Share

CHAPTER 4

Author: Hiraya ZR
last update publish date: 2026-05-25 19:52:47

Winona’s POV

Limang taon ang lumipas....

“Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko.

Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila.

“Mommy, mabilis po ba yung ride?” tanong ni Bea, bitbit ang maliit niyang pink na maleta na halos mas malaki pa sa kanya.

“Depende sa traffic, baby,” sagot ko, sabay pisil sa mamula-mula niyang pisngi.

“Meaning… matagal,” bulong ni Brix na parang expert na sa buhay.

Napailing na lang ako. “Sino ba ang nagturo sa inyo ng ganyan?”

“Si Mommy po,” sabay nilang sagot.

Whatever... umikot ang eyeballs niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Paglabas namin ng arrival area, agad kong nakita ang kumakaway kong matalik na kaibigan.

“Nona! Nona! Welcome home!”

“Jane!” masiglang tawag ko pabalik.

Parang walang limang taong lumipas sa kanya, ganun pa rin ito kaingay, ka-energetic, at mukhang laging ready magbigay ng chismis.

Paglapit niya, agad niyang tinitigan ang kambal na parang nakakita ng artista.

“Ay hala! Ang cu-cute sa personal! Hindi na lang sa videocall ko kayo nakikita!” sabi niya habang pinipisil ang magkabilang pisngi ng mga bata.

“Hi po, Ninang Jane!” sabay na bati nina Brix at Bea.

“Ay grabe, ang polite! Nona, akin na lang isa sa kambal mo,” biro niya habang nakatingin sa akin na parang seryoso.

“Hoy,” agad kong sagot, “anong akin na lang? Akin yan. Hindi yan tuta na hinihingi.”

Tumawa siya nang malakas. “Grabe ka, protective agad.”

“Aba'y syempre! Ang laki ng hirap at sakripisyo ko sa kambal.”

“Okay fine, pahiram na lang minsan.” singit niya.

Natawa ako nang mahina. “Sige kapag nakahanap na ako ng trabaho." sabi ko. "Tara, kumain muna tayo, gutom na tong mga ito.”

“Gutom po kami, mommy.” sabay sabi ng kambal.

“See? Proof,” dagdag ko.

Tumawa lang ang kaibigan ko.

Sa loob ng sasakyan. Habang nasa byahe, ang ingay ay parang kumpetisyon.

“Mommy, mag airplane po ba ulit tayo?” tanong ni Bea.

“Wala na muna, anak.”

“Good,” sagot ni Brix. “Nakakahilo.”

Napatingin ako kay Jane sa front seat. “Saan tayo kakain?”

“Sa restaurant malapit dito. Sikat yon. Promise, masarap,” sagot niya.

“Basta mabilis,” sabi ko. “Pagod na ang dalawang ito.”

“Excuse me,” sabay reklamo ng kambal. “We are not ‘two.’ We are twins.”

Napahawak ako sa sentido ko. “Jane, naririnig mo ba ito?”

“Welcome to motherhood,” sabi niya, nakangisi.

Sa restaurant.

Pag-upo pa lang namin, agad na nag-order ang kambal na parang VIP guests.

“Spaghetti po,” sabi ni Bea.

“Chicken,” sabi ni Brix.

“Fries din,” sabay nila.

Tumingin ako sa kanila. “May allowance ba kayo?”

“Mommy!” reklamo ni Bea. “We are children.”

“Exactly,” sagot ko.

Tumawa si Jane habang umiinom ng tubig. “Grabe ka Nona, huwag mong tipirin ang mga bata."

Inungusan ko siya.

“Wala kang idea, kung hindi ko titipirin ang kambal, mauubos ang ipon ko, sayang ang limang taon ko sa ibang bansa.” sagot ko, sabay buntong-hininga. "Akala mo mga anak ng bilyonaryo."

Habang hinihintay ang pagkain, sandaling natahimik ang table. Abala na ang kambal sa tablet nila at naglalaro ng games.

Narinig kong nagsalita ang kaibigan sa tabi ko.

“Nona, ikwento mo na sa akin, dali,” sabi niya. “Biglaan lahat ng pag alis mo noon, hindi ka na nakapagpaalam pa sa akin," May hinampong patuloy niya.

Huminga ako nang malalim.

“Nangailangan ang kaibigan ng boss ko noon ng isang event coordinator na ma-aassign sa branch company nila sa Singapore. Biglaan iyon, pero kumpleto naman ang papeles ko, kaya ako ang pinadala ni boss.”

“Tapos?” naiintrigang tanong ni Jane. “Paano mo nalaman na buntis ka?”

“One month pa lang ako sa Singapore, nalaman kong buntis ako,” sagot ko. “Mabuti na lang mabait ang new boss ko, pinayagan niya akong ipagpatuloy ang kontrata ko.”

Muli akong nagbuntong hininga.

“One-year contract lang sana iyon… pero tumagal hanggang naging limang taon.”

Napahawak si Jane sa braso ko, halatang hindi makapaniwala.

“So… sino ang ama ng kambal?” bulong niya.

Tumingin ako sa dalawang anak ko bago dahan-dahang umiling.

“Hindi ko siya kilala.”

“Ano?” Napalakas ang boses niya sa gulat. “Paano? Bakit? Sino?"

Napatirik ang mga mata ko.

“Ang dami mong tanong,” sabi ko, umiiling na bahagyang natatawa.

“Kailan nangyari?” muli niyang tanong, hindi pa rin mapakali.

Sumandal ako sa upuan at uminom ng tubig. Wala nang saysay pang itago sa kaibigan kaya sinabi ko sa kanya ang lahat.

“Noong gabing niloko ako ni Jonathan, doon ko nakilala ang ama ng kambal.”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Jane, naging seryoso, lumapit siya sa akin ng bahagya at bumulong.

“Balak mo bang hanapin ang ama ng kambal mo?”

Natigilan ako. Tumingin ako sa kabilang mesa, narinig ko ang tawa ng mga bata.

At sa dibdib ko…

Isang tanong na matagal ko nang tinakasan ang muling bumalik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 7

    Winona’s POV Napabuntong-hininga ako habang nakatingala sa napakataas na gusali ng Villarreal Holdings Corporation. Halos matakpan pa ng salamin at bakal ang buong langit sa sobrang laki nito. Moderno, elegante at nakaka-intimidate ang gusali. Para itong klase ng building na kayang lamunin ang buong pagkatao mo kapag mahina ang loob mo. Matapos ko iyong pagmasdan nang ilang segundo, agad kong inayos ang sarili ko. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong office attire, itim na slacks, sky blue blouse, at black stilettos. Maayos din ang pagkakatali ng buhok ko habang nakasabit sa balikat ko ang leather shoulder bag. Professional at confident ang dating ko. Kahit sa totoo lang, gusto nang umatras ng kaluluwa ko. “Kayang-kaya mo ito, Nona,” bulong ko sa sarili bago tuluyang naglakad papasok ng lobby. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa centralized air conditioning. At napa-wow ako. Mas lalo akong natulala sa loob. The lobby welcomed me with glossy white mar

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 6

    Winona's POVIlang beses kong ipinaliwanag sa kambal na nagbibiro lang ako kanina kaya huwag nilang seryosohin ang tungkol sa magazine.“Hindi talaga siya ang daddy ninyo,” sabi ko habang nakapameywang sa harapan nila.Parehong nakatingin sa akin sina Brix at Bea habang seryoso ang mga mukha na para bang may board meeting kaming tatlo.“Promise?” hinalang tanong ni Bea.“Yes, promise.”“Pero kamukha niya si Brix,” giit niya.“Maraming gwapo sa mundo na magkakamukha,” mabilis kong depensa kahit ako mismo ay hindi kumbinsido sa sariling sinabi.Lalo lang naningkit ang mga mata ni Brix. Pakiramdam ko ini-scan na naman ako ng batang ito gamit ang invisible lie detector niya.Napabuntong-hininga ako bago lumuhod sa harapan nila.“Listen, babies,” mas malumanay kong sabi habang inaayos ang buhok ni Bea. “Kapag nakahanap na ulit si Mommy ng work, hahanapin natin ang daddy ninyo. Okay?”Biglang lumiwanag ang mga mata nilang dalawa.“Really?!” sabay nilang tanong.Napangiti ako nang mahina kah

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 5

    Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong klaseng condo. “Wow, ang ganda dito sa condo mo, Nona! Yayamanin!” manghang sabi ni Jane habang bitbit ang ilan naming gamit. Napangiti ako habang inilalapag ang handbag ko sa sofa. Malaki ang condo. Modern ang interior, may floor-to-ceiling windows pa na tanaw ang city lights. Tahimik din ang buong paligid, sobrang layo sa buhay na kinalakihan ko noon. “Hindi ko rin akalain na ibibigay lang talaga sa akin ito,” sabi ko habang inaayos ang ilang grocery sa kusina. “Ang bait naman ng boss mo,” sabi niya. Napatawa na lang ako nang mahina. “Siguro nabaliw lang siya.” “Sana mabaliw rin boss ko para bigyan ako ng ganitong condo.” sabi niya habang naglilibot ang mga mata. Naiiling na

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 4

    Winona’s POV Limang taon ang lumipas.... “Brix, Bea, hold your suitcase. We’re going home now,” nakangiting sabi ko habang inaayos ang sunglasses ko. Sabay namang tumango ang dalawang bata, parang mga mini adults na sanay na sa airport chaos kahit apat na taong gulang pa lang sila. “Mommy, mabilis po ba yung ride?” tanong ni Bea, bitbit ang maliit niyang pink na maleta na halos mas malaki pa sa kanya. “Depende sa traffic, baby,” sagot ko, sabay pisil sa mamula-mula niyang pisngi. “Meaning… matagal,” bulong ni Brix na parang expert na sa buhay. Napailing na lang ako. “Sino ba ang nagturo sa inyo ng ganyan?” “Si Mommy po,” sabay nilang sagot. Whatever... umikot ang eyeballs niya at nagpatuloy sa paglalakad. Paglabas namin ng arrival area, agad kong nakita ang kumakaway kong matalik na kaibigan. “Nona! Nona! Welcome home!” “Jane!” masiglang tawag ko pabalik. Parang walang limang taong lumipas sa kanya, ganun pa rin ito kaingay, ka-energetic, at mukhang laging r

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 3

    Winona's POV Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin. Basta ang alam ko lang, sa sumunod na segundo ay nakakapit na ang dalawang kamay ko sa leeg ng lalaki habang tuluyan kaming nilalamon ng isang mainit at mapanganib na halik. Mabuti na lamang at hindi siya umiwas. Hindi ako napahiya, pero nakakabaliw… Dahil sa tagal naming magnobyo ni Jonathan, ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ganitong klaseng excitement mula sa isang halik pa lang. Parang may kung anong sumasabog sa dibdib ko. Isang mainit, nakakahilo at nakakaadik na pakiramdam. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baywang ko, tila handa pa niya akong hilahin palapit sa kanya hanggang sa wala nang matirang distansya sa pagitan namin. At hindi ko rin iyon tinanggihan. Our kisses became hotter, deeper and more possessive. Parang pareho na kaming nawala sa matinong pag-iisip. Siguro dahil pareho kaming sugatan ngayong gabi, parehong pagod at gustong takasan kahit saglit ang mga problemang pasan na

  • MY TINY MATCHMAKERS   CHAPTER 2

    Winona's POV Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin habang nakasandal sa railing ng rooftop, nakatingala sa madilim na langit ng Maynila. May hawak siyang wine glass sa isang kamay habang ang isa naman ay nasa bulsa ng slacks niya. Parang kanina pa siya dito sa rooftop. And he looked tired. Hindi iyong simpleng pagod lang dahil sa trabaho kundi iyong tipo ng pagod na parang matagal nang pasan ang mundo pero nakakainis pa rin dahil kahit mukhang emotionally unavailable siya, gwapo pa rin talaga siya. At overwhelming ang aura niya. Kung nakasuot siya ng mask, malamang isa siya sa mga bisita sa masquerade ball na inorganize ko sa baba. Kaya nga pati ako ay nakasuot pa rin ng silver mask ko. Sayang. Hindi ko man lang makita nang maayos ang mukha niya pero sigurado akong gwapo siya. Iyong tipong red flag pero mukhang mabango. Napangiwi ako sa sariling isip. Great. Naloko na nga ako ng boyfriend ko, attracted pa ako sa stranger. “Why are you st

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status