Se connecterMaya's pov
Okay, Maya Chen. Kalimutan mo na yung nangyari kaninang 5 AM. Kalimutan mo na bumagsak ka sa dibdib ni Sir Julian. Kalimutan mo na yung tigas ng dibdib niya. Kalimutan mo na yung mukha niyang gwapo na sobrang lapit lang sa mukha mo. Kalimutan mo na! ...Hindi ko makalimutan. Lord, help. Pero wala akong choice. Amo ko pa rin siya. 80k pa rin siya. Kailangan ko siyang harapin kahit gusto ko magtago sa laundry basket maghapon. Kaya nung 4 PM, nandito na naman ako sa garden. Malawak na garden ng Garcia mansion. May mga white chairs, may fountain, may mga rosas na si Ma'am Claire daw nagtanim dati. At nandoon siya sa gitna, naka-wheelchair, naka-white polo shirt ngayon, hindi black. Mas lalo siyang gumwapo sa puti. Bad trip. "Maya," tawag niya nung nakita niya akong papalapit, dala ang libro at juice. "Po, Master?" sabi ko, hindi makatingin diretso sa mata niya. Sa damo ako nakatingin. "Bakit ka nasa malayo? Lumapit ka." Lumapit ako ng isang inch. "Isang inch lang? Lalapit ka o ako lalapit sayo? Tandaan mo, kaya kitang habulin kahit naka-wheelchair ako." Napilitan akong lumapit at umupo sa damuhan, same level as before. Pero this time medyo malayo ako. "Anong libro yan?" tanong niya. "Ah, sabi niyo po kasi kahapon basahan ko kayo ng kwento? Sabi niyo ako bahala kung anong kwento?" "Oo. I said surprise me." "So... nagpunta ako sa library niyo. Ang daming libro! Puro business! Puro English! Pero may nakita akong isa — Greek Mythology." Tinaas niya ang kilay niya. "Greek Mythology?" "Opo! Maganda po ito! May lesson!" Binuksan ko yung makapal na libro. "Ito po, babasahan kita ng story ni... Narcissus!" "Narcissus?" "Opo! Siya po yung sobrang gwapo na lalaki na na-in love sa sarili niyang kagwapuhan!" Tumingin sa akin si Julian. "Excuse me?" "Oo nga po! Makinig ka!" At sinimulan kong basahin, in my best storytelling voice. "Noong unang panahon, may isang lalaki na nagngangalang Narcissus. Siya ang pinakagwapo sa buong Greece. Lahat ng babae, in love sa kanya. Pero wala siyang pinapansin kasi sabi niya, 'Wala kayong level sa kagwapuhan ko.' Isang araw, pumunta siya sa ilog para uminom ng tubig, nakita niya yung reflection niya sa tubig..." Habang nagbabasa ako, napansin ko — hindi siya nakikinig sa libro. Nakatingin siya sa akin. Titig na titig. "Master? Nakikinig ka po ba?" tanong ko. "Yes. Continue." Pero titig pa rin siya. Yung titig na parang... parang binabasa niya ako, hindi yung libro. Ipinagpatuloy ko kahit naiilang ako. "...at nung nakita ni Narcissus yung sarili niya sa tubig, sabi niya, 'Wow, ang gwapo ko! In love ako sa sarili ko!' At araw-araw, tinitignan niya lang sarili niya sa tubig, hindi na kumakain, hindi na natutulog, kakatitig lang sa sarili niya hanggang sa... nalunod siya! The end! Lesson: Wag masyadong bilib sa sarili, malulunod ka!" Isinara ko yung libro. "O diba, Master? Ganda ng lesson! Parang kayo!" "Ako?" "Opo! Kayo po! Ang gwapo niyo, tapos ang sungit niyo, tapos akala niyo lahat ng tao level niyo? Narcissus kayo! Buti hindi kayo nalulunod sa swimming pool niyo!" Akala ko magagalit siya. Pero tumawa lang siya ng mahina. "So ako si Narcissus?" "Opo! Pero at least si Narcissus marunong tumingin sa tubig. Kayo hindi kayo tumitingin sa salamin! Lagi kayong nakasimangot!" Bigla siyang naging seryoso. Tinitigan niya ako nang matagal. "Maya." "Po?" "Bakit ka namumula?" "Ha? Hindi po ah!" "Namumula ka. Kanina pa. Simula nung dumating ka. May lagnat ka ba?" Wala akong lagnat! Namumula ako kasi naalala ko yung kaninang umaga! Yung dibdib niya! Yung mukha niya! Higit sa lahat, iyung ano niya! "Wala po! Mainit lang po! Mainit po kasi sa garden!" "Mainit? 4 PM na. Mahangin." "Mainit pa rin po! Tropical country po tayo, Master!" Lumapit siya ng konti, yung wheelchair niya gumulong palapit sa akin. Ngayon sobrang lapit na namin. "Look at me, Maya." "Hindi po! Kailangan ko po basahin ulit si Narcissus—" "Maya Chen. Look at me." Napilitan akong tumingin. Ayun na naman yung grey-blue eyes niya. At yung dimple pag seryoso siya. "Bakit ka umiiwas? Dahil ba sa kaninang umaga?" bulong niya. BOOM. Namula ako lalo. Pula na yata pati leeg ko. "Hindi po! Kalimutan niyo na po yun! Accident lang yun! Nahulog lang ako! Wala yun! Wala lang yun!" "Wala lang?" ulit niya, mahinang boses. "Sure ka?" "Opo! Wala lang! Parang pagkahulog ng mangga! Normal lang yun! Maraming mangga nalalaglag sa garden!" "So mangga ka ngayon?" "Master!" Natatawa na naman siya. Gustong-gusto niya akong asarin pag namumula ako. "Alam mo, Maya," sabi niya, biglang seryoso ulit, "kanina pa kita pinagmamasdan. Kanina ka pa hindi makatingin sa akin. Akala ko.." hindi niya tinuloy pero dahil walang filter ang bunganga ko, walamg preno, ako pa ang nagpuno ng salita niya. "Hindi ko po naalala ang matigas mong ano! Hindi ako nahihiya!" Nanlaki ang aking mata ng marinig amg sarili ko, nabitiwan ko ang libro ng tinakpan ko ang aking bibig. "Then what? Nahihiya ka nga.." "...Opo," mahinang sagot ko. Sobrang hina na halos hindi marinig. "Why? Because you fell on me?"Ramdam kong nagpipigil siyang hindi tumawa. Tumango ako. "Maya, I've fallen many times. From my wheelchair, from my bed. It's nothing to be ashamed of." "Pero iba po yung sa akin! Ako po yung bumagsak sa inyo! Ang bigat ko pa naman!" "You're not heavy. You're... light." Nagulat ako sa sinabi niya. Light? Ako? Tumingin siya sa malayo, sa mga rosas. "Alam mo, Maya... 5 days ka na dito. Lahat ng nanny, 1 day lang umaalis. 2 hours yung iba. Ikaw, 5 days na. Kahit sinisigawan kita, kahit tinataponan kita ng unan, kahit sinasabi kong fired ka every hour... nandito ka pa rin." Tahimik akong nakinig. First time niyang magsalita ng ganito kahaba nang hindi galit. "Kaya... I want to tell you something," sabi niya, tumingin ulit sa akin. "Ano po?" "You're hired." Napanganga ako. "Po? Hired na po ako ah? Diba hired na ako nung Day 1?" "No. That was trial. I fire everyone in trial. But you... you passed trial. So now... you're officially, permanently hired. Not just until lunch. Not just until tomorrow. Permanent. As long as you want." Permanently hired? 80k every month? Permanent? "Permanently po? Hindi na po ako masisibak every hour?" "No. Unless you really want to leave." "Talaga po? Hindi na po ako fired?" "Hindi na. You're my... nanny. My permanent nanny." Sa sobrang tuwa ko, nakalimutan ko lahat. Nakalimutan ko yung hiya kaninang umaga. Nakalimutan ko yung Narcissus. Nakalimutan ko na amo ko siya. Napasigaw ako. "Talaga po?! YEHEY!!!" At sa sobrang saya ko, tumayo ako mula sa damo, lumapit sa wheelchair niya, at... Hinalikan ko siya. Sa pisngi. Mabilis lang. Smack! Parang nagpapasalamat na bata. "THANK YOU, MASTER!!! THANK YOU!!!" Tapos tumakbo ako paikot sa garden na parang baliw, hawak yung Greek mythology book na pinulot ko. "Permanent ako! Permanent! 80k! Permanent!" Naiwan si Julian sa wheelchair, hawak ang pisngi niya kung saan ko siya hinalikan. Nanlalaki ang mata na parang hindi makapaniwala. At hindi makagalaw. Nang makita ko si Manang Lita na dumating dala ang merienda, ay bumalik na din ako palapit kay sir Julian na parang natulala. "Sir Julian? Okay ka lang? Bakit pula ng tenga mo?" Hindi sumagot si sir Julian. Tinitigan lang niya ako na lumapit sa kanilamg dalawa. At mahina niyang bulong, na walang nakarinig kundi yung mga rosas... "...That was worth waiting 2 years for." At sa diary ko nung gabing yun, isinulat ko: Day 5: OFFICIALLY HIRED! Permanent! And I kissed Master on the cheek! Oh my God! What did I do?! P.S. Ang lambot pala ng pisngi niya. Amoy baby powder pa rin. Wag mo nang ulitin, Maya!"Tapos na!"Isang sigaw na nanggaling sa master's bathroom ang yumanig sa buong García Mansion. Si Maya, lumabas ng banyo na parang tumakbo sa marathon. Basa ang buhok, basa ang uniform, hawak ang tuwalya na parang sandata, at pulang-pula ang buong mukha hanggang leeg.Nakasandal siya sa pader sa labas ng pinto, hingal na hingal, hawak ang dibdib."Nagawa ko... nagawa ko talaga..." bulong niya sa sarili, hindi makapaniwala. "Ako... ako talaga ang nagpaligo sa kanya... buong katawan niya... ako..."Si Manang Pining na umakyat dahil sa ingay, nakita siya."Maya! Anong nangyari sa'yo?! Bakit basa ka?! Sinabuyan ng timba? O lumangoy ka sa flood control?" "Manang... Manang... huwag kang oa, okay.." halos pabulong na sabi ni Maya, tulala pa rin. "Natapos ko po... napaliguan ko po si Master Julian... ako po talaga...""Eh di tapos na! Bakit ka namumula? May lagnat ka ba?""Wala naman po.." "O, bakit para kang hinog na kamatis riyan? Akala ko ba nursing student ka dati, anong masama na ik
"Ano ba yang ginagawa mo, para kang penguin na ewan..ayusin mo ngang tayo mo dyan, Maya. You are annoying!"Pagkatapos ay tumawa siya dahil sa akayon ni Maya. Parang sundalo na papunta sa giyera at naghihintay ng instruction sa nakatataas sa kaniya. Pero para kay Maya, hindi siya na offend sa pagtawa ni Julian. Dahil kung meron mang katawa-tawa, iyun ay walang iba kundi siya. "Master... okay lang po kayo?" mahinang tanong ni Maya."Okay lang ako! Bakit? May problema ba?" ngumiti pa si Julian. Ngiti na bihirang makita ng mga kasambahay."Po... kasi kanina po sa dining...""Sa dining? Anong meron sa dining?" kumunot ang noo ni Julian, parang nag-iisip. "Ah! Oo! Kumain ka na ba? Hindi ka pa kumakain diba? O sige, mamaya ka na kumain, tapusin muna natin 'to."Doon mas nalito si Maya.Hanggang sa pumasok si Doc Vermont, ang private doctor at kaibigan ni Julian."Julian, tapos na yung meeting mo?" bati ni Doc. Tapos nakita si Maya. "Ah, si Maya pala. Nakausap mo na siya?""Oo, Doc. Pina
Kinaumagahan.Alas syete pa lang ng umaga pero parang may bagyo na sa loob ng García Mansion. Tahimik ang lahat ng kasambahay. Walang umiimik sa dining room.Nakaupo sa dulo ng mahabang mesa si Master Julian. Naka-wheelchair. Naka-white polo, malinis, gwapo sana kaso nakasimangot. Yung simangot na pang-contest. Yung tipong kahit yung pagkain matatakot lumapit. Lahat, maliban kay Maya. Two years ago, naaksidente si Sir Julian. Mula noon, naka-wheelchair na siya at mas naging masungit pa sa dati. Masungit na nga dati, mas sumungit pa ngayon. Kaya lahat ng maid, umiiwas. Ito ang iniisip ni Maya para habaan pa ang kaniyang pasensya at siyempre ang 80k + 20 k na equals 100k na sweldo ko, kaya bahala siya kung nagsusungit na naman. "Good morning, Master Julian!" bungad ni Maya na may dalang tray. May sinigang, rice, at gatas. Nakangiti nang malapad, parang walang bagyo.Hindi sumagot si Julian. Tinitigan lang ang bintana na mula kisame hanggang sahig. "Master, kain na po... maini
"Hmnn... huhumm... hmmnn... huhummmn... hum... humm... ayyy! Kipayyy!"Muntik nang matumba si Maya dahil sa biglang pagliwanag ng dirty kitchen. Nabigla siya sa pag-on ng ilaw. Nasa gitna siya ng paghahalungkat sa ref na parang daga, may hawak na tinapay, gulong-gulo ang buhok, at nakasuot ng malaking t-shirt na pang-tulog.Ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita sa pintuan ang nakausling bagay na kumikinang nang tamaan ng liwanag.Isang mahabang... kutsilyo!"TULONG!... SAKLOLO!.. MAGNANAKAW! MAGNA—""HUY! MAYA! Walang hiya ka... kanina ka pa talaga pasaway sa akin!" nangigigil na patakbo siyang nilapitan ni Danilo at tinakpan ang bibig niya ng palad."MMPPHH! MMPPHH!""Bakit ka ba sumigaw! Sumagot ka?! AHHHH! BAKIT MO AKO KINAGAT!" mabilis na binitiwan ni Danilo ang bunganga ni Maya at napa-iling habang tinitingnan ang laway sa kamay niya."Eh, paanong hindi kita kagatin? Gusto mong sumagot ako sa tanong mo, e ang higpit kaya ng pagtakip mo sa aking bibig. Paano ako makasag
MY STUBBORN MASTER - Chapter 9: The First Bath7:00 PM sharp.Nasa labas na ako ng kwarto ni Sir Julian, hawak ang puting towel, isang set ng pajama niya na black, at isang maliit na timba na may maligamgam na tubig at sabon. Nanginginig ang kamay ko kahit anong professional ang sinasabi ko kanina sa garden. Naalala ko na hindi ko naman kailangan magdala pa ng timba at maligamgam na tubig dahil utang na loob, kumpleto ang shower room ni Master Julian! Tok tok tok."Sir Julian? It's me, Maya. 7 PM na po."Walang sumasagot."Sir?""Come in," malamig na boses mula sa loob.Binuksan ko ang pinto. Si Sir Julian nandoon sa may bathroom door na, naka-wheelchair pa rin, nakasuot ng loose white shirt at shorts. Ang buhok niya basa pa ng konti sa pawis, ewan ko ba, may air-conditioning naman kahit mainit sa third floor pag hapon.Nakatingin siya sa akin, seryoso."So, nandito ka na pala, Miss Professional.""Opo, Master Julian!" diniin ko talaga amg pagbigkas ng salitang Master. I don't want t
"I'm a nursing student, well was a nursing student and so I consider myself professional..."Sinasabi ko yun habang nagdidilig ako ng halaman sa garden. Kausap ko sarili ko. Sanay ako magsalita mag-isa."Syempre pag nasa medical course ka, alam mo ang gagawin mo, hindi ka mahihiya na makita mo ang mga private part ng babae o lalaki man... it's part of the job... at siyempre ma-e-experience ko ito pag magpatuloy na ako sa pag-aaral no...""At saka hindi ako takot sa dugo, hindi ako takot sa sugat, hindi ako takot sa patay... mas lalong hindi ako takot sa batuta ni Master kapag paliguan ko na siya...""Hoy!""Ahhh!"Napalundag ako sa hardin habang nagdidilig ng mga halaman at dahil sa gulat ay natuon ko ang hose sa mukha ni Danilo."Haah..." napasinghap siya at nabigla rin nang maligo ang kaniyang mukha sa malakas na pressure ng tubig kaya tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang dalawang kamay, napaatras at natumba."Naku, Danilo... sorry, sorry... di ko sinasadya." binitiwan ko ang







