Share

Chapter 2

Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan niya sa MIA terminal 3. Masigla siyang lumabas ng eroplano, at agad na nagtungo sa baggage area kung saan kinukuha ang mga luggage ng mga pasahero. Nakatayo siya kasama ng mga iba pang pasahero habang hinintay ang paglabas ng kanyang bagahe sa isang maliit na bintana. Nang makita niya na ang kanyang bagahe agad niyang dinampot ang mga ito. Isang maliit na maleta lang iyon at isang ice bucket na naglalaman ng pinaluto niyang sugpo, alimango at king crab kay Mang Pedring. 

Nasaan na kaya si Owen tanong niya sa sarili. Mabilis niyang kinuha ang phone niya sa bulsa ng kanyang jeans, at agad na nag-text sa binata.

To Big Bro: where are you? palabas na ako sa arrival area.

Hinintay niya ang sagot ni Owen pero embes na mag-reply ito sa kanya, isang tawag ang natanggap niya.

Big Bro calling...

Natawa siya, kahit kailan talaga tamad itong mag-reply sa  text. She answers the call but before she can utter a word, nagsalita na ito.

"Baby, doon ka dumaan sa VIP area. Ipakita mo iyong ID mo sa guard, wait kita doon." 

"Ok, see you." Pinatay na agad ng binata ang tawag. 

Karaykaray ang isang trolley kung saan nakalagay ang isang maliit na maleta at isang ice bucket, tumahak na siya papunta VIP area. Nakita niya agad ang guard. Nilapitan niya ito, at ipinakita niya ang ID niya dito. 

"This way, M adam," sabi ng guard habang iginigiya siya sa isang pasilyo.

Nakita niya kaagad si Owen nakaupo sa isang chair. Ngumiti ito, at kaaagd na tumayo saka marahan na humakbang papunta sa kanyang direksiyon. Kinuha nito sa ang kanyang mga dala-dala mula nasa trolley. 

"Hi, baby," bati pa nito.sa kanya, at kinausap ang  guard. Nagpasalamat ito sa guard,. at isang  "No problem po, Sir." ang tugon ng guard sa binata.

"Let's go, baby. Tayo na sa car," anyaya ng binata sa kanya.

"Okey." Lumakad na sila patungo sa sasakyan ng binata. 

Isang black hammer ang dala ng binata. Binuksan ni Owen ang pinto ng passenger seat.

"Sakay kana, baby. Ilalagay ko lang itong bagahe mo sa likod," sabi ng binata habang inaalayan siyang pumasok sa sasakyan. 

Nakaupo na siya sa passenger seat nang sumakay na din si Owen. Binuhay ng binata ang makina ng sasakyan, saka kinabit ang seatbelt niya. 

"Thank you," anas na sabi niya. 

"So, how your vacation?" tanong nito sa kanya habang kinakabit ang seatbelt nito sa sarili. Nagsimula na ito sa pagmamaneho palabas ng airport.

"Ayos lang naman. Sulit, at fulfilling," nakangiting sagot niya.

"Looks like you're happy. Happened to meeting someone there?" he asked her as he glance at her.

"Ah, remember, Avria Araneta?" 

"Yes, I do remember her, 'di ba classmate mo siya nang high school?" paniniguradong tanong nito kanya ng binata.

"Yes, akalain mong after 5 years muli kaming magkikita at sa Bacolod pa. Who would have thought na isa na siyang may-ari ng sikat na jewelry shop.". 

"Really, so how is she? Is she married?"

"She's okay. Kinakamusta ka nga niya. Wala pa din siyang asawa. Alam mo bang she is still waiting for Sky to comeback," masiglang kwento niya dito.

"Oh really, I pitty her then. Hindi na babalik si Sky dito sa Pilipinas. Last time we saw each other sa Canada, engaged na ito," he told her, and he glance at her. 

"Kawawa naman pala siya. Wala na siyang hinihintay kung ganoon. Nakakalungkot,  akala ko pa naman magkakatuloyan sila. Sky had a big crush on her, so is Avria." wika niya. Huminga siya nang malalim, at bigla nakaramdam ng kalungkotan.

"Baby,  ganoon talaga. They weren't mean for each other. Saan mo pala gustong kumain?" he asked her but his eyes is on the road. Buti  nalang at hindi ma traffic.

"Sa condo mo na lang. May dala akong paborito mong sugpo, alimango at king crab. May rice ka ba doon?"

"So condo it is. Magsasaing na lang tayo," wika nito.  Lumingon ito sa kanya, at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha niya.

"There much better!" Binalik ng binata ang mata nito sa daan, medyo hindi na ma traffic kaya mabilis na umusad na ang sasakyan nila. Mayamaya lang natagpuan niya na nasa harap na sila nang building kung saan ang  condo ng binata matatapagpuan. 

Ipinarada ni Owen ang kanyang hammer sa basement ng naturang building. Inihinto ang sasakyan. 

"We're here." Tinanggal ng binata ang kanyang seatbelt, at maging ang seatbelt niya. Bumaba na sila sa sasakyan. Nanitili siyang nakatayo sa gilid ng sasakyan habang kinuha ng binata ang mga bagahe niya sa likod ng sasakyan. Buhat-buhat ito ng binata hanggang sa narating nila ang elevator. Nakasarado pa ang pinto ng elevator nang dumating sila doon, pero base sa parisukat na screen nasa gilid nito, pababa na din ito. Ilang minuto ang lumipas bumaba na din ang elevator sa basement. Tinangka niyang kunin sa binata ang ice bucket, magaan lang ito kaya okay lang sa kanya na buhatin ito. 

"No, baby ako na. Magaan lang naman ito." Tumango na lang siya sa binata.

As soon as elevator reached the basement, its door opened. She step in, and press the hold button para makapasok si Owen nang maayos dala ang mga  bagahe. Nang nasa loob na ang binata, she press 20 for 20th floor. Nasa twenty floor ang unit ng binata. Nanatiling sila lang ang tao sa loob ng elevator hanggang tumigil ito 20th floor. At katulad kanina ganoon din ang ginawa niya, she press the hold button ang pagkakaiba nga lang naunang lumabas si Owen sa kanya. Nang dumating na sila sa pintuan ng condo ng binata, ini-swipe nito ang blue card na kinuha ng binata sa kanyang bulsa. Pumasok na sila ni Owen. Inilapag agad ng binata ang gamit niya sa salas. 

She was about to sit down on the couch when two strong arms wrapped around her. Nagulat siya sa biglaang pagyakap ng binata sa kanya. He hugged her tight na para bang miss na miss siya nito. Tinugon niya naman ng yakap ang yakap ng binata. Na-miss niya din ito kaya okey lang. 

"I miss you so much, baby," Owen whispered to her ear, and kiss her on her forehead.

Biglang siyang  kinabahan, at same time she felt happy. Bakit nga ba her heart beats fast na para itong makakawala sa kanyang ribcage sa tuwing yayakapin siya ng binata. Why is  she so affected, eh normal lang sa kanila ni Owen ang magyakapan. They been hugging each other ever since they were children. 

"And I miss you too," pag-aamin niya sa binata. He hold her tightly, then her stomach make a strange sound. Owen chuckled as he heard it.

"Gutom ka na, Baby. Maligo ka muna kaya, at magpalit ng damit.  Magsasaing lang ako. Dito ka na pala muna matulog, gabi na. Bukas na kita hinahatid sa condo mo," nakangiting wika ng binata.

Tumango na lang siya sa binata, at pumunta sa kwarto nito. Agad siyang pumasok sa banyo. Binuhay ang shower at agad naligo. Sinabon niyang maigi ang kanyang katawan at buhok gamit ang sabon at shampoo ng binata. Naisip niyang hindi naman masama na gamitin niya ang aabon at shampoo nito. Isa pa tamad na siyang lumabas ng kwarto upang kunin ang sabon sa bagahe niya.

Pinilupot niya ng towel ni Owen sa kanyang katawan. Lumabas na siya ng banyo. Binuksan niya ang closet ng binata at nagulat siyang may pambabae mga bra at undies doon. Sa di masabing kadahilanan sinuri niya ang mga ito, at natanto niyang sa kanya ang mga iyon.

Nagtataka man  kung bakit may bra at panty siya sa condo ng binata ay pinag sawalang bahala na niya. Kumuha siya ng isang bra, at panty mula doon, at  humugot siya ang isang over sizes white shirt at isang boxer ni Owen. 

She smiled as she look at her reflection in the mirror, bagay sa kanya ang damit ni Owen. 

She looked seductively sexy with her legs showing. Bahala na sabi niya sa sarili hindi naman magagalit sa kanya si Owen kung isuot niya ang damit nito.

Lumabas siya sa kwarto at pumunta ng kitchen. Natagpuan niya ang binata na nilalagay ang mga dala niyang pagkain sa plastic container. 

Naramdaman 'ata ng binata ang kanyang presensiya. Iniangat nito ang ulo, at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng hiya sa paraan ng pagtingin ng binata. Ngumiti si Owen nang makita siyang namumula, lumabas ang mga biloy nito sa pisngi.

"You're blushing baby. You look good on my shirt. Nice legs, but don't you ever show that legs in front of any man!" Kinindatan siya nito dahilan na mamula lalo ang kanyang pisngi.

"Hey you're blushing!" puna ng ulit ng binata kaya mas lalong namula ang kanyang pisngi.

"Will you stop giving me complimentary remarks! Hindi ako sanay eh," saway niya dito.

"And why wouldn't I?  You look more beautiful when your blushing!" he laughed at her when she glared at him.

Lumapit ito sa kinaroonan niya, at hinawakan ang kanyang kamay habang siya naman pinisil ito sa ilong.

"Stop teasing me, Hero!" she told him still blushing. He just smirked at her

"Owen!"

"Fine! Now sit," utos nito, at hinila ang upoan sa harapan niya, at malapit lang ito sa kitchen counter. Umupo na din ang binata sa katabing upuan. Hinawakan ng binata ang kamay niya, at may kinuha itong isang maliit na violet box mula sa bulsa ng jeans nito. He opens the box at nakita niyang isang very expensive ring ang laman.

"Wear this, and don't you take it off."  Isinuot nito sa kanyang daliri ang singsing, and she can't believe because it perfectly fits. 

"Oh my God! It's ts so beautiful,"  paos na sabi niya. Hindi niya maalis na humanga habang pinagmasdan niyang itong mabuti. It's an eternity ring na pinalilibotan ito ng maliliit na black diamond.

"Why, Hero? Bakit mo ako binigyan nito? It's s quite expensive," maang na tanong niya

"Its my gift to you. Siguro naman, baby, you will forgive me sa hindi ko sa 'uo pagpaparamdam sa loob ng isang buwan."

"Seriously?" 

" Yes, so am I forgiven?" Owen kissed her hand, and look at  her with so much emotions she couldn't read. Her heart is full of joy that she kissed him on his cheek. 

"Thank you. Pero alam mo naman, you don't have to give me this. Hero, , when its come to you I can't stay mad. Nagtatampo lang ako, pero hindi ako galit,"nakangiting sabi niya

"But I want to give you this ring. Do like it, baby?"  he said huskily

"No I don't like it, I love it!" she stated full of joy. 

"Gutom ka na baby?" masuyong tanong ng binata sa kanya. Ang mga mata nito ay titig na titig sa kanya. Hindi niya natagalan ang pagtitig nito sa kanya kaya napayuko siya. 

"Oo, luto na ba ang kanin?" tanong  niya habang nanatiling nakayuko.

Isang kamay ang humawak sa kanyang baba at inangat ang kanyang ulo. Nagtama ang kanilang mata. Kinabahan siya bigla. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

"Bakit? Kanina lang you're blushing, and now you're shy.  Nagdadalaga na ba ang baby ko?" nakangiting sabi nito sa kanya dahilan na lalong lumakas ang tibok ng puso niya.

"Naiilang lang ako sa mga kinikilos, at sinasabi mo. Tigilan mo na kasi ang katatawag sa akin ng baby!"  pag aming sabi niya

"No, I won't stop calling  you baby. Tell me Hera, ayaw mo bang tawagin kita na baby o' baka may tumatawag na sa 'yo ng ganyan kaya gusto mo itigil ko ang pagtawag ko sa 'yo? May boyfriend ka na ba?" usisa nito sa kanya.

"No! No... wala akong boyfriend, at hindi sa ayaw ko, ang totoo I like it when your calling me baby, kaya lang... eh basta...  ewan ko! Basta naiilang ako," nahihiyang sabi niya. 

Huminga ito nang malalim. "Akala ko may boyfriend kana! Mabuti, at wala pa," parang wala sa sariling sagot ng binata kasi bigla itong natigilan.

"Kain na tayo," sabi niya sa binata. Tumayo siya, at nagsandok ng kanin sa rice cooker. Nilagyan niya ng kanin ang dalawang pinggan. Kumuha siya ng sugpo at alimango sa inilagay sa isang pinggan. Umupo siya uli sa tabi ng binata. sinimulan niyang ipinaghimay ng alimango at pinagbalat ng sugpo si Owen. Ngumiti ito sa kanya showing his two dimples. 

"Salamat, at hindi mo nakalimutan na pasalubongan ako ng alimango at sugp. Malakas talaga ako sa 'yo, baby." 

"Hmp... ako lang naman ang mahina sa 'yo eh. Nasaan na ang moon cake ko?" Reklamo niya sa binata. 

"Pwede ko bang makalimutan iyon. Syempre may dala ako, nasa ref. Alam mo naman, I do everything to make you smile and happy," sabay tayo nito, at kinuha ang isang box ng moon cake sa ref. Nilagay  ito sa mesa.

"Talaga? Anything?" malambing na tanong niya. 

"Yes, anything, baby. Just say it." 

"So, pwede akong mag apply na PA mo? Sige na, I want to learned about business. Please, lately kasi napapansin kong madalas na mapagod si Dad." She smiled at him with matching puppy eyes pa.

"I think, it's not a good idea. You're going to distract me, baby.  Saka may PA na ako remember? kaya please ask anything 'wag lang 'yan".

Nawala ang ngiti sa mga labi niya as soon as he said that. Akala niya pa naman he will do anything, drawing lang pala. Paasa! Oo nga pala, sino ba siya sa binata? 

Naalala niya ang hariparot nitong personal assistant na si Jessa, na kulang nalang maghubad ito dahil ang iksi ng damit, nagtitipid 'ata sa tela. Ibinuhos niya ang inis niya sa pagkain. Oo nga naman,  'pag naging PA siya nito magiging istorbo lang siya sa pambabae nito. Napansin 'ata ng binata na banas siya dito.

"Galit ka?"

"No, why should I?" Nawalan siya bigla ng ganang kumain. 

"Hindi galit ka 'ata, baby. Please try to understand"

"Look, Owen its okay.  I won't force you. Hindi ako galit dahil wala akong karapatang magalit. Tama ka magiging pabigat, at istorbo lang ako sa 'yo."

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

"Whatever! Can I go to sleep now?  I'm tired." sabi niya, at itinirik niya ang kanyang mata

"Galit ka nga.  Hindi sa ayaw kitang maging PA, baby. I've got reasons that you won't understand."

"Dropped the subject Owen! Fine! I'm not angry I'm hurt!"

Tatayo na siya sana nang biglang siyang pinigilan ni Owen.

"Don't stand, umupo ka. And  finish your food baby, please..."

She don't know kung bakit hindi niya magawang salungatin si Owen. She resume eating her food... Ewan niya ba kung bakit lagi siyang tumatalima sa mga sinasabi ni Owen. Like he has the ability and the power to make her happy, sad, irrated, confused and bewildered. 

"There, pwede na ba akong pumunta sa kwarto at magpahinga," pabalang na sabi niya

"Sige, ako na bahala dito magpahinga ka na," sambit ng binata.

Tumayo siya sa pagkakaupo, at nilisan ang kusina na hindi tinitignan ang mukha ni Owen. Mabilis niyang tinungo ang kwarto ng binata, inis na humiga siya sa kama nito. Huminga siya nang  malalim, at napakunot ang noo niya. Kinapa niya ang kanyang puso, ang lakas ng pagtibok nito. Abnormal na 'ata ang pagtibok ng puso niya. 

This pass few days ay halos tumatambol ito sa pagtibok. She raise her right hand, and stared at the ring on her finger. She can't believe na niregaluhan siya ni Owen ng ganitong karanyang singsing.  At it was really a coincidence na black diamond din ang design na nakalagay dito, the same black diamond na naka-design sa watch na binili niya para sa binata. 

A wicked smile appeared on her lips as an idea crosses her mind. Sa ngayon hindi niya muna iimikin si Owen, paparusahan niya muna ito pansamantala, and then later she will give him her surprised gift. 

With that she fall into sleep. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status