Friends Don’t Kiss
Ever since meeting Kuya Luke, I can’t always help but look forward for another day at school. Iyong maagang matutulog sa gabi, maaga ring gigising sa umaga, magmamadali sa pag-aayos at unang pagtapak palang sa school—mukha niya agad ang hahanapin. Just the thought of us being together, talking and by just seeing him, that keeps me going.
Pero kagabi, hindi ako maagang natulog dahil sa kakaisip sa nangyari sa kwarto niya, hindi rin ako maagang nagising kanina dahil parang ayaw kong pumasok, wala akong gana sa mga bagay-bagay at nakayuko lang at hindi ko siya hinanap nang makapasok ako ng school.
Gusto ko siyang makita pero ayaw kong masilayan ang ngiti niya. Gusto ko siyang makausap pero ayaw kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang makasama pero hindi pa ako handang harapin siya. Ang gulo, naguguluhan ako.
Nasa may auditorium kami sa kasalukuy
“Good job,Amaia!” Coach beamed at me after my successful spike.Naagaw niya ulit ang pansin ko ngunit hindi na ito nag-iisa, nasa tabi na niya si Kuya Luke, nakatingin rin sakin. Mabilis ang pag-iwas ko ng tingin, umarte akong walang nakita kahit na ang totoo ay nagwawala na ang sistema ko. I forced myself to focus on the game again but my mind can’t seem to function well. It is completely in chaos now.Bakit siya nandito? Bakit na naman siya nanonood ng practice namin? Did he come here to watch me like last time or is he here because of Coach T? At bakit magkasama na naman sila?No! Coach T did not beam at me, hindi para sakin ang ngiting iyon. Suot-suot niya ang napakalapad na ngising ‘yan dahil kay Kuya Luke. Dahil kasama niya si Kuya Luke.“Amaia, watch out!” Sigaw ng kasama ko. Nilampasan ako ng bola at hindi ko ito nasalo. I apologized to her and ran af
It was the moment of my life that I just wanted to be swallowed alive by the ground. Kahit saang anggulo ko pa tingnan, totoo ang sinabi niya. Hindi nagseselos ng ganito ang isang kaibigan, hindi nagagalit sa ibang babae ang isang kaibigan lang, at higit sa lahat, hindi naghahalikan ang magkaibigan.Masyado na bang nagiging halata ang totoong nararamdaman ko para sa kanya? Masyado na ba akong nagiging makasarili para gustuhin siya para lang sakin? Napapansin niya na kaya iyon kaya niya tinatanong ito ngayon?Ayokong isipin niyang may gusto ako sa kanya kahit na iyon naman talaga ang totoo. Ayaw kong lumayo ang loob niya o umiwas sakin. Kaibigan lang ang tingin niya sakin kaya kapag nalaman niyang higit pa roon ang nararamdaman ko para sa kanya, baka layuan niya lang ako at iwasan. “Kung ganoon, huling beses na yung kahapon. Magkaibigan tayo, diba? Kaya simula ngayon…” Nakagat ko pa muna ang labi
“Ikaw, ayos ka lang ba?” Tumango ako ulit at napangiti na naman.Nang hindi inaalis ang pagkakasandal sa kanyang dibdib, pinunasan ko ang pisngi ko. Tiningala ko ito at naabutang nakayuko rin siya sakin, nakatitig. His eyes are like ocean, napakalalim nito ngayon, sa bawat pagtitig, pakiramdam ko malulunod ako nang paulit-ulit.Tinitigan ko pa ito at ganoon rin ang ginawa niya, tinapatan lamang ang aking tingin na para bang hinihintay nitong sabihin ko na ang isinisigaw ng aking mga mata.Hihingi ba muna ako ng tawad o magpapasalamat muna? Tatanungin ko ba muna ito kung bakit siya galit o kukumpirmahin ko na ang hulako kanina?Lumikot ang mga mata ko sa pag-iisip ng gagawin, I bit my lower lip trying to suppress my anxiousness. Hindi rin ito nagsasalita, tila alam niya na ring may gusto akong sabihin kaya naghihitay na lamang siya.Napunta sa labi niya ang tingi
TruthThird Person’s P.O.V.Hindi magawang tingnan ni Amaia ang sariling repleksyon sa salamin, hindi dahil sa ayaw nitong makita ang namamagang mga mata kundi dahil sa nag-uumapaw na kalungkutan dito. Pati siya ay awang-awa na sa sarili, parang hindi niya na kayang makita pa sa mukha ang kanyang padurusa.Kagabi pa ito iyak nang iyak, katunayan nga ay hindi na ito nakatulog nang maayos sa kakaiyak. Ang sabi nila, kapag sobrang bigat na ng nararamdaman mo iiyak mo lang ito hanggang sa mapagod ka at wala nang luhang lalabas. Ngunit hindi niya ito nararamdaman. Kahit gaano pang pag-iyak ang gawin niya, hindi pa rin gumagaan ang kanyang pakiramdam, tila hindi nauubos ang kanyang mga luha.Hindi niya pa nakakain ang inihatid na agahan niya kanina, wala itong gana. Kahit na ang mga katulong nilang malapit sa kanya ay walang magawa dahil nakabantay ang Ate Aizel niya sa labas. Ayaw s
Amaia’s P.O.V.Pagkatapos ng dalawang araw na pagkakakulong sa aking kwarto, sa wakas ay nakalaya na ako. Hindi iyon dahil sa naawa sila sakin, tinanggal na ang pagkakakandado ng pinto ko dahil Lunes na at kailangan kong pumasok.Kahit na hindi naman nilalamig ay nagsuot ako ng jacket. Iyon ay para maitago ang pasang natamo ko sa braso mula kay Daddy. Binalutan ko rin ng bandage ang aking tuhod para maitago ang pasa roon. Simpleng pagkakasubsob lang sa sahig ang nangyari no’ng Sabado ngunit hindi ko inaasahang mamamaga ito pagkatapos. Mabuti nalang at magaling na, tanging pasa nalang ang naiwan.Nang napadaan ako sa dining area, nakita kong kumakain na sina Ate at Daddy. Hindi ako sasabay, sinadya kong sumabay kina Manang Lary kaninang madaling araw upang hindi na ako makasabay sa kanila sa pagkain.“What happened to your knee?” Gulat akong napatigil at napalingon kay Daddy. H
Scared“K-Kuya Luke, anong… ibig mong sabihin?”Alam ko kung anong ibig sabihin niya roon, sobrang linaw para sakin ng nais niyang iparating doon. Ngunit wala nang ibang salitang mahanap ang bibig ko dahil sa gulat. Dahil hindi ko inaasahan iyon mula sa kanya, walang katagang naihanda ang utak ko.Wala akong masabi. I was completely lost, my mind is in complete chaos to even think for an answer. Why would he want to run away with me? Why would he take me away?“Let’s run away. Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala satin, sa lugar na malayo sa kanila. Magsimula tayo ng panibagong buhay, kalimutan natin ang nakaraan at ang mga bagay na nakakapagpalungkot at nakakasakit satin. Let’s run away, Amaia, to the place where there’s just you and me. Let’s run away from all thesepain.”Napatitig ako sa kany
Siniguro ni Kuya Luke na hindi ako malelate kaya kahit 15 minutes pa bago magsimula ang klase ay pinabalik niya na ako. Naghihintay na si Sir Jhayston sa labas ng elevator nang makababa rin ako. Muli niya akong sinamahan sa paglabas ng Admin Building.I’ve never found myself so engrossed and interested in lectures before. Kung hindi lumilipad ang isip ko dati ay nakakatulog naman ako sa klase. Pero ngayon, halos mapataas ako ng kamay sa recitation kahit pa na alam kong pagbubulungan lang ako ng mga kaklase ko kapag ginawa iyon.Hindi rin matanggal sa labi ko ang ngiti. Mabuti nalang at walang interes ang mga kaklase ko sakin kaya hindi nila napapansin iyon. Maliban sa aming mga guro na nagtataka akong tinitingnan at ang iba’y napapangisi nalang dahil sa nakikita akong energetic at nakikisali na sa klase.It could be because of the ice cream. It could be because I’ve cleared everything to Kuya Luke. Or i
Nakita ko nalang ang sarili kong tinatakbo na ang hagdan pababa ng bleachers, paalis doon. Warm liquids that felt like tears hit my cheeks. Doon ko lang din napansing nanginginig na pala ang kamay ko. Nanlalamig sa takot.Hindi ko mawari kung bakit tila napakahaba ng daang nilalandas ko. Araw-araw ko itong dinadaanan but it just doesn’t seem to end today, it felt endless to walk today. Lakad-takbo ako, o napapalakad na lamang dahil hindi makatakbo dahil sa pag-iyak.Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga tubig na bumabalot sa mga mata. Kahit ilang pagpunas ang gawin ko rito ay panibagong mga luha lamang ang pumapalit. Bumaba na naman ang manggas ng jacket ko at bigla nalang nakakapagyelo ang hangin sa takip-silim. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko, ang punasan ang mata o ang ayusin ang jacket, o pareho.Ngunit hindi lang pala dahil sa pag-iyak kaya halos hindi na ako makatakbo, dahil pa rin ito sa takot,