"ISANG ANGHEL NA BUMABA SA LUPA AT SA AKIN NAKA TADHANA."
Sumubsob ako sa unan upang tumili. Simpleng salita pero ang lakas ng tama sa akin. Ramdam ko na namula ang aking magkabilang pisngi,at nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko. Binasa ko pa ulit ang sulat at impit na tumili, pero agad rin itong nabura." Ano kaya ang ibig sabihin nitong sulat niya?" tanong ko sa sarili."BUMABA SA LUPA AT SA AKIN NAKA TADHANA,naka tadhana na ano?" Nalilito na tanong ko sa sarili, bahala na nga.Niligpit ko ang aking mga gamit.Ang kanyang mga sulat ay isinilid ko sa isang kahon kasama nang mga sulat galing sa iba, itago ko ang mga ito for remembrance. Pati ang mga sulat ni Jayvee sa akin noon ay nandito rin, darating ang araw bubuksan ko uli ito at babasahin.Matulog na sana ako ng maalala ko ang usapan namin ni Mea,agad akong bumangon at lumabas ng kwarto,manghiram ako ng damit ni kuya."Kuya!" tawag ko. Narinig ko ang boses niya sa labas,pag dungaw ko ng bintana,ayon nagbilyard na naman."Pahiram ng damit mo kulay pula. ""Hanapin mo doon,baka nasa labahan yon," sagot nito habang sinisipat ang bola na titirahin.Hindi ko na siya sinagot at dumiritso agad ako sa labahin.Laglag ang balikat ko ng makita na nandoon ang pulang damit niya.Dumiritso ako sa kanyang kwarto para maghanap baka mayroon siya doon,nasa labahan rin kasi ang akin.Nang maka pasok ako,nahiya naman ang kwarto ko sa kwarto ng kuya ko.Malinis at ang ayos ng gamit,hindi halata na kwarto ng isang lalaki dahil organized lahat ng gamit niya.Pati ang kanyang mga damit ay naka organized rin,bawat helira ay iisang kolor,kung wala lang girlfriend itong kuya ko mapagkamalan ko itong bakla base sa ayos ng gamit niya.Ika nga nila 'Dont judge the book by it's cover' naks,baka nga bakla talaga ang kuya ko at pinilit niyang magka girlfriend para pagtakpan ang kanyang tunay na pagkatao.Kinilabutan ako sa aking inisip, kinuha ko na lang ang pakay ko at lumabas ng kwarto.Mabuti pa't matulog na,maaga pa ako bukas.Ngunit ako ay tinanghali ng gising dahil hindi ako makatulog ng maayos dahil sa rebelasyon ni Kj.Tinanghali tuloy ako."Twinny!" na gagalak na tawag sa akin ni Mea ng makita niya ako.Naka-abang siya sa gilid ng gate.Red stripe shirt ang suot niya, naka black pants at rubber shoes.Mahilig talaga sa rubber shoes ang babae na'to.Sa birthday niya rubber shoes ang iregalo ko dito."Halatang hindi sa'yo ang damit,kanino mo inarbor 'yan?" puna niya kaagad ng makalapit ako."Sa kuya ko."Hindi agad kami pumasok,hindi naman kami cleaners kaya tumambay muna kami dito sa gilid ng gate sa tapat ng pader at nag-uusap ng kung anu-ano. Tungkol sa isyu namin ni Diane, naglaho lang iyon na parang bula,tatlong araw mula noong insedente ay wala na akong narinig na tsismis tungkol doon at ipinag pasalamat ko iyon.At hindi narin siya nag tangka na lumapit sa akin, ngunit iniismiran niya ako sa tuwing makita niya ako.Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Mea ay may nag-abot ng nakatuping papel sa akin.Napa hugot ako sa aking paghinga ng pag-angat ko ng tingin ay si Kj pala ang nag-abot niyon.Si Mea nasa aking tabi ay ang laki ng ngiti at nagpipigil sa kanyang kilig.Walang salita na lumabas sa aking bibig, tiningnan ko ang sulat na inilahad niya at balik tingin uli sa kanyang gwapong mukha. Bakit ang perpekto naman pagkahulma ng mukha na'to."Wow, couple shirt sila o!"Agad akong tumingin sa aking damit at sa damit ni Kj, parehas nga kami. Red shirt na may naka print na Levies sa bandang dibdib. Class A lang itong akin, huwag kayong ano. Sinamaan ko ng tingin si Mea pero ang gaga sinuklian ako ng mapanuksong tingin."Mag response ka."Iyon lang ang sinabi niya at kinuha ang kamay ko upang ilagay ang sulat. Pakiramdam ko na kuryente ako ng sandaling mag dikit ang aming kamay. Hanggang sa maka-alis na siya ay ramdam ko parin ang mainit niyang palad sa aking kamay. Ang lambot ng kamay niya, nahiya naman ang magaspang kung kamay."Ang gwapo niya parin kahit mukhang masungit."" Crush mo ba siya?" Wala sa loob na tanong ko."Oo naman syempre," napatingin agad ako sa kanya dahil sa kanyang sagot.Mahina niya akong hinampas sa braso at niyakap ako. "Crush ko siya dahil gwapo siya at ang lakas ng sex appeal,hindi dahil crush ko siya in a romantic way, "umangkla siya sa aking braso. " Ayoko maging karibal ang kambal ko."" Pwede bang sakalin kita kahit isang beses lang?" Pabiro na tanog ko sa kanya at sabay kaming tumawa.Noong flag ceremony namin,ay third year ang nakatuka na mag taas ng watawat,at kasama si Kj doon. Sakto naman na nasa unahan kami ni Mea banda kaya kitang kita namin siya.Tinutukso pa ako ni Mea sa likuran ko dahil pasulyap-sulyap si Kj sa aming puwesto."Kapag tayo nakita ni Principal, good bye friendship talaga tayo," pagbabanta ko sa kanya at epektibo naman dahil tumigil siya.Pahilim na sinulyapan ko si Kj, seryoso ang kanyang mukha,ngunit kay sarap titigan hindi nakakasawa. The perfect shape of his jaw, his pointed nose, and his eyes that make me seem to melt every time he looks at me."Baka matunaw 'yan,kabahan kana at baka your dream will never come true. "Pakiramdam ko nalaglag ang puso ko sa gulat ng bumulong si Mea sa akin. Hawak ang aking dibdib ay lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin, tina-asan lang niya ako ng kilay. Paano kung may sakit ako sa puso edi agad akong namatay dahil sa gulat.Ang pangit naman ng cause of death ko."Ang lalim naman ng imahinasyon mo bff," na nunukso na sabi nito, "tapos na po ang flag ceremony,tulaley ka parin."Nahihiyang nilibot ko ang aking paningin,isa-isa ng nagsisi-alisan ang mga estudyante sa kanilang linya."Ge, imagine pa," panunukso niya pa."Hindi a," tanggi ko at na unang maglakad."Sus! Deny ka pa, halata kana oi!""Hindi nga kasi, may iniisip lang ako.""Ano ang iniisip mo? O, sino ang iniisip mo?" Humarap siya sa akin at patalikod na naglakad."Kung maka pasa ba tayo sa long quiz ni Ma'am Nuñez mamaya, " sabi ko at nilampasan siya."Patay, hindi ako nag review ka gabi," nag pa-panic na sabi niya at nag madali sa paglakad at na una sa akin.Pagdating ko sa classroom, seryoso na nagbabasa si Mea ng kanyang Science notebook.Ang iba naming classmate ay nag ku-kwentuhan,may nag sa-soundtrip,may nag-aasaran.Para kaming nasa palengke sa subrang ingay,umupo ako sa aking upuan at lumingon kay Mea na nagbabasa parin hindi alintana ang ingay ng aming mga classmate."Tama na yan,wala si Ma'am, walang long quiz."Inambahan niya ako ng suntok pero na una na akong tumayo at tumakbo palabas ng room,hindi naman siya ka agad nakasunod dahil ang sikip ang mga upuan.Dumiritso ako sa likod sa aking tambayan at kinuha sa bulsa ng pants ko ang sulat ni Kj.I couldn’t help but to smile reading the letter he gave me.Sa sandaling nag response ako ng sulat niya ay hindi na iyon na tigil pa.We talk through writing, sa kadahilanang nahihiya ako sa tuwing lalapit siya sa akin.Writing is our way to talk to each other, hanggang sa."Hindi ako kontento na hanggang sulat lang tayo, sa ayaw at sa gusto mo mag-usap tayo ng harapan." Sabi nito na nagpa-kabog ng puso ko.Si Aldrix ay anak ni Kenneth kay April, apat na taong gulang.I don't know the whole story kung bakit sila nagkahiwalay at kung bakit nasa kanya si Aldrix at hindi kay April.~flashback~"May anak at asawa kana pala bakit gusto mo pang pasukin ulit ang buhay ko. Para ano? Para wasakin ulit ako?" Nanggalaiti sa galit na sambit ko nang malaman kung anak niya pala ang batang lumapit sa akin at tinawag akong nanay. Kung walang bata na naka kandung sa akin baka kanina ko pa ito pinagmumura. Kutang-kuta na siya sa pananakit sa akin tapos gagawa na naman siya ng panibago? Ul*l niya!"Hindi. Ano kasi.""Ano?" singhal ko sa kanya.Tinakpan ko ang tainga ng bata. "F*ck you!" Nagtagis ang ngipin niya ng murahin ko siya sa harap ng anak niya. Ul*l niya. Sapakin ko pa siya e."Ri."May pagbabanta sa boses niya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinakita kong galit ako sa kanya. "Huwag ka munang magalit-,""At bakit hindi?""Teka lang naman. Magpaliwanag ako.""Hindi na. Huwag ka ng magpaliwanag. Wala
It's been six years, pero hanggang ngayon siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip. Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili saan ba ako nag kulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya nang minahal. Siguro, dahil bata pa ako noon at ganon lang kadali na sa kanya na sugatan ang puso kong walang alam.Na ganon lang ka dali sa kanya na ako ay pag laruan dahil minahal ko siya nang lubusan.Sa nakalipas na anim na taon.Palagi ako nagdadasal na sana,sana isang araw bigla nalang maglaho itong nararamdam ko kasi hindi ko na kaya,gusto ko ng mawala ang ganitong pakiramdam dahil subrang sakit na. Proud ako sa sarili ko dahil sa kabila ng pinagdaanan ko ay nalampasan ko iyon na walang tulong galing sa iba kundi sarili ko lang at ang panginoon ang aking kasama. Nakapagtapos ako ng koleheyo at naka pundar narin ako ng sarili kong bahay at maliit na sari-sari store . "Ri." Ang malalim nitong boses ang nagpatinag sa aking malalim na pag-iisip.Umangat ang tingin ko
Masakit na nga iyong ginawa niya akin tapos iyon pa ang sasabihin niya. Ipalaglag ko ang bata? Napakawalang-hiya niya. Hindi totoong buntis ako dahilan ko lang iyon baka sakali na iyon ang maging rason para balikan niya ako, ganon ako ka desperada para maging akin siya ulit pero hindi ko naman akalain na ganon ang isagot niya sa akin. Paano kung totoong buntis ako? Edi kawawa ang maging anak ko na may tatay siyang walang kwenta na gusto pa siyang patayin. I blocked him on social media at binura ko ang number niya kahit kabisado ko naman at nangako ako sa sarili ko na simula sa araw na ito ay hindi na ako muling magparamdam sa kanya, sa kanila.Hindi na rin ako pumasok ulit sa isang relasyon. Na trauma na ako, kung masaktan man akong muli mas piliin kong sa kanya nalang palagi kaysa sa ibang tao dahil isa lang ibig sabihin non hindi ako natuto, wala akong natutunan sa kabila ng ilang lalaki na dumaan sa buhay ko at walang ibang ginawa kundi saktan at lukuhin lang ako.Sa nangyari sa
Yong higpit ng yakap niya ang kanyang mga halik at ang matamis na I love you hudyat na pala iyon na 'yon na ang huling beses na marinig at maramdaman ko mula sa kanya.Dalawang linggo ang lumipas nag text sa akin si Maricel,kaklase ko noong high school tinanong kung kami pa ba ni Kenneth,I said yes kasi hindi naman kami naghiwalay noong gabing yon. "Kayo pa?Pero bakit may kinakasama na siya?Kilala mo si April?Iyan ang kinakasama niya ngayon."Hindi ako nakasagot sa huling mensahe ni Maricel.April?Siya yong virgin niyang girlfriend na nagalaw niya.Natawa ako ng mapakla.Kaya pala hindi na siya nagparamdam sakin after may nangyari samin dahil may kinakasama na pala siya.Ang sakit lang minaHal ko saya ng subra pero all this time virginity lang pala habol niya.Akala ko sapat na,akala ko minahal niya talaga ako pero hindi pala.Kaya ba inalok niya ako ng kasal noon dahil lang sa bagay na ito? Gusto niya akong pakasalan dahil lang sa s*x? At kapag laspag na ay iiwan rin ako? At may i
Warning: Slight SPG. Not suitable for young readers. Masakit. Pero manhid na yata ang puso ko sa paulit-ulit na sakit na dinulot niya sa akin. Binura ko ang mensahe at tiningnan ng masama si Kenneth kung saan siya naroroon. Nang maibalik ko sa kanya ang sim card niya ay lumayo siya sa akin dahil ayaw ni Joy na dumikit siya sa akin. Busy siya sa kanyang cellphone ni hindi niya ako ma sulyapan kahit saglit sa kanyang pagka abala. Nagsisi ako. Sana hindi ko lang binasa ang mensahe at binura agad.Tulala akong nanonood sa mga taong masayang nag sasayawan. Kahit malakas ang tugtog pakiramdam ko sinisigaw sa aking harapan ang mensaheng na basa ko. Maya-maya ay muli siyang lumapit sa akin. Naka ngiti pa ang g*g*."Bhe pahiram ng cellphone mo," malambing na ani nito sa akin."Bakit? Aanhin mo ang cellphone ko? " malamig na tugon ko sa kanya." Titingnan ko lang baka naiwan ang number ni ante diyan wala kasi dito sa akin. "Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.'Talaga ba? Number ng ante mo o b
Mahigit isang taon akong naghintay sa kanya kahit wala siyang paramdam sa akin naghintay parin ako tapos ito ang balitang matanggap ko?Ako ?Ex-girlfriend niya?Tapos yong tumawag sa akin ay ang girlfriend niya.T*ng*n* naman!Ang lupet mo Ken. Sobra! Nagpalit kaagad ako ng number pagkatapos kong patayan ng tawag yong babaeng nagpakilala na girlfriend ni Kenneth. P*t*!Ang sakit.Naghintay ako. Umasa ako na baka isang araw bumalik siya sa akin at maging maayos na ang lahat pero hindi ko naman akalain na may tatawag sa akin at magpakilala na girlfriend niya. T*ng*n*! Inaasahan ko naman na mayroon siyang ibang girlfriend pero p*t* ang sakit lang na kailangan niya pang ibigay sa babae na yon ang number ko. Para ano? Para kompermahin na break na kami? G*g* siya. May pangako pa siyang nalalaman tapos ang ending ipangalandakan niya sa bagong girlfriend niya na hiwalay na kami. Ni hindi nga siya tumawag para makipaghiwalay sa akin e. Ginost pa nga ako .Ilang taon na naman ba ang hintayin ko pa
Akala ko hindi na niya ako ulit iiwan na manatili na siya rito at ipag-patuloy ang kanyang pag-aaral pero sa isang iglap nagbago na naman ang kanyang desisyon ngunit hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang may sakit na kapatid. Lokong Rose muntik na akong maniwala sa sinabi niyang magtatanan si Kenneth. Maki balita nalang mali pa.May mag tanan bang magpaalam sa jowa niya? Loko. May kapatid si Kenneth na babae, she's a months old now.Bunso nila at may sakit ito sa puso, butas ito nang ipinanganak siya.Mahal na mahal niya ang kanyang kapatid to the point na kailangan niyang isakripisyo ang kanyang pag-aaral para lang maka ipon ng pera pang pagamot dito. Isang linggo na mula noong umalis siya. I miss him. Kahit madalas kaming magka text at call iba parin noong nandito siya na nagkikita kami kahit isang beses na isang linggo ngayon wala na kontento nalang sa text at tawag."Fahrhiya may naghahanap sayo.""Ha? Sino?""Basta. Sumunod ka na lang. Nandoon siya sa purok ng Mabini
Tinagurian akong matalino sa klase pero pagdating sa pag-ibig ang b*b* ko hindi na ako natuto, hindi pa din ako natauhan sa ginawa niya sakin, dahil isa lang ang gusto ko ngayon ang maging akin siya ulit.Magkahawak kamay at pareho kaming walang kibo habang naglalakad.Walang salita na gustong lumabas sa bibig ko naging kontento na ako na nandito siya sa tabi ko. "Hindi ko alam na nag-aral ka pala ulit," basag ko sa katahimikan.Bumitaw siya sa aking kamay at umakbay sakin." Umm, kailangan e."Katahimikan ulit. Ayoko na magsalita at baka ma ungkat ang nakaraan na ayoko ng balikan."Sorry kung ngayon lang ako bumalik, hindi ko kasi kaya na agawin kita sa pinsan ko."Tumingin ako sa kanya. " Sorry-, "Bigla niya akong kinabig papalapit.Mabilis na hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at walang pasabing siniil ng halik ang aking mga labi. Napatunganga ako. Hindi ako gumanti ng halik ngunit kusang bumuka ang aking mga labi sa pagkabigla. Ramdam na ramdam ko ang malayang naka
Akala ko mababaw lang ang pagkagusto ko kay Kenneth na kapag magkaroon ako ng ibang boyfriend ay makalimutan ko na siya, na hindi ko na siya muling magustuhan pa pero bakit hanggang ngayon ay lunod na lunod ako. Ni hindi ko magawang kumapit sa iba upang makaahon.Tatlong taon na ang lumipas.Tatlong taon na wala akong balita sa kanya. At tatlong taon ko na ring inaasam na sana isang araw ay bumalik siya at muling magtagpo ang landas naming dalawa. Dahil hanggang ngayon gusto ko parin siya, I mean mahal ko parin siya.Noong naghiwalay kami ni Lian hindi na ako ulit pumasok sa isang relasyon kasi masaktan ko lang 'yong tao, paasahin sa wala kasi kahit anong gawin ko si Kenneth parin ang hinahanap ng puso ko."Tara, gala tayo," anyaya sa akin ni Kate."Saan?""Sa San Mateo, fiesta sa kanila ni Maricel punta tayo sa bahay nila."Si Kate ang bagong kaibigan ko simula noong bumalik si Mea ng Cebu sa parents niya nakakalungkot kasi siya lang ang close friend ko tapos nag transfer pa pero ay