PAGKALABAS na pagkalabas pa lang nila ng silid ay agad na siyang hinarap ni Gwen at hinaplos ang kanyang pisngi. “May masakit ba sayo?” puno ng pag-aalalang tanong nito sa kaniya. Tiningnan niya lang ito at hindi nagsalita at pagkatapos ay hinila na palabas tyaka niya ito inihatid sa bahay nito.Pagkahatid niya kay Gwen ay kaagad siyang nagtungo sa bahay na tinitirhan ni Estelle para kausapin ito ngunit nalaman niya na umalis na pala ito doon at lumipat na ng bahay. Dahil dito ay wala siyang ibang magawa kundi ang tawagan na lang ito dahil hindi naman niya alam kung saan ito lumipat.Pumarada siya sa tabi ng isang parke, pagod na pagod siya. Napakarami niyang ginagawa sa maghapon pagkatapos ay napakarami pang nangyayari. Napabuga siya ng hangin at nang tumingin siya sa isang direksyon ay nakita niyang naglalakad si Estelle na para bang galing ito sa isang lugar at nag-isip isip. Hindi na siya nagdalawang isip pa na bumaba sa kanyang sasakyan at dali-daling tumakbo patungo sa direksyon
ANO pa man ang mangyari sa mga ito ay wala na siyang pakialam pa. Pag-alis niya ay kaagad na nagkagulo ang mga kasambahay at dali-daling isinugod sa ospital ang dalawa.NANG makatanggap ng tawag si Henry ay agad siyang nagmadali upang magtungo sa ospital. Dahil nga nasa ospital din si Gwen ng mga oras na iyon ay mas nauna itong nakapunta sa kung nasaan ang mga magulang niya.Nasa labas ito at hinihintay siya kaya nang makita siya nito ay kaagad itong tumayo at sinulubong niya kaagad si Henry. Hinawakan nito ang kamay niya at puno ng pag-aalalang nakatingin sa kaniya. “Hindi maganda ang lagay ng DAddy mo. ano na ang mangyayari ngayon?” nangilid ang mga luha nito at pagkatapos ay dali-daling bumagsak sa pisngi.Nagtagis ang kanyang mga bagang nang marinig niya ito. Hindi siya nakapagsalita kaagad. Sa totoo lang ay hindi naman siya ganun kalapit sa mga magulang niya dahil una pa lang ay ayaw naman talagang magkaanak ng mga ito ngunit hindi sinasadyang mabuo siya. Nang maipangank siya ay
KUNG dati ay hindi lubos na maintindihan ni Estelle kung bakit ganun na lang siya itrato ng mga ito pero ngayon ay doon na niya nakita ang tunay na dahilan, dahil sa pera at katayuan. Iyon lang ang tanging mahalaga sa mga ito at wala ng iba pa.Kahit na pauulit-ulit pa nilang sabihin sa kaniya na pwede pa siyang magkaroon pa ng isa pang anak o ilan kung gugustuhin niya ay iba pa rin si Mia para sa kaniya. Anak niya ito na minahal niya ng sobra-sobra ngunit dahil sa kalupitan ni Henry ay nawala ito sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang masaktan para kay Mia.Ilang taon na nga lang itong nabuhay sa mundo ngunit pagkatapos nitong mamatay ay hinamak siya ng lahat, na para bang sinasabi ng mga ito na dapat lang na mawala ito sa mundo dahil sakitin lang din naman ito. Bilang isang ina, kahit na ano pang kalagayan ng anak niya ay hindi niya matatanggap ang ganoong klaseng pananaw.Malamig ang mga matang tiningnan niya ang mga ito. “Kung si Henry ang gustong magkaanak ay napakarami namang iba
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Estelle habang nakatingin sa lumang mansyon ng mga Montero. Habang nakatingin siya dito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng hindi maipaliwanag na emosyon sa kanyang puso. Kailan ba siya huling pumunta doon? Hindi na niya halos maalala. Isa pa, noong pumupunta siya doon ay buhay pa ang matanda kaya kapag pumupunta siya doon ay hindi siya nakakaramdam ng anumang emosyon dahil napainit ng pagtanggap sa kaniya ng matanda ngunit ngayon ay wala na ito.Nang maalala niya ito ay bahagya siyang nalungkot ng wala sa oras. Mabuti pa ito, ibang-iba mula sa ibang miyembro ng pamilya Montero. Huminga siya ng malalim bago tuluyang naglakad papasok sa mansyon.Noong unang makita siya ng pamilya ni Henry ay palagi lang siyang nakayuko, ni hindi niya magawang mag-angat ng kanyang ulo habang nakatingin sa mga ito at kahit na ano pang sabihin ng mga ito sa kaniya ay walang reklamo siyang sumusunod sa lahat. Kitang-kita niya rin ang mga pang-aalipu
SA LOOB ng maraming taon ay sa ibang bansa niya inubos ang kanyang oras para matuto sa lahat ng aspeto kaya alam niya sa sarili niya na kaya na niya. Kumpiyansa siya na kaya niyang pabagsakin si HEnry. Nag-focus siya sa kanyang pagmamaneho nang bigla niyang naalala ang isang ideya na palaging gumugulo sa isip niya. “Estelle, hindi ba sumagi sa isip mo na magtayo ng sarili mong kumpanya bukod sa Montero Group?” tanong niya rito.Nang marinig niya naman ang sinabi ni Dylan ay biglang naalala ni Estelle ang matanda, ang lolo ni Henry. Nangako siya rito na iingatan at poprotektahan niya ang kumpanya at hindi lang ang kumpanya kundi maging si Henry kaya kahit na walang pakialam si Henry sa kaniya sa mga nakalipas na taon ay nanatili pa rin siya sa tabi nito at palaging iniintindi ito. Pero ngayon na wala na si Mia na nagbubuklod sa kanilang dalawa ni Henry ay hindi na niya maatim at masikmura pa na mapalapit pang muli rito.Pero ganun pa man, kaya niyang i-disregard si Henry sa buhay niya
TAMA naman si Dylan, dapat siyang mamuhay ng maayos hindi lang para sa sarili niya kundi lalong-lalo na para kay Mia. agad siyang nag-impake ng kanyang mga damit at ilang mga gamit kasama na ang larawan ni Mia, ng kanyang ina at lola niya at pagkatapos ay may isang malungkot na ngiti na sumakay sa kotse ni Dylan. Akmang paandarin na sana ni Dylan ang sasakyan ngunit bigla na lang lumitaw si HEnry sa harapan ng kotse at pagkatapos ay naglakad patungo sa bintana kung nasaan siya.Nang magtama ang mga mata nila ni Henry ay agad niyang nakita ang matinding poot sa mga mata nito. Sa mga nakalipas na taon ay blankong ekspresyon lang ang palagi niyang nababanaag sa mga mata nito kapag tinitingnan siya nito ngunit ngayon ay iba na. “Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na.” malamig at walang emosyong sabi ni Estelle ito sa mahinahong paraan.Ayaw niyang makipag-argumento pa rito dahil wala na siyang ibang gusto kundi ang makaalis na ng tuluyan sa lugar na iyon. Isa pa ay ayaw na niya itong makit