MasukMAINGAT kong niyugyog si Camia para gisingin siya.“Camia,” mahinang tawag ko, pero may diin. “Gising.”Umungol siya at bahagyang dumilat. “Bakit ba?” aniya, antok na antok. “Anong oras na?”“Ang anak mo… wala ang sasakyan ni Ariana sa parking,” sagot ko agad. “Kanina lang pagdating ko, nandoon pa ’yon. Ngayon, wala na.”Napaupo siya nang bahagya pero halata pa rin ang pagkaantok. “Baka umalis lang sandali,” sabi niya. “May lakad siguro.”“Madaling-araw na, Camia,” giit ko. “Hindi man lang siya nagpaalam.. Alam mo ba kung nasaan siya? Bakit siya umaalis nang ganitong oras?”Napabuntong-hininga si Camia sa mga tanong ko at muling humiga, hinila ang kumot.“Ano ka ba naman, Simon. Matanda na ang anak mo. Hindi mo na kailangang bantayan lahat ng galaw niya. Hindi ka na ba sanay?”Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang may kaba sa dibdib ko. Parang may mali. Hindi ko maipaliwanag kung ano, pero ramdam ko. Lalo na at galing ako kay Sam kanina. Gabi na nang ihatid ko sa kanya
UMIIYAK kong niyakap ang mag-ina ko. Dahan-dahan lang, maingat at baka maipit ko ang bata. Ramdam ko ang liit ng katawan niya sa mga bisig ko, ang bigat na matagal kong hinanap, matagal kong pinangarap na muling mahawakan. Napansin kong hapis ang mukha ni Sam at malalim ang mga mata.“Paano ka napunta dito?” mahina kong tanong, halos pabulong. “Matagal kitang hinanap.”Hindi ko mapigilan ang luha. Hindi ko na inintindi kung makita ni Ariana na kanina pa nakamasid sa amin. Umiiyak din…. Wala na akong pakialam.“Akala ko ayaw mo lang magpakita sa akin,” dugtong ko. “Akala ko galit ka. Akala ko ayaw mo na akong makita kaya hindi kita mahanap yun pala---- ikinulong ka.” Hinaplos ko ang likod niya, parang baka maglaho siya kapag binitiwan ko. “I looked everywhere,” sabi ko. “Every place I thought you might be. Araw-araw, gabi-gabi. I kept asking myself kung saan ako nagkamali.”Naramdaman kong gumalaw ang bata sa pagitan namin. Napatingin ako sa kanya, maputla, payat, pero buhay. Buhay sil
HINDI pa rin tumitigil ang iyak ng bata. Kahit pareho na kaming kinakabahan ni Kuya, wala kaming magawa kundi manatili sa pwesto namin at alamin kung ano ba talaga ang meron sa bahay na pinupuntahan ni Papa.“Kanino ba talaga itong bahay?” bulong ni Kuya Leonard, halatang iritado. “Sa kabit ba ng papa mo? At idadamay mo pa talaga ako sa gulo na ito? Alam mo naman na marami akong iniisip.”Hindi agad nakasagot si Ariana. “Hindi ko rin alam, Kuya. Basta… magmatyag muna tayo,” mahina niyang sabi. “Baka pag nag-umaga na, bumalik si Papa. Kapag nahuli tayo rito, siguradong lagot tayo.”Napatingin si Leonard sa paligid. Tahimik ang bahay dahil sa sobrang dilim. “Fine…Just stay alert,” sabi niya. “Kapag may narinig kang kahit ano, sabihin mo agad.”Tumango si Ariana. Sa gabing iyon, walang nagsalita sa kanila ng matagal—pareho silang nakikinig, nag-aabang, at umaasang walang mangyayaring mas masama pa.Malapit na kami sa isang extended na bahay na mukhang abandonado rin, pero may ilaw sa loo
Nagtataka ako kung bakit bigla akong tinawagan ni Ariana.Hindi siya ’yung tipo na tatawag nang ganitong ka-late, lalo na na halata sa boses niya ang panic. May mali. Ramdam ko ’yon agad.Mabuti na lang hindi pa ako tulog.Nakatunganga lang ako sa sala, hawak ang baso ng alak, sinusubukang patayin ang ingay sa utak ko. Ilang bote na rin ang nabawasan pero malinaw pa rin ang isip ko. Kaya nang tumawag siya, parang may malamig na dumaloy sa katawan ko, isang instinct na nagsasabing kailangan niya ako.Hindi na ako nagpalit ng damit. Kinuha ko lang ang susi ng kotse, sinulyapan ang cellphone kung saan naka-pin ang address na sinend niya, at agad akong lumabas. Kinuha ko rin ang baril ko at sinukbit iyon in case na gulo pala ang pupuntahan ko. Habang umaandar ang sasakyan, paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang boses niya.“Urgent ito, kuya.”Hindi siya nagbibiro. Hindi rin siya basta-basta natataranta. Kaya habang papalapit ako sa lugar, mas lalo akong kinakabahan. Tahimik ang kalsada, ha
Nasa loob na si Ariana ng kotse. Mula sa malayo, nakita kong umandar ang sasakyan ni Papa palabas ng gate. Hindi siya nagdalawang-isip. Diretso lang, parang alam na alam kung saan pupunta. That alone scared me. Sa ganitong oras saan siya pupunta? Hindi mapigilang hindi magtaka ni Ariana. Kinakabahan siya. Pag-alis ko sa driveway, pinanatili ko ang distansya. Hindi masyadong malapit at hindi rin masyadong malayo para hindi mahalata na nakasunod ako…Enough para hindi niya mahalata, pero sapat para hindi siya mawala sa paningin ko.. Tahimik ang kalsada, halos walang ilaw. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko at ang mahinang ugong ng makina. Every turn he makes, sinusundan ko. Left. Right. Isang mahabang diretso palabas ng main road. Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko nang huminto ang kotse ni Papa sa tapat ng isang bahay na halos walang kapitbahay. Tahimik ang paligid, sobrang tahimik na parang may masamang balak ang gabi. Mula sa malayo, agad akong bumaba, daha
Napaangat ang kilay ni Simon nang makita niya akong nakaupo sa sofa, halatang problemado.“Ako na mismo ang naaawa kay Leonard,” mahina kong sambit, napabuntong-hininga. “Mukhang mahal niya talaga si Sam. You can see it in his eyes, hindi siya nagpapanggap.”Bahagya siyang ngumiti, pero may halong panunukso. “Pero gusto mo naman ang nangyayari, hindi ba?” tanong niya, diretso ang tingin sa akin. “Deep inside, you like the fact na sa’yo lang ang anak mo.”Napatingin ako sa kanya, hindi agad sumagot. Kasi kahit ayokong aminin, may parte sa akin na totoo ang sinabi niya. At iyon ang mas lalong gumugulo sa isip ko.Hindi ganun kasimple,” mahina kong sabi. “Yes, I want my child with me. Pero hindi ibig sabihin nun na wala na akong konsensya. Hindi naman siguro ikaw ang dahilan kung bakit nawawala si Sam,” dagdag niya. Biglang tumayo si Simon, halatang nainsulto. “What? At bakit ako?” mariin niyang tanong. “Why would I even take Sam? Bakit ko naman gagawin ‘yon?” mariin niyang tanggi.“Hin







