Chapter 3
Patuloy akong sumayaw, pinanatili ang ngiti sa aking labi kahit pa ang loob ko ay naguguluhan. Sino ang lalaking iyon? Bakit iba ang pakiramdam ko sa presensya niya? Hindi siya tulad ng ibang customer na tuwang-tuwa sa panoorin. Tahimik lang siya, pero matalim ang kanyang titig—para bang alam niya ang tunay kong pagkatao, ang lihim na itinatago ko. Pilit kong iniba ang tingin ko, iniiwasan ang titig niya, ngunit sa bawat galaw ko ay nararamdaman ko pa rin ang kanyang presensya. Parang isang aninong nakabantay sa akin. Matapos ang sayaw ko, agad akong bumaba ng entablado at nagtungo sa backstage. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. "Grabe, Mira! Ang daming nagbigay ng tip sa'yo ngayon!" sabi ni Mila, sabay pakita ng isang bungkos ng pera. "Pero girl, napansin mo ba ‘yung lalaking naka-black sa sulok? Hindi siya natanggal ng tingin sa'yo." Napakurap ako. "Napansin ko nga." "Feeling ko mayaman ‘yon, baka naman siya na ang sagot sa mga problema mo!" tukso niya. Umiling ako. "Hindi ko kailangan ng lalaki para mabuhay, Mila. Ang kailangan ko lang ay makatapos ng pag-aaral." Bago pa siya makasagot, may lumapit na isang staff sa amin. "Mira, may naghahanap sa’yo sa labas," sabi nito. Napakunot ang noo ko. "Sino?" "Hindi ko alam, pero sinabi niyang importante raw. Naghihintay siya sa VIP lounge." Muli akong napalingon sa salamin. Dapat ba akong pumunta? O dapat ko na lang siyang iwasan? Ngunit sa huli, nagdesisyon akong harapin kung sino man siya. Dahil sa mundong ginagalawan ko, hindi maaaring puro iwas—minsan, kailangan kong malaman kung sino ang dapat kong katakutan. Pagdating ko sa VIP lounge, agad kong binati ang lalaking naghihintay. "Good evening, Mister!" sabi ko sa pormal ngunit malamig na tono. Nakaupo siya sa isang mamahaling sofa, may hawak na baso ng whiskey, ngunit hindi pa niya iyon iniinom. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ako sa paraan na parang sinusuri ang bawat kilos ko. Nakatutok sa kanya ang dim light ng lounge, at doon ko mas lalo siyang napagmasdan. Matangkad, matipuno, at halatang sanay sa kapangyarihan. Ang presensya niya ay may dalang kakaibang aura—hindi tulad ng ibang lalaking pumupunta sa bar para lang malibang. Hindi siya sumagot agad. Bagkus, inilapag niya ang baso at bahagyang sumandal sa sofa. "Ikaw ang tinatawag nilang Mira, tama ba?" tanong niya, malamig at puno ng kumpyansa ang tinig. Napakurap ako bago tumango. "Oo. Bakit mo ako gustong kausapin?" Muli siyang ngumiti, ngunit hindi iyon yung tipong ngiti ng isang lalaking nagpapakita ng interes sa isang babae. Hindi rin ito bastos o mapanukso—isa itong ngiti na tila may alam siya tungkol sa akin na hindi ko inaasahan. "Wala lang," sagot niya, saka bahagyang yumuko. "Interesado lang akong malaman... kung hanggang saan ang kaya mong itago." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? At sino ba talaga ang lalaking ito? "Anong ibig mong sabihin, Mister?" tapang-tapangan kong tanong sa kanya, kahit pa sa loob ko ay may kung anong kaba akong nararamdaman. Ngumiti siya nang bahagya, itinagilid ang kanyang baso, pinaglalaruan ang natitirang alak doon bago niya dahan-dahang ininom. Para bang sinasadya niyang patagalin ang sagot, hinahayaan akong maghintay sa kanyang kasagutan. Pagkatapos niyang inumin ang whiskey, inilapag niya ang baso at saka ako tiningnan nang diretso sa mata. "Ang ibig kong sabihin, Mira... o dapat bang sabihin kong Zamara?" Nanigas ang buong katawan ko. Parang biglang nagdilim ang paligid ko at humina ang tunog ng musika sa bar. Para bang kami na lang dalawa ang nasa kwartong iyon. Paanong nalaman niya ang tunay kong pangalan? Dahan-dahan akong umatras, pilit pinapanatili ang normal na ekspresyon sa mukha ko. Hindi ako maaaring magpakita ng takot. Hindi ko rin maaaring aminin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," mariin kong tugon. Tumawa siya nang mahina, tila naaliw sa reaksyon ko. "Talaga ba? Hindi mo alam?" Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan, unti-unting lumapit sa akin. "Dahil sa tingin ko, ikaw mismo ang may itinatago, Zamara." Kinuyom ko ang kamao ko, pinilit ang sarili kong huminga nang maayos. Hindi ko alam kung sino siya, kung paano niya ako nakilala, o kung ano ang gusto niya sa akin. Pero isang bagay ang sigurado—hindi siya basta ordinaryong customer lang. "Ako si June ang taong inutusan upang hanapin ka. Bago ko sasabihin kay Mr. Santillian nahanap na kita may itatanong ako sayo. Bakit mo tinakasan ang uncle mo? Ano ang dahil?" seryoso niyang tanong. Napakuyom ang aking mga palad habang tinitigan si June. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o magalit sa presensya niya. "Dahil isa siyang baliw, at hindi niya ako pagmamay-ari," madiin kong sagot. "K-kahit na ex-uncle ko pa siya, kinikilabutan ako dahil itinuring ko siyang totoong pamilya!" Tinitigan ako ni June nang matagal, para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Tahimik siya, hindi nagpakita ng emosyon, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya. Makalipas ang ilang segundo, bumuntong-hininga siya at tumango. "Alam mo bang hindi siya tumigil sa paghahanap sa'yo?" malamig niyang sabi. "At ngayon na nakita na kita, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?" Muli akong umatras ng bahagya. "Kung may konsensya ka, hindi mo sasabihin sa kanya kung nasaan ako." Ngumiti siya, ngunit hindi iyon isang pangkaraniwang ngiti. "Bakit ko naman gagawin ‘yon? May kapalit ba?" Napalunok ako. Ano ang gusto niyang mangyari? "Hindi ako nagbebenta ng sarili ko kung ‘yan ang iniisip mo," matapang kong sagot. Umiling siya. "Hindi iyon ang gusto ko, Zamara. Ang gusto ko ay malaman ang buong katotohanan." Nagtama ang aming mga mata, at doon ko lang napansin na sa kabila ng kanyang seryosong mukha, may tila pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. "Bibigyan kita ng isang linggo," aniya. "Ikaw na mismo ang lumapit sa akin at sabihin ang totoo. Kung hindi, wala akong choice kundi sabihin kay Mr. Santillian kung nasaan ka." Nanlamig ang buo kong katawan. Isang linggo. Isang linggo para magdesisyon kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko. At sa ngayon, wala akong ibang pagpipilian kundi ang humanap ng paraan upang makatakas muli.Chapter 26Hindi ko akalain na sa mga oras na ito ay buo kami — malayo sa kapahamakan, sa mga kalaban ko sa negosyo, at sa organisasyong dati’y puno ng panganib at karahasan. Ngayon, ibang klase na ang mundo namin.At higit sa lahat, si Zamara… hindi lang basta naging parte ng buhay ko. Kasama ko na rin siya sa mundong pilit kong binuo — sa organisasyong minsang bumaon sa kanya sa kadiliman. Pero ngayon, hindi siya biktima. Isa na siyang lider. Isang boses ng hustisya. Isa sa mga haligi ng pagbabagong unti-unti naming tinatamasa.Sa mga pagpupulong namin, tahimik siyang nakikinig — ngunit kapag nagsalita siya, lahat ay tumatahimik. May bigat ang kanyang mga salita. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa respeto. Sa kanyang mga mata, hindi mo na makikita ang takot o alinlangan. Ang makikita mo ay apoy — hindi para sa paghihiganti, kundi para sa proteksyon ng mga walang laban.“Alam mo ba?” bulong niya habang nagpapahinga kami sa terasa ng bahay, yakap ko siya habang pinagmamasdan ang bit
Author note Hi all..... Maraming salamat po sa inyong support. Aasahan po ninyo ay pagbutihan ko ang pagsulat .Thank you so much.... Love: Author ANNE JANE NAVALPS. Nagkasakit po ako kaya hindi ako naka update. Pero ngayon ay medyo okay na ang pakiramdam ko....
Chapter 25Isang taon na ang lumipas mula nang tuluyang kumawala si Zamara sa tanikala ng kanyang nakaraan. At sa unang pagkakataon, tunay naming naranasan ang kapayapaan — ang klase ng katahimikang dati’y para bang imposible naming makamtan.Masaya kami ngayon. Malayo na sa mga anino ng eksperimento, sa mga malamig na silid na puno ng takot at sakit. Sa isang simpleng bayan na tahimik at ligtas, namumuhay kami ng normal. Si Zamara? Mas lalo siyang gumanda. Hindi lang sa panlabas, kundi sa kung paano siya ngumiti, tumawa, at tumingin sa mundo — isang babaeng malaya, buo, at masaya."Naalala mo pa ba nung una kitang tinuruan sa training room?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad sa tabing-dagat, hawak ang aming mga tsinelas habang ang mga paa namin ay nilalaro ng malamig na alon.Napangiti siya, sabay kurot sa tagiliran ko. "Naalala ko kung paano mo akong pinagod araw-araw! Pero salamat, dahil doon ko nalaman na may kakayahan pala akong lumaban para sa sarili ko.""At ngayon, ting
Pagkatapos ng matinding pag-uusap namin ni Zamara, ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko siya masisisi. Sa loob ng maraming taon, siya ay naging simbolo ng eksperimento ng organisasyon — isang bagay na walang kalayaan, isang Subject Zero.Ngunit ngayon, siya na si Zamara."Handa ka na ba?" tanong ko habang tinatapakan ko ang lumang kahoy na sahig ng training room."Hindi na ako babalik sa dati," tugon niya, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. "At kung kailangan kong labanan sila para makuha ang kalayaan ko, gagawin ko."Tumango ako. Nasa mga mata niya ang determinasyon, ngunit ramdam ko rin ang takot na pilit niyang itinatago. Sa bawat hakbang niya ay dala niya ang bigat ng mga alaala — ang mga sugat, ang mga eksperimento, at ang kawalan ng kontrol sa sarili niyang katawan."Nagsimula na ang laban natin," sabi ko, itinuro ang mga lumang kagamitan sa paligid. "Hindi lang ito tungkol sa lakas ng katawan, Zamara. Kailangan mong pag-aralan ang isip ng
Chapter 23Davis POVPinagmamasdan ko si Subject Zero habang inuulit niya ang bawat suntok sa punching bag. Hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya sa isip ko. Hindi pa rin ako sanay. Para sa akin, isa pa rin siyang eksperimento na nabuhay sa ilalim ng mga kasinungalingan ng organisasyon.Ngunit hindi ko maikakaila ang pagbabago sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng determinasyon. Ang mga galaw niya, mabilis at matalas. Hindi na siya ang takot na batang tinulak nila sa loob ng malamig na laboratoryo. Ngayon, siya na ang pinakamalaking banta sa kanila.“Mabagal pa rin ang kilos mo,” sabi ko, inilalagay ang kamay ko sa balikat niya. “Hindi ka dapat magpadala sa galit. Gamitin mo ang isip mo.”Huminga siya nang malalim, halatang naiirita. Naiintindihan ko. Alam kong gusto niyang patunayan ang sarili niya. Pero kung gagamitin niya lang ang galit sa laban, matatalo siya.“Ulitin mo,” utos ko. “Ngayon, isipin mo na kalaban mo ay hindi lang punching bag. May intensyon siyang patayin ka. Magp
Chapter 22 Nanlamig ako sa narinig. Ang mga tulad ko ay naglalakad na mga armas. Kung totoo ngang may darating na laban, magiging impyerno iyon. "At ano ang meron ako na wala sila?" tanong ko, halos pabulong. "Tibay ng loob," sagot ni Davis, diretso ang titig sa akin. "Ikaw ang nag-iisang Subject na may kalayaang magdesisyon. Hindi ka nasira ng eksperimento. Hindi ka ginawang sunud-sunuran. Ikaw ang banta sa kanila, dahil ikaw ang patunay na hindi nila kayang kontrolin ang lahat." Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang takot. Alam ko na wala nang atrasan. Kung hindi ako kikilos, ako mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng lahat ng mahal ko. "Anong susunod nating gagawin?" tanong ko, puno ng determinasyon. "Maghanda," sagot ni Davis. "Kailangan mong muling sanayin ang katawan mo, palakasin ang isipan mo. At higit sa lahat, kailangan mong matutunan kung paano labanan ang mga tulad mo." Nagkatinginan kami, at sa titig pa lang, alam kong wala nang pag-aalinlangan.