Share

Chapter 4

Author: Daylan
last update Last Updated: 2023-11-08 16:30:23

Mavi Pov

Ilang araw na akong nagkukulong sa loob ng silid na ipinagamit sa akin ng kaibigan kong si Lot. Si Lot ay isang plastic surgeon. At kahit malaki ang agwat ng ugat namin ay hindi iyon naging hadlang para maging malapit kaming magkaibigan. Sinabihan ako ni Lot noon pa na huwag magtiwala kay Santa dahil nakikita raw niyang hindi tunay ang kabutihang ipinapakita sa akin ng pinsan ko ngunit hindi ako naniwala sa kanya. Pinsan at matalik kong kaibigan si Santa kaya naman buo ang tiwala ko sa kanya. At saka wala naman siyang ipinakitang masamang pag-uugali sa akin kaya hindi ko pinansin ang sinabi ni Lot noon. Pero sana pala ay naniwala ako sa kanya. Siguro kung naniwala ako sa kanya ay matagal ko na sanang natuklasan ang ginagawa nilang panloloko sa akin. Sana maaga akong nasaktan para mas maaga rin akong nakapag-move on. Hindi sana ako nakagawa ng napakalaking pagkakamali.

"Bumangon ka na diyan, Mavi. Huwag mong hayaan ang sarili mo na lunurin ng lungkot dahil sa mga nangyari sa'yo. Matapang ka. Alam ko na makakaya mong lampsan ang mga pagsubok na ito sa buhay mo," kausap sa akin ni Lot nang pumasok siya sa loob ng silid at may dalang isang tray ng pagkain.

Bigla akong napakunot ng noo nang maamoy ko ang dalang pagkain ni Lot. Bigla akong nasuka sa amoy kaya bumaba ako sa kama at tumakbo papasok sa banyo. Tubig lang naman ang inilabas ko dahil ilang araw nang hindi ako kumakain at tanging tubig lamang ang laman ng tiyan ko.

"Puwede bang ilabas mo sa silid ang pagkaing dala mo, Lot? Nasusuka ako sa amoy niyan," pakiusap ko sa kanya matapos kong mailabas ang tubig na laman ng aking tiyan. Napasandal pa ako sa dingding ng banyo dahil pakiramdam ko ay nanlalambot ang aking mga tuhod.

Mabilis namang sinunod ni Lot ang sinabi ko. Inilabas nito ang dalang pagkain at muling nagbalik sa aking silid. Nilapitan niya ako at inalalayang makabalik sa ibabaw ng kama.

"Ano ba ang nangyari sa'yo, Mavi? Hindi ba paborito mo ang sinigang na hipon?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam, Lot. Ang totoo ay ilang araw na masama ang pakiramdam ko. Wala akong ganang kumain at medyo nahihilo rin ako," pagtatapat ko sa kanya. "Siguro dahil ito sa mga nangyari sa akin kaya naapektuhan ang aking kalusugan."

"Hindi kaya buntis ka, Mavi?" biglang sabi ni Lot habang titig na titig sa mukha ko. Alam niya kasi ang one-night-stand na nangyari sa pagitan namin ni Alpha Magnus dahil hindi ko iyon itinago sa kanya. Pakiramdam ko kasi sasabog ang dibdib ko kung itatago ko lamang iyon sa aking dibdib.

"Baka nga buntis ako, Lot. Dalawang Linggo na pala akong delayed sa aking menstruation," mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang nakahawak sa aking impis pa namang tiyan. Hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon ako magkakaroon ng anak. At sa lalaking malaki ang galit sa aking pamilya pa ako magkakaroon ng anak. Napakasaklap namang magbiro ng tadhana.

Para masigurado ay sinamahan ako ni Lot na magpatingin sa isang OB-GYNE na kakilala niya. At tama nga kami. Buntis nga ako. Buntis ako at si Alpha Magnus ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.

"Ano ang balak mong gawin ngayon, Mavi? Sasabihin mo ba kay Alpha Magnus ang tungkol sa nangyari sa inyo at sa batang dinadala mo ngayon?" tanong ni Lit habang naglalakad kami papunta sa kung saan nakaparada ang kotse niya.

"No. Hindi niya dapat na malaman ang tungkol sa gabing iyon at lalong hindi niya dapat na malaman na magkakaroon siya ng anak sa akin," mabilis kong sagot sa kanya. "Alpha Magnus hates me. At kapag nalaman niyang magkakaroon siya ng anak sa taong kinamumuhian niya ay baka ipapatay niya kaming dalawa ng anak ko."

Hindi muna nagsalita si Lot dahil may dalawang lalaking naglalakad pasalubong sa amin.

"Saan ba natin hahanapin ang babaeng ipinapahanap ni Alpha Magnus, Kanu? Siya nga hindi niya mahanap ang babaeng iyon na nakilala niya sa bar dahil hindi niya matandaan ang mukha tayo pa kaya na kahit anino ng babaeng iyon ay hindi natin nakita?"

Bigla akong namutla nang marinig ko ang sinabi ng lalaking nakasalubong namin.

"Gawin na lang natin ang ipinagagawa ng ating Alpha. Alam mo naman kung paano siya magalit. Mahanap man natin ang babaeng iyon o hindi basta sinubukan natin siyang hanapin," narinig kong sagot ng lalaking kausap nito. Hindi pa sila nakakalayo sa amin kaya narinig pa namin ang sagot ng lalaking iyon.

Mabilis akong hinila ni Lot papasok sa kanyang kotse para walang makarinig sa usapan namin.

"Anong gagawin mo ngayon, Mavi? Ipinahahanap ka ni Alpha Magnus. Paano kapag nalaman niyang ikaw ang babaeng ipinapahanap niya sa mga tauhan niya?" hindi napigilan ni Lot ang mag-alala sa akin. Tinitigan ko siya ng matagal. Isa lamang ang tanging paraan na naisip ko para hindi ako mahanap ni Alpha Magnus. Ang magpalit ng mukha. At tanging si Lot lamang ang makakatulong sa akin. "No. Hindi ko gagawin ang iniisip mo, Mavi. Kapag ginawa ko iyon ay hindi ko na makikita ang mukha ng kaibigan ko," protesta ni Lot na mukhang nabasa kung ano ang iniisip ko.

"Pero wala akong choice, Lot. Ikaw lamang ang tanging makakapagligtas sa buhay ko. Kapag nalaman ni Alpha Magnus na ang babaeng naka-one-night-stand niya at ina ng magiging anak niya ay baka kung ano ang gawin niya sa akin at sa magiging anak ko. Natatakot ako, Lot. So please, help me," pagmamakaawa ko sa kanya.

Humugot ng malalim na buntong-hininga ang kaibigan ko ako tinitigan ng mariin. "Hindi na ba magbabago iyang pasya mo, Mavi? Seryoso ka ba na gusto mong palitan ko itang mukha mo?"

Determinado ang anyo na tumango ako sa kanya ng sunud-sunod. "Ito lamang ang tanging paraan para hindi niya ako mahanap, Lot. Kahit kailan ay hinding-hindi niya malalaman na ako ang babaeng hinahanap niya at nagbunga ang isang gabing may nangyari sa amin."

After 6 years...

"Mom! Bilisan mo! Baka hindi na natin maabutan ang toy na gusto kong ipabili sa'yo."

Malakas na hinihila ng anak kong 5 years old na si Moses ang isa kong braso habang nasa loob kami ng isang mall. Gusto niyang balikan at bilhin ang nakita niyang laruan nang mapadaan kami kanina sa toy store. Ngunit hindi kami pumasok kanina dahil papunta kami sa isang fast food na ginawang venue ng kaklase ng parents nang kaklase ng anak ko. Birthday kasi ngayon at inimbitahan si Moses na um-attend.

"Dahan-dahan lang at baka pareho tayong madapa, Moses. Hindi naman mawawala ang toy na iyon," kausap ko sa anak ko.

"Paano kung may ibang bumili ng toy na iyon, Mom?" tanong niya sa akin na medyo bumagal ang paglalakad.

"Don't worry dahil natitiyak ko na marami silang stocks ng toy na iyon, okay?" pangungumbinsi ko sa kanya. Napangiti ako nang nakangiting tumango siya sa akin.

Ang bilis ng panahon. Dati ay nasa loob pa lamang ng sinapupunan ko si Moses ngunit ngayon ay malaki na siya. Natutuwa akong makita na lumalaki siyang matalino at mabuting bata. Ang hindi ko lamang nagugustuhan ay habang lumalaki siya ay mas nagiging kamukha siya ni Alpha Magnus. At kapag mlnagkaharap silang dalawa ay impossibleng hindi pagdududahan ni Alpha Magnus ang pagkatao ng anak ko. Kaya iniingatan ko na huwag mag-krus ang kanilang mga landas. At kaya nga kami nandito sa probinsiya ay para maiwasan na magkrus ang landas namin.

Sobrang disappointed ang anak ko nang makita niyang wala na sa estante ang toy na nais niyang ipabili sa akin.

"Wala na ang toy, Mom. Sabi ko naman sa'yo baka mabili na iyon ng iba," ani Moses habang nangingilid ang mga luha sa mga mata.

"Stay here at itatanong ko lang doon sa sales lady kung may stock pa sila ng toy na gusto mo, okay?"

Saglit na iniwan ko ang anak ko para lapitan ang isang sales lady na nag-aayos ng mga toys sa estante.

"Excuse me, Miss. May stock pa ba kayo nang robot na laruan na naka-display doon sa estanteng iyon?" kausap ko sa babae sabay turo sa kinalalagyan dati ng laruan. Naroon pa rin at nakatayo ang anak ko habang malungkot na nakatingin sa kinalalagyan ng laruan kanina.

"Sorry pero last stock na po iyon, Ma'am. Limited edition lang kasi iyon, eh," paumanhin sa akin ng babae.

"Ganoon ba? Okay, salamat."

Mabigat ang loob na tinalikuran ko ang babae. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Moses na wala ng stock ang laruan na gusto niyang bilhin.

Bigla akong nataranta nang makita kong wala na sa kinatatayuan niya kanina si Moses. "Moses?" tawag ko sa anak ko.

Nakahinga ako ng maluwang nang mabilis ko siyang nahanap sa kabilang panig ng toy store. Ngunit may kausap siyang isang matangkad na lalaki na may hawak na laruan na gustong ipabili ni Moses. Kung ganoon ay ang taong iyon pala ang nakabili ng last stock ng robot na laruan. Naisip kong kausapin na lamang ang lalaking iyon at pakiusapan na kung maaari ay bilhin ko na lamang ang laruang binili niya.

"Alpha Magnus. Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala."

Akmang lalapitan ko na ang anak ko habang kausap ang lalaki nang marinig ko ang boses ng isang babae habang nakatingin sa lalaking kausap ni Moses. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang marinig ko ang pangalan na binanggit ng babae. At tila natuklaw ako ng ahas nang biglang humarap ang lalaki sa babaeng tumawag sa pangalan nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY SON'S ALPHA DADDY   Chapter 95

    Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ

  • MY SON'S ALPHA DADDY   Chapter 94

    Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na

  • MY SON'S ALPHA DADDY   Chapter 93

    Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya

  • MY SON'S ALPHA DADDY   Chapter 92

    Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma

  • MY SON'S ALPHA DADDY   Chapter 91

    Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat

  • MY SON'S ALPHA DADDY   Chapter 90

    Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha

  • MY SON'S ALPHA DADDY   Chapter 89

    Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil

  • MY SON'S ALPHA DADDY   Chapter 88

    Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.

  • MY SON'S ALPHA DADDY   Chapter 87

    Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status