Home / Romance / MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND / CHAPTER 1: THE NIGHT I LOST EVERYTHING

Share

MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND
MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND
Author: DIVINE

CHAPTER 1: THE NIGHT I LOST EVERYTHING

Author: DIVINE
last update Huling Na-update: 2025-07-29 21:24:50

THREE YEARS anniversary namin ni Darren pero dahil out of town ako para sa isang seminar ay hindi kami nakapag-celebrate ng nobyo kong si Darren. Tumawag siya sa akin at sinabi niyang malungkot siya dahil magkalayo kami kaya kahit gabi ay umuwi ako para lang makasama siya nang hindi niya alam. Hindi na ako umuwi sa amin at agad akong nagtungo sa bahay niya dahil may susi naman ako ng bahay niya.

Napatingin ako sa aking pambisig na orasan. Alas diyes pa lamang ng gabi pero napakatahimik na ng bahay ni Darren. Hindi ako sanay, lalo na’t sanay ako na late ito kung matulog.

Wala siya sa sala at kusina kaya umakyat ako sa second floor. Tumuloy ako sa kwarto ng nobyo ko. Hindi ko na kailangan pang kumatok dahil bukas ang pinto nito at tumambad sa akin ang dalawang taong pinagkakatiwalaan ko.

Si Darren. At si Nina.

Nakahiga sa kama, walang saplot at magkayakap. Parang biglang tumigil ang buong mundo ko. Napakapit ako sa doorframe at nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig.

“Mga hayop kayo!” sigaw ko sabay bato ng bag sa dalawang tulog. Mabilis kong sinugod ang mga ito.

Napabalikwas ng bangon si Darren. Gulat na gulat.

“Sam?” wika niya na hindi man lang magawang ilakas ang boses dahil sa pagkabigla. Nagmamadali niyang kinuha ang kumot para takpan ang katawan. Si Nina naman, hindi man lang nagulat nang makita ako. Bagkus ay ngumiti pa ito ng bahagya. That signature smirk she always had when she knew she won.

“Mga hayop kayo! Ang bababoy ninyo!” sigaw kong umalingawngaw ang boses ko, bago ko siya nilapitan at pinagsasampal. “How dare you! Ang baboy ninyo!”

Hinihila ko ang buhok ni Nina pero pilit akong pinipigilan ni Darren.

“Samantha! I-I can explain,” nataranta niyang sagot habang tumatayo, pilit tinatakpan ang sarili.

“Explain?!” halos mapasigaw ako. “You’re in bed with my step sister, Darren! Anong paliwanag pa ang gagawin mo?”

“Look, it was an accident.”

“An accident?!” Napailing ako sa sobrang disbelief. “Nahulog ba kayo pareho sa kama ng walang damit? That’s an accident? Sinong lolokohin ninyo?”

Si Nina, parang nanonood lang sa amin. Nakaupo pa rin sa kama at hindi man lang nag-abalang magsuot ng damit. “You were gone for months, Sam. You weren’t here. Darren needed someone. Bakit kailangan mong sisihin si Darren?”

“Bitch!” galit na galit kong sigaw kay Nina. “I trusted you, Nina,” nanggagalaiting sigaw ko. “Ikaw pa ang pinagbilinan ko na alagaan siya habang wala ako. Ikaw pa! And what? Ikaw pa pala itong aahas sa akin? How dare you!”

Nagsimulang manginig ang boses ko. Umiiyak na ako pero pinipigilan ko pa rin ang sarili. “You know what hurts the most?” mahinang tanong ko. “Hindi ‘yung niloko ako. Nasaktan ako dahil kayo pa. Pinaglaruan niyo ako!”

Tumango si Darren, pero hindi siya makatingin ng diretso sa akin. “I’m sorry. I didn’t mean to hurt you, Sam.”

“You did hurt me, Darren.” bulong ko. “And this—this isn’t just a mistake. This is betrayal. Ilang beses niyo na itong ginawa, behind my back? Maraming beses?” nanlalaki ang mata kong tanong.

Tumayo si Nina bago ibalot ang kumot sa sarili nito. “Samantha, don’t make this bigger than it is.”

Napatawa ako sa gitna ng pag-iyak. “Oh, I’m making this big? My whole life just fell apart and I’m the one overreacting? Anong gusto mong gawin ko? Pumalakpak dahil nakita ko kayong magkayakap at hubot-hubad o baka gusto mong maghubad din ako at tumabi sa inyo?” sagot kong galit na galit. “Nakakadiri kayong dalawa!” duro ko sa kanila.

“Nakakadiri ba ito sayo? Kaya pala hindi mo magampanan ang pangangailangan ni Darren at dahil sayo kaya naghanap siya ng iba,” ani pa ni Nina sa akin.

Tiningnan ko si Nina…. “At proud ka pa na kinakamot mo ang pangangati ng boyfriend ko? Alam mo, noon pa naman talaga alam ko ng gusto mong kunin ang meron ako… You always wanted the spotlight. Anyway you can have him. Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga palihim na tingin mo sa kanya? Fine! Sayong-sayo na siya…. Both of you deserve each other.”

“Sam!” sigaw ni Darren ng nagmamadali akong umalis. Hinawakan niya ako sa braso kaya isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

“Happy anniversary,” wika kong ngumiti ng mapait habang pinupunasan ang luha ko… “Akala ko malungkot ka, ‘yun pala umuungol ka habang sinasabi sa akin na malungkot ka. Hindi ko alam na magaling ka palang artista,” pauyam ko pang dagdag bago ako tuluyang umalis.

Gusto ko sanang sabihin sa mga magulang ko ang natuklasan ko pero tulog na ang mga ito nang makauwi ako kaya dumiretso na lamang ako sa aking kwarto at walang ginawa kundi ang umiyak. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng nobyo ko, akala ko ay tapat siya sa akin at totoong mahal ako pero ang lahat ay isang kasinungalingan lamang.

Pagkagising ko ay kaagad kong pinuntahan ang ina ni Nina. Gusto ko siyang makausap.

“Tita Sonya!” wika ko sa aking stepmother... “I need to talk to you. It’s important.”

Tumaas ang isang kilay ng ginang habang ibinaba ang tasa ng kape. “Ano na naman, Samantha? Wala pa akong almusal. Anong drama na naman ba ito? Hindi ko alam na nakauwi ka na pala,” iretableng tanong niya sa akin. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na naging ina siya sa akin.

Huminga ako ng malalim. “Nahuli ko si Darren sa kama at kasama si Nina.”

Muling tumaas ang kilay nito… “Excuse me?” Napangisi ang babae. “Darren and Nina? You must have misunderstood. You always do.”

“Tita, nakita ko sila mismo! Magkasama sila sa kama, walang damit, niloloko nila ako. Naririnig niyo ba ako?” galit kong wika na kulang na lang ay sumigaw ako para lang maintindihan niya ako.

“Baka naman kasi ikaw ang dahilan?” matalim ang tingin ng ginang na pinagmasdan ako. “Let’s be honest, Samantha. You’re a little too plain. Walang thrill. You think a man like Darren will wait forever for someone like you?”

Namilog ang mata ko. “Anong ibig mong sabihin?”

“Let’s not pretend, hija. You’re responsible, yes. Smart, yes. But men like excitement. And Nina, well, she has that spark you don’t. Siguro naman nakikita mo yun?” pagtatanggol pa niya sa anak at hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

“So, sinasabi mong kasalanan ko kung bakit ako niloko? Ako ang may kasalanan kung bakit pinagtaksilan ako ng nobyo ko at ng stepsister ko?!”

Tumayo si Tita Sonya at hinarap ako.

“Don’t raise your voice at me. And yes, maybe kung mas naging exciting ka, hindi sana nangyari ‘yan. Let this be a wake-up call.”

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala.

“Anong klaseng ina kayo? Bakit kailangan mong i-tolerate ang maling ginagawa ng anak ninyo? Nakikipag-sex siya sa hindi niya boyfriend at si Darren ay boyfriend ko. Big deal yun para sa akin!”

“Huwag mo akong pangaralan. Kung niloko ka ng Darren na yun siya ang kausapin mo kung bakit niya ginawa yun. Baka naman kasi mas masarap si Nina kaysa sayo? O baka naman kasi ayaw na sayo pero pinipilit mo lang ang sarili mo.”

“Unbelievable!” napapailing kong wika. Gusto kong sumigaw. Gusto kong itulak ang babaeng ito palabas ng buhay ko. Pero alam kong hindi ako mananalo sa pakikipagtalo ngayon. Hindi sa isang taong kailan ma'y hindi ako itinuring na tunay na anak. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Na kakampihan mo ako? Nakalimutan ko na kahit pala mali si Nina ay gagawin mo pa ring tama,” pauyam kong wika.

Sa galit ko ay tinalikuran ko siya at pinuntahan ko ang ama ko sa kwarto ng mga ito.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang ama kong nagbibihis.

“Pa…”

“Sam? What’s wrong?” tanong nito, medyo nagulat sa biglang pagpasok ko.

“May gusto lang po akong sabihin Pa, nahuli ko po si Darren at si Nina, pinagtataksilan nila ako. Niloloko nila ako,” umiiyak kong sumbong sa ama.

Natigilan ang ama niya. Saglit na natahimik, bago nagsalita.

“Si Nina?” tanong niya, kunwaring nagulat. “Sigurado ka bang hindi mo lang na-misinterpret sa nakita mo?”

“Hindi po. I saw them! Walang damit, magkayakap! Please, Pa, this is serious. Maniwala ka naman sa akin. Hindi ako gagawa ng ganitong kwento. They are fucking!”

Humugot siya ng buntong-hininga at lumapit sa akin.

“Look, Sam. I understand you’re hurt. Pero si Nina ‘yan, kapatid mo. Alam mong mahina siya sa tukso. At si Darren, lalaki lang ‘yan. You should have seen it coming.”

“I should have seen it coming?!”

“Anak, don’t blame her too much. She probably didn’t mean it. Nina is still young, she makes mistakes. Mag-aaway kayo dahil lang sa isang lalaki?”

“Pa, kampihan niyo naman ako. Anak niyo naman ako hindi ba? Kahit ngayon lang. Bakit ba palaging si Nina? Nagkasala siya sa akin!” umiiyak na ang boses ko. “Paano naman ako? Ako ang niloko! Ako ang nasaktan!”

Umiling si Papa, mahinang lumapit at hinawakan ang braso ko.

“You’re strong, Samantha. And honestly, you’ve always been too serious. Maybe you’re not the right fit for Darren after all.”

Napaatras ako. Napailing ako sa sinabi ng ama ko. Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig.

“Hindi porke’t malakas ako ay hindi na ako nasasaktan. Sa totoo lang Pa, simula nang maging asawa mo si Tita Sonya, hindi ka na naging ama sa akin. Nakalimutan mo ng may anak ka! At ako? Hindi ko na alam kung may pamilya ba talaga ako dahil simula ng mawala si Mama ay nawalan na rin ako ng pamilya,” lumuluha kong wika sa kanya.

“Samantha! Huwag mo akong kakausapin ng ganyan! Ama mo pa rin ako.”

Umiling ako sa sinabi niya.

“Hindi ko na maramdaman! Maraming beses na may kasalanan si Nina pero sino ang nagbibigay? Madalas ay ako. Ako ang mali, ako ang may kasalanan! Tama nga siguro ang sinasabi ni Tita Sonya na hindi mo ako anak… I hate you! I hate this house! Magsama-sama kayo!” sigaw kong lumuluha habang tumatakbo paakyat ng aking kwarto at agad na nilagay ang mahalaga kong damit sa maleta at nagmamadaling umalis ng bahay namin. Alam ko naman na walang pipigil sa pag-alis ko dahil walang may pakialam sa akin.

“Samantha!” tawag sa akin ni Papa nang makita niyang may mga dala akong maleta. “Kapag umalis ka sa bahay na ito ay wag ka ng aasa na may babalikan ka pang pamilya,” wika ni Papa pero hindi ko ito hinarap.

“Makakaasa kayo,” sagot kong nagmamadaling nilagay ang mga maleta sa kotse ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 110: THE PRICE OF SILENCE

    Mabilis akong umalis ng bahay, halos hindi ko na naisara ng maayos ang pinto. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagmamaneho, at paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ng tatay ko at ang pangalang ayaw na ayaw ko nang marinig.Sam.Parang kutsilyong paulit-ulit na isinusuksok sa dibdib ko. Pagdating ko sa dati naming tagpuan ang lumang bahay na matagal nang walang nakatira ay agad akong sinalubong ng katahimikan. Sa bahay na ito kung saan maraming lihim.Nandoon na si Simon. Nakatayo sa may pintuan, halatang kanina pa naghihintay at naiinip na sa akin.. Pagkakita pa lang niya sa akin, alam kong nabasa niya agad ang emosyon ko, ang galit, ang inggit na matagal ko nang kinikimkim.“Hey,” mahinahon niyang sabi. “What happened?”Hindi ako sumagot. Diretso akong pumasok at inihagis ang bag ko sa mesa.“Huwag mo muna akong tanungin,” malamig kong sabi. “Baka sumabog lang ako.”Tahimik niya akong sinundan. “Si Sam na naman?” maingat niyang tanong. “Napanood ko an

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 109: WHAT ABOUT ME?

    Pagkaalis ni Sonya, nanatili akong nakatayo sa gitna ng sala. Tahimik ang paligid pero sa loob ng ulo ko, parang may sumisigaw. Paulit-ulit. Walang tigil. Ang pagkukulang ko kay Sam. At higit sa lahat, ang pagkukulang ko sa ina ng batang pinalayas ko, na ginawa ko rin sa ina niya. I failed her.Hindi ko siya naprotektahan. Hindi ko siya pinili. Hinayaan kong lamunin ako ng bago kong pamilya. Ang totoo ay hindi naman ako naging masaya sa piling ni Sonya. Ngayon ko lang narealize na masyadong kontrolado ang buhay ko. At nang mawala si Sam, doon ko lang tuluyang naunawaan kung gaano kalaki ang kasalanan ko, ang pagkukulang ko. Oo, nagduda ako kung anak ko ba bata si Sam pero nagpa- DNA ako ng hindi alam ni Sonya at nalaman ko na biological kong anak si Sam. Walang duda yun kaya pala kahit na anong pilit ko sa sarili ko na hindi ko ito anak ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing na involved ito sa mga away.One year, bulong ng isip ko. Isang taon na akong naghahanap. Isang taon na akong nagba

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 108: COLLATERAL DAMAGE

    Napabuntong-hininga ako habang nakatutok sa TV. Paulit-ulit na lumalabas ang panawagan ni Leonard seryoso ang mukha, puno ng urgency ang boses. Parang eksena sa pelikula, isang billionaire na nagmamakaawa sa harap ng buong bansa.“Sana all talaga,” hindi ko napigilang sambitin.Lumingon ako kay Edmund. Doon ko agad napansin na panay ang lunok niya, hindi mapakali. Halatang tensyonado. Naiinis ako lalo.Hindi dahil kay Sam. Wala talaga akong pakialam sa babaeng ‘yon. Kung nasaan man siya, bahala siya sa buhay niya. That’s not my problem. Ang ikinaiinis ko ay ang asawa ko kung paano siya malinaw na naaapektuhan. Every word Leonard said, parang may tinatamaan sa kanya.“Bakit ka ba ganyan?” tanong ko, hindi na pinipigilan ang tono ko. “Parang ikaw ang nawawala.”Napatingin siya sa akin, nagulat. “Ha? Wala naman,” sagot niya, pilit na kalmado. Pero alam ko ang itsurang ‘yon. Kilala ko siya.Napangisi ako, puno ng iritasyon. “Huwag mo akong lokohin. Ganyan ka rin dati. Same look. Same sile

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 107: NOT A FAIRYTALE

    Tumigil ang paghinga ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Para bang biglang lumiit ang café, parang kami na lang dalawa ang natira sa mundo at ang bawat tunog ay masyadong malinaw.“Ariana,” mababa ang boses ni Darren, halos pabulong, pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita. “Gusto ko ng makipaghiwalay kay Nina.”Napakurap ako. Hindi dahil hindi ko inaasahan kundi dahil sa bigat ng ibig sabihin nito.“Araw-araw na magkasama kami,” dugtong niya, napapikit sandali, “pakiramdam ko nasa impyerno ako. I smile. I pretend. Pero sa loob ko, unti-unti akong nauupos. Napapagod na ako. Hindi ako masaya.”Tumingin siya sa akin, diretso. Walang pagtatago. “Mas nakakahinga pa nga ako kapag tayong dalawa ang magkasama. At alam mo ba,” pagpapatuloy niya, “simula nang may nangyari sa atin unti-unti kong nakakalimutan yung kabaliwan ko kay Sam, ang obsession na bumalik siya sa buhay ko…. Hindi na siya ang laman ng isip ko.”Huminga siya ng malalim, parang inaalala ang isang alaala na ayaw at gust

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 106: UNSPOKEN LOVE

    Tahimik pa rin ang café, pero parang mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan namin ni Darren. Ilang segundo akong nag-ipon ng lakas ng loob bago tuluyang nagsalita. Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa tenga ko.“Alam mo, minsan, Darren…” mahina kong umpisa, halos pabulong. “Naiinggit ako kay Sam.”Napatingin siya agad sa akin. Hindi siya nagsalita, pero kita ko ang gulat sa mga mata niya. “Naiinggit ako,” ulit ko, mas malinaw na ngayon ang boses ko.“Because lahat kayo, mahal niyo siya. Ikaw at si kuya Leonard. Lahat kayo may parte sa puso niyo na si Sam ang laman.”Napayuko ako. Parang mas madaling magsalita kapag hindi ko siya tinitingnan.“Ang nangyari sa ating dalawa,” dugtong ko, nanginginig ang boses, “gusto kong kalimutan. Araw-araw, sinasabi ko sa sarili ko na dapat ko nang burahin. Dapat wala lang ‘yon.” Huminga ako nang malalim.“Pero Darren… noon pa man, gusto na kita.”Biglang tumigil ang mundo.Nanigas si Darren sa kinauupuan niya. Parang hindi siya nakahinga agad.“Arian

  • MY EX'S UNCLE IS MY BOSS AND CONTRACT HUSBAND   CHAPTER 105: BABY YURI

    Napaiyak na lamang ako sa alaalang iyon.Tahimik ang apartment, sobrang tahimik na parang wala nang mundo sa labas. May TV nga ako. May lingguhang supply ng pagkain, tubig, at mga pangunahing kailangan. Pero kahit anong dami ng gamit, walang kahit anong makakapuno sa pakiramdam na iniwan ako ng mundo.Parang pinatay ang oras dito. Ang pinto, doble ang kandado.Walang susi. Walang bintana sa labas. Walang kahit anong senyales na may makakarinig sa akin kung sisigaw man ako.Walang paraan para makatakas. Kahit gusto ko.Napatingin ako sa kama.At doon ko siya nakita. Ang tatlong buwang gulang kong anak. Ang anak namin ni Leonard. Ang bunga ng pagmamahal ko sa aking asawa. Ang nagbibigay sa akin ng lakas dahil kung ako lang, mag-isa baka hindi ko kayanin..Lumaban ako ng malaman kong buntis ako. Napatingin ako kay Yuri sa aking anak. Mahimbing siyang natutulog, nakatagilid, maliit na maliit ang dibdib na dahan-dahang umaangat at bumababa. Mapula ang pisngi. Bahagyang nakabukas ang mga la

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status