Ashley. I tried to smile dahil by her look ay mukha naman talaga syang concern sakin pero di ko alam bakit ang bigat ng pakiramdam ko sa kanya.

Selos lang ba ang lahat ng ito?

"Hindi, okay lang ako. Napagod lang siguro ako dahil may mga tinapos ang student council for next month's activities." sagot ko.

"You sure?" tanong sakin ni Dwayne.

Nagtataka ako kung bakit di sya lumalapit sakin, usually pag mukha akong may sakit ay natataranta yan at kulang na lang ay ipaospital ako.

Is it because I said I'm okay or he doesn't really care anymore?

Siguro dahil sinabi kong okay na ko. Ayoko syang pag-isipan ng masama. Napaka negatibo kong mag-isip.

"Yeah, sure ako pero gutom na ko babe so tara na?" sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya for him to take it.

Please just freaking take my hand.

He just stared at it for a couple of seconds.

At segundo lang ang kailangan para durugin nito ang puso ko.

Nag aalangan sya kung kukunin nya ba o hindi at alam nyo anong mas masaklap pa sa sitwasyon? Yun ay tumingin pa sya kay Ashley, as if he's asking for permission.

"Babe? Tara na?" I called him again dahil nangangawit na ang kamay ko at habang tumatagal ay nahihiya ako sa ginagawa ko. "Dwayne"

"Sorry Klaire" panimula nito sakin.

"Klaire? Hindi naman ganyan ang tawag mo sakin ha?" sabi ko dahil sa aming dalawa, sya ang mas malambing.

"B-babe, sorry pero di kita mahahatid at makakasama sa dinner nyo, say sorry for me, pwede ba yun? Bawi na lang ako" sabi nito habang kinakamot ang likod ng tenga nya.

"Bakit naman? Ngayon lang sila nagsiuwi ng pinas ng sabay-sabay, pati si Ate Karen nandoon with her family" I told him.

"Di nga ako pwede"

"Bakit nga?" may bahid na ng inis ang tono ng boses ko.

"Kailangan ko kasing ihatid si Ashley, nakapangako na rin kasi ako, wala kasing susundo sa kanya."

"Pero ako ang girlfriend mo diba? Dapat ako ang ihahatid mo, pano na lang kung may mangyari sakin?"

"Mas malapit lang naman kasi yung bahay nyo kesa sa kanila"

"Dwayne naman-"

"Sorry Klaire, but we really have to go" putol nya sakin.

Napalingon ako sa labas na patuloy ang malakas na pagbagsak ng ulan.

Ang bigat bigat ng loob ko, I wanted to burst right in there. Ibababa ko na sana ang kamay ko na hindi man lang nya hinawakan kahit isang beses ng biglang may humawak nito, kaya napalingon ako.

"Don't worry, I'll take you home princess" sabay wink nya sa akin and then hinawakan nya na ko sa braso to guide me.

Rain.

Dwayne's POV.

"Don't worry, I'll take you home princess" napahinto ako ng biglang sumulpot ang isang lalaki at kumunot ng noo ko ng mula sa kamay ay hinawakan nya sa braso si Klaire, trying to pull her away habang nakangiti ng malapad.

I don't know pero sobrang nasagasaan ang ego ko dahil sa ginawa nya.

"Rain" tawag ni Klaire nito, nanginig yung boses nya as if she's preventing herself from crying.

Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito! Ewan ko ba pero parang Ashley is making me fall head over heels. Sobrang nagugustuhan ko sya as days go by, mas mahinhin sya kay Klaire, masayang kasama. May mga traits akong hinahanap kay Klaire na kay Ashley ko lang nakita. Nalilito na nga ako tapos ito pa ngayon?

May lalaki agad sya?

Humaharot agad sya sa iba?

"Sino ka naman para ihatid ang girlfriend ko?" tanong ko doon sa chinitong lalaki na nasa harapan namin.

"Oh, so you are the boyfriend? How irresponsible you are, man? How can you let your girlfriend walk alone in the night just to bring another woman home, safe and sound?" he said that with full of sarcasm. I gritted my teeth.

Mukhang Korean talaga sya at di marunong magtagalog pero napakayabang naman nito para makisali sa hindi nya issue.

"Rain, tama na! tara na?" sabi ni Klaire sa parang nanghihinang boses. "Please Niall, hatid mo na lang ako. Umalis na tayo dito" she added habang hinahatak ang damit nung koreanong ito.

"At bakit ka magpapahatid sa kanya?" sigaw ko kay Klaire. Napatigil naman ito.

"Gabi na kasi at hindi ko dala ang kotse ko"

"Then let me call your driver or mine"

"Ayos lang sige na, si Rain na lang ang maghahatid sakin, ihatid mo na si Ashley"

"You're unbelievable Klaire, magagawa mong magpahatid sa ibang lalaki sa harapan ng boyfriend mo?! Niloloko mo ba ko?!" sigaw ko sa kanya.

I don't know where the hell those words came from. Ang alam ko lang ay galit ako, nagagalit ako dahil sa lalaking kasama nya.

Nagulat sya at mas nagulat ako ng sinarado nya ang diatansya namin at binigyan ako ng isang malakas na sampal at sabay noon ang pag agos ng luha nya.

Klaire.

Klaire's POV

"How dare you!" sigaw sakin ni Ashley pagkasampal na pagkasampal ko kay Dwayne. Susugurin pa sana nya ko kaso inawat sya ni Dwayne.

Tumingin ako sa kanya ng puno ng sama ng loon at sa ganitong eksena ko pa talaga di napigilang umiyak.

"Ang lakas ng loob mo na sabihan ako ng ganyan! Ang kapal ng mukha mo! Di ka naman ganyan dati Dwayne. Ako nga, sagutin mo, tama bang maghatid ka ng ibang babae Instead of your own girlfriend? Tama ba yun?! Tama bang hinahayaan at pinababayaan mo ko para lang makasama lang ang malanding babaeng yan! Tama bang masaya kang nakikipagharutan sa kanya habang nakatalikod ako?! Call me jealous it's okay cause I have every rights to be jealous! Tapos ako ang sasabihan mo ng masama? No! You are the one who's unbelievable here!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"Mali ka naman kasi talaga! Nagpapahatid ka sa ibang lalaki tapos ako pa ang sasabihan mo ng ganyan? Hindi ko alam kung anong nagustuhan sayo ni Dwayne" Ashley shouted at me kaya napatingin ako sa kanya at dinuro ko sya.

Alam kong masama to but the hell, this girl deserves every word she will get out of me.

"Alam mo mas kawawa ka dito alam ko naman na may gusto ka sa boyfriend ko pero yung extend na ganito, ibang klase ka Ashley, you really can stoop that low? Alam mong pag aari na ng iba inaagaw mo pa! Nakakatulog ka pa ba sa gabi?"

"Shut up Klaire! Don't say things like that to her!" sigaw sakin ni Dwayne ng biglang sinapak sya ni Rain kaya napatumba sya at hinawakan ang panga nya.

"You don't have any rights to shout at her! She's not your toy so quit playing dude" sigaw ni Rain.

Nagulat ako dahil galit na galit si Rain sa kanya.

Tumayo si Dwayne and by his looks alam kong gaganti sya kaya humarang ako sa harap ni Rain, kaya yung dapat isusuntok nya ay nahinto at nabitin sa ere.

"Tama na please Dwayne, sige na ako na ang mali. Tama na to, sige, ako na lang ang uuwi mag isa" sabi ko habang umiiyak pa rin.

Ayokong nakikita syang nagkakaganyan.

Ayokong magkaganito kami.

Ayokong maghiwalay kami.

Huminga sya ng malalim at ibinigay nya sakin ang isa sa pinakamalamig na tingin.

"Tama na Klaire, ayoko na, tapusin na natin to, ayoko na."

"Teka, anong ibig mong sabihin? Ano bang sinasabi mo" nagpapanic ko ng tanong.

"Let's break up"

Napapitlag ako sa pagkakasabi nya nun.

Yun yung inaakala kong huling salitang maririnig ko mula sa kanya.

"Dwayne, ano bang sinasabi mo?"

Kahit alam ko na, di kasi kayang tanggapin ng puso ko.

How can he say that just like that?

"Ayoko na Klaire"

"Ano ba? Ganoon na lang yun? Itatapon mo ng ganoon kadali yung ilang taon na pagsasama natin? Bakit?" umiiyak kong sabi sa kanya. Iniisip ko pa lang. I can't bear to lose him. "Sagutin mo ko bakit?!" sumigaw na ko.

"I-I just don't love you anymore" sagot nya habang nakayuko.

Pakiramdam ko bumagsak sakin yung langit.

"Wag namang ganito Dwayne, hindi ko kaya. Hindk ko alam pano sisimulan ulit" Lumapit na ko at hinawakan ang kamay nya. "Don't leave me" sinsero kong sabi sa kanya. Tinititigan ko sya sa mata, pero umiiwas sya.

"I can't. Di na kita kayang lokohin. I'm falling for Ashley" sabi nya at dahan-dahang pinagbitaw ang kamay namin.

"I'm sorry" he said before pulling Ashley away.

"Dwayne" sigaw ko sa kanya. I want him to come back running at sabihing joke lang ito but I kept calling him pero hindi sya tumitingin.

Napasalampak na lang ako sa sahig sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung imagination ko lang na lumingon sya with devastated look bago lumabas ng glass door.

Pero yung fact na iniwan nya ko at narinig ko ang lahat ng sinabi nya was enough.to break every piece of my heart.

I cried and cried. Akala ko sya na, mukhang pinahiram lang pala.

"I told you, I don't want to see a girl crying, especially you" sabi ni Rain habang umuupo at tumabi sakin. He handed me his handkerchief na tinanggap ko naman.

Nagulat ako nung akbayan nya ko para yakapin kaya mas napaiyak ako.

Naalala ko kasi na kapag ganito si Dwayne ang gumagawa nito, but now? It's somebody else at ngayon sya na ang rason ng mga luha ko.

Parang isang bangungot lang, hindi ako mapaniwalang sa araw na ito, tinapos nya kami ng ganoon na lamang.

------

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status