“Seryoso ka, Maribel? Di mo ako jino-joke diyan?”“Opo naman, Ma'am. Mukha ba itong joke?” Sinulyapan niya ang itim na card na hawak niya.Mula kay Hades iyon. At hindi ko alam kung bakit niya ako binibigyan ngayon ng ganiyan. Nanliliit ang mata ko kay Maribel.“Ano ba naman, ma'am. Ba't ganiyan ka makatingin diyan? Hindi ko ninàkaw iyan, 'no? Sinabihan talaga ako ni Sir. Legit iyan!”“Defensive? Sinabi ko bang ninakaw mo? Iba iniisip ko, 'no.”“Bilhin mo raw lahat ng gusto mo. Dito na raw papasok lahat ng allowance mo. Sana all.” Ngumisi si Maribel.Kinuha ko agad sa kamay niya ang card. Mayàbang kong tiningnan kotse sa garahian.“Dahil diyan. May regalo ka sa akin, Maribel.”Namilog mata niya. Abot tainga pa ang ngisi.“Talaga po?!”Proud akong tumango sabay turo sa kotse sa garahian. Mas lalo tuloy lumaki ang mata ni Maribel.“Nakikita mo iyan, Maribel?”Sunod sunod ang pagtango niya.“Opo opo! Grabe naman kayo, ma'am. Hindi ko ini-expect na bibigyan mo ako ng regalo. Ang mahal mah
“I'm here, Hades. I'm safe, oh my gosh!” Boses iyon ni Obrey. Saktong pagkatayo ko ay agad kong natanaw na nakayakap na si Obrey kay Hades. Mabilis siyang nakatayo at tumakbo kay Hades. Naunahan pa ako.And then that happen. Tinamaan siya. Binuhat siya ni Hades. Pero agad ipinasa sa tauhan. Napaawang ang bibig ko nang sundan ang walang malay na si Obrey sa bisig ng tauhan ni Hades.“Dalhin mo sa pinakamalapit na hospital,”utos niya doon sa tauhan niya.Duguan pa si Hades mula sa pagkakabuhat sa duguang si Obrey kanina nang lapitan niya ako. Bakas ang matinding pag-aalala sa mga mata.Nagulat ako nang kabigin niya ako at binigyan ng mahigpit na yakap. Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Nagkakaputukan pa at yakap yakap niya ako.“Hades...” Tila di agad naproseso ng utak ko ang lahat.Shock pa ako sa barilan at noong makita kong tinamaan si Obrey. Tapos ito... yakap niya ako.“Si Obrey.” Mahina ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya.“Are you hurt? Are you okay?” Napamura siya a
“Ma'am! Ma'am!” Umagang umaga'y hyper si Maribel. Muntik pang madulas sa sahig. E naapakan niya iyong automatic na vacuum cleaner. Pagala gala kasi itong vacuum na 'to. “Bakit?!” Iritado ako pero nanatili pa rin akong nakapikit.Nagyo-yoga ako at naka-lutos position sa lapag. Gusto ko ng katahimikan pero naalala kong nag-e-exist ang maingay na si Maribel. “Nasa baba si...” Humihingal pa siya.Napabuntong hininga ako. “Sino?” Sinulyapan ko siya.Wala na akong choice kundi ang tumayo. Kung si Hades lang 'yan o iyong crush niyang si Asthon, ay sasamain talaga ito sa'kin. “Nandiyan si...” Humingal na naman siya.Napakunot ang noo ko. Natagtag ba fats nito sa pagtakbo at ganiyan na lang makahingal? “Sige, bigyan kita ng isang oras para humingal diyan. Ligo muna ako.” Akmang tatalikod na ako pero bigla siyang nagsalita.“Sandali!”Napaatras ako sa lakas ng sigaw niya.“Wala nang oras para magtagal, ma'am. Nandiyan sa baba ang step mom ni Sir Hades.”“Mama ni impakta?” Nagkasulubong ki
“Walang tawad diyan?” Ngumisi ako sa tindera ng bulaklak. Napaismid siya.“Si Ma'am talaga. Mukhang yayamanin naman iyong asawa niyo. Tatawad pa talaga.” Sinulyapan niya si Hades na nakapamulsa sa unahan.“Mukhang mayaman lang yan pero butas din bulsa niyan,”bulong ko sa kaniya.“Si ma'am talaga. Ang mahal-mahal ng suot, oh. Mukhang mamahalin ang damit.”Pinanlisikan ko ng mata si Hades no'ng maglabas ng mamahaling cellphone. May sinagot itong tawag pero kunot noong binaba noong makita akong nanlilisik ang mga mata sa kaniya.Dumedeskarte ako dito para makamura, e. Tapos siya diyan nagpapahalata.“Ayon. Latest na íphóne 'yon, 'di ba? Ang mahal-mahal no'n-”“Uso installment ngayon, 'no! Hello? First time mo ba sa earth?”agad kong sansala. Napabuntong hininga ako. “Kung ayaw mong magpatawad, sige 'di bale na lang. Sayang ibibigay ko pa man din sana 'yan sa Papa ko. Makakalaya na kasi siya mamaya, welcome gift ko sana.”Kumunot ang noo niya. “Nakulong Papa mo, ma'am? Anong kaso?” Aba!
Gaya ng gusto ni Ma'am Olga. Bumisita ulit kami doon. Nag-bake kami. Tinuruan niya ako at maayos naman ang takbo ng usapan namin. Minsan pumapasada sa kusina si Obrey para tarayan lang ako.“Obrey, honey. Come here. Subukan mo itong niluto namin. I think it's fine but-”“You thinks it's fine, right? So be it. That's fine. Kailangan pa ba ako diyan? At isa pa, wala akong ganang makipagplastikan sa isa diyan,”sansala ni Obrey sa sasabihin pa dapat ng Mama niya.Nilampasan niya kami sa kusina at padabog na umakyat. Kita mo iyong isang 'yon. As if naman na gusto ko ring makipagplastikan sa kaniya. The feelings is mutual, 'no!“What did you say- Oh, my God, Obrey! Come back here!” Gusto pa yatang sundan ni Ma'am Olga ang anak niyang ulíkba.Pero di na siya pinakinggan ni Obrey. Kung ako mama no'n tapos ginanon ako? Naku! Papaluín ko ng hanger 'yon sa pwèt.“Sorry sa inasta niya. Gano'n talaga siya.” Nagpaliwanag agad si Ma'am Olga pagkababa niya.Ayaw pa kasing aminin na ampon niya lang ang
Wearing a cream color casual dress. Bumaba ako para salubungin sa baba si Mrs. Mondejar. Mas nauna siyang dumating na 'di ko inasahan. Hindi ko inakalang maaga siyang darating dito sa bahay.Pinilit kong ngumiti sa pagbaba ko. She's busy with her phone nang maabutan ko sa sala. Agad siyang tumayo nang makita ako.“Hija, hello!” Agad siyang bumeso sa akin. Maayos akong nakipagbeso sa kaniya.Agad niyang hinagod ng tingin ang katawan ko at ngumiti. “You look fine my Dear!”“S-Salamat po.” Alanganin akong napangiti. Hindi ko naman kasi forte ang makipagplàstikan. Hindi ko lang inasahang ganito siya kagaling sa ganitong bagay. Plastic as it finest talaga. Mas mabuti pa nga yata si Obrey, e. Kasi hindi niya tinatago ang totoong ugali niya. Di tulad dito sa Mama niya.“Let's go?”Deretso kami sa coffee shop na tinutukoy niya. Unang pasok sa lugar ay amoy mo agad ang bango sa paligid. Nakaupo ang mga mayayamang costumer sa kaniya kaniyang pwesto. At may reservation kami.Nalula ako sa mga
“Magkano dito?” Nagtanong iyong babaeng naka-heavy make-up kahit tanghaling tapat. Akala mo pók-pók na naabutan ng umaga.Pinisil niya iyong talong na kanina lang ay tinuro niya. Makapisil naman 'to akala mo pumipisil ng bayàg. May pwesto ako dito sa palengke. Iyong nakuha kong pera kay Hades ay binili ko ng pwesto dito sa palengke. Ito na rin ang bumubuhay sa amin ngayon. Kung anu-ano na lang ang binebenta ko dito. Isda, karne, gulay, tuyo. Basta ba alam kong makakabawi ako sa puhunan ko. “40 isang kilo.” Nagpatuloy lang ako sa paghihiwa ng gulay na gagawin ko ring sari-sari. “Ang mahal naman. Iyong sa kabila 30 na nga, e.” Napanguso ako. Bakit di siya doon bumili? Total mura naman pala doon. Paano ko mababawi ang puhunan ko kung isasagad ko pa ang presyuhan ko? “Huwag na nga lang.” Bumusangot pa iyong babae. Pagkatapos niyang pisil-pisilin ang mga paninda ko. Lalayasan na lang ako bigla ng gano'n na lang? “Hello my loves.”Nagulat ako nang biglang sumulpot si Waldo. Nakangisi
“Oh ba't kunti lang ang kinain mo?” Ilang subo pa lang iyong nakita ko tumayo na agad si Tinay. Aba! Hindi 'yan pwede. Ako ang mag-o-overthink ng malala sa palengke kapag nagutom 'to.“Mama, dalawang pinggan na iyong naubos ko puputok na tiyan ko.”“Paanong hindi puputok? Kanin at ulam ang pinapakain ko sa'yo hindi iyong pinggan. Iluwa mo iyong pinggan na'tin!”Bumusangot siya. Di na mabiro 'to. Mana talaga sa ama na seryoso. “Oh, siya. Huwag mong kakalimutan ang payong, ha. Mahal bili ko diyan,”paalala ko sa kaniya. Umuulan kasi ngayon. Pahirapan na sa byahe papuntang palengke. Bumili lang ako ng payong para sa anak ko. Kaya ko naman ang sumugod sa ulan. Humihina kasi ang benta ko nitong nagdaang buwan. Kaya di ako pwedeng gumastos sa kung anu-ano. Kung ikukumpara ang tindahan ko sa mga katabi kong tindahan sa palengke. Mas malaki iyong sa kanila. Iilang suki lang ang bumabalik sa akin para bumili. Pinupuntahan lang ako ng iba sa pwesto ko para mangutang. Hindi ako makabawi agad