Share

Kabanata 20

“Ma'am! Ma'am!”

Umagang umaga'y hyper si Maribel. Muntik pang madulas sa sahig. E naapakan niya iyong automatic na vacuum cleaner. Pagala gala kasi itong vacuum na 'to.

“Bakit?!” Iritado ako pero nanatili pa rin akong nakapikit.

Nagyo-yoga ako at naka-lutos position sa lapag. Gusto ko ng katahimikan pero naalala kong nag-e-exist ang maingay na si Maribel.

“Nasa baba si...” Humihingal pa siya.

Napabuntong hininga ako.

“Sino?” Sinulyapan ko siya.

Wala na akong choice kundi ang tumayo. Kung si Hades lang 'yan o iyong crush niyang si Asthon, ay sasamain talaga ito sa'kin.

“Nandiyan si...” Humingal na naman siya.

Napakunot ang noo ko. Natagtag ba fats nito sa pagtakbo at ganiyan na lang makahingal?

“Sige, bigyan kita ng isang oras para humingal diyan. Ligo muna ako.” Akmang tatalikod na ako pero bigla siyang nagsalita.

“Sandali!”

Napaatras ako sa lakas ng sigaw niya.

“Wala nang oras para magtagal, ma'am. Nandiyan sa baba ang step mom ni Sir Hades.”

“Mama ni impakta?” Nagkasulubong ki
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Jennita Velasco
hay bkit nka unlock
goodnovel comment avatar
Emily Asuncion
ang tsgal nmn po nang update...
goodnovel comment avatar
Melquesedes Figueroa Santiago
wag k maniwala jan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status