Tahimik akong natawa at inulit na naman ang ginawa. Sa pagkakataong ito ay kumalas na siya sa pagkakayakap at madilim akong tinitigan ng namumungay niyang mga mata. Nagkunwari akong hindi alam ang nangyayari.
Para maitago ang nagbabadyang ngisi ay tinalikuran ko na siya. Nagtungo ako sa kanyang kama habang buong nagpipigil ng tawa. Nang maupo ako ro’n ay nakita ko namang sumunod siya. Hindi niya pinutol ang madilim at makahulugan niyang tingin hanggang sa nakaupo na sa tabi ko.
Tumikhim ako. Mukhang pinagsisisihan ko na ang ginawa. Sa tingin niya kasi, parang may binabalak itong gawin. O baka naman inaasar niya lang ako? Tinagilid ko ang ulo para iwasan ang tingin niya na siya ring pinagsisihan ko agad dahil sa mabilis niyang paghalik sa leeg ko.
Nilingon ko siya na hindi pa rin nilalayo ang mukha sakin. Nang-aasar ang ngising suot niya, “Tease me more and I’ll rip this shirt off.”
God, please!Ayaw pa rin paawat ng mga ngisi ko kahit pa tapos na ang laro at nag-iisa na lamang ngayon. Naipanalo namin ang huling laro at kahit na hindi naman talaga ganoong kalaking event iyon, sa tingin ko ay ito na ang pinakamalaking pagkapanalo ko. Bukod kay Mommy dati, ito palang ang unang beses na may isang importanteng taong nanood sakin, unang beses na may pumunta para sumuporta, unang beses na may pumalakpak para sakin.Kakaiba ang pakiramdam na manalo para sa isang tao. Kakaiba ang sayang kapalit kapag naglaro ka para sa isang tao. Parang higit pa sa isang trophy ang napanalunan. Remembering the smile on his face and how he clapped for me during the match, parang hanggang ngayon pinipiga pa rin ang puso ko sa sobrang saya.Mula sa side mirror ay pinanood ko ang huling sasakyang natitira sa pag-alis. Ang aming team ang huling nakaalis ng gym. Mag-aalas syete na ng gabi ngunit sa halip na dumir
Sinalubong niya ako ng yakap nang makalapit. Nilingon ko si Kuya Luke na noo’y tahimik lang na nakamasid samin sa tabi ng kanyang sasakyan.“Sobrang nag-alala ako sa’yo, Amaia. Salamat at nasa maayos ka. Gusto ko pa sanang lapitan ang kaibigan mo para makapagpasalamat din ako pero kailangan na nating pumasok. Kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo.”“Manang Lary, ayos lang po ba kayo?” Inipit nya ang mga labi habang nakangiting tumango. Nakita ko ang pangingilid ng mga luha niya.“Maayos na maayos ako, Amaia. Halika na.”Niyakap niya ako pagilid habang ginigiya sa paglalakad papasok. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko si Kuya Luke. Nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya, hindi umaalis kagaya ng titig niya. Ngumiti siya at sapat na naman iyon para mas lalo na naman akong paglakasan ng loob. Ngumiti rin ako pabalik.Tahimik ang buong
Huling SandaliI don’t really know myself what marriage is all about. What it means to be married and how things are supposed to be when you are married. Kailangan ba naming tumira sa iisang bahay? Sa iisang kwarto? Do I also have to do the house chores? Magluto, maglaba, maglinis ng bahay, ihanda ang ipapaligo at susuotin niya? I honestly didn’t think about these things before.Ang una at nag-iisang dahilan lang naman ng pagsumpa ko sa harap ni Kuya Gavin na papakasalan ko si Kuya Luke ay ang kagustuhan kong pasayahin siya. It was an impulsive decision, but a decision that I know I would never regret.Sa mata ng lahat hindi magiging tama ang gagawin ko. Masyado pa akong bata para magpakasal, ni hindi pa ako nakakatungtong sa legal na edad, wala pang masyadong kamuwang-muwang sa mundo. Kaya anong kaalam-alam ko sa pagpapakasal?Pero hindi naman mahalaga ang mga sasa
I panicked at their sudden outburst. Agad akong tumingin sa paligid, bahagyang naluwagan ng loob dahil kami nalang pala ang naroroon.Kami nalang ang naroroon…Tinanaw ko ang Admin building sa ‘di kalayuan. Walang tao, walang nakaparadang kotse, walang sinyales ni Kuya Luke. Isang araw na wala si Kuya Luke.Naunsyami ang isa pang pang-uusisa sana ni Nicole nang makarinig kami ng pagbusina. Nilingon namin ang sasakyan magsusundo kay Nicole, pangatlong beses nang busina iyon. Nicole rolled her eyes at the car.“Itong si Kuya ang epal naman eh!” Reklamo niya habang padarag na nililigpit ang gamit.“I’ll go ahead na, ah? Gosh! Kapag may naisip ka nang plano, Amaia, tell me. Tutulungan kita.” Sabik na sabi niya. Napangiti naman ako, samantalang napaikot naman ng mata si Chezka.Pero paano nga ba ako magpopropose? Sorpresa
DreamIsang patak ng likido sa aking pisngi. Saan ito galing? Sa akin ba? Luha ko ba ito?Isang pagpatak pa at nagdalawang-isip na ako. Hindi ito mula sakin. Mainit ang luha at ang tubig na pumatak sa aking pisngi ay malamig. Nagmumula sa ibabaw.“Amaia.”There was a voice calling. Hindi na nakapagdalawang-isip ang utak ko at agad na natukoy ang boses na tila ba sauladong-saulado na nito. Pinakamagandang boses na narinig ko. Ang boses na kahit paulit-ulit pa akong tawagin ay hindi ako maririndi, ang boses na kahit gaano kalakas pa akong tawagin, hindi ako magagalit kahit na mabingi.“Amaia… hey, wake up.” Marahan itong natawa at sunod akong nakaramdam ng malamig na daliring dumampi sa aking pisngi.Paunti-unti ang pagbukas ko ng mga mata. Nakakasilaw ang liwanag. Kumurap-kurap ako para linawin ang malabong panin
We spent the rest of that day diving into the waters. Pansamantalang kinalimutan muna ang nangyari, ang napag-usapan. Pareho lang naming gustong magsaya sa araw na iyon, sulitin ang bawat oras na meron kami. Ngunit alam din naming, sa katapusan ng araw, sa pag-uwi, sa muling pag-iisa, iyon at iyon lang naman ang manunumbalik sa aming isipan. Ang sakit niya, ang napag-usapan, iyon pa rin ang magpapatulog o hindi magpapatulog samin.Hindi ko na rin siya muling inalok na pakasalan ako, masyadong masakit ang unang pagtanggi niya na ayaw ko nang muling maramdaman sa pangalawa. Sa ngayon, magiging masaya nalang ako dahil tinanggihan niya man, pinayagan niya naman akong manatili sa tabi niya. At ang hindi malayo sa kanya, sapat na iyon para sakin.It has been a week since that happened. Napakabilis na tumakbo ang mga araw namin, hindi ko namamalayang papaubos na rin ang oras namin. Nagsimula akong mamuhay sa takot na baka isang araw magising ako at
SpecialHinati kami sa dalawang team para maglaban. Mabuti nalang at hinayaan kami ni Coach na pumili ng teammates kaya magkakasama kaming apat. Mas maraming nanonood ngayon sa practice namin kumpara sa practice namin noon. Kagaya ng sinabi ni Dominic, nanonood nga ang buong basketball team.Magkaharap ang ang puwesto nina Kuya Luke at ng basketball team. Sa tuwing mapapadpad ang tingin ko kay Kuya Luke, hindi ako sigurado kung kanino niya pinupukol ang matalim na tingin, kung sa akin ba o kay Dominic.It was my turn to serve the ball. Mas sanay ako magjump serve at nang magtagumpay dahil hindi nasalo ng kalabang team ang bola, napahinto kaming apat sa biglang paghiyawan ng basketball team, ang iba ay tinutulak-tulak si Dominic na tila tinutukso. Nagkatinginan kaming apat.“Sinong titingin?” Sabi ni Yvonne.“Ako na, ako na.” Sagot ni Nicol
“See, Nicole? He’s the living proof.” Yvonne stated.Despite of saying that, I can’t fully erase the thought out of my head. Kahit na kumbinsido nang hindi nga kagaya ng mga lalaking sinasabi ni Nicole si Kuya Luke, hindi pa rin maiwasang pumailanlang ng mga ‘what if’ sa isip ko.If change is the only constant in this world, how can I expect Kuya Luke stay like how he is right now forever? What if I’ll wake up one day with him not looking at me the same way he looks at me today? Paano kung makilala na niya ang babaeng ibibigay ng Diyos sa kanya? O paano kung sa araw na mabigyan na siya ng panibagong puso ay magbago na rin ang lahat?Idinaan ko sa isang ngiti ang naisip. Forcing myself to think that it will never happen. Or if it should, wala naman akong magagawa, tatanggapin ko nalang iyon. Because one nature of a good person is to know and accept his or her own defeat. If