Crush
AMAIA DVOIRE SAFFRON
Gugulong sa kama, sisigaw sa unan, tatakpan ang mukha, ngingiti at gugulong na naman. Ilang beses ko nang paulit-ulit na ginagawa ito pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggl-tanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Alas tres na ng madaling araw pero ito pa rin ako, hindi magawang maipikit ang mga mata para matulog. Kung ipipikit ko naman ito, hindi sa isang panaginip napupunta ang isip ko kundi sa halik na nangyari kanina sa dagat.
I rolled on my bed again for the nth time. Binubulabog na naman ako ng magkalapat naming mga labi, ang kamay niyang nasa leeg at bewang ko, ang mata niyang tila sinisisid ang katauhan ko, ang napakaganda niyang katawan at ang magaspang at mainit na kamay nito sa aking pisngi—kung hindi man mamumula ay napapasigaw nalang ako sa unan kapag naiisip ang lahat ng iyon.
Bakit ko siya hinalikan? Bakit hinayaan ko lang siyang halikan ako? Bakit hindi ako umalis? Bakit nanatili pa ako noong gumising siya?
Muli na naman akong nagpagulong sa kama. Lalo pa nang maalala ang lalaking nakakita sa amin. Nakauniporme pa ako at paano kung isumbong ako non sa eskwelahan? Paano kung kilala non si daddy o ate at isumbong ako? Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari parang iiyak na ako.
Pero ayaw niya talagang maalis sa isip ko. Siguro iyon ay dahil sa ayaw ko ring paalisin siya rito. Kahit na iyon na ang nangyari, hindi pa rin nakakaligtas ang labi ko sa isang ngiti. When I was already close to giving up, the world showed him to me. Na tila ba sinadya ng tadhanang pagtagpuin kami roon para sabihin sa aking hindi pa ako pwedeng sumuko.
Makikita ko pa kaya siya ulit? Ayos lang kayang magustuhan ko siya kahit na hindi ko naman siya kilala? Pero paano kung kagaya lang din siya ng iba? Na lalayuan at huhusgahan ako kapag nalaman kung sino talaga ako. Isang anak sa labas, isang anak ng dating prostitute, isang pagkakamali, ang dahil kung bakit namatay ang totoong asawa ng sariling ama.
Mayaman ang ama ko. He owns call center agencies throughout the country. We live in a big house but it is not my home, nakikitira lang ako rito. Totoong ama ko siya pero hindi niya naman totoong asawa ang ina ko. Im just an illegitimate child who’s just trying to belong in his family. Isang anak sa labas na nanghihingi lang ng kakarampot na pagmamahal mula sa kanya.
Noong mamatay si mommy, kinuha niya ako, pinatira rito, binihisan, pinakain, at pinag-aral. He just did his responsibilities to me and just that. Hindi ko naramdaman iyong pagmamahal at pag-aaruga ng isang ama sa kanya. I’ve always been just someone’s daughter craving for his love and attention. Kaya naiintindihan ko kung bakit lagi niyang pinapaburan si Ate Aizel, kasi isa lang naman akong pagkakamali niya.
But when I felt that stranger’s touch, his kisses, his stares, parang doon, naramdaman ko yung hindi ko naramdaman kay daddy. May pag-iingat sa galaw, may pag-aasam sa mata at may pagsusumamo sa salita.
Pero isang mababaw na damdamin lang naman itong nararamdaman ko sa kanya ‘di ba? Mawawala rin ito kinabukasan o sa susunod na mga araw. Sigurado naman akong hindi ko na siya makikita ulit, bahay at school lang ako kaya imposible nang magtagpo pa ang landas namin ulit. That way, I can forget him, I can forget about the kiss too.
That night, maybe he just liked my lips, he just needed to kiss me again to satisfy his personal feelings. Siguro nga sa mga oras na ito, nakalimutan na niya iyon. Siguro marami na siyang nahalikan kaya walang lang iyon para sa kanya. Siguro ako lang naman itong hindi makatulog sa kakaisip non. Siguro sa akin lang naman malaking bagay iyon.
Hindi ko man nagugustuhang lumilipad ang isipan sa kanya, ganoon pa rin ang nangyari. Sumisilip na ang haring araw nang matanto kong hindi talaga ako nakatulog. Inis na ginulo ko ang buhok habang naglalakad na papunta sa banyo. Paano nalang kung dalawin ako ng antok nito mamaya sa school? Hindi na nga ako matalino, matutulog pa ako sa klase.
Isang senior high school student pa lamang ako at dito lang rin ako sa amin sa San Joaquin nag-aaral. Si Ate Aizel ay nasa kolehiyo na at sa syudad ng Iloilo siya pumapasok. Si Kuya Maxxis, iyong may dahilan kung bakit nagalit si ate sakin kagabi, ay ex-boyfriend niya at nasa kolehiyo na rin. Anong oras na ako nakauwi kagabi dahil sa mga gawain sa school, nadaanan ako ni Kuya Maxxis at nakitang maraming dala kaya nag-alok siyang ihahatid ako. Maybe ate Aizel got it wrong, ang akala niya siguro ay higit pa roon ang nangyari kaya siya nagalit sakin. Pero wala naman talaga, hinatid niya lang ako tsaka hindi ko rin naman siya gusto at ganoon din siya sakin.
She often does that to me though. Kapag may ginagawa akong hindi niya nagugustuhan, isusumbong niya ako kay daddy, iibahin niya ang kwento at pagmumukhain akong masama. Noong una, hindi ako titigil hangga’t hindi nalilinis ang pangalan ko kay daddy, I would stay outside his room and wait for his forgiveness, iiyak ako lagi sa harap niya sa tuwing hindi niya ako pinaniniwalaan.
Pero noong tumagal na at nasanay na sa mga ganito, hindi na ako masyadong nagpipilit. Alam mo ‘yon, nakakapagod rin palang magmakaawa, nakakapagod ipagpilitan ang sarili, nakakapagod na paulit-ulit nalang na ipaglaban ang sarili nang mag-isa. Parang nawawalan na ako ng rason para ipagtanggol pa ang sarili, kasi kung iyon na ang rumehistrong ginawa o ugali ko sa kanila, mahirap na iyong bawiin pa. Kaya minsan, mas mabuti nalang na tumahimik, kung alam ko naman sa sarili kong wala akong ginagawang mali, hindi ako ang lugi. Ayos na yung alam ko sa sariling wala akong naaagrabyado.
When I got out of the gate, I noticed an unfamiliar white Subaru Forester parked not too far from our house. Saglit akong napatitig doon dahil ngayon ko lang ito nakita rito. Nang lingunin ko ang garahe ng katabi naming bahay, puno iyon ng sasakyan kaya duda akong pag-aari nila iyon. Baka bisita? I couldn’t tell who’s inside because of the dark tinted windows.
Napatalon ako sa gulat nang biglang may bumusina at dumaan ang sasakyang sakay si Ate Aizel, hatid-sundo ito ng sasakyan nila. Ako naman ay nagcocommute lang papunta sa school. Hindi naman sumasama ang loob ko roon dahil malapit lang naman ang sakin, tsaka kahit na matagal na akong nakatira rito kasama sila, pakiramdam ko pa rin ay wala akong karapatang gumamit ng mga ari-arian nila.
Dumaan ako sa puting sasakyang iyon noong papunta na ako sa labasan ng aming subdivision. Isang sakay lang ng dyip at nakarating na ako sa eskwelahan. Diretso lang ang lakad ko patungo ng classroom, walang sasalubong sakin ng pagbati o pagngiti ng kaklase, didiretso lang ako sa silya at tahimik doong uupo. Kasi wala naman akong kaibigan dito, wala namang may gustong makipagkaibigan sakin dito.
“Punta ka ah? I’ll be expecting you. Don’t be late.” Inabutan ng kaklase kong si Therese ang katabi kong si Kassandra ng isang sobre. Isa iyong invitation, nalalapit na kasi ang debut niya.
Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanila ay mabilis akong umiwas ng tingin. Lahat sa klase ay inimbitahan niya, ako lang yata ang hindi. Kahit dito kasi sa school, dala-dala ko yung titulo kong pagiging anak sa labas. Hindi ko naman alam kung anong mali sa pagiging ganoon, kagaya lang rin naman nila akong tao, pero hindi ko maintindihan kung bakit tila isang napakalaking kasalanan niyon para sa kanila, inaaway at tinatratong parang basura.
They told me that they don’t befriend losers, they don’t make friends with cheap and classless people. Kahit anak ako ng isang Saffron, mas tinitingnan pa rin nila ang pagiging anak ko sa labas. Na kahit na may dugo akong Saffron, na mayaman, sikat, at maimpluwensiya, hindi pa rin mawawalang isang kabit lang ang nanay ko at isang pagkakamali lang rin ako. I would sometimes hear them talk about that, sometimes they would also compare me to my sister. Kahit na alam na nilang nakikinig ako, hindi pa rin sila tumitigil. It was like they were doing it on purpose, they were doing it for me to hear.
And as usual, I just got used to it eventually. Hanggang sa nasanay na at sa tuwing nakakarinig ng masasamang salita sa kanila, nananahimik nalang ako. Ayoko sa gulo at ayokong ipatawag pa dito si daddy dahil mas lalo lang akong mapapahiya dahil sigurado akong hindi rin naman siya pupunta at hindi rin naman ako ang kakampihan niya.
Days went by that way, papasok ako sa eskwela, paminsan-minsang tutuksuhin ng mga kaklase, aawayin at sasabihan na naman ng masama. Mag-isang kakain ng tanghalian at recess, mag-isang uuwi, at buong araw na mananahimik dahil walang gustong kumausap.
Hanggang sa patapos na ang linggo, ganoon lang ang naging ganap ko sa buhay. Araw-araw ko na ring napapansin iyong puting sasakyan sa labas ng bahay, duda na rin akong bisita lang iyon ng kapit-bahay. Pero hindi ko na rin iyon pinansin, kagaya ng hindi ko na rin pagpansin sa mga alaala noon sa dagat.
Biyernes ng hapon ngayon at napakalakas ng ulan. Sabik na sabik akong makauwi dahil sa wakas tapos na ang klase, huling araw na ng linggong ito. I ran through the corridors preparing my umbrella. Nakita kong naghihintay sinaTricia at ang mga kaibigan niya sa dulo. Bigla akong nagdalawang isip kung tutuloy pa ba. Sila kasi ang palaging nang-aaway sakin kaya gusto ko sanang umiwas pero iyon lang ang daan palabas ng building namin kay wala akong ibang choice kundi ang tumuloy.
“Excuse me.” I said softly. Humaharang sila sa malaking pintuan kaya hindi ako makadaan pero hindi sila umalis doon. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nagkukwentuhan pa rin sila.
“E-Excuse me!” I said louder. Doon na sila napalingon sakin. Tinaasan nila ako ng mga kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tricia with her insulting sneer in the eyes walked closer to me.
“Sinisigawan mo ba kami?” Mabilis akong umiling at niyuko ang ulo.
They are older than me, Grade 11 palang ako at nasa Grade 12 na sila. Aaminin kong takot ako sa kanila. Noong huli kasi nila akong inaway, sinabutahe nila ang mga damit ko sa locker sa may gym. Kaya pagkatapos ng araw na iyon, sa tuwing napapainit ko ang ulo nila, bigla-bigla nalang akong kinakabhan sa mga pwede nilang gawin ulit.
“H-Hindi. Hindi niyo kasi…narinig kanina…kaya…nilakasan k-ko lang.” Hindi ito natuwa sa sinagot ko. She grabbed my arm rashly as she opened her umbrella.
“You’re itching to go home? Now let’s go home.”
Dahil sa rahas ng pagkakahila niya sakin ay hindi na ako nakabawi para buksan rin ang payong ko. Nabitawan ko pa ang iilang libro ko dahil sa bilis niya. Wala akong nagawa noon kundi ang sumulong sa ulan, hindi ako nito sinisilungan sa payong at sa halip ay hinihilig pa ang tuktok nito papunta sakin dahilan para mas lalo akong mabasa.
Outside of the building was a football field. Kung walang naglalaro ay doon ang daan ng mga estudyante papunta sa main gate. At dahil umuulan at maputik ang lupa sa gilid, doon kami naglakad. Nang halos makalahati na namin ito ay tinulak niya ako sa damuhan. Napaluhod ako sa magaspang na damuhan at agad nakaramdam ng pagkirot sa isang tuhod. Pinigilan ko ang sariling mapatili at kinagat na lamang ang labi. Sigurado akong nasugatan iyon dahil sa sobrang hapdi.
“Now you’re home. To this muddy, dirty field. You’re welcome, trash.” At nagtawanan silang magkakaibigan.
Probably, that is the last thing that I would ever want to happen between us. But despite that, I still let it happen. I could have pushed him away, and I know he won’t force himself anymore. I could have easily pushed him away if I wanted to. So why didn’t I? How come I didn’t even try to resist him anymore?“Dominic is acting weird these days.”My fingertips are cold. Something feels like tickling my stomach from the inside. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na rin itong pagkakagat sa loob ng pisngi ko upang pilitin lang na alisin sa isipan ang alaala ng nangyari kahapon. Since last night, I have been occupied by those thoughts, those memories, by that heat emanating from his fingers as if I could still feel them today.“Lagi na lang siya umaalis, nagmamadali. Tapos kapag tinatanong, ayaw sabihin kung saan pupunta, minsan halata pang nagdadahilan lang.”Napahilamos ako ng mukha na siyang nagpatigil sa pag-uusap nila para mapatingin sa akin. Ilang beses ko na rin itong na
“When did you come?”“Around two, I think?”“It’s six now.”Napadilat ang mga mata ko sa gulat at akmang babangon na sana nang pigilan ako ng kamay nitong nasa bewang ko.“May importante ka bang gagawin o pupuntahan ngayong gabi?”Saglit akong napaisip bago umiling.“Then stay here for a while.”“But I brought food and medicines. Can you eat and take them for now?” Ngumiti ito.“Kanina pa ako gising. I already did. Thank you.”After he said that, I rested back on the bed, now his arm being my pillow. May maliit na siwang na sa kurtina at doon natanaw ko na ang kalangitang unti-unti nang dumidilim. Hindi narin kasing-init ng kanina ang balat niya.“I’m sor-”Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ay nagsalita na ito, “It’s not your fault.”“But you got sick because-”And for the second time, he cut me off, but not through his words but through kiss. He pulled me closer to him, pressing my body against his. A hard thing poking my stomach but my attention was focused more on his rough pa
Nakaupo sa mahabang sofa sa harapan ko sina Chezka, Nicole, at Yvonne. Nakatitig ang mga ito sa akin na tila ba isa akong akusadong kanilang hinahatulan. I just told them everything that has happened and the reason why I couldn’t go to them yesterday.At sa mga ekspresyon nila, hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang kanilang iniisip. Hindi naman mapanghusga o galit ang kanilang mga titig, subalit hindi ko rin masabing natutuwa ang mga ito.“And through that kiss, how did you know you like him?” naunang pang-uusisa ni Nicole.I bit my lower lip and unconsciously fiddled with my fingers.“W-when… when I didn’t want him to stop. Just like how it felt back then with Luke,” I said so quietly, as if afraid that they’d hear me.“God, Amaia!” bulalas ni Nicole.“I am in trouble, right?” Mapait akong ngumiti.Ibinuntong-hininga ni Nicole ang hindi makapaniwala niyang tingin sa akin. Si Yvonne nama’y nanatiling nakakatitig, mukhang nag-iisip pa rin ng sasabihin.Nang bumaling ako kay Chezka
I didn’t wait for the rain to stop nor did I wait for him to come back. Sinulong ko ang malakas na buhos ng ulan nang walang kahit anong pansilong, patungo sa kabilang direksyon, kung saan hindi ko ito makakasalubong, kung saan makakatakas ako nang matagumpay. But when I arrived at the shed outside the school, I only stood there helplessly, unknowing of what to do next. Where should I go now? Hindi ko pwedeng puntahan ang mga kaibigan ko nang ganito ang ayos. If I stand here longer, wait for the rain to stop or let myself dry from the wind, would he come finding me here through this rain? Or if I go home now, would he be the one I’ll find at my door, waiting for me? Despite knowing the possibility of that happening, pumara pa rin ako ng taxi, I still decided to go home. If i don’t see him there, better. And if I do, I’ll just do what I have been always good at-running away. Noong huminto na ang taxi sa tapat ko, patakbo ko itong tinungo. I extended my arms to reach for the door ha
“Don’t stop halfway. You’ll drive me crazy,” he whispered, voice sounding husky before the heat of his lips dispersed from my mouth into my entirety.Nakarinig kami ng pagkatok sa pintong nasa likuran ko subalit hindi niya ito binigyan ni katiting na pansin.“Topher, you in there?” Von called.Ginamit niya ang ingay ng boses at pagkatok nito upang mapasandal ako sa pinto. The knock reverberated at the back of my head. Ngunit kahit gaano pa man kaingay, pawang hindi ko ito marinig. All I can hear are the silent noises that our lips make.Kinuha niya ang bag kong nakasabit sa aking balikat at marahan itong binagsak sa sofa sa gilid. Dinala niya ang magkabila kong kamay pagkatapos upang iyapos sa kaniyang batok. At kahit hindi niya naman diniktahan, kusang naglakbay ang mga daliri ko upang haplusin ang likuran ng ulo niya, papunta sa kaniyang tenga, pababa sa leeg niya.“Baka nakaalis na. Let’s go back,” dinig ko ang boses ni Hanes. Natigil na ang pagkatok at hindi na rin namin narinig
“Saan mo planong pumunta pagkatapos nito?”Napakurap ako at tila roon lamang luminaw ang ingay ng mga yabag ng mga kaklase kong naghahanda nang umalis. I saw our professor already went out of the room, nag-iingay na ang lahat at kaniya-kaniyang yayaan kung saan sila pupunta.Dalawang subjects lang ang klase namin ngayon kaya half-day lang kami ngayon. At sa dalawang subjects na iyon, I don’t know if I even have any takeaways.Hinanap ng mga mata ko si Dominic. Mabilis na pagsulyap lang sakin ng suplado niyang tingin at inanod na ito ng pag-akbay ng isang lalaking kaklase namin papalayo sa paningin ko. Tiningala ko si Chezka sa gilid ko.“Hindi ko alam, eh. Ikaw?” Inumpisahan kong iligpit ang mga gamit.Sa dalawang subjects na iyon, iilang salita lang ang nagawa kong maisulat sa notebook ko.“Are you still preoccupied about last night?”Umilaw ang cellphone ko at nakita ang mensahe ni Ate na nagyayayang sumabay kumain ng lunch sa kanila.“Have you opened our GC? Nagyayaya ang dalawang