LOGIN“Why are you late?!” Malakas ang boses ng babae na nasa hagdan habang hawak ang tiyan nito na limang buwan na.
Yes! Limang buwan na rin ang nangyari simula nang nakilala niya ito sa bar; kung saan nangyari ang isang pagkakamali. Iyon na rin pala ang huling araw nang pagiging binata niya. Si Faye Laxamana, nag-iisang tagapagmana ng isang sikat na brand ng mamahaling sasakyan sa bansa, ang babaeng nabuntis niya. Subalit, mas pinili nito na maging isang engineer dahil may mga business din ang ama nito na katulad ng business niya. Pareho ang business nila na excellent sa larangang iyon. Minsan ng nagkatagpo sila ng mga magulang nito sa isang project bidding noon kaya madali lang siyang nakilala ng mga ito. Nang malaman ng ama nito na nagbunga ang ginawa nila, agad na sumugod ito sa opisina niya nang walang kaabog-abog kasama ang babae. Magiging magulo ang mundo niya at masisira siya sa mga client niya, lalo pa at kalaban ng kompanya niya ang mga ito sa isang bidding na ginawa noong nakaraan para sa next project nila. Malaki ang mawawala sa kaniya kapag natalo siya roon. “Faye, I’m tired. Where’s our maid?” walang siglang tanong niya sa babae. “She’s not around. Pinag-day off ko.” Bumaba ito at humalik sa pisngi niya, saka yumakap sa kaniya. Umiwas siya. “Faye, I said, I’m tired.” Naningkit ang mga mata nito. “Simula nang ikasal tayo, wala kang gana man lang na alagaan kami ng anak mo! Hindi ba at nang binubuo natin ito masaya ka at sarap na sarap? Ano’ng nangyari, ha?!” malakas na wika nito. “Faye, wala akong panahong makipagtalo sa iyo. Napag-usapan na natin ito bago tayo ikasal! Sa library lang ako.” Tumalikod si Knight dito at dumeretso sa loob ng library, na ginawa niyang opisina. “Knight!” tawag sa kaniya ng asawa. “Kahit ba sabihin kung nanalo ka sa bidding para sa next project mo, at natalo sina Daddy?” Napatigil siya at nilingon ito. Unti-unti itong lumapit sa kaniya. “What did you say?” Nakangiti ito at yumakap sa kaniya. Humalik din ito sa kaniyang mga labi. “Congratulations, husband. You win! As per dad, one of these days you will have a meeting to sign the project.” Nawala ang inisip niyang pagod. Totoo naman na pagod siya dahil sa ginawa nila ng bagong secretary niya. Bago siya umuwi, dinadaan niya ito sa isang hotel at pinagsaluhan ang bagay na gusto ng katawan nila. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi siya nakalimot na maglagay ng proteksyon. Mahirap na kasing sumabit muli. “Thank you for the good news, Faye. Kumain ka na ba?” Nakayakap pa rin ito sa kaniya. “Alam kong wala kang pagmamahal para sa akin, pero salamat dahil tinanggap mo ang anak natin at tumupad ka sa usapan ninyo ni daddy na isama mo ako dito sa bahay mo. Salamat. Alam ko rin naman kung saan ako lulugar.” Ramdam niya ang lungkot nito pero sadyang hindi pa siya sa handa sa sitwasyon nilang iyon. “I’m sorry. Mapag-aaralan ko rin naman sigurong mahalin ka, pero hindi pa sa ngayon.” Tumingala ito. Larawan ang matinding kalungkutan sa mga mata nito. “Next week, uuwi ang kaibigan ko at gusto niya na makipagkwentuhan sa akin. She wants us to go to a vacation, kahit one week. You want to join?” “Is it a guy or a girl?” Ayaw naman niyang maiputan sa ulo habang wala ito sa paligid. “Girl, of course! Why? Are you jealous if—” “Alright! Go with her. It’s fine.” “Thank you!” Tumango siya. “You’re free . . . kahit ano ang gawin mo. Katulad nang dating ginagawa mo. Ingatan mo lang ang bata at huwag lang magpapagabi. Andiyan ang mga bodyguard na magbabantay sa iyo. Basta kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin.” Narinig niya ang pagbuntonghininga nito. Naiintindihan niya na laki ito sa marangyang pamumuhay, kaya kung kailangan niyang ibigay ang lahat ng luho nito noong dalaga pa ito— ibibigay niya. Wala rin itong alam kahit sa pagluluto, lahat ay iniaasa sa katulong o ’di kaya naman ay umorder lang ito sa restaurant. Ayaw niyang may masasabi pa ang ama nito kaya kumuha siya ng ilang kasama sa kusina at kasambahay nila. “Thank you. Pero sana tigilan mo na ang kalalabas ng mga babae kung kailan mo gusto. May asawa ka na, baka nalilimutan mo,” wika nito. Napatiimbagang siya. “Pagtatalunan na naman ba natin ito? Pumayag na akong makasal sa iyo pero huwag mong pakialaman ang personal na buhay ko!” Tumalikod na siya at dumeretso sa isang kwarto na inuokupa niya kapag sila lang dalawa ang nasa bahay. Nagtatabi lang sila sa higaan kapag bumibisita ang mga magulang nito. Tumingin siya sa relo. Pasado alas-onse na ng gabi. Matagal din pala silang magkasama ng sekretarya niya. Maganda rin ito at malaki ang hinaharap. Nagpakita ito ng motibo kaya pinagbigyan naman niya. Magaling din ito at mukhang marami na ring karanasan. Kahit alam nito na may asawa na siya ay sumugal pa rin ito. It’s her choice. Sinabi na niya rito pero ayos lang daw. Kinabukasan, nakita niya ang mga maleta sa salas. Tatlo iyon na inilalabas ng mga bodyguard. “Bakit ang dami niyan?” tanong niya sa kasambahay sa kasambahay na kasunod ng bodyguard. “Magandang umaga, Sir. Alam niyo naman si Ma’am Faye kapag may out of town, gusto ay dala lahat.” “Hi, honey! Huwag kang mag-alala, kaunti lang ang mga iyan.” Masigla ang mukha ni Faye nang bumungad ito sa front door. “Ngayon na ang alis ko with my friend. Sa Boracay kami mag-stay sa resort namin doon. Kung gusto mo sumunod this weekend, just call me.” Lumapit ito sa kaniya at humalik sa aniyang mga labi. Wala na ang lungkot sa mata nito at mukhang masaya na makita ang kaibigan. “Sure, mag-iingat ka. Tatawag ako sa iyo kapag susunduin na kita.” Niyakap niya ito pero kahit anong spark ay wala talaga. “Thank you, husband. Nga pala, bago na pala ang secretary mo. Yung dati kong secretary sa office ni daddy, si Mrs. Almonte. Mabait iyon at pulido magtrabaho.” Napakunot ang noo niya. Magtatanong pa sana siya pero tinalikuran na siya nito. “Bye for now! Take care! May pinaluto ako sa maid diyan, kumain ka na.” Matagal niya itong pinagmasdan. Nasaling ang pride niya sa ginawa ng asawa. Pero kung sabagay, ayos lang iyon para matigil na rin sa kakakulit sa kaniya ang sekretarya niya. Marami pa namang umaaligid sa kaniya, hindi lang ito. Tumuloy siya sa kusina at nakita niya ang mga pagkain. “Sir, init ko lang po ang sabaw. Medyo malamig na po.” “Yes, please . . .” Mag-isa na naman siyang kakain sa mesang iyon. Kahit kailan, hindi siya sinabayan ni Faye kahit day off niya. Nasa kwarto lang ito. Alam naman niya na hindi sanay ito sa gawaing ganoon at hindi pa rin handa ang katawan nito sa ipinagbubuntis kaya hinahayaan na lang niya. Sana lang, mabilis niya itong matutunang mahalin. Pero paano kung sa mga maliliit na bagay ay hindi siya kayang pagsilbihan nito? Magbubukas ba ang puso niya rito? Napailing na lang siya. Baka mahabang panahon ang bunuin niya sa iniisip niyang iyon.Halos isang linggong holiday ang buong hotel ng mga Falcon dito sa Pilipinas dahil doon gaganapin ang kasal nina Knight at Yna. Kahit ang mga tauhan at lahat ng engineers ay pinagbakasyon at inanyayahan ni Knight sa kasal nila ni Yna. Pagkatapos ng isang buwan nila sa Amerika, bumalik sila ng Pilipinas kasama ang mga magulang ng dalaga. Ang kapatid nito ay nag-resign na sa trabaho at tuluyang iniwan ang buhay doon. Bumalik ang mga ito sa bahay ng mga ito, pero bago ang preparation ay pinaluwas na niya sa Maynila ang pamilya ni Yna. Hinayaan niya ang dalaga na mag-decide kung saan ang venue, pati na sa kung anong damit ang susuotin. Gusto niyang ibigay ang best wedding day sa pinakamamahal niya. Ito rin mismo ang pumili sa hotel nina Daniel. Magaling itong pumili ng mga disenyo at talagang mapapahanga ang sino man na pupunta roon. Inimbetahan nila ang lahat para makadalo roon, kahit sina Harold at Faye.Hindi nila sigurado kung pupunta
Pagkatapos mag-propose ni Knight pumasok sila sa loob ng magarang restaurant na iyon.“Congrats, pare! Kung hindi nag-oo si Yna, ito ang gagamitin kong huling alas para pumayag siya.” Nakangiting nagbeso si Daniel sa kaniya habang ang ibang bisita at magulang niya dinala at pina-assist sa mga waiter doon.“Ano na naman iyan, pare?”“Sabi ko, basahin mo ang papeles na ito bago mo pirmahan, hindi ba?”Nakangiting inabot ni Yna ang hawak ni Daniel.“Huwag mong sabihing sa iyo ang restaurant na ito, Daniel.”Umiling ito. “Nope. Sa parents ko. Nandito nga sila ngayon dahil sa mahalagang anunsiyo ng anak-anakan nila. Idagdag mo pang ipinasara nitong kaibigan ko ang buong restaurant!” Tiningnan niya ang katabi. “Knight, nang-abala ka pa! Sayang ang benta nila ngayon,” aniya.Natawa lang ang lalaki.“Don’t worry, pag-uusapan na lang namin iyan. Anyway, congrats sa inyo— at Yna, inaantay ka na ng farm mo!”
Maaliwalas ang mukha ni Yna nang tumingin sa orasan. Napakunot ang noo niya, tama ba orasan niya? Alas-syete na ng umaga ang nakita niya at hindi na siya nakakain ng hapunan. Tumingin siya sa side table. Wala na roon ang mga pagkain at maayos na nakasuot ang mga damit niya, pati ang kumot ay maayos na nakatakip sa katawan niya.Tumayo siya at itinali ang buhok. Hindi na siya naghilamos pati kahit toothbrush dahil excited siyang makita si Knight. Paglabas niya sa kusina, naabutan niyang masayang kumakain ang dad at mom niya.“Where’s Knight, mom?” Umupo siya sa tabi ng kaniyang ina at kumuha ng isang tinapay.Nakita niya ang pagkunot-noo ng ina niya. “Akala ko ba wala ka ng pakialam sa kaniya, anak?” nakangiting sagot ng ina niya.“Mom . . . !” nakasimangot niyang sambit.“Nagpaalam sa amin kagabi ng dad mo na bukas or makalawa ang balik niya. Hindi ba nagpaalam sa iyo kagabi? Nagtimpla siya ng gatas mo at siya din naglabas noon, akala k
Ginawa ni Knight ang lahat para magbalik sila sa dati— masaya at walang problema. Araw-araw ay dumadalaw ito sa bahay nila at sari-sari ang dala. Minsan gumigising siyang nakahanda na ang pagkain na ito mismo ang nagluto. Hindi rin nakaligtas sa patingin niya ang mga bulaklak na laging nasa kwarto niya. Si Gibeon ay kasama na rin nito sa panunuyo sa kaniya. Mukhang close na talaga ang dalawa. Ang mommy naman niya ay hindi nawawalan ng ibinibigay niyong mga lutong pagkain, habang alak naman sa kaniyang ama. Nakatitig siya ngayon kay Knight na abala sa kusina nila. Umalis ang ama’t ina niya para mag-grocery. Si Gibeon naman ay may pinuntahan na kaibigan. Napatingin siya sa orasan. Pasado alas-tres na iyon ng hapon. “Hi, sweetheart! Maupo ka muna dito. I made this . . .” Itinaas nito ang pasta na bagong luto. Nasanay na itong makialam sa kusina nila, na hinayaan naman niya. Natakam siya sa inihain ni Knight, pero nang maamoy niya iyon, bumalikdad
“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba at ayaw na kitang makita pa!” singhal ni Yna kay Knight kahit ang totoo ay pinalalakas lang niya ang loob para maging matatag sa harapan nito.“Yna, hinayaan kong umalis ka noong araw na iyon para harapin at ayusin ang problema ng daddy at mommy mo. Ayokong isingit ang sarili ko dahil nakiusap si Mr. Melendez na huwag munang isabay ang kung anong gusto ko at hayaan kang magkapag-isip. Pero halos isang linggo na rin ang lumipas at hindi ko na matiis na hindi ka makita. Hindi ba sinabi ko naman sa iyo, na hindi ako susuko. Kahit lumuhod akong muli sa harapan mo araw-araw— gagawin ko, magkaayos lang tayo. Bumalik ka lang sa akin,” wika ni Knight.Bahagya siyang umusod ng upo at iniwas ang tingin sa lalaki.“But still . . . naging kabit mo ako, Knight! Hindi pagmamahal yun at pure l*st lang ang lahat! Bumalik ka na sa Pilipinas, doon sa farm mo. Marami ang naghihintay sa iyo doon!” Tumayo na siya at iniwan ito sa upuan.
“Alright. Pakikinggan kita, pero hindi ibig sabihin nito ay pinatatawad na kita. Malaki ang kasalanan mo sa akin, Knight. Hindi nakukuha ang kapatawaran sa isang kisap lang ng mga mata, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao,” malamig na wika ni Yna. “Tumayo ka na diyan,”“I understand. Ang gusto ko lang ay pakinggan mo ako. Kung talagang mahirap kalimutan ang mga ginawa ko, tatanggapin kong lahat iyon. Pero ito lang ang itanim mo sa isip mo, hinding-hindi ako titigil sa paghingi ng tawad sa iyo,” ani Knight at tumayo ito.Binalingan ni Yna ang kaniyang ama. “Dad, mag-uusap lang kami sandali. Hindi pa naman tinatawag ang flight natin, hintayin niyo na lang ako sa waiting lounge.”Nakatingin lang ang ama niyang nalilito pa rin. Sa huli, tumango ito. Pumunta sila ni Knight sa VIP lounge para doon makapag-usap nang maayos.“Yna, first of all, gusto kong malaman mo na na mahal na mahal kita,” simula nito.Napailing siya. “Ginawa mo akong kab
Nang maibsan ang sakit at sama ng loob, lumabas si Yna ng ospital at hindi na bumalik sa ward ni Faye. Sa likod siya dumaan para hindi masalubong si Harold. Ayaw niyang makita siya nito sa noong ayos. Pumara siya ng taxi para umuwi ng condo niya ngunit may isang kotse na bigla na lang tumigil sa
Pagdating sa site ni Yna, inabala ang sarili sa para mawala ang inip at matapos ang lahat ng iniwang trabaho sa kaniya ni Knight. Ipapasa niya iyon sa mga head director para ang mga ito na ang mag-discuss sa lalaki. Eksaktong mag-l-lunch nang may kumatok sa pinto ng opisina niya. Mabilis siyang
Pagdating ni Knight sa bahay nila Faye, narinig niyang may kausap ito at galit na galit.“Dahil sa iyo kaya ako nasa sitwasyong ito!” malakas na sigaw nito.Napailing siya. Ito na naman siya sa bahay na walang peace of mind.Tuloy-tuloy siyang pumasok sa sala. Nang maki
Nakatitig si Knight sa kabilang silid kung saan naroon ang opisina ni Yna. Salamin lang ang pagitan ng mga opisina nila sa site kaya tanaw niya ang dalaga na abala sa mga gawaing ibinigay niya. Magaling talaga ito at naka-focus lang sa trabaho. Napabuntonghininga siya dahil naalala niya si Faye a







