LOGINInayos ni Knight ang sarili para sa isang party na gaganapin sa isang sikat na hotel sa may Pasay kung saan siya naka-check in. Dadaluhan iyon ng top ten na pinakasikat at pinakamalalakas na kakumpetensya niya sa negosyo. Naroon ang mga negosyateng halos magkandarapa para masungkit ang napanalunang niyang proyekto, na noong isang araw lang ay napirmahan na niya ang kontrata.
Isang construction site iyon na gagawing kalsada sa Pampanga na magdudugtong papuntang Clark, Zambales. Napagkasunduan nila ng ama ni Faye na kunin niyang tauhan ang mga engineer sa firm nito para pampalubag loob dahil ito ang matinding kalaban niya sa proyektong iyon. Pero siya pa rin ang pipili kung ilan at sino ang kukunin niya, kaya lahat ng impormasyon ng mga engineer ng mga ito ay ipinakuha niya sa bago niyang secretary. Tutal, dati na rin naman itong nagsisilbi sa mga Laxamana. “Sir, the party will begin in a minute,” sabi ng tinig na nagmumula sa suot niyang earphone. Ganoon ang gamit niya para hindi laging hawak ang cell phone niya. “Okay . . . Thank you!” Pagbukas niya ng pintuan, nakaabang na ang kaniyang dalawang bodyguard. Dumeretso siya sa elevator habang ang isa ay nasa huli at ang isa ang nagpindot sa button niyon. Pagdating niya sa palapag kung saan gaganapin ang party, ay agad niyang iginala ang mga mata sa paligid. Nang walang makitang makapukaw ng kaniyang interes, pumasok na siya sa mismong venue. Para iyong isang malawak na bulwagan na animo’y may awarding na magaganap. Sumalubong sa kaniya ang ama ni Faye. “Hijo, congrats again!” Kumamay ito sa kaniya sabay tapik sa kaniyang balikat. Ngumiti siya rito. “Thank you.” “Well, this is your night, so, enjoy! By the way, Faye called me. She said she’s in Boracay with her friend. Engineer Yna is one of my workoholic employee. At kakabalik lang niya galing US for some reason.” “Yeah. Faye told me that,” pagsisinungaling niya. “Sorry at hindi ka niya nasamahan sa ganitong okasyon. Hayaan mo, kapag nakasal na kayo sa simbahan at lumabas na ang anak ninyo, magiging sa iyo na ang focus niya. Hindi pa lang siya handa, pero kailangan nating gawin ang bagay na iyon nang madalian.” Ngumiti siya. “That’s fine, Mr. Laxamana. Don’t rush things. Nakalimutan niyo na yata na kasal na kami sa mayor. And, don’t worry about Faye. I’ll go there this weekend to visit her.” Nakita niya ang pilit na ngiti ng matanda. “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na dad na lang ang itawag mo sa akin,” bulong nito. “Saka na po kapag formal na ang lahat. Napag-usapan na po natin ito.” Tumango-tango ito. “Sige, kung ’yan pasya mo. Yung mga papers na kailangan mo, ipinadala ko na kanina. P’wede mo ring i-occupy ang opisina ni Faye, habang pumipili ka sa mga tauhan ko. Para makita mo rin sila in person.” Napaisip siya sa sinabi nito. “May point ka din po. Sige. Ipaaayos ko sa secretary ko ang lahat.” “Thank you. Magandang hakbang ito para maayos ang lahat.” Tumango siya. “Mr. Del Rio! Congratulations! Iba ka talaga. Your win against Mr. Laxamana, right?” Sasagot na sana siya nang unahan siya ng kaharap. “Mr. Quiruben, it’s okay! Para din iyon sa future—” “Not totally a win, Mr. Quiruben. Of course, I’ll get some of Mr. Laxamana’s engineer. I think, we will have a good business partner in future,” putol niya sa iba pang sasabihin ng ama ni Faye. “And I think that’s perfect! I wish, you and I had a business partner like this. I’m willing, you know,” anito habang nakikipagkamay sa kaniya. Malawak na nakipagkamay ito. Ngumiti siya. “Sure, why not!” Nagpaalam muna ang dalawa sa kaniya nang dumugin siya ng mga reporter at mga cameraman. “Mr. Knight Del Rio, totoo po na ikaw ang nakakuha ng isang proyekto na gagawin sa Pampanga to Clark, Subic?” Tumikhim muna siya bago sumagot. “Yes. And our team is happy for that.” “May mga nakalap kaming balita na magsasanib pwersa na raw kayo ni Mr. Laxamana para sa proyektong ito. Tama ba?” “Actually, may usapan na kami regarding diyan and we discussed that matter internally. Please, excuse us! If you have any questions, please arrange a schedule to my secretary.” Umalis siya sa gitna at dumeretso sa karamihan kasunod ang mga bodyguard niya. “Del Rio! Nice to see you here!” anang isang pamilyar na boses. “Daniel Falcon!” Natawa siyang niyakap ito. “Kumusta, pare?! Long time no see, ha? Ang alam ko lang lumipat kayo ng Amerika ng mga magulang mo noon, instead of Italy.” Isa ito sa mga naging kaibigan niya noong college sila. Kumuha ito ng culinary class noon, hanggang magpaalam ito kasama ng magulang papuntang USA, dahil sinubukan ng mga magulang nito na maglagay ng business doon. Apat na taon rin ang mga itong nanatili sa Amerika. “Ayos lang, Del Rio! Ako na ang nag-m-manage ngayon ng negosyo ni daddy sa USA, bago sila bumalik dito sa pinas. Mas gusto pa rin nila rito,” anito at niyakap siya sabay tapik sa kaniyang likod. “Eh, ano namang masamang hangin ang nagdala sa iyo sa lugar na ito?” Malawak ang ngiti niya sa kaibigan. “Nalimutan mo yatang ang daddy ko ang may-ari ng hotel na ito. At ang mga pagkain dito ay kami mismo ang gumawa.” Natapik niya ang noo. “I almost forget, pare. Bakit kasi ang tagal mo sa Amerika? Tapos, wala man lang pasabi na uuwi ka.” “Sinadya ko talaga iyon,” tugon nito. “Ikaw, kumusta na? May nakapagpabago na ba sa iyo? I mean . . . may nakapagpatigil na ba sa iyong bisyo?” marahang bulong pa nito na ikinatawa niya nang malakas. “Alam mo ang sagot diyan, pare!” Sumabay sa tawa niya ang kaibigan. “Pagkwentuhan natin kapag solo na tayo. Sa ngayon, i-enjoy muna natin ang party. Mukhang maraming magagandang babae rito,” bulong niya. “F*ck you! You really are the Del Rio na kaibigan ko. Kaya nadadamay ako sa kalukuhan mo at naging dahilan kung bakit napatawag ang parents ko noong college tayo. Buti na lang, magaling akong lumusot!” Palihim siyang siniko nito. Sabay silang natawa nang maalala iyon. “What are friends are for? Nagsalita ang perfect! Akala mo naman, mas marami ka pa yatang pinaiyak na babae kaysa sa akin.” Nakilala niya ito sa kolehiyo dahil sa galing nitong mag-basketball. Ito ang tinaguriang campus crush bago siya naging popular na campus heartthrob. At bago siya mag-shift ng course from culinary to engineer, una talaga niyang minahal ang pagluluto pero mas exciting ang mga numero. Kasa-kasama niya ito sa kalokohan kaya laging may sermon sila sa nanay ni Daniel kapag dumadalaw siya sa bahay ng mga ito. Parang kapatid na rin ang turing niya rito, kahit sa mga kapatid nito na halos lahat yata ay sumunod sa yapak ng tatay nila. Sabagay, hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil makatutulong iyon sa negosyo nila. “Let’s drink!” Iniabot ni Daniel ang isang kopita sa kaniya. “Sure, pare!” Kinuha niya ang iniaabot. “Cheers! More project to come! Congratulations!” “Cheers!” Ang tunog ng nagpingkiang kopita at ingay ng mga tao sa paligid ang naririnig niya, kasabay ng romantikong musika. This is the life he always dreamed off. The one he always wanted. Freedom.Napatingin si Yna sa nakaawang na pinto sa harap ng kaniyang opisina. Napangiti siya dahil nasundan pa ang paglabas nila ni Knight. Maginoo naman ito pero madalas sumisingit ang pagkapalikero ng lalaki, na madalas na binabalewala niya dahil iyon naman ang dapat. Sa department nila sa kompaniya na iyon, marami na siyang nakasapamuha na katulad nito kaya umiiwas na siya.Napailing na lang si Yna. May mga lalaki pa rin kasi na ang taas ng tingin sa sarili. Akala nila lahat makukuha sa mga pahaging na ganoon. Lampas na siya sa ganoong panahon. May kasintahan na rin siya kaya rito na lang niya itinutuon ang pansin.Just a plain business! wika niya sa isip at nag-umpisa ng magtrabaho. Subalit, ngulat siya nang biglang lumitaw si Knight sa pintuan ng opisina niya.“Hello! May I invite you to my office for some snacks? I also have a draft of the layout for a small park I’m planning to build in the median of the highway, aimed at enhancing the visual appeal for drivers,” tuloy-tuloy nitong wi
Pakiramdam ni Knight sa mga sandaling iyon ay nasa alapaap siya, dahil kasama niya ang babaeng kagabi pa siya hindi pinatutulog sa kaiisip. Nalaman niya mula sa inutusan niya na ang isa sa mga director ng kompanya ng mga Laxamana ang boyfriend nito. Hindi niya alam kung bakit, pero nasasaktan siya sa kaalamang iyon. Subalit para sa kaniya, hangga’t hindi pa naikakasal ang babae ay single pa rin ito. Wala pa ring sabit.“Sir, magtitinginan na lang po ba tayo?” tanong ng kaniyang kaharap na may pagtataka sa mukha.Tumingin siya sa relos niya para hindi halata ang ginawa niya. “I’m sorry . . . I’m just thinking why you’re still single up to now.” Nakita niya ang pamumula ng mukha ng dalaga pero pinanatili pa rin nito ang pagka-professional sa mukha. “Sir, may boyfriend ako at trabaho ang pinag-usapan natin kaya ako sumama sa iyo. Actually, we’re planning to have a lunch outside but . . .” Tumigil ito at tumingin sa phone na hawak.“But he is not around. Kung ako sa boyfriend mo hindi k
Mula sa pinto ng opisina ni Yna ay nakita niya ang pagpasok ng assistant ni Faye noon, at ngayon ay nagtatrabaho na para kay Mr Del Rio. “Engr. Yna, ipinapatawag po kayo ni Sir Knight sa opisina niya. Magdala daw po kayo ng notes,” magalang na wika nito. “Aalis din po ako dahil pinagdadala niya ako ng dokumento kay Sir Edward. Kung kailangan ninyo ng tulong sa pinag-usapan ninyo, mamaya sabihin niyo lang sa akin at tutungan po kita.”Tumango siya. “Salamat. Sige, pupunta na ako doon.”Tumango rin ito at nagpaaalam na dala ang mga dokumentong tinutukoy na dadalhin papunta kay Mr. Laxamana. Kinuha niya ang kaniyang notes at nagdala na rin ng ballpen. Napatingin siya sa relong nasa bisig, pasado alas-dose na ng tanghali. Lunch break na pero kailangan pa nilang mag-usap? Para saan? Mukhang umpisa pa lang ay mahirap na itong katrabaho, at mukhang wala itong lunch break na tinatawag.Inayos niya sarili at kinuha ang blazer na suot kanina. Isinuot niya iyon bago lumipat sa opisina ng bago
Habang nasa loob ng opisina ni Faye si Knight, bago mag-start ang meeting, ipinaayos niya kay Nikki ang lahat ng folder ng mga engineer doon. Iyon ang pamimilian niya para sa limang taong kailangan niya para sa bagong proyektong gagawin. Binasa niya ang lahat ng profile ng mga ito at masasabi niyang magagaling ang lahat— wala siyang itulak-kabigin. Ang plano at presentation ng mga ito ay talagang humahanay sa pang-international, ngunit ang gusto niyang kasama ay hindi magiging kakumpetensiya sa plano niya. Ang gusto niya ay iyong mag-s-suggest sa kaniya kung ano pa ang ikakaganda ng lahat. Sa nakita at naobserbahan ni Knight sa katatapos lang na meeting, isa lang nakagawa niyon. At iyon ay si Yna. Lihim siyang humanga sa determinasyon nito. Bukod roon, may respeto rin ito sa kung sino ang mamumuno sa proyekto— at siya naman iyon.Itinabi na niya ang folder ng dalaga. May napili na rin siyang apat pero nakukulangan pa siya sa trabaho ng mga ito, kaya kailangan niyang mag-extend ng isa
Pagpasok pa lang ni Yna sa opisina ng kasintahan, nakita niyang seryoso ang mukha nito at tila hindi mapakali na yumakap sa kaniya.“I’m sorry . . .”Yumakap din siya rito. “Okay na iyon. At saka, kung galit ako hindi ako pupunta dito. Let’s eat,” wika niya at inaayos ang dalang folder sa mesa nito. “Can I put my things here?”“Sure! Always.” Kinuha nito ang mga dala niya at ito na mismo ang naglagay sa mesa nito, saka siya inalalayan sa mini pantry nito.Nakita niya ang isang bungkos na rosas doon. “What is this? Kilala kita na hindi nagbibigay ng ganito?” nagtatakang tanong niya.Ngumiti ito at kumamot sa batok. “Yeah. But I am planning to give that to you a while ago but suddenly you walk out.”“No, I’m not—”Mabilis na kinuha ni Harold ang bulaklak at inabot sa kaniya. “Babe, for you. I just want to remind you, that you are my love. The one and only.”Kinuha niya ang bulaklak at ngumiti. “Thank you.” Pero kahit anong kapa niya sa damdamin, wala talaga siyang kilig na naramdaman s
Nagmadaling bumaba ng sasakyan si Czarina dahil tumawag si Mr. Edward Laxamana, ang boss niya at ama ng kaibigang si Faye. May urgent meeting daw silang lahat na empleyado nito. Kinabahan siya dahil huling beses nilang ginawa iyon ay noong biglang nawala ang project nilang hawak, dahil sa malaking bulilyaso sa site na halos kalahati ang ikinalugi ng kompanya. Kaya naman todo kayod sila para mabawi ang halagang iyon. Sa ngayon, nabawi na nila iyon pero puhanan lang ang bumalik. Kung sa kaniya, maayos na iyon kaysa sa wala. Pero iba ang isip ng boss nila. Ang gusto nito ay mabawi ang puhunan at lahat ng nagastos nito.Wala naman siya pakialam doon basta mahal niya ang trabaho niya. Ang kinatatakutan niya lang ay kapag nangayari iyong muli. Baka kasi magresulta iyon ng pagbabawas ng mga tauhan at mapasama siya. Kaya naman todo dikit ang kompanya nila sa mga malalaking proyekto o kaya naman ay nakikipag-partner sila sa malalaking kompanya. “Good morning, Engineer Yna!” bati ng isang gua







