LOGINWinona's POV
Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin habang nakasandal sa railing ng rooftop, nakatingala sa madilim na langit ng Maynila. May hawak siyang wine glass sa isang kamay habang ang isa naman ay nasa bulsa ng slacks niya. Parang kanina pa siya dito sa rooftop. And he looked tired. Hindi iyong simpleng pagod lang dahil sa trabaho kundi iyong tipo ng pagod na parang matagal nang pasan ang mundo pero nakakainis pa rin dahil kahit mukhang emotionally unavailable siya, gwapo pa rin talaga siya. At overwhelming ang aura niya. Kung nakasuot siya ng mask, malamang isa siya sa mga bisita sa masquerade ball na inorganize ko sa baba. Kaya nga pati ako ay nakasuot pa rin ng silver mask ko. Sayang. Hindi ko man lang makita nang maayos ang mukha niya pero sigurado akong gwapo siya. Iyong tipong red flag pero mukhang mabango. Napangiwi ako sa sariling isip. Great. Naloko na nga ako ng boyfriend ko, attracted pa ako sa stranger. “Why are you staring at me like that?” bigla niyang tanong. Napakurap ako dahil nahuli niya akong nakatingin. “Huh?” “You’ve been looking at me for almost a minute.” Napasinghap ako bago mabilis na umiwas ng tingin. “I was not staring.” “You were.” “I was judging.” Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. “That’s worse.” Napatawa ako nang mahina habang muling tumungga sa bote ng wine. “Sorry. Occupational hazard.” “Event coordinator ka?” Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagtaka. “How did you know?” He gave me a quick once-over, parang inaaral niya ako na parang puzzle. “You look like someone who manages chaos for a living.” sabi niya pero tinuro niya ang badge ID ko at may nakasulat na 'Event Coordinator.' Napabuga ako ng hangin, then natawa nang mahina. “Okay… medyo tama.” “And slightly dangerous,” dagdag niya, kalmado lang ang boses. “Excuse me?” kunwari'y na-offend ako habang nakataas ang isang kilay ko. “Very professional ako, thank you.” Tumango siya. “Really?” sabi niya, bago tumingin sa hawak kong wine. “You look like you’re one inconvenience away from declaring war on someone’s entire family tree.” Napatawa ako nang malakas. At doon ko napansin, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Parang hindi rin niya inaasahang mapapangiti siya. 'Interesting.' “So…” kalmado niyang saad. “So, what happened?” Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa city lights. Hindi ko rin alam kung bakit nagkukwento ako sa isang estranghero. “Seven years,” mahina kong ulit. “Seven years kong minahal iyong lalaking iyon.” At kahit lasing na ako nang bahagya, ramdam ko pa rin ang hapdi sa dibdib ko. “He proposed tonight,” mapait kong dagdag. “Hindi nga lang sa akin.” Tahimik lang siyang nakinig. Walang pity, walang fake comfort at weirdly enough… mas gumaan iyon sa pakiramdam ko. Gusto ko lang yatang maglabas ng sama ng loob sa isang taong hindi ko kilala. Para hindi ako ma-judge. “Alam mo iyong mas nakakainis?” natawa akong umiiling. “Ako halos ang sumuporta sa kanya noon.” Bahagya siyang napalingon sa akin. “He had nothing when we started.” Napangiti ako nang mapait. “Ako ang nagbabayad ng tuition niya noon, minsan pa nga ng bills niya. Ako gumagawa ng projects niya. Ako sumasalo sa kanya kapag may problema siya.” Napatawa ako nang mahina. “Tapos ngayon… may iba na palang babeng pakakasalan.” May kaya lang naman ang pamilya ko at hindi kami mayaman pero nagawa kong makapagtapos ng pag aaral dahil sa sarili kong pagsisikap, nag trabaho ako sa isang catering services bilang reliever, pero ako pa minsan ang taya sa mga dates namin ni Jonathan noon. Hanggang sa magtapos ng kolehiyo, nagawa kong maging regular sa pinagtatrabahuhan ko hanggang sa ipromote akong event coordinator. At sabihin na ng iba na napakalaking tanga ko dahil ako ang nagpa-aral kay Jonathan sa gusto nitong kurso. Akala ko kasi ay mahal din niya ako at kami hanggang sa pagtanda namin, pero niloko lang niya ako. Hindi kumibo ang lalaki sa tabi ko pero ramdam kong nakikinig siya. “I guess people change,” aniya pagkaraan ng ilang segundo. “Or maybe,” umiwas ako ng tingin habang pinipigilan ang kurot sa dibdib ko, “people only show their real faces when they finally get what they want.” Muli siyang natahimik. At sa kung anong dahilan, parang may kung anong dumaan sa mga mata niya. Something dark. Something personal. Napakunot-noo ako. “Ikaw?” “Hm?” “You look like you also hate the world tonight.” Bahagya siyang natawa habang iniikot ang whiskey sa baso niya. “Maybe I do.” “Girlfriend problem?” “Something like that.” Naningkit ang mga mata ko. “Oooh.” Tinuro ko siya. “Cheater din?” “Fiancée.” Napasinghap ako. “Wow.” Napailing ako. “Rich people really have commitment issues, huh?” Muli siyang tumawa, medyo hindi ko inaasahan na bagay sa malamig niyang aura. “Do you always talk this much when drunk?” tanong niya. “Yes.” “Dangerous.” “I know.” Saglit kaming natahimik, nang muling umihip ang malamig na hangin. Napahawak ako sa railing dahil bahagyang bumuway ako, tila ba umikot ang paligid dahil na rin sa dami ng ininom ko. “Masyado yatang naparami ang inom ko…” natatawa kong bulong habang nawawalan ng balanse. Mabilis naman siyang kumilos. Agad niya akong nahawakan sa beywang bago pa ako tuluyang matumba. Napasinghap ako nang mapadikit ako sa dibdib niya. At dahil sa pagkakabuwal ko, aksidenteng nagdikit ang mga labi namin. Pareho kaming natigilan. Naramdaman ko ang mainit at malambot niyang labi. Dapat ay umatras ako at itinulak ko siya pero nang magtagpo ang mga mata namin sa likod ng mga maskara… parang may kung anong humila sa akin pabalik. At bago ko pa napigilan ang sarili ko, ako na mismo ang unang humalik sa kanya.RAFAEL'S POV Hindi ko na maalala kung kailan ako huling pumunta sa isang playground. Marahil... noong bata pa ako. Pagkatapos noon, puro conference rooms, business meetings, investors, acquisitions, at boardrooms na lang ang naging mundo ko. Kaya habang pinagmamasdan ko sina Bea at Brix na naghahabulan sa damuhan. Hindi ko maiwasang mapangiti. Napakasimple lang ng kaligayahan nila at nakakahawa. "Daddy CEO!" Masayang sigaw ni Brix. "Catch us!" Napailing ako. "Are you sure?" Tumango silang pareho. "Yes!" Bigla silang tumakbo sa magkasalungat na direksyon. Napailing na lamang ako bago sumunod. "Hey! Don't run too fast!" Halakhakan ang sumunod. Habang si Winona naman ay nakaupo pa rin sa swing, pinagmamasdan kaming tatlo. Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakangiti. Hanggang sa marinig ko ang mahina niyang tawa. Napalingon ako. Doon ko siya nakita. Hindi na mabigat ang ekspresyon niya. Wala na ang lungkot na kanina ko pa napapansin. Mas gusto ko siyang makita nang ga
WINONA'S POVTahimik ang biyahe namin pauwi. Nakaupo ako sa passenger seat habang tahimik na pinagmamasdan ang mga sasakyang dumaraan sa labas ng bintana. Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga sinabi ng Investigation Team. Parang kahit anong pilit kong alalahanin. Wala talaga akong maalala. Hindi ko alam kung sino ang may dahilan para gawin iyon o mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ako, at anong kasalanan ko para gawin iyon sa akin.Napabuntong-hininga ako.Hindi ko namalayang napatingin na pala sa akin si Rafael. Sandali siyang nanahimik bago nagsalita."You're unusually quiet."Napalingon ako sa kanya. Nasa manibela pa rin ang isang kamay niya habang ang isa nama'y nakapatong sa gear shift. Kahit nakatutok ang mga mata niya sa kalsada, ramdam kong napapansin niya ang bawat kilos ko."I'm okay." sagot ko.Hindi siya agad nagsalita. Alam kong hindi siya naniniwala."You're still thinking about the investigation."Hindi iyon tanong. Isa iyong katiyakan. Napabuntong-hininga
RAFAEL'S POV "Sir." Tumayo ang IT Supervisor at tahimik na inilapag ang isang folder sa conference table. "We've finished examining the digital records." Tumango ako. "Go ahead." Ilang araw na kaming abala sa imbestigasyon. Habang tumatagal, mas lalo kong napapatunayan ang isang bagay. May taong sadyang gustong idiin si Winona. Tahimik akong nakaupo sa pinakadulong bahagi ng mesa kasama ang Investigation Team. Sa harapan ko ay nakalatag ang dalawang kontrata. Ang isa ay dalawampu't limang milyong piso habang ang isa naman ay limampung milyon. Magkapareho ang lahat ng detalye. Maliban sa tatlong pahina. Binuksan ng IT Supervisor ang projector. Lumabas ang timeline ng dokumento. "The original contract stored in our secured server has never been altered." Nagpalit ang slide. "The final editable file still contains the original contract value." Lumabas sa screen ang kabuuang halaga. ₱25,000,000.00 Tahimik kong pinagmasdan iyon. Ibig sabihin, hindi sa comp
EVA'S POV Hindi ko kailangang magsalita nang direkta. Sa isang malaking kumpanya. Mas mabilis kumalat ang tsismis kaysa sa opisyal na memorandum. Tahimik akong naglalakad papunta sa pantry nang marinig ko ang usapan ng ilang empleyado mula sa Accounting Department. "Narinig mo ba?" "May problema raw sa CSR Project." "Oo nga. Pero confidential daw." Kunwari'y wala akong interes habang nagtitimpla ng kape pagkaraan ng ilang segundo, saka ako nagsalita. "Confidential?" Napalingon sila sa akin. "Ah... Ms. Eva." Ngumiti lang ako. "Huwag na kayong magtanong." Mahina kong sabi na para bang may alam ako ngunit ayaw kong magsalita. "Basta... Sana maayos agad." Nagkatinginan silang tatlo. "Ano pong nangyari?" Napailing ako. "I shouldn't be the one telling you." Kinuha ko ang tasa ng kape pagkatapos ay nagkunwari akong may nasabing hindi dapat. "Sayang lang. Magaling pa naman si Ms. Sanchez." Tahimik akong lumabas ng pantry. Hindi ko na kailangang magsabi
RAFAEL'S POVLumipas ang dalawang araw ngunit sa halip na lumiwanag ang imbestigasyon. Mas lalo lamang itong naging magulo.Tahimik akong nakatayo sa harap ng salaming dingding ng opisina ko habang pinagmamasdan ang abalang lungsod sa ibaba.Nalalapit na ang nakatakdang araw para sa opisyal na launching ng CSR Project. Libu-libong school supplies ang kasalukuyang ginagawa sa warehouse ng Diamond Educational Supplier. Hindi na maaaring maantala pa ang proyekto ngunit hindi rin maaaring balewalain ang nangyaring anomalya.Isang katok ang umagaw sa isip ko."Come in."Pumasok sina Claire, ang Head ng Internal Audit, at ang IT Supervisor. Halata sa mga mukha nila ang bigat ng dala nilang balita."Sir..." Nagsalita ang Audit Head. "We finished tracing the movement of the physical contract."Tahimik akong naupo."Tell me."Binuksan niya ang isang folder."After you signed the contract... It was personally received by Ms. Winona Sanchez."Tumango ako."I know." Sabi ko. "According to the Re
RAFAEL'S POV Tahimik ang buong conference room. Naroon sina Claire, ang Finance Director, Head ng Legal Department, Internal Audit Manager, at IT Supervisor. Walang sinuman ang nagsasalita habang isa-isang inilalatag sa mesa ang lahat ng dokumentong may kaugnayan sa Diamond Educational Supplier. Napatingin ako sa kontratang nasa harapan ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na may pirma ko iyon. "I want a complete timeline." Mahinahon kong utos. "From the moment the contract was drafted until it reached Finance." Tumango ang Internal Audit Manager. "Yes, Sir." Tumayo si Claire at binuksan ang projector. "The draft contract was prepared by Ms. Winona Sanchez." Lumabas sa screen ang unang file. "It was reviewed by Legal." Sunod na slide. "After Legal's approval, the final copy was printed and personally brought by Ms. Sanchez to your office." Tumango ako. "I remember. I signed it in front of her." sagot ko. "Lahat ng pages, sir?" Tanong ng Legal Head. Tumango ak
Winona's POV Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin. Basta ang alam ko lang, sa sumunod na segundo ay nakakapit na ang dalawang kamay ko sa leeg ng lalaki habang tuluyan kaming nilalamon ng isang mainit at mapanganib na halik. Mabuti na lamang at hindi siya umiwas. Hind
Winona's POV Pagod akong napabuntong-hininga habang inaayos ang headset sa tenga ko at mabilis na chine-check ang setup ng grand ballroom ng Stravezki Hotel. “Miss Sanchez, confirmed na po iyong fireworks cue mamayang ten?” tanong ng isa sa staff ko. “Yes. And make sure walang magkakamali sa
WINONA'S POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bahagyang nakasiwang na kurtina. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at ilang segundo munang nakatitig sa kisame bago sinulyapan ang digital clock sa bedside table. Nakita kong alas sais na ng umaga. Napabuntong-hininga ako.
Winona's POV Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa condominium ko. Dating pagmamay-ari iyon ng boss ko sa Singapore. Noong mag-end ang contract ko sa kumpanya nila, ibinigay niya iyon sa akin bilang bonus. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ako ng ganitong kla







