Share

Chapter 48

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-07-18 12:38:09

AGAD na nagbago ang ekspresyon ni Dylan nang marinig niya ang sinabi ng babaeng reporter. Mabilis itong sumagot at pumaharap. “Matagal na kaming magkakilala ni Estelle noong nasa college pa kami at hindi pa sila mag-asawa ni Henry. Tyaka ano namang masama kung mag-invest siya sa kumpanya ko? May problema ba doon? At isa pa, anong karapatan mo na insultuhin ako at ang pamilya ko?” malamig na tanong nito rito.

Hindi naman siguro inasahan ng reporter na maglalakas ng loob si Dylan na sumagot kaya napatulala na lang ito sa labis na pagkagulat.

Napatiim bagang si Dylan. Napakarami niyang gustong sabihin sa reporter ngunit pilit niyang pinigilan ang kanyang sarili dahil nasa harap siya ng camera. Bagamat hindi kabilang ang kanilang pamilya sa mga nangungunang pamilya sa bansa ay masasabi niya na hindi naman sila nasa ilalim. Idagdag pa na lahat sila sa kanilang pamilya ay puno ng mga talento. Ang pinaka iniingatan ni Dylan ay ang huwag masaktan ang kanyang pamilya.

Biglang natahimik ito at
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 55

    PARA kay EStelle ay hindi para sa kaniya ang mga ganung mga okasyon. Idagdag pa na nasa kalagitnaan siya ng issue at paniguradong updated ang mga ito tungkol dito. Kapag nagpunta siya doon ay tiyak na hindi siya tatantanan ng mga ito sa pagtatanong.Habang nakatingin naman si Dylan sa kaniya ay agad nitong naunawaan kung ano ang inaalala niya. “Hindi naman ito as in reunion nating magkaklase kundi ay para na rin makita natin muli ang mga professor natin noon. Hindi mo ba sila gustong makita ulit? Hindi ba at close na close kayo ni Ma’am Castro noon?” maingat na tanong niya rito at alanganing ngumiti dito.Wala namang naging reaksyon si EStelle nang marinig niya ang sinabi ni Dylan. Noong kaga-graduate niya lang ay iyon na ang panahong magpapakasal siya kay Henry at halos pigila siya ni Ma’am Castro noon na magpakasal dahil sobrang nanghihinayang ito sa kaniya. Alam kasi nito na kapag ikinasal na siya ay hindi na niya magagamit pa ang kanyang talino at talento.Hindi niya ito pinaking

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 54

    BIGLANG tumaas ang sulok ng labi ni Estelle nang marinig niya ang sinabi ni Henry. Akala mo ay binibigyan siya nito ng limos. Sinalubong niya ang mga mata nito. “Hindi mo pag-aari ang mga shares na iyon kundi iyon ay pag-aari ni lolo at iniwan niya sa akin ang mga iyon. Wala kang karapatan na kuhanin ang mga iyon sa akin dahil lang sa gusto mo, naiintindihan mo ba?” puno ng panunuya niyang tanong.Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito at ang mga ugat sa noo nito ay naglabasan na rin tanda na galit na galit na ito ngunit wala siyang pakialam. “Noong naghihingalo siya nasaan ka noong mga panahong iyon ha? Noong ni hindi na siya makabangon pa at nakaratay na lang sa kama? Ni hinid mo nga siya nagawang silipin kahit na minsan lang Henry diba? Kailangan ko pa bang isa-isahin sayo ang lahat? Hindi mo pa rin ba maintindihan? Sobra siyang nadismaya sayo noong mga panahong iyon kaya nagdesisyon siya na sa akin niya na lang iiwan ang lahat dahil ni wala ka namang pakialam sa kaniya!” t

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 53

    BAHAGYANG nagulat si Gwen sa sinabi ni Henry ngunit hindi siya pwedeng sumuko. Humarap siya rito na punong-puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata. “Henry, pasensya ka na, huwag kang magalit sa akin okay?” Hindi ito sumagot. “Okay lang ako.” dagdag pa niya ngunit hinawakan ni Henry ang kanyang kamay at hinila siya hanggang sa nakaparada nitong sasakyan at pinapasok doon. Dahil dito ay wala na siyang nagawa kundi ang sumakay dito.Kahit na inis na inis siya sa totoo lang ay pinigilan niyang magalit. Tahimik siyang umupo at nakatingin lang sa labas ng bintana. Wala siyang magawa kundi ang magpanggap na mahina at kaawa awa sa harap ni Henry dahil ito lang ang paraan para makontrol niya ito.Hindi nagtagal ay tuluyan na silang nakating sa ospital at katulad ng dati ay inadmit lang siya nito doon at pagkatapos ay iniwan. Nang masiguro niyang nakaalis na ito ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang sarili niya kaya pinagtatapon niya ang mga gamit na nasa bedside table ng kanyang kama sa lab

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 52

    TUMAAS ang sulok ng labi ni Estelle, ang tingin sa kaniya ni Gwen ay uhaw na uhaw siya sa atensyon ni Henry at ginagawa niya ang lahat ng iyon para makuha niya ang pagmamahal nito. Kung noon niya ito narinig ay baka umiyak pa siya at masaktan pero ngayon? Gusto na lang niyang matawa.“Alam mo Gwen, bagay na bagay kayo ni Henry ngayon. Bagay kayong makita sa putikang dalawa.” puno ng panunuya na saad niya. “Hindi ko siya pag-iinteresan, sayong-sayo siya kung gusto mo at isaksak mo sa baga mo.”Ni minsan ay hindi niya naisip na darating ang araw na masasabi niya ang mga bagay na katulad nun. Napakahibang talaga niya nitong mga nakaraang taon. Mabuti na lang at nagising na siya sa wakas.“Estelle!” sigaw ng isang tinig mula sa likod niya at bagamat hindi niya pa man ito nililingon ay alam na niya kaagad kung sino ito, walang iba kundi sino pa? Si Henry lang naman.NARINIG niya ang lahat ng sinabi ni Estelle kaya hindi niya maiwasang hindi mapakuyom ang mga kamay. Wala na itong pinipiling

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 51

    MABILIS na lumapit si Liam kay Henry at tinulungan itong makatayo. “Sir, okay lang ba kayo? Gusto niyo bang dalhin ko kayo sa ospital?” maingat na tanong nito rito.Tinanggal ni Henry ang kamay ni Liam at pagkatapos ay tiningnan si Estelle na puno ng pag-aakusa ang mga mata. “Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito huh? Sa tingin mo ba ay may magandang maidudulot sayo ito? Baka nakakalimutan mo na, mag-asawa pa rin tayo at kung anong sayo ay akin din!” sigaw nito.Tumaas ang sulok ng labi ni Estelle. “Baka nakakalimutan mo na, hiwalay na tayo Henry.” sabi niya rito at pagkatapos ay humarap sa ibang mga director na nasa loob ng conference room. “Siguro naman ay hindi sayang ang meeting na ito ngayon hindi ba? Kayo na ang bahalang humusga, salamat sa inyong oras.”Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay mabilis na naglakad si Estelle patungo sa pinto at lumabas ng walang pag-aalinlangan.Sa likod niya ay narinig niya ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniya ni Henry. “Tumigil ka s

  • MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE   Chapter 50

    NANLALAKI ang mga mata ni Henry na nakatingin sa kapapasok lang na si Estelle. Halos hindi niya ito makilala dahil parang ibang tao ito ng mga oras na iyon. Ibang-iba ito ngayon sa dati nitong itsura noong asawa pa niya ito at nasa bahay lang.Ngayon niya lang napagtanto na kahit na napakatagal na pala nilang magkasama sa iisang bubong ay hindi niya pa rin ito lubos na kilala. Ni hindi man lang siya nito nilingon at tuloy tuloy na pumasok hanggang sa tumigil ito sa kanyang harapan at doon lang siya nito tinapunan ng malamig na tingin. “Sorry, but that is may seat.” napakalamig na sabi nito sa kaniya.Taas ang noo ni Estelle na nakatingin sa gulat na gulat na si Henry. Dahil nga siya ang may pinaka malaki ng shares sa kumpanya ay tama lang na siya ang maupo sa gitna at hindi ito. Wala na itong karapatan doon ngayon. Wala na.Ilang sandali pa ay tuluyan itong nakabawi mula sa pagkagulat nito at pagkatapos ay madilim ang mga matang tumingin sa kaniya. “Sino ka sa inaakala mo para paalisi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status