Meleah’s Point of View
“Meleah, nalulungkot ako para sa kondisyon ng nanay mo…” mahinang bungad ng doktor, ngunit ramdam ko ang bigat sa bawat salitang bibitawan niya. “Nasa panganib ang buhay ng iyong ina.” Para akong nabingi sa unang linya pa lang. Pakiramdam ko’y nanigas ang buong katawan ko habang nakatitig sa kaniya, naghihintay ng kasunod na paliwanag. “Kung hindi siya maooperahan kaagad ay baka hindi na siya mabuhay pa.” Parang unti-unting nilalamon ng lamig ang buong katawan ko. Nanginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakakapit sa strap ng bag na hawak ko. Pinilit kong huminga ng malalim bago ko nabigkas ang tanong na kanina pa gustong kumawala sa labi ko. “M–Magkanong halaga po… ang kailangan para sa operasyon?” Napabuntong-hininga ang doktor. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. “Kinakailangan mo ng malaking halaga, Meleah. Isang milyon ang iyong kailangan para sa operasyon.” Halos manlumo ako sa sinabing iyon ng attending doctor ni nanay. Tanging pagtango lamang ang aking nagawa. Nang umalis ito sa aking harapan ay unti-unti akong umupo sa tabi ni nanay. Kasalukuyan kaming nasa hospital ngayon. Isinugod si nanay ng mga kapitbahay namin nang marinig nila na humihingi ng tulong ang aking anak. Nang tumawag sa akin ang kaibigan kong si Trisha tungkol sa nangyari kay nanay ay kaagad akong nag out sa trabaho. Matagal ng iniinda ni nanay ang kaniyang madalas na paninikip ng kaniyang dibdib. Matagal ko na rin sinasabi sa kaniya na magpa-check up kami ngunit palagi siyang tumututol. At kahit hindi niya sabihin ay alam ko ang dahilan niya— takot siya sa gastusin. Isa akong sales agent sa Diamond Homes, isang house development corporation. Hindi naman kalabisan sa akin kung magpapatingin si nanay ngunit sadyang matigas ang kaniyang ulo. Ngayon ay labis ang aking pag-aalala sa kaniyang sitwasyon. Sobrang laking pera ng kailang para sa operasyon ni nanay. Ni hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng ganitong kalaking halaga, pero gagawin ko ang lahat para lang mabuhay pa siya. Kami na lang ng nanay ko ang magkasama, at ayokong mawala siya dahil tiyak ko rin na masasaktan ang anak ko, dahil si nanay na rin ang tumayong ama sa kaniya. “Mama! Narito ka na pala!” Mabilis akong napatingin sa aking likuran at nakita kong pumasok si Alliya kasama ng kaniyang Ninang Trisha. Mabilis kong lihim na pinunasan ang tumulong luha sa aking pisngi. Hindi ako puwedeng makita ng aking anak na umiiyak, dahil tiyak na mag-aalala ito. “Alliya, anak kumain ka na ba?” tanong ko nang makalapit ito sa akin at inayos ko ang hibla ng buhok na tumatakip sa maamo nitong mukha. Limang taong gulang na si Alliya at isa siyang pinakamahalagang biyaya na aking natanggap. Kung mayroon man akong kasalanan na hindi ko pagsisisihan ay ang anak ko iyon. Siya nga ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. “Opo, kumain na po ako, kasabay ko si Ninang Trisha. Kamusta na po pala si Lola?” Bahagya akong natigilan sa itinanong ng aking anak. May halong lungkot sa hiling sinambi niya. Pinilit akong ngumiti at ipinaupo siya sa aking tabi, habang nakatitig kami kay nanay. “Magiging maayos din si Lola mo, kailangan lang niyang matulog muna sa ngayon para makapagpahinga siya.” tugon ko sa aking anak. “Babantayan po kitang matulog Lola, pahinga ka lang po para bumalik na po ang lakas niyo.” saka hinawakan ni Alliya ang kamay ni nanay. Tiningnan ko naman si Trisha at ngumiti ito sa akin nang may halong lungkot. Alam na rin niya ang sitwasyon ni nanay. Tumayo ako saka niyakap siya ng mahigpit. “S–Salamat, bestie, at nariyan ka...” halos mapiyok akong bumulong dito. “Walang ano man 'yon, bestie. Mabuti na nga lang at naagapan pa namin ang pagsugod kay Tito Raul dito sa hospital.” tugon nito. Nagpunas akong muli ng aking luha bago humiwalay ng yakap sa kaniya. Muli akong umupo upang magpantay kami ng anak ko. “Dito ka lang, anak, ah? Bantayan mo muna si Lola, mag-uusap lang kami ni Ninang Trisha mo sa labas.” “Sige po, Mama.” Tumayo na ako at lumabas kami ng hospital room upang hindi marinig ni Alliya ang aming pag-uusapan. “N–Nanganganib ang buhay ni nanay. Kailangan na raw siyang operahan sa lalong madaling panahon. W–Wala akong sapat na pera para sa operasyon...” umiiyak kong sambit. “Naku, malaking problema 'yan. Subukan mo kayang mag-advance muna sa manager niyo? Siguro naman ay maintindihan niya ang sitwasyon mo. At saka may ipon naman ako, idagdag natin ang perang ipon ko. Nakapagpadala naman na ako sa probinsy, eh.” Napailing ako. “Salamat, Trisha, pero hindi ko rin alam kung makakapag-advance pa ako, dahil mayroon pa akong blance na utang sa kaniya noong kinailangan kong ipagamot si Alliya noong hinika siya. A–At hindi biro ang halaga ng perang kailang ko...” Napakunot ng noo si Trisha. “T–Teka, magkano raw ba ang halaga ng operasyon?” “E–Eight hundred thousand to nine hundred seventy thousand… Halos isang milyon, Trisha— na kahit ibenta ko pa ang dalawang atay ko ay hindi aabot ang halaga nito sa perang kailangan ko.” Hindi ko na napigilan pa ang maiyak dahil sa takot na baka hindi ko magawaan ng paraan. Habang si Trisha naman ay napaawang na lamang ang kaniyang labi habang walang salita ang lumalabas sa kaniyang labi. Biglang pumasok sa aking alaala ang dating raket ni Trisha. Mabilis ko siyang hinawakan sa balikat. “T–Trisha, naaalala mo pa ba si Madam Archie?” tukoy ko sa baklang naging Boss noon ni Trisha sa bar. Mabilis na napakunot ng noo si Trisha saka umiling. “Huwag mong sabihing—” napatigil siya nang mukhang naintindihan niya ang gusto kong gawin. “H–Hindi, Meleah. Huwag mong gagawin 'yon!” halos galit nitong sambit ngunit sa pabulong lamang na boses. “Trisha, ito na lang ang tanging paraan na naisip ko. M–Mabilis ang kitaan sa trabahong iyon, kahit ilang gabi lang alam mo na kayang-kaya kong kitain ang halagang iyon.” “Meleah, masisira ang buhay mo. Malaki na si Alliya, at maraming taong maaaring magdaldal sa kung anong papasukin mong trabaho. Maaaring marinig lahat iyon ni Alliya.” “Kaysa naman hayaan kong mamatay si nanay?! Hindi kakayanin ni Alliya na mawala si nanay. Hindi ko kaya. Sigurado akong dadalhin ni Alliya ang pagkawala ni nanay hanggang sa kaniyang paglaki. Parang awa mo na, Trisha. Tulungan mo akong lumapit kay Madam Archie... P–Please naman, oh...” lumuhod ako sa kaniyang harapan habang umiiyak. Mabilis niya akong dinaluhan at niyakap. “H–Huwag ka ng lumuhod bestie. Labag man sa kalooban ko ang desisyong gusto mong gawin ay wala naman na akong magagawa... Isa pa, buhay na rin nito Tita ang nakataya.” mahina niyang sagot. “Mamayang gabi, pupuntahan natin siya. Pero Meleah… ‘pag nakuha mo na ang kailangan mong halaga, lalayo ka na roon, ha? Ipangako mo ‘yan sa’kin.” Tumango ako habang humahagulhol sa yakap niya. Para kay Nanay, kahit muling masugatan ang pagkatao ko, basta… mabuhay lang siya.Kinabukasan, maaga pa lang ay nakarating na si Meleah sa opisina. Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa excitement at kaba na rin sa mga salitang binitiwan ng CEO. “You will do anything for me…” Paulit-ulit ‘yon na pumapasok sa isip niya.Pagpasok niya sa main lobby ng kumpanya, sinalubong siya ng receptionist.“Good morning, Miss Meleah. This way po.”Medyo nagtaka siya kung bakit tila may VIP treatment. Sinamahan siya diretso sa elevator na may kasamang guard, at doon ay dinala siya sa top floor kung saan naroon ang CEO’s office.Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Eric, nakaayos na ang mesa at may nakahandang folder na may pangalan niya.“Good morning, Miss Meleah. Handa ka na ba?” bati nito na may kasamang ngiti.Ngumiti rin siya kahit kinakabahan. “Good morning po. Yes, ready na ako.”“Good. Kasi ngayon makikilala mo na mismo si Sir Den.”Nanlaki ang mga mata niya. “Ha?! As in face to face? Hindi na video call?”Tumango si Eric. “Oo. Pero gusto kong ipaalala na hindi l
Wala nang nagawa pa si Sunshine nang maglakad ako patungo sa CEO’s office. Pagdating ko roon ay nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid, at yumuko ito nang bahagya nang makita ako nito. “Good morning, Miss Meleah.” Bati nito sa akin. Yumuko rin ako nang bahagya bilang paggalang. “Good morning din po, Sir—” “I’m not the CEO.” Putol nito sa akin. “I’m Eric, I’m also personal assistant here, pero more on personal na trabaho lang din ang ginagawa ko.” Paliwanag nito sa akin. “Pero he’s the one who will interview you.” Napatango ako dahan-dahan, “Ah, gano’n po pala.” Sagot ko sabay tumingin ako sa paligid para hanapin ang CEO, pero wala na akong nakita pang ibang tao bukod sa aming dalawa. “Eh, nasaan po ang CEO?” tanong ko. “He’s not here.” “Ha? Pero akala ko ay siya po ang mag-interview sa akin?” “Siya nga, pero via video call.” Naglakad si Eric papalapit sa lamesa at ihinarap nito sa akin ang laptop. “You may seat now, Miss Meleah.” sambit nito na kaagad ko rin naming si
Kinabukasan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Maaga akong nagpunta sa Gstone Builders Company upang magpasa sana ng resume, pero sana ay diretso interview na.Finger cross!This is my last hope, at sana talaga ay makapasok ako, dahil bago pa ako magtungo rito ay napakaraming gamot ang kailangan kong bilihin para kay nanay. Ang iba ay talagang pricey ang presyo, at mabibili lang sa mismong hospital.Nang makarating ako sa entrance ng kompanya ay kaagad akong pinigil ng guwardya.“Miss, hindi po basta-basta nagpapapasok ng tao rito sa kompanya, lalo kung wala po kayong appointment.” Sambit ng guwardya saka ako pinsadahan ng tingin nito. “At mukhang sa ayos niyo Miss ay malabong matanggap kayo rito, dahil maseselan ang mga tao rito.”Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Ayos naman ang suot ko, ah? Naka-black slacks ako at white polo shirt.“Grabe ka naman, Manong Guard! Maayos naman po ang suot ko, ah?” sambit ko.Napailing ang guwardya. “Hindi naman sa panlalait, Miss, pero kasi lahat
Bago pa ako makasagot sa banat ni Walden, bigla kong narinig ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa. Kinuha ko ito agad at umaasang baka tawag ito mula sa opisina para sa ibang appointment.Ngunit sa unang ring pa lang, nakita ko na ang pangalan ng branch manager namin. Kinabahan akong bigla at napakunot ng noo.Bakit naman tatawag ang manager namin sa akin?“Hello?” Sinubukan kong gawing normal ang boses ko, kahit ramdam kong nakatitig sa akin si Walden.“Miss Flamenco,” mabilis at malamig ang tono ng nasa kabilang linya. “Hindi na ako maglalabas pa ng memo, pero effective today… terminated ka na bilang sales agent.”Parang umalingawngaw sa tenga ko ang bawat salita. Napasinghap ako, at halos mahulog ang cellphone sa kamay ko. “W–wait, bakit po? Ano’ng nang—”“May reklamo mula sa kliyente. Ayokong ipaliwanag sa telepono. Ibalik mo na lang ang mga gamit ng kumpanya.” At bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag.Napako ako sa kinatatayuan ko, at halos hindi pa rin ako m
“Ano ang dapat kong malaman?” tanong ng pinakapamilyar na boses sa akin.I know that voice na lumipas ang maraming taon, kaya niyang basagin ang pader na itinayo ko bilang pang depensa.Parang nanigas tuloy ang katawan ko. Mabigat at mabagal ang bawat paghinga habang dahan-dahan akong lumingon. At doon ko siya nakita… si Walden. Nakatayo siya sa may pintuan, nakasuot ng white coat, ang kilay niya’y magkadikit sa lalim ng pagkakunot, at ang mga mata niya ay diretso sa amin ni Zachary, matalim at puno ng katanungan.“What?” muling tanong ni Walden, ngunit mas mababa at mas mariin na ang tono. “Napipi yata kayong bigla?” dagdag pa niya, na para bang nauubusan ng pasensya sa aming dalawa ni Zachary.Napatingin ako kay Zachary, at marahan akong umiling. Hindi ko na kailangan pa na magsalita, alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.Bumuntong-hininga si Zachary, at kita sa kaniyang mukha ang pag-aalangan. “We were talking about…” sandali siyang natigilan, at tila pinag-iisipan niy
Nang tingnan ko siya ay para akong nakakita ng multo. It was Zachary. I remember before na isa siya sa pinakamalapit at pinakapinagkakatiwalaan ni Walden noon. “Zach, what are you doing here?” tanong ni Kristoff na parang inilalayo nito ang atensyon sa akin, pero sa halip na sumagot ito ay sa akin ito diretsong tumitig. Bago pa ako makaiwas ay nagsalita na ito kaagad. “T–Teka… Meleah? Ikaw ba ‘yan?” tanong ni Zachary, bakas ang pagkagulat at kunot ang noo habang titig na titig sa akin. Napalunok ako. Alam kong hindi lang sorpresa ang nararamdaman niya ngayon, may halong hinanakit din, dahil isa siya sa mga taong nakasaksi kung paano ko iniwan si Walden… at walang paliwanag na iniwan ko ang lahat. Bubuka na sana ang bibig ko para magpaliwanag kahit kaunti, pero bago ko pa magawa, naramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa laylayan ng damit ko. “Mama…” lumingon ako. Nandoon si Alliya, nakataas ang mukha sa akin, inosente at walang kaalam-alam sa tensyong nasa paligid. “