Chapter 5
Mabilis akong huminga nang malalim bago sumagot. "Opo. Ako po si Zamara Lopez." Dahan-dahang umikot ang swivel chair, at sa wakas, nasilayan ko na ang mukha ng lalaking kaharap ko. Matikas ang panga niya, matangos ang ilong, at matalim ang titig ng kanyang malamlam na kulay-abo na mga mata. Parang kaya niyang basahin ang iniisip ko sa isang sulyap lang. "Naupo ka," malamig niyang utos habang itinuro ang upuang nasa harap ng kanyang mesa. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko nang lumapit ako at umupo. "Alam mo ba kung anong klaseng trabaho ang ina-apply-an mo?" direkta niyang tanong. Napalunok ako. "Personal Assistant po." Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. "Tama. Pero ang posisyong ito ay hindi ordinaryong P.A. job." Napatigil ako. "A-anong ibig ninyong sabihin?" Tumayo siya, lumapit, at bahagyang yumuko upang mapantayan ang tingin ko. Mula sa malapitan, mas naging nakakatakot ang presensya niya—parang isang hari na hindi pwedeng suwayin. "I need someone who can handle discretion, Zamara. Meaning, kung anuman ang makikita mo, maririnig mo, at matututunan mo habang nagtatrabaho sa akin—mananatili lang sa loob ng kwartong ito." Napalunok ako. Parang masyadong seryoso ang trabahong ito. "At kung hindi po?" maingat kong tanong. Muling kumislot ang sulok ng labi niya, ngunit hindi iyon ngiti—para iyong babala. "Then you wouldn’t be here right now." Napahawak ako sa palda ko, pilit pinapanatiling kalmado ang sarili ko. "Gusto ko lang po ng trabaho, Sir." Hinawakan niya ang isang papel sa kanyang mesa at iniabot sa akin. "Basahin mo ang kontrata. Kung papayag ka sa lahat ng kondisyon, pipirmahan mo ito at magiging empleyado kita simula ngayon." Dahan-dahan kong binasa ang dokumento. "Hindi maaaring magtanong tungkol sa personal na buhay ng employer..." "Hindi maaaring lumabas ang impormasyon sa kahit kanino..." "Kailangang laging nakaalerto at handang sumunod sa utos..." Parang hindi ito normal na trabaho. Napatitig ako sa kanya. "Bakit parang hindi pangkaraniwan ang posisyon na ito?" Nagtagal ang tingin niya sa akin bago siya ngumiti—isang tipid ngunit mapanganib na ngiti. "Sapagkat hindi ito pangkaraniwang trabaho, Zamara." Doon ko napagtanto—hindi lang siya isang simpleng employer. At sa sandaling pumirma ako sa kontratang ito… hindi ko na alam kung makakawala pa ako. "Nais ko pong malaman, sir, kung Anong klasing trabaho ba ito?" Muli siyang ngumiti, ngunit sa pagkakataong ito, ramdam ko ang bahagyang panunuya sa kanyang ekspresyon. Para bang alam niyang hindi ko matitiis ang sagot. "Kung gusto mong malaman, pumirma ka muna." Hinila niya ang isang mamahaling fountain pen mula sa desk at inilapag iyon sa harap ko, sa ibabaw ng kontrata. Napalunok ako. Hindi ko alam kung desperasyon ba o kuryosidad ang nagtutulak sa akin upang ituloy ito. "Paano kung hindi ako pumirma?" tanong ko, pilit na pinapanatili ang katatagan sa aking tinig. Bahagyang tumawa ang lalaki at umupo muli sa kanyang swivel chair. Itinukod niya ang siko sa armrest at pinagtagpo ang mga daliri niya, tinitigan ako na parang isang piyon sa kanyang laro. "Then you can walk away, Zamara. Pero sigurado ka bang kaya mong bitawan ang trabahong may sahod na limang beses sa karaniwan? Sigurado ka bang kaya mong humanap ng ganitong oportunidad sa ibang lugar?" Muli akong napatigil. Totoo nga, mahirap ang buhay sa Maynila, lalo na sa kalagayan ko ngayon. "Walang pilitan dito," dagdag niya, pero ramdam ko ang kakaibang tono sa kanyang boses—parang hinahamon niya ako. "Kung handa kang pumasok sa mundong ito, tatanggapin kita. Pero tandaan mo, Zamara… kapag pinili mong tumayo mula sa upuang ‘yan at umalis, hindi ka na makakabalik." Muling nanlamig ang mga kamay ko. Ito na ba ang tamang desisyon? Dahan-dahan kong kinuha ang panulat. Tumitig ako sa kontrata. At sa isang iglap, itinakda ko ang sarili ko sa isang hindi ko pa alam kung anong klaseng kapalaran. Pumirma ako. "Lumabas kana, gago!" bigla nitong sabi habang napatingin sa may likuran ko. "Congratulations, Mrs. Santillian!" ngising sabi nito. Kaya agad akong namutla sa sinabi niya saka ako lumingun sa may likuran ko at doon nakita ko si Davis Santillian-ang EX-UNCLE ko. Nanlalamig ang buo kong katawan habang nakatitig sa lalaki sa aking harapan. Si Davis Santillian. Ang lalaking pilit kong tinakasan. Ang bangungot ng aking nakaraan. "H-Hindi...!" mahina kong usal habang napaatras. Ngunit mabilis siyang lumapit, ang ngisi sa kanyang labi ay puno ng kasiguraduhan. "Miss na miss kita, Zamara," bulong niya, puno ng bahid ng pananakot. "Paano mo ako nahanap?!" tanong ko, halos sumisigaw. Tumawa siya, mababa at malamig. "Akala mo ba, makakatakas ka sa akin? Kahit anong gawin mo, akin ka pa rin." Lumingon ako sa lalaking nagbigay sa akin ng kontrata. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan sa nangyayari. "Sinadya mo 'to, hindi ba?" nanggagalaiti kong tanong. "Bakit mo ako ibinenta sa kanya?!" Nagkibit-balikat lang ito, saka bumaling kay Davis. "Bayad na ako na sa utang ko, Santillian. Akin na ang kompanya ko, kapalit ng babaeng matagal mo nang hinahanap." "Putang ina!" mura ko habang mabilis na tumalikod para tumakas. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay malakas na hinablot ni Davis ang aking braso, saka ako isinandal sa pader. "Wala ka nang ibang pupuntahan, Zamara," malamig niyang bulong habang inilalapit ang mukha niya sa akin. "Simula ngayon, babalik ka na sa akin. At sisiguraduhin kong hindi ka na muling makakatakas." Ramdam ko ang panlalamig ng aking katawan. Ito na ba ang katapusan ko? "Hindi mo ako pamamay-ari, Uncle!" idiniin ko pa ang salitang uncle. Pero tumawag lang ito. "Alam mo't hindi tayo tunay na magkadugo, Zamara." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—ang kumpiyansa sa kanyang tinig o ang katotohanang matagal ko nang itinatanggi sa sarili ko. "Hindi ako interesado sa kahit anong sasabihin mo," matigas kong tugon, pilit na iniwasan ang titig niyang parang sinusuri ang bawat galaw ko. "At kahit hindi tayo magkadugo, hindi mo pa rin ako pagmamay-ari!" Ngunit imbes na magalit, mas lalo lamang lumalim ang ngisi sa kanyang labi. "Mahalaga ba talaga ang dugo, Zamara? O ginagamit mo lang 'yan na dahilan para tumakas sa akin?" Napasinghap ako. "T-tumakas? Anong pinagsasabi mo—" "You’ve always been mine." Seryoso na ang tono niya ngayon. "Kaya kahit anong gawin mo, babalik at babalik ka sa akin." Napalunok ako, ramdam ang panlalamig ng aking katawan. "Kailan mo ba ako pakakawalan?" mahina kong tanong, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong tinig. Humakbang siya palapit, dahilan para mapaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran. Nasa pagitan niya ako ngayon—isang kulungang hindi ko alam kung paano tatakasan. "Never, Zamara." Hinaplos niya ang pisngi ko, ang haplos na dapat ay mapanatag ngunit sa akin, isang matinding takot ang dulot. "Kahit kailan… hindi mo ako matatakasan."Chapter 26Hindi ko akalain na sa mga oras na ito ay buo kami — malayo sa kapahamakan, sa mga kalaban ko sa negosyo, at sa organisasyong dati’y puno ng panganib at karahasan. Ngayon, ibang klase na ang mundo namin.At higit sa lahat, si Zamara… hindi lang basta naging parte ng buhay ko. Kasama ko na rin siya sa mundong pilit kong binuo — sa organisasyong minsang bumaon sa kanya sa kadiliman. Pero ngayon, hindi siya biktima. Isa na siyang lider. Isang boses ng hustisya. Isa sa mga haligi ng pagbabagong unti-unti naming tinatamasa.Sa mga pagpupulong namin, tahimik siyang nakikinig — ngunit kapag nagsalita siya, lahat ay tumatahimik. May bigat ang kanyang mga salita. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa respeto. Sa kanyang mga mata, hindi mo na makikita ang takot o alinlangan. Ang makikita mo ay apoy — hindi para sa paghihiganti, kundi para sa proteksyon ng mga walang laban.“Alam mo ba?” bulong niya habang nagpapahinga kami sa terasa ng bahay, yakap ko siya habang pinagmamasdan ang bit
Author note Hi all..... Maraming salamat po sa inyong support. Aasahan po ninyo ay pagbutihan ko ang pagsulat .Thank you so much.... Love: Author ANNE JANE NAVALPS. Nagkasakit po ako kaya hindi ako naka update. Pero ngayon ay medyo okay na ang pakiramdam ko....
Chapter 25Isang taon na ang lumipas mula nang tuluyang kumawala si Zamara sa tanikala ng kanyang nakaraan. At sa unang pagkakataon, tunay naming naranasan ang kapayapaan — ang klase ng katahimikang dati’y para bang imposible naming makamtan.Masaya kami ngayon. Malayo na sa mga anino ng eksperimento, sa mga malamig na silid na puno ng takot at sakit. Sa isang simpleng bayan na tahimik at ligtas, namumuhay kami ng normal. Si Zamara? Mas lalo siyang gumanda. Hindi lang sa panlabas, kundi sa kung paano siya ngumiti, tumawa, at tumingin sa mundo — isang babaeng malaya, buo, at masaya."Naalala mo pa ba nung una kitang tinuruan sa training room?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad sa tabing-dagat, hawak ang aming mga tsinelas habang ang mga paa namin ay nilalaro ng malamig na alon.Napangiti siya, sabay kurot sa tagiliran ko. "Naalala ko kung paano mo akong pinagod araw-araw! Pero salamat, dahil doon ko nalaman na may kakayahan pala akong lumaban para sa sarili ko.""At ngayon, ting
Pagkatapos ng matinding pag-uusap namin ni Zamara, ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko siya masisisi. Sa loob ng maraming taon, siya ay naging simbolo ng eksperimento ng organisasyon — isang bagay na walang kalayaan, isang Subject Zero.Ngunit ngayon, siya na si Zamara."Handa ka na ba?" tanong ko habang tinatapakan ko ang lumang kahoy na sahig ng training room."Hindi na ako babalik sa dati," tugon niya, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. "At kung kailangan kong labanan sila para makuha ang kalayaan ko, gagawin ko."Tumango ako. Nasa mga mata niya ang determinasyon, ngunit ramdam ko rin ang takot na pilit niyang itinatago. Sa bawat hakbang niya ay dala niya ang bigat ng mga alaala — ang mga sugat, ang mga eksperimento, at ang kawalan ng kontrol sa sarili niyang katawan."Nagsimula na ang laban natin," sabi ko, itinuro ang mga lumang kagamitan sa paligid. "Hindi lang ito tungkol sa lakas ng katawan, Zamara. Kailangan mong pag-aralan ang isip ng
Chapter 23Davis POVPinagmamasdan ko si Subject Zero habang inuulit niya ang bawat suntok sa punching bag. Hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya sa isip ko. Hindi pa rin ako sanay. Para sa akin, isa pa rin siyang eksperimento na nabuhay sa ilalim ng mga kasinungalingan ng organisasyon.Ngunit hindi ko maikakaila ang pagbabago sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng determinasyon. Ang mga galaw niya, mabilis at matalas. Hindi na siya ang takot na batang tinulak nila sa loob ng malamig na laboratoryo. Ngayon, siya na ang pinakamalaking banta sa kanila.“Mabagal pa rin ang kilos mo,” sabi ko, inilalagay ang kamay ko sa balikat niya. “Hindi ka dapat magpadala sa galit. Gamitin mo ang isip mo.”Huminga siya nang malalim, halatang naiirita. Naiintindihan ko. Alam kong gusto niyang patunayan ang sarili niya. Pero kung gagamitin niya lang ang galit sa laban, matatalo siya.“Ulitin mo,” utos ko. “Ngayon, isipin mo na kalaban mo ay hindi lang punching bag. May intensyon siyang patayin ka. Magp
Chapter 22 Nanlamig ako sa narinig. Ang mga tulad ko ay naglalakad na mga armas. Kung totoo ngang may darating na laban, magiging impyerno iyon. "At ano ang meron ako na wala sila?" tanong ko, halos pabulong. "Tibay ng loob," sagot ni Davis, diretso ang titig sa akin. "Ikaw ang nag-iisang Subject na may kalayaang magdesisyon. Hindi ka nasira ng eksperimento. Hindi ka ginawang sunud-sunuran. Ikaw ang banta sa kanila, dahil ikaw ang patunay na hindi nila kayang kontrolin ang lahat." Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang takot. Alam ko na wala nang atrasan. Kung hindi ako kikilos, ako mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng lahat ng mahal ko. "Anong susunod nating gagawin?" tanong ko, puno ng determinasyon. "Maghanda," sagot ni Davis. "Kailangan mong muling sanayin ang katawan mo, palakasin ang isipan mo. At higit sa lahat, kailangan mong matutunan kung paano labanan ang mga tulad mo." Nagkatinginan kami, at sa titig pa lang, alam kong wala nang pag-aalinlangan.