MasukWinona's POV
Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin. Basta ang alam ko lang, sa sumunod na segundo ay nakakapit na ang dalawang kamay ko sa leeg ng lalaki habang tuluyan kaming nilalamon ng isang mainit at mapanganib na halik. Mabuti na lamang at hindi siya umiwas. Hindi ako napahiya, pero nakakabaliw… Dahil sa tagal naming magnobyo ni Jonathan, ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ganitong klaseng excitement mula sa isang halik pa lang. Parang may kung anong sumasabog sa dibdib ko. Isang mainit, nakakahilo at nakakaadik na pakiramdam. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baywang ko, tila handa pa niya akong hilahin palapit sa kanya hanggang sa wala nang matirang distansya sa pagitan namin. At hindi ko rin iyon tinanggihan. Our kisses became hotter, deeper and more possessive. Parang pareho na kaming nawala sa matinong pag-iisip. Siguro dahil pareho kaming sugatan ngayong gabi, parehong pagod at gustong takasan kahit saglit ang mga problemang pasan namin. Napasinghap ako nang bigla niya akong buhatin habang hindi pinuputol ang halik. Awtomatikong sumaklang ang mga hita ko sa beywang niya habang mahigpit akong nakakapit sa balikat niya. “Oh my God…” natatawa kong bulong sa pagitan ng mga halik. “Kidnapper ka ba?” Mababa siyang natawa sa pagitan ng mga labi namin. “You talk too much.” “And yet you keep kissing me.” “Unfortunately.” Napatawa ako nang mahina bago muli niyang sinakop ang labi ko. Hindi ko namalayang naglalakad na pala siya hanggang sa maramdaman kong bumukas ang isang pinto. Madilim ang silid. Tanging maliit na dim light malapit sa kama ang nagbibigay ng mahinang liwanag pero hindi man lang niya inabala ang sariling buksan pa ang main lights. At ayos lang iyon, mas naging tahimik, mas private at mas intimate iyon sa pagitan namin. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama habang ako ay nakaupo sa kandungan niya, pero kahit ganoon, hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin. Parang pareho kaming sabik sa init ng isa’t isa. Humawak ang mga kamay ko sa batok niya bago unti-unting naglakbay pababa sa likod niya hanggang sa harapan. Kusa niyang hinubad ang suot niyang coat habang tinulungan ko naman siyang tanggalin ang buttons ng itim niyang long sleeves. As the soft light slowly traced the lines of his body, I found myself staring a little too long. 'God.' Even without seeing his full face clearly, I already knew one thing, this was unfair. He looked like the kind of man who didn’t belong in the same category as everyone else. Like he was designed specifically to ruin someone’s peace of mind. My fingers unconsciously brushed against his chest. Firm, warm and perfectly toned. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang marahang dumadausdos ang mga daliri ko pababa. At doon ko tuluyang napagtanto. May abs, actual abs. Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga habang parang may sariling isip ang mga kamay kong dinadama ang tiyan niya. Binilang ko sa isip ang linya sa tiyan niya. Hanggang sa natahimik ako. “Six?” nagulat kong bulong. Bahagya siyang natawa habang nakadikit pa rin ang noo niya sa akin. “Are you counting?” “Huwag kang gumalaw,” seryoso kong saad habang muling hinahawakan ang tiyan niya. “I'm studying.” Muli kong narinig ang mahinang tawa niya. At kung bakit parang naging musika iyon sa pandinig ko. “First time?” amused niyang tanong. Napatingin ako sa kanya bago napangiwi. “Hindi naman sa first time… pero first time ko makahawak ng abs na hindi galing sa gym poster.” Muli siyang natawa bago marahang hinaplos ang buhok ko. At ewan ko ba… pero sa simpleng gesture na iyon, parang mas lalo akong nanghina. Mas lalo akong nahulog sa init ng sandaling iyon. He kissed me again, slower, deeper, and far more intoxicating, as if he was quietly stealing the last bits of my sanity. At nang gabing iyon, tuluyan naming kinalimutan ang sakit na dala namin. Ang mundo sa labas, ang mga taong nanakit sa amin at ang mga problemang naghihintay kinabukasan. Sa gabing iyon… kami lang muna. _____ Kinabukasan nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Mahapdi ang ulo ko habang dahan-dahan akong napamulat. Sandali akong natigilan habang nakatitig sa hindi pamilyar na kisame. Then the memories came crashing back... the rooftop, the masked stranger, and the kisses. “Oh my God…” Mabilis akong napabangon pero agad din akong natigilan, napansin kong tahimik ang buong silid. Hinanap ko ang estrangherong lalaki, pero wala na siya. Tanging gusot na bedsheets at ang mamahaling black suit jacket na nahulog sa sahig ang natira bilang patunay na hindi panaginip ang lahat. “Oh my God… what have I done?” bulong ko habang ginulo ang magulo ng buhok sa sobrang pagkalito at pagsisisi. Binalikan ko kung anong hitsura ng lalaki pero nakasuot ito ng maskara kaya hindi ko na kaagad maalala. Nagbuntong hininga ako at nilisan ang hotel na iyon. Hindi ko alam noon… na ilang linggo mula ngayon, dalawang pink lines ang tuluyang magpapabago sa buong buhay ko.RAFAEL'S POVKinabukasan, natanggap ko ang final update mula sa abogado ko. I read the message twice before slowly placing my phone on the table.For months, Jonathan had tried to destroy my family. He manipulated people. He helped spread the blind items that dragged Winona and the twins into the public eye. And when that wasn't enough, he went even further. He arranged their kidnapping.But now… It was over.The evidence gathered by the police was enough to establish his involvement. Ang mga testimonya ng mga nahuling kidnappers, mga narekober na komunikasyon, mga financial records, and digital evidence all pointed back to him.Jonathan Reyes would face charges for kidnapping, conspiracy, and other offenses connected to the entire scheme. Wala na siyang mapagtataguan.And strangely… I didn't feel the satisfaction I thought I would.Ang naramdaman ko lang ay relief.“I want to see him.”Napatingin sa akin ang abogado ko.“Are you sure, Mr. Villarreal?”“Yes.”Gusto kong makita ang lal
WINONA'S POV Hindi ko alam kung saan kami pupunta nang sabihin ni Rafael na may gusto siyang ipakita sa akin. Nasa backseat namin sina Brix at Bea, parehong excited habang nagtatanong nang paulit-ulit. “Where are we going, Daddy?” “Secret.” “Is it another surprise?” tanong ni Bea. “Maybe.” Napanguso siya. “Daddy, you always say maybe.” Tumawa si Brix. “Because he doesn't want to tell you.” Napailing ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Hayaan ninyo ang Daddy ninyo. Darating din tayo.” Maya-maya, bumagal ang sasakyan. Nang makita ko ang gusali sa labas ng bintana, biglang nanikip ang dibdib ko. I knew this place. The Stravezki Hotel. Dito nagsimula ang lahat. Five years ago, isang gabi lang ang pinagsaluhan namin ni Rafael. Isang gabing hindi ko kailanman inakalang magiging simula ng buhay ko bilang isang ina. Napatingin ako sa kanya. “You brought us here?” Tumango siya. “I thought we needed to come back.” Huminga ako nang malalim. “W
WINONA'S POV “Make a wish!” masayang sabi ko. Nagkatinginan ang kambal bago sabay na pumikit. Tahimik silang humiling habang kumikislap ang limang kandila sa ibabaw ng napakalaking birthday cake. Sa paligid namin, nakangiti ang buong pamilya at ang kanilang mga kaibigan. Then, at the same time, they blew the candles. “Happy birthday!” Napuno ng palakpakan at tawanan ang buong ballroom. “Yay!” masayang sigaw ni Bea. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Brix at tumalon sa tuwa. “Five years old na tayo!” “I'm older now,” seryosong sabi ni Brix. Napatawa ako. “Pareho kayong five years old.” “No,” pagtutol ni Brix. “I'm five and a half.” “Five and a half?” ulit ko. Tumango siya. “Yes. Because I'm older than Bea.” “By three minutes!” singit ni Bea. “Still older.” “That's not fair!” Nagtawanan ang lahat. Kumuha ako ng kutsilyo para simulan ang paghiwa sa cake, pero bago ko pa maituloy, mabilis na sumubo si Bea ng icing gamit ang daliri. “Bea!” Tumawa
WINONA’S POV “Finally, I’m going home next week,” masaya kong sabi habang nakaupo sa hospital bed. I could hardly believe it. After everything that happened, finally, makakauwi na rin ako. Kinuha ni Rafael ang kamay ko at marahang pinisil iyon. “Yes. Finally, you’re okay now.” Napangiti ako. Sa nakalipas na mga araw, halos hindi na siya umalis sa tabi ko. Mas madalas ko pa siyang makita sa hospital kaysa sa opisina niya. There were mornings when I would wake up and find him sitting beside my bed, laptop open, attending a meeting while holding my hand with his other hand. Minsan, madaling-araw na pero gising pa rin siya. “Rafael, you should go home,” ilang beses ko nang sinasabi. At palagi lang siyang umiiling. “I’m fine here.” “You have a company.” “I have people who can manage it.” “You're the CEO.” “And you're my priority.” Simple lang niyang sinasabi iyon, but every time he did, my heart would melt. He remembered everything, my medicines, my meals, the
RAFAEL'S POV For several seconds, I simply stared at the woman in front of me. Winona was still wearing her hospital pajamas. Her hair was slightly messy, and one hand was holding the dextrose stand as she stood beneath the warm lights and surrounded by flowers. She wasn't wearing an elegant gown. She wasn't wearing expensive jewelry. She didn't even have makeup on. But to me… she had never looked more beautiful. She was crying and smiling at the same time, the diamond necklace sparkling on her neck. “I love you too, Rafael.” Pakiwari ko sasabog ang puso ko ng mga sandaling iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit, yung yakap na ayaw ko na siyang pakawalan pa. She laughed softly against my chest. “You're squeezing me too hard.” “I'm just making sure you're real.” Bahagya siyang lumayo at tumingin sa akin. “Real?” “I've been waiting for this moment, mula pa noong pinagplanuhan ko ang gabing ito, hindi na ako makatulog sa sobrang excitement” Masuyo kong pinunasan an
RAFAEL'S POV By afternoon, handa na ang lahat sa hospital rooftop. Soft lights surrounded the entire area. White flowers lined the pathway, habang may eleganteng dinner table na nakaharap sa city skyline. Sa gitna ay isang magandang floral arch. At sa likod nito, may maliit na sign. OUR FOREVER STARTS HERE. Matagal ko iyong tinitigan. I imagined Winona standing there, smiling and happy. Hindi natatakot. Hindi nag-aalala tungkol sa rumors. Hindi iniisip kung ano na naman ang susunod na problema. Just happy. Iyon ang gusto ko para sa kanya. Ang tanging problema? Kailangan ko siyang dalhin dito nang hindi niya nalalaman ang plano. “I'll tell her the doctor wants her to get some fresh air,” sabi ko. Tumingin sa akin si Sage. “That's terrible.” “Why?” “You look guilty even when you're telling the truth.” “I don't look guilty.” Everyone stared at me. Napabuntong-hininga ako. “Fine.” Tumawa si Maximus. “This is going to be fun.” That evening, everything wa
Winona's POV Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin habang nakasandal sa railing ng rooftop, nakatingala sa madilim na langit ng Maynila. May hawak siyang wine glass sa isang kamay habang ang isa naman ay nasa bulsa ng slacks niya. Parang kanina pa siya dito sa
Winona's POV Pagod akong napabuntong-hininga habang inaayos ang headset sa tenga ko at mabilis na chine-check ang setup ng grand ballroom ng Stravezki Hotel. “Miss Sanchez, confirmed na po iyong fireworks cue mamayang ten?” tanong ng isa sa staff ko. “Yes. And make sure walang magkakamali sa
Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong kla
Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy,







