LOGINWinona's POV
Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong klaseng condo. “Wow, ang ganda dito sa condo mo, Nona! Yayamanin!” manghang sabi ni Jane habang bitbit ang ilan naming gamit. Napangiti ako habang inilalapag ang handbag ko sa sofa. Malaki ang condo. Modern ang interior, may floor-to-ceiling windows pa na tanaw ang city lights. Tahimik din ang buong paligid, sobrang layo sa buhay na kinalakihan ko noon. “Hindi ko rin akalain na ibibigay lang talaga sa akin ito,” sabi ko habang inaayos ang ilang grocery sa kusina. “Ang bait naman ng boss mo,” sabi niya. Napatawa na lang ako nang mahina. “Siguro nabaliw lang siya.” “Sana mabaliw rin boss ko para bigyan ako ng ganitong condo.” sabi niya habang naglilibot ang mga mata. Naiiling na lang ako habang natatawa sa kaibigan. Kinagabihan, abala ako sa pagluluto ng hapunan habang nasa sala naman ang kambal. Naagaw ang atensyon ko ng tawagin ako ng isa sa kambal. “Mommy…” Napalingon ako kay Bea na seryosong-seryoso ang mukha habang nakasandal sa kitchen counter. “Yes, my baby?” “Sino ba talaga ang daddy namin?” Napahinto ako sa paghihiwa ng carrots pagkuwa'y lihim na umikot ang eyeballs. 'At eto na naman kami.' Bago pa ako makasagot, sumulpot na rin si Brix sa tabi niya habang yakap ang tablet nito. “Mommy, nasaan si Daddy?” inosente nitong tanong. Napabuntong-hininga ako. Ilang taon ko nang tinatakasan ang usapang ito. Noong nasa Singapore kami, madali ko pang sabihin na nasa Pilipinas ang daddy nila kaya hindi nila nakikita. Pero ngayong nandito na kami… mas marami na silang tanong. At mas mahirap nang umiwas. Ang problema kasi, kahit ako, hindi ko rin alam kung sino talaga ang ama nila. Hindi ko nakita nang maayos ang mukha ng lalaking nakasama ko noong gabing iyon. Madilim ang silid. Pareho kaming nakamaskara at kahit noong paggising ko, wala na siya kaya hindi ko rin talaga alam kung sino ang ama ng kambal. Para matapos na ang usapan, napabuntong-hininga ako bago tumuro sa business magazine na nakapatong sa center table. “Ayan,” sabi ko habang kunwaring abala ulit sa niluluto. “Ayan ang daddy ninyo. Huwag na kayong makulit.” Napansin kong natahimik ang dalawa kaya akala ko sapat na iyon para ma-distract sila, pero ilang minuto ang lumipas, napansin kong sobrang tahimik nila. Too quiet. At base sa experience ko bilang nanay, walang magandang naidudulot ang sobrang tahimik na bata. Napakunot-noo ako bago sumilip sa sala at doon ko nakita ang kambal na magkatabing nakaupo sa carpet. Nasa kandungan ni Bea ang magazine habang si Brix naman ay mabilis na may tina-type sa tablet nito. Napasingkit ang mga mata ko. “Ano ginagawa ninyo?” curious kong tanong. Hindi ako pinansin ni Brix. Abalang abala ito sa tablet habang mabilis gumagalaw ang maliliit nitong daliri. At doon ako kinabahan. Parehong matalino ang kambal. Too smart for their age, lalo na si Brix. Minsan nga nahuhuli ko na lang itong nagha-hack ng parental settings ko para makapanood ng cartoons hanggang madaling-araw. Once, muntik pa nitong ma-access ang online banking ko dahil “curious lang daw siya.” “Mommy,” biglang sabi ni Bea habang hawak ang magazine. “Ang guwapo ni Daddy.” Halos mabilaukan ako sa sariling laway. Tumingin ako sa magazine cover, naroon ang isang lalaking naka-black suit habang may hawak na business award. Malamig ang ekspresyon nito. He looks powerful, at sobrang gwapo sa nakakairitang paraan. Rafael Villarreal. One of the youngest billionaire CEOs in the country. Hindi ko alam kung bakit siya ang tinuro ko kanina. Siguro dahil siya lang ang unang nakita kong mukha sa magazine. “Mommy…” muling tawag ni Bea habang inosenteng nakatingin sa akin. “CEO ba si Daddy?” Parang may kung anong malamig na dumaloy sa batok ko. Bago pa ako makasagot, biglang nagsalita si Brix nang hindi inaalis ang tingin sa tablet. “Mommy, according sa internet, billionaire si Daddy.” Napasinghap ako. “Ano?!” Mabilis kong nilapitan ang anak ko. At muntik na akong atakihin sa puso nang makitang nakabukas sa tablet nito ang buong profile ni Rafael Villarreal. Business articles, interviews, photos and even company information. “How did you even—” Pinutol niya ang sasabihin ko. “Face recognition,” proud na sabi ni Brix. Nanlaki ang mata ko. “WHAT FACE RECOGNITION?!” “Ginamitan ko lang ng AI scanner iyong picture sa magazine,” casual nitong sagot na para bang normal lang iyon para sa apat na taong gulang. Napahawak ako sa noo ko. 'Lord. Bakit ba sobrang henyo ng mga anak ko?' “Mommy…” mahinang tawag ni Bea habang nakatitig pa rin sa larawan ni Rafael. “Kamukha ni Brix si Daddy.” At doon tuluyang tumigil ang mundo ko. Dahan-dahan akong napatingin sa magazine, then to Brix. Then back to the photo again. Parehong matalim ang mga mata, parehong malamig tumingin kapag seryoso, parehong may nakakainis na aura ng confidence. Imposible! Baka nagkataon lang. Pero ewan ko pero may kakaiba akong naramdaman habang nakatitig sa mga mata ng lalaki sa magazine.Winona’s POV Napabuntong-hininga ako habang nakatingala sa napakataas na gusali ng Villarreal Holdings Corporation. Halos matakpan pa ng salamin at bakal ang buong langit sa sobrang laki nito. Moderno, elegante at nakaka-intimidate ang gusali. Para itong klase ng building na kayang lamunin ang buong pagkatao mo kapag mahina ang loob mo. Matapos ko iyong pagmasdan nang ilang segundo, agad kong inayos ang sarili ko. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong office attire, itim na slacks, sky blue blouse, at black stilettos. Maayos din ang pagkakatali ng buhok ko habang nakasabit sa balikat ko ang leather shoulder bag. Professional at confident ang dating ko. Kahit sa totoo lang, gusto nang umatras ng kaluluwa ko. “Kayang-kaya mo ito, Nona,” bulong ko sa sarili bago tuluyang naglakad papasok ng lobby. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa centralized air conditioning. At napa-wow ako. Mas lalo akong natulala sa loob. The lobby welcomed me with glossy white mar
Winona's POVIlang beses kong ipinaliwanag sa kambal na nagbibiro lang ako kanina kaya huwag nilang seryosohin ang tungkol sa magazine.“Hindi talaga siya ang daddy ninyo,” sabi ko habang nakapameywang sa harapan nila.Parehong nakatingin sa akin sina Brix at Bea habang seryoso ang mga mukha na para bang may board meeting kaming tatlo.“Promise?” hinalang tanong ni Bea.“Yes, promise.”“Pero kamukha niya si Brix,” giit niya.“Maraming gwapo sa mundo na magkakamukha,” mabilis kong depensa kahit ako mismo ay hindi kumbinsido sa sariling sinabi.Lalo lang naningkit ang mga mata ni Brix. Pakiramdam ko ini-scan na naman ako ng batang ito gamit ang invisible lie detector niya.Napabuntong-hininga ako bago lumuhod sa harapan nila.“Listen, babies,” mas malumanay kong sabi habang inaayos ang buhok ni Bea. “Kapag nakahanap na ulit si Mommy ng work, hahanapin natin ang daddy ninyo. Okay?”Biglang lumiwanag ang mga mata nilang dalawa.“Really?!” sabay nilang tanong.Napangiti ako nang mahina kah
Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong klaseng condo. “Wow, ang ganda dito sa condo mo, Nona! Yayamanin!” manghang sabi ni Jane habang bitbit ang ilan naming gamit. Napangiti ako habang inilalapag ang handbag ko sa sofa. Malaki ang condo. Modern ang interior, may floor-to-ceiling windows pa na tanaw ang city lights. Tahimik din ang buong paligid, sobrang layo sa buhay na kinalakihan ko noon. “Hindi ko rin akalain na ibibigay lang talaga sa akin ito,” sabi ko habang inaayos ang ilang grocery sa kusina. “Ang bait naman ng boss mo,” sabi niya. Napatawa na lang ako nang mahina. “Siguro nabaliw lang siya.” “Sana mabaliw rin boss ko para bigyan ako ng ganitong condo.” sabi niya habang naglilibot ang mga mata. Naiiling na
Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy, mabilis po ba yung ride?” tanong ni Bea, bitbit ang maliit niyang pink na maleta na halos mas malaki pa sa kanya. “Depende sa traffic, baby,” sagot ko, sabay pisil sa mamula-mula niyang pisngi. “Meaning… matagal,” bulong ni Brix na parang expert na sa buhay. Napailing na lang ako. “Sino ba ang nagturo sa inyo ng ganyan?” “Si Mommy po,” sabay nilang sagot. Whatever... umikot ang eyeballs niya at nagpatuloy sa paglalakad. Paglabas namin ng arrival area, agad kong nakita ang kumakaway kong matalik na kaibigan. “Nona! Nona! Welcome home!” “Jane!” masiglang tawag ko pabalik. Parang walang limang taong lumipas sa kanya, ganun pa rin ito kaingay, ka-energetic, at mukhang laging r
Winona's POV Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin. Basta ang alam ko lang, sa sumunod na segundo ay nakakapit na ang dalawang kamay ko sa leeg ng lalaki habang tuluyan kaming nilalamon ng isang mainit at mapanganib na halik. Mabuti na lamang at hindi siya umiwas. Hindi ako napahiya, pero nakakabaliw… Dahil sa tagal naming magnobyo ni Jonathan, ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ganitong klaseng excitement mula sa isang halik pa lang. Parang may kung anong sumasabog sa dibdib ko. Isang mainit, nakakahilo at nakakaadik na pakiramdam. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baywang ko, tila handa pa niya akong hilahin palapit sa kanya hanggang sa wala nang matirang distansya sa pagitan namin. At hindi ko rin iyon tinanggihan. Our kisses became hotter, deeper and more possessive. Parang pareho na kaming nawala sa matinong pag-iisip. Siguro dahil pareho kaming sugatan ngayong gabi, parehong pagod at gustong takasan kahit saglit ang mga problemang pasan na
Winona's POV Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin habang nakasandal sa railing ng rooftop, nakatingala sa madilim na langit ng Maynila. May hawak siyang wine glass sa isang kamay habang ang isa naman ay nasa bulsa ng slacks niya. Parang kanina pa siya dito sa rooftop. And he looked tired. Hindi iyong simpleng pagod lang dahil sa trabaho kundi iyong tipo ng pagod na parang matagal nang pasan ang mundo pero nakakainis pa rin dahil kahit mukhang emotionally unavailable siya, gwapo pa rin talaga siya. At overwhelming ang aura niya. Kung nakasuot siya ng mask, malamang isa siya sa mga bisita sa masquerade ball na inorganize ko sa baba. Kaya nga pati ako ay nakasuot pa rin ng silver mask ko. Sayang. Hindi ko man lang makita nang maayos ang mukha niya pero sigurado akong gwapo siya. Iyong tipong red flag pero mukhang mabango. Napangiwi ako sa sariling isip. Great. Naloko na nga ako ng boyfriend ko, attracted pa ako sa stranger. “Why are you st







