Share

MY POSSESSIVE CEO
MY POSSESSIVE CEO
Author: Glenda Marie

Chapter 1

NAKATITIG si Hera sa payapang dagat na nasa harapan niya. Maaliwalas ang langit at mainit ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang pisngi. Napangiti siya habang tinitignan ang mga ibon na lumilipad sa ibabaw ng asul na dagat.

Tama lang na nag-decide siya na magbakasyon sa Bacolod City. 

Nandito lang pala ang isang bagay na matagal niya ng hinahanap. Kanina nagkita sila ng classmate niya noong high school na si Avria Araneta. Isa na pala itong owner ng isang famous jewelry shop. Binisita niya ang shop nito, doon niya nakita ang isang relo na matagal na niyang hinahanap.

It's a limited edition KC watch na may maliliit na black diamond sa may gilid. Sabi ni Avria nabili niya pa ito sa isang kaibigan sa Greece. 

Mabuti nalang at na-convince niya si Avria na ipagbili ito sa kanya. May kamahalan man ang nasabing watch, she don't mind. It's a perfect gift for the man who done so many great things for her. Saka marami na rin itong nairegalo sa kanya. Now is her time to give him something.

Bacolod City is very close to her heart kaya nga lagi siyang bumabalik dito. Dito siya lumaki at nagkaisip. Dito niya naranasang maging masaya at maging matatag.

Nasa resthouse siya ngayon ng kanyang lolo, at ito ay nakatirik malapit lang sa tabing dagat. The place is so perfect and warmed her heart. Buti na lang at hindi ito ipagbili ng mga magulang niya. Isa lang ito sa mga pagmamay-ari nila. 

Her parents owned a chain of hotels and restaurants all over the Philippines and throughout South East Asia. Nag-iisang anak lamang siya ng kanyang mga magulang kaya halos itinuring siyang prinsesa ng mga ito, sunod ang lahat ng luho niya pero gaoon pa man maraming bagay din siyang alam. Thanks to Mang Pedring and his wife, Laura, who taugth her to do household chores, to swim and sew simple dresses.

Her parents were not the strict type. Actually they are more open minded. She can talk to them anything under the sun. They trusted her so much that she can travel to places alone.

Well, she really loved traveling, seeing different places, learning different culture and custom. Halos lahat 'ata ng mga bansa sa Asia at America ay napuntahan na niya.

People call her brat or princess pero hindi naman siya ganoon. Hindi siya abusado sa kanyang magulang, ni magwaldas sa walang katuturang bagay ay hindi niya ginagawa. 

Sa totoo lang, she already made her own name dahil gusto niyang makilala siya bilang si Heramarie Rivera, at hindi dahil bilang isang anak at taga-pagmana ng isang multi-billionaire na si Phoenix Blake Rivera.

At the age of twenty two, Hera turned to be a very beautiful lady. With her looks and heights, hindi no maiisip na isa siyang Filipina. Siguro dahil her father is half-Spaniard and half-american while her mother is a Fil-Am. Kaya naman hindi katakataka na tuwing may makakakita sa kanya sasabihin nila na mukha siyang barbie doll or isang Goddesa

Barbie Doll, Diyosa, Goddesa, gayon siya sa paningin ng iba. But to her, she is she.

She is a girl with creamy white skin, chocolate brown eyes with thick long lashes that can seduce any man, angelic oval shaped face, pointed nose, soft thinned lips, hazel brown long wavy hair, gorgeous body and shapely long legs. She stands 5'9 in height that makes her perfect ipetome of beauty, wealth and brain. 

Yes, she's a magna com laude in Business Management, a chef and a painter rolled in one but despite all of that, she remained humble and try to live a simple life as much as she can.

Nakatitig pa rin siya sa dagat nang tumunog ang kanyang phone. Napangiti siya as she answered that called. Si Owen ito, ang kababata niya slash best friend slash big brother slash Hero. 

"Hello! Buti naman naalala mo pang akong tawagan," tuksong bati niya sa kababata.

"Miss me, baby?" bungad na tanong sa kanya ng binata. Natawa siya sa winika nito. Si Owen talaga pag maka-baby sa kanya parang girlfriend siya nito samantalang dakilang kaibigan niya lang ito. Gayonpaman, she don't mind him calling her baby. It's his pet name for her. He even called her baby in front of thier parents, and they don't mind at all.

"No, I don't miss you!" tuksong sagot niya uli dito. Siyempre she lied dahil ang totoo na-miss niya din ang binata. Isang buwan na silang hindi man lang nagkakausap at nagkikita.

"Oh, talaga? Hindi nga ba? Huwag kang ganyan baby, sinasaktan mo ang puso ko! Miss pa naman kita. Alam mo bang inaaasahan kitang makita sa airport tapos nasa Bacolod ka pala. Gusto ko na talagang magtampo sa 'yo. Baby naman bakit hindi mo ako hinintay. We could be there in Bacolod together," madamdaming pang pahayag ng binata.

"Hay naku, Hero. Ako nga dapat ang magtampo sa 'yo. One month kang hindi nagparamdam sa akin kahit text or tawag 'di mo nagawa, at saka 'pag hinintay pa kita baka matubuan na ako ng mga shells sa paa!" 

"Mahal ang text at tawag baby," seryosong sabi nito

"Mahal? Really, nagpapatawa ka ba? you're such a miser for a billionaire, eh barya lang sa 'yo iyon. Ang sabihin mo wala ka talagang panahon dahil may sawang kumakapit lagi sa 'yo sa Singapore. Akala mo di ko alam," inis na sumbat niya sa binata. 

"Hoy nagseselos ang baby ko?!" tukso ng binata sa kanya.

"Selos? Niknik mo. Hoy Hero, hindi ako nagseselos. Nagtatampo maari pa pero hindi nagseselos. No way!" natatawang sabi niya.

"Hindi ka talaga nagseselos, baby?" seryosong tanong uli sa kanya ng binata na bakas ng lungkot sa boses nito. 

"Bakit naman ako magseselos, aber? Boyfriend ba kita? We're friends. Best of friend. Saka natural lang na mag-date ka. You're single!" 

"So okay lang sa 'yo na mag-date ako?" he asked in serious voice. 

"Oo naman, basta ba 'pag magka-girlfriend ka 'wag kang magbabago. You must promise me that you won't forget or ignore me. And that we're still be best of friends," masuyong wika niya.

"Oo naman baby. I won't changed. Mahalaga ka yata sa akin. Saka do you think basta-basta ko na lang kita pababayaan, think again baby. I will always be your bestfriend who always take care and protect. You can be assured of that," sagot nito. Ewan niya kung guni-guni niya lang na marinig ang pagbuntong-hininga ng binta.

"Kailan ka pa dumating ng Manila?" pag-iibang tanong niya dito 

"Kani-kanina lang. Ikaw magtatagal ka pa diyan? Do you need me to be there?" 

"No, One week na ako dito, saka pauwi na din ako mamayang 6pm," she informed him. 

"Is that so? Sige susunduin na lang kita sa airport. Just text me your flight details," he offered her. 

"Wag na Hero, just take some rest. Pagod ka pa. I can manage," pagpipigil niya sa binata. Siyempre gusto niyang sunduin siya ng binata pero kakarating lang nito mula Singapore. Hindi pa ito naka pagpahinga nang maayos.

"No baby, I insist. I fetch you and no buts okey?" pagpipilit nito sa kanya.

"Sige, if you insist. I'll text you as soon as I get out of the plane. Bye Hero." 

"Bye baby."

Napangiti siya habang nakatitig sa kanyang phone. Hindi niya alam kung bakit ang saya-saya niya sa tuwing naririnig niya mula sa bibig ni Owen na mahalaga siya. And hearing his voice always makes her even more happier.

Magkababata at magkapit bahay sila ni Owen. Both their parents were best of friends. Pareho silang only child. Apat na taong ang agwat ng edad ng binata sa kanya. Simula pa nang pagkabata ay malapit na sila sa isat-isa. Hindi nga sila mapaghihiwalay ng mga magulang nila pati sa pagtulog magkatabi silang dalawa. Funny that both their parents don't mind kung saan man sila gumala, kung gabihin man silang dalawa or hindi makauwi basta ba kasama niya ang binata. Ang nakakatawa pa ay Baby ang tawag ni Owen sa kanya, siya daw kasi ang baby sister nito at siya naman ay Hero ang tawag niya sa binata. 

Paano? because he is always there to protect and recue her. Napapailing siya sa tuwing maalala niya kung paano bugbugin ni Owen ang mga lalaking nambabastos sa kanya. Maging ang mga girlfriends nito ay hinihiwalayan nito 'pag nalaman nito na sinasaktan siya or minumura sa mga ito. He help and support her in everything, maging ang mga magulang niya hinumok nito na payagan siyang makaalis sa poder nila. Pati ang pangarap niyang maging paintor ay sinuportahan ng binata. Kaya nga 'pag kailangan siya ng binata ay agad siyang nandiyan sa tabi nito. 

Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang naging boyfriend. Siguro dahil lagi niyang hinahanap ang katangian ng 

binata sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. 

Yes, Owen might be a womanizer and a player but it doesn't change the fact that he is a sweet and loving man. 

Saka she don't care if babaero man ito. Hindi niya naman kasi ito magiging problema kung babaero man ang kababata, magkaibigan lang sila, at hanggang doon lang iyon. 

"Kain na daw po kayo, Ms. Hera," pukaw sa kanya ni Wenna. Si Wenna ay ang anak ng caretaker nilang si Mang Pedring. 

"Sige sunod na ako Wenna. Sbayan mo ako ha, saka 'wag mo na akong tawagin na Ms. Hera, pwedeng Ate na lang?" pakiusap niya sa dalaga.

"Nakakahiya naman po Ms.

Hera-- ate," wika nito.

"No I insist, 'wag kang mahiya. Gusto kitang makasalo sa pagkain. May nakuha bang sugpo at alimango si Mang Pedring?" 

"Opo, niluto na din po ni tatay ang mga iyon. Meron din pong King Crab, Ate," nakangiting nito sabi.

"Pakisabi kay Mang Pedring ilagay niya ang sugpo, alimango at king crab sa isang sealed container. Ipapasalubong ko yan kay kuya Owen mo" ani niya.

"Opo, Ate. Ah, kamusta po si Kuya Owen?" biglang tanong ng dalaga. 

"Hayon palikero pa rin," natatawa niyang sabi. "Crush mo ba siya?" tuksong niya tanong sa dalagita.

"Ate naman sa dami ng sasabihin mo yan pa!" napatawang puna ni Wenna.

Iniwan na siya ng dalagita habang siya naman ay muling pinagmasdan ang asul na dagat nang may malapad na ngiti sa labi.

Yes, masaya siya dahil ilang oras na lang makikita niya na uli ang taong nagbibigay kulay sa kanyang buhay.

Makikita na niya muli ang mga biloy nito na lumalabas tuwing ito'y nakangiti. Ang mga nangungusap nitong mga mata na kulay jet black, ang makapal at mapupulang labi nito, at higit sa lahat ang mala Adonis nitong mukha. 

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot at kawalan ng pag-asa dahil kahit ano man ang gawin niya, hanggang paghanga at pangarap na lang siya. 

Huminga siya nang malalim, at humakbang pabalik ng Resthouse. 

She needs to stop this crazy thing called Love... before it would broke her heart and broke down walls of her defenses.

But then again..can she really do that...? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status