Share

Chapter 4

Author: A.N.J
last update Last Updated: 2025-03-10 12:34:14

Chapter 4

Agad niya akong binigyan ng calling card saka ito umalis. Nanatili akong nakatayo, hawak ang calling card na iniwan ni Mr. June. Pinagmasdan ko ang pangalan at numero na nakasulat doon. Wala akong balak tawagan siya—pero alam kong hindi siya basta-basta mawawala.

Isang linggo.

Iyon lang ang palugit niya bago niya sabihin kay ex-uncle kung nasaan ako.

Mabilis akong bumalik sa dressing room, hindi alintana ang pagtawag sa akin ng mga kasamahan ko. Hindi ko na kayang magsaya o magkunwaring walang nangyari.

Pagkaupo ko sa harap ng salamin, napayuko ako at mariing kinuyom ang aking mga palad.

“Ano pa ba ang dapat kong gawin?” bulong ko sa sarili.

Dalawang taon na lang at magiging ganap na akong abogado. Dalawang taon na lang at makakalaya ako sa mundong ito. Pero paano kung mawala ang lahat ng ito dahil sa isang lalaking iniwan ko sa nakaraan?

Hindi. Hindi ako papayag.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang sarili sa salamin.

"Kailangan kong humanap ng paraan para mawala siya sa landas ko," madiin kong sabi.

At sa ngayon, may isang tao akong naiisip na maaaring makatulong sa akin.

Ang tanong lang... handa ba akong muling pumasok sa isang kasunduan kapalit ng aking kalayaan?

Kailangan kong maghanap ng bagong trabaho at tirahan.

Kailangan kong kumilos nang mabilis. Hindi ko maaaring hintayin ang isang linggo bago gumawa ng aksyon.

Kailangan kong maghanap ng bagong trabaho at tirahan—mas malayo, mas ligtas.

Pagkatapos kong magpalit ng damit, agad akong lumabas sa backdoor ng bar. Nilakad ko ang madilim na eskinita, habang mahigpit na hawak ang bag ko. Wala akong dalang marami, pero sapat na ito para makaalis agad kung kinakailangan.

Pumasok ako sa isang 24-hour internet café at agad naghanap ng job postings. Kahit anong trabaho, basta malayo sa nightlife.

"Assistant, cashier, office staff..." bulong ko habang ini-scroll ang mga job listings.

Napahinto ako sa isang ad:

"Wanted: Personal Assistant for a Private Firm. High salary. Discretion required."

Mataas ang sahod at hindi kailangang may experience. Pero ang nagpagulat sa akin ay ang huling linya—"Discretion required."

Para bang ang trabahong ito ay hindi para sa kung sino-sino lang.

May kutob akong may kakaiba rito, pero wala na akong panahon para maging mapili. Kailangan ko ng trabaho ngayon.

Agad kong sinend ang aking resume gamit ang bagong email address na ginawa ko kanina lang.

Pagkatapos ay naghanap naman ako ng murang matutuluyan. "Bedspace for rent... studio-type apartment... transient house..."

May nakita akong isang maliit na kwarto sa dormitoryo, mura lang at walang masyadong tanong. Agad akong tumawag at nagpareserba.

Wala pang isang oras, dalawa sa pinakamahalagang problema ko ang may sagot na.

Pero may isa pang bagay na gumugulo sa isip ko.

Si Mr. June.

At kung paano ko siya malalampasan bago pa niya ako ipagkanulo sa taong pinaka-ayaw kong makita.

Habang naglalakad palabas ng internet café, ramdam ko ang bigat ng mga mata ng ilang kalalakihang nakatambay sa labas. Pinagtaasan ko lang sila ng kilay at mabilis na nilagpasan. Wala akong oras makipag-usap, lalo na’t may mas malaking problema akong hinaharap.

Habang tinatahak ko ang madilim na sidewalk, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Unknown Number Calling...

Nanlalamig ang kamay kong sinagot ito.

"Hello?"

"Ang bilis mong kumilos, Zamara," malamig na tinig ni June ang bumati sa akin. "Naghanap ka agad ng trabaho at lilipat ng tirahan? Natatakot ka ba?"

Huminto ako sa paglalakad. Mabilis kong iginala ang paningin sa paligid, pilit hinahanap kung nasaan siya.

"Anong gusto mo, June?" matigas kong tanong.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Gusto ko lang malaman kung ano ang balak mong gawin. Tatakas ka na naman ba? O mas pipiliin mong harapin ang sitwasyon?"

"Hindi ako tumatakas. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang makialam."

"Dahil binayaran ako para hanapin ka."

Nanikip ang dibdib ko. "Kung pera ang habol mo, bibigyan kita. Basta huwag mo akong ipagkanulo."

Muling natahimik sa kabilang linya.

"Hmm… interesante."

Narinig ko ang ingay ng isang sasakyan sa kanyang background, senyales na nasa labas siya.

"Magkita tayo, Zamara. Bukas ng gabi. Parehong lugar, parehong oras. Huwag kang mag-alala, hindi ko muna sasabihin kay Mr. Santillian... kung maganda ang magiging usapan natin."

"At kung hindi ako sumipot?"

"Alam mo na ang sagot diyan."

At bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag.

Napakuyom ako ng kamao.

Ngayon ko lang napagtanto—hindi lang pala si Mr. Santillian ang problema ko.

Pati si June... isang taong hindi ko alam kung kakampi o kalaban.

Mabigat ang mga hakbang ko habang naglalakad pauwi. Sa isip ko, paulit-ulit na tumatakbo ang usapan namin ni June. Hindi ako sigurado kung dapat ko ba siyang puntahan o dedmahin na lang. Pero isang bagay ang sigurado ako—hindi ko siya basta-basta matatakasan.

Pagdating sa maliit kong inuupahang kwarto, mabilis kong sinara ang pinto at ni-lock ito. Saglit akong napasandal at napapikit.

"Ano bang gagawin ko?" bulong ko sa sarili.

Hindi pwedeng malaman ni ex-uncle kung nasaan ako. Kahit pa hindi ko alam ang tunay niyang balak, ayaw kong magkaroon pa ng koneksyon sa kanya.

Biglang nag-vibrate ulit ang cellphone ko. May natanggap akong email.

"Congratulations! You have been shortlisted for the Personal Assistant position. Please come for an interview tomorrow at 2:00 PM."

Napakurap ako. Ang bilis naman nilang sumagot.

Napasipol ako nang mahina. "Mukhang swerte ako ngayon, ah."

Pero sa likod ng isipan ko, may bahagyang pangamba. Bakit parang ang bilis ng proseso?

Napailing ako. "Wala na akong ibang choice."

Kailangan kong magtrabaho at ito ang pinakamabilis na paraan.

Mabilis kong inayos ang aking gamit at nilatag ang maliit kong kutson. Sa dami ng iniisip ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

---

Kinabukasan, bago mag-alas dos, nasa harap na ako ng isang high-rise building sa Makati. Napatingala ako—malaki, moderno, at mukhang isang corporate office.

Nagpakilala ako sa receptionist at ilang minuto lang, isang babae ang lumapit sa akin. "Miss Zamara Lopez?"

Tumango ako.

"This way, please."

Sumunod ako sa kanya, dumaan kami sa isang hallway na tila hindi pangkaraniwan. Tahimik, at halos walang ibang empleyado.

Pagdating namin sa dulo, bumukas ang isang glass door.

At doon, nakita ko ang isang lalaking naka-upo sa malaking swivel chair. Naka-black suit siya, matikas at mukhang hindi basta-basta. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya, nakatingin sa city skyline.

"So, ikaw pala si Zamara." Malalim ang boses niya, may halong autoridad.

Nanlamig ang kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaiba sa taong ito.

At hindi ko alam kung ito ba ay magandang balita... o panibagong delubyo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 26

    Chapter 26Hindi ko akalain na sa mga oras na ito ay buo kami — malayo sa kapahamakan, sa mga kalaban ko sa negosyo, at sa organisasyong dati’y puno ng panganib at karahasan. Ngayon, ibang klase na ang mundo namin.At higit sa lahat, si Zamara… hindi lang basta naging parte ng buhay ko. Kasama ko na rin siya sa mundong pilit kong binuo — sa organisasyong minsang bumaon sa kanya sa kadiliman. Pero ngayon, hindi siya biktima. Isa na siyang lider. Isang boses ng hustisya. Isa sa mga haligi ng pagbabagong unti-unti naming tinatamasa.Sa mga pagpupulong namin, tahimik siyang nakikinig — ngunit kapag nagsalita siya, lahat ay tumatahimik. May bigat ang kanyang mga salita. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa respeto. Sa kanyang mga mata, hindi mo na makikita ang takot o alinlangan. Ang makikita mo ay apoy — hindi para sa paghihiganti, kundi para sa proteksyon ng mga walang laban.“Alam mo ba?” bulong niya habang nagpapahinga kami sa terasa ng bahay, yakap ko siya habang pinagmamasdan ang bit

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Author Note

    Author note Hi all..... Maraming salamat po sa inyong support. Aasahan po ninyo ay pagbutihan ko ang pagsulat .Thank you so much.... Love: Author ANNE JANE NAVALPS. Nagkasakit po ako kaya hindi ako naka update. Pero ngayon ay medyo okay na ang pakiramdam ko....

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 25

    Chapter 25Isang taon na ang lumipas mula nang tuluyang kumawala si Zamara sa tanikala ng kanyang nakaraan. At sa unang pagkakataon, tunay naming naranasan ang kapayapaan — ang klase ng katahimikang dati’y para bang imposible naming makamtan.Masaya kami ngayon. Malayo na sa mga anino ng eksperimento, sa mga malamig na silid na puno ng takot at sakit. Sa isang simpleng bayan na tahimik at ligtas, namumuhay kami ng normal. Si Zamara? Mas lalo siyang gumanda. Hindi lang sa panlabas, kundi sa kung paano siya ngumiti, tumawa, at tumingin sa mundo — isang babaeng malaya, buo, at masaya."Naalala mo pa ba nung una kitang tinuruan sa training room?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad sa tabing-dagat, hawak ang aming mga tsinelas habang ang mga paa namin ay nilalaro ng malamig na alon.Napangiti siya, sabay kurot sa tagiliran ko. "Naalala ko kung paano mo akong pinagod araw-araw! Pero salamat, dahil doon ko nalaman na may kakayahan pala akong lumaban para sa sarili ko.""At ngayon, ting

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 24

    Pagkatapos ng matinding pag-uusap namin ni Zamara, ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko siya masisisi. Sa loob ng maraming taon, siya ay naging simbolo ng eksperimento ng organisasyon — isang bagay na walang kalayaan, isang Subject Zero.Ngunit ngayon, siya na si Zamara."Handa ka na ba?" tanong ko habang tinatapakan ko ang lumang kahoy na sahig ng training room."Hindi na ako babalik sa dati," tugon niya, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. "At kung kailangan kong labanan sila para makuha ang kalayaan ko, gagawin ko."Tumango ako. Nasa mga mata niya ang determinasyon, ngunit ramdam ko rin ang takot na pilit niyang itinatago. Sa bawat hakbang niya ay dala niya ang bigat ng mga alaala — ang mga sugat, ang mga eksperimento, at ang kawalan ng kontrol sa sarili niyang katawan."Nagsimula na ang laban natin," sabi ko, itinuro ang mga lumang kagamitan sa paligid. "Hindi lang ito tungkol sa lakas ng katawan, Zamara. Kailangan mong pag-aralan ang isip ng

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 23

    Chapter 23Davis POVPinagmamasdan ko si Subject Zero habang inuulit niya ang bawat suntok sa punching bag. Hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya sa isip ko. Hindi pa rin ako sanay. Para sa akin, isa pa rin siyang eksperimento na nabuhay sa ilalim ng mga kasinungalingan ng organisasyon.Ngunit hindi ko maikakaila ang pagbabago sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng determinasyon. Ang mga galaw niya, mabilis at matalas. Hindi na siya ang takot na batang tinulak nila sa loob ng malamig na laboratoryo. Ngayon, siya na ang pinakamalaking banta sa kanila.“Mabagal pa rin ang kilos mo,” sabi ko, inilalagay ang kamay ko sa balikat niya. “Hindi ka dapat magpadala sa galit. Gamitin mo ang isip mo.”Huminga siya nang malalim, halatang naiirita. Naiintindihan ko. Alam kong gusto niyang patunayan ang sarili niya. Pero kung gagamitin niya lang ang galit sa laban, matatalo siya.“Ulitin mo,” utos ko. “Ngayon, isipin mo na kalaban mo ay hindi lang punching bag. May intensyon siyang patayin ka. Magp

  • MY EX-UNCLE OWN ME    Chapter 22

    Chapter 22 Nanlamig ako sa narinig. Ang mga tulad ko ay naglalakad na mga armas. Kung totoo ngang may darating na laban, magiging impyerno iyon. "At ano ang meron ako na wala sila?" tanong ko, halos pabulong. "Tibay ng loob," sagot ni Davis, diretso ang titig sa akin. "Ikaw ang nag-iisang Subject na may kalayaang magdesisyon. Hindi ka nasira ng eksperimento. Hindi ka ginawang sunud-sunuran. Ikaw ang banta sa kanila, dahil ikaw ang patunay na hindi nila kayang kontrolin ang lahat." Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang takot. Alam ko na wala nang atrasan. Kung hindi ako kikilos, ako mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng lahat ng mahal ko. "Anong susunod nating gagawin?" tanong ko, puno ng determinasyon. "Maghanda," sagot ni Davis. "Kailangan mong muling sanayin ang katawan mo, palakasin ang isipan mo. At higit sa lahat, kailangan mong matutunan kung paano labanan ang mga tulad mo." Nagkatinginan kami, at sa titig pa lang, alam kong wala nang pag-aalinlangan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status