Share

Kabanata 3

“Huwag na lang kaya ako magdamit, Tiyang?” Binaba ko ang panghuling naka-hanger na damit. Anak ng tinapa! Wala na bang mas iikli pa sa mga damit na dala niya?

Inangatan niya ako ng kilay at namaywang.

“Kinulang ka ba sa buwan noong pinagbuntis ka kaya kinulang ka rin sa utak, Lurena?”

Napakamot ako sa buhok. Mamayang gabi na ang sinasabi niyang bidding. Hindi naman ako kagandahan, baka walang mag-bid sa akin. Pero one hundred percent sure akong intact pa ang nilulumot kong hymen. Iyon naman yata ang habol nila. Hindi ang itsura.

“Hindi pwedeng ganda lang ang panlaban dito, Lurena. Kailangan sexy rin. Bigatin ang mga dalang alaga ng ibang manager mamaya. May model pa nga.”

Namilog ang mata ko. “Ano yong sinabi mo, Tiyang? Maganda ako?”

Bumagsak ang balikat niya. “Akala ko pa man din doon ka nagulat sa word na 'model'.”

“Di nga, Tiyang. Maganda talaga ako?”

Ngumuso siya. “Ikaw ang pinaka bansot sa lahat ng isasalang ngayon.”

Napabusangot ako. Grabe siya!

Hapon na nang magsimula nang magsidatingan ang mga isasalang sa bidding. At tama si Tiyang. Ako nga ang pinakabansot. Ang tatangkad ng mga babaeng iyon. Ako hanggang leeg lang. Iyong ibang manager nang makita ako parang kung sinong tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Nawalan na ako ng lakas ng loob na sumama sa bidding. Pero kailangan kong magbakasakali. Kailangan na kailangan ko ang pera.

Nagsimula na akong make-up-an kinagabihan. Hindi naman masiyadong makapal ang make-up ko dahil iyon ang sabi ni Tiyang sa make-up artist. Pagkatapos ilang saglit ay pinasok na ng bakla ang dressing room para i-announce na lumabas na kami at magsisimula na ang bidding.

Ipinasok kami sa mga silid na may dingding na babasagin. At suot ko nga ang maikling damit at heels na kanina ko pa kinaiinisang suotin. Wala akong marinig sa labas. Tahimik dito sa loob.

Ilang saglit ay tumunog ang speaker doon. Pinapalabas na ako.

Naguguluhan na sumunod ako. Mukhang ang bilis yata. Ang bakla na pumasok kanina sa dressing room ang sumalubong sa akin. May dalawang lalaking nasa likuran niya. Malalaki ang katawan.

“Siya na ba?” Tanong no'ng lalaking kalbo na malaki ang katawan.

Namilog ang mata ko at agad namutla. Tayka! Dalawa? Virgin ako tapos biglang dalawa?

“Oo siya po. Kayo na ang bahala sa kaniya. Enjoy your night, Sir!”

Tumango ang dalawa at agad nang lumapit sa akin. Napangiwi ako nang tingnan ko ang bagay sa bandang zipper nilang dalawa. Jusko! Ang laki. Kayanin ko kaya?

“Tara na, Ma'am,”ani isang lalaki.

Sumunod ako sa kanila. Dinala nila ako sa labas. Sumakay kami sa elevator papuntang parking lot. Iche-check in yata nila ako sa hotel.

Pikit mata akong sumakay sa kotse nang pagbuksan ako ng isa. Biglang may tinawagan ang isang lalaki sa frontseat.

“Yes, Sir. Parating na kami.”

Mas lalong namilog ang mata ko. Tayka! Ilan ba sila? Akala ko dalawa lang kanina? Bakit may Sir pa?

“K-Kuya, ilan ba kayo?” Medyo pahiya akong nagtanong.

Nilingon ako ng isa. Kumunot ang noo niya.

“Sa condo? Kayo lang ni Big Boss. Aalis kami agad kapag nahatid ka na namin.”

Napanganga ako at medyo gumihawa ang pakiramdam sa narinig. Akala ko talaga more than one ang sisira ng puri ko. Isa lang pala. Hirap na nga akong tanggapin na ibibigay ko ang virginity ko sa random guy. Ano pa iyong marami sila?

Dumating kami sa isang napakalaking building. Nalula ako sa tayog ng building. Dito talaga siya nakatira?

Mabilis kaming nakaakyat at isang swipe lang ng card ay nagbukas ang malaking pinto. Ako lang ang pinapasok dahil nanatili ang dalawa sa labas. Saktong pagkapasok ko ay nagsara ang pinto. Gulat na napalingon ako sa pinto at pakiramdam ko umurong ang dugo ko sa kaba. Gusto ko nang pihitin ang doorknob para lumabas pero sumagi sa isipan ko ang tungkol sa kapatid ko. Kailangan niyang magamot. Ito na lang ang natatanging paraan.

Bumuntong hininga ako at humarap. Kailangan kong tatagan ang loob.

Hindi masiyadong maliwanag ang paligid. Tanging lampshade lang ang liwanag doon. Napakalaki ng loob, mukhang times three ang laki nito sa bahay namin. Condo unit pa lang ito.

Naalala ko ang mga babae sa club na pinagtatrabahuan ni Tiyang. Sumasayaw ang mga iyon para maakit sa kanila ang mga parokyano. Iyon din ba ang gagawin ko? Sana pala nag-rehearse ako kasama ng mga p****k na iyon. Kung alam ko lang na magagamit ko ang procedure na iyon.

“Come here,”aning baritunong boses.

Sa boses pa lang alam ko nang malaking tao ang may-ari. Sana lang hindi rin malaki ang bagay sa gitnang hita niya.

“Ah, o-okay po!”

Biglang natigilan ako. Ang dilim. Saan nga pala siya?

“Saan ka po?” Bahagya akong nagbitiw ng tawa.

Nagulat na lang ako nang may kamay na humawak sa baywang ko mula sa likod. Unang langhap sa amoy niya, amoy alak na agad. Sa nipis ng tela ng damit ay halos ramdam ko ang balat niya.

“I'm here.” His husky voice rang in my ears.

Pinihit niya ako paharap. At isang marahas na halik ang agad sumalubong sa akin. Hindi na ako nakaangal nang kabigin niya ang pang upo ko para mabuhat at dalhin kung saan. Huli na nang mapansin kong nakalapat na ang likod ko sa malambot na kama.

Naalala ko agad ang sinabi ni Tiyang.

“Dalhin mo ito at isuot. Mapoprotektahan ka nito.”

Tapos ay may binigay siyang pakete na may nakatatak na 'trust'. Inipit ko lang iyon sa bra ko kanina bago magsimula ang bidding. Ngayon ay binuksan ko at nang mabuksan ko ay isang makunat na bagay ang nakuha ko sa loob. Ano ba to? Agimat? Isusuot ko para maprotektahan mula sa lalaking ito?

Pahaba ito. At hindi ko alam kung ginagago ako ni Tiyang. May oras pa talaga siyang magpadala ng balloon sa oras ng kagipitan? Pero sinunod ko pa rin. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay kaya sinuksok ko na lang ulit sa bra ko. Bahala na!

Panay pa rin siya halik at sa isang kurap lang ay natanggal niya na lahat ng saplot ko. Madilim at wala akong masiyadong maaninag. Ang alam ko lang ay matigas ang katawan niya at mahaba ang ano niya. Doon ako naiyak.

Ilang segundo lang ay umalingawngaw ang tili ko sa buong silid. Ang sakit walang hiya!

Kinabukasan ay syempre natagpuan ko ang sariling wala nang saplot. Iritado ko na nilingon ang lalaking nasa tabi ko. Padarag kong tinanggal ang binti niya sa akin. Ginawa pa akong patungan. Akmang tatayo na ako pero natigilan nang makita ang buong itsura niya.

“A-Ang gwapo!”

Seryoso? Ito ang sumira ng puri ko? Kahit yata di na siya magbayad ng babae. Paniguradong maraming pipila.

Tulala ako sa mukha niya habang dinadampot ang mga damit na nagkalat. Pero na-realize kong masiyadong maikli ang damit na iyon kaya walang paalam na naghanap ako sa condo unit niya. At nang makahanap ng damit ay sinuot agad. Sa kaniya iyon at sobrang laki sa akin.

Natigilan ulit ako nang makita ang mukha niya. Parang pamilyar ang mukha niya. Pero di na ako nag-aksaya ng oras na mag-isip. Baka magising pa tsaka maabutan pa ako at malaman niyang ninakaw ko ang damit niya. Iniwan ko na lang ang maikling damit na sinuot ko kagabi. Nasa sasakyan na ako pauwi nang maalala ang itsura niya.

Tama! Nagkita na kami. Nakita ko na siya sa club na pinagtatrabahuan ni Tiyang. Siya iyong lalaki sa elevator.

Pero ngayo'y kakalimutan ko na ang mukhang iyon. Dahil parte na lang siya ng nakaraan ko. Nakuha niya man ako ay hanggang doon na lang iyon. Ngayo'y hindi ko alam kung balang-araw ay kaya akong tanggapin ng lalaking makikilala ko at mamahalin ko.

Isang buwan na rin ang nagdaan at maayos na ang kapatid ko. Bumalik si Papa sa pagtatanim. Hindi na ako dumaan sa club na pinagtatrabahuan ni Tiyang. Ayoko lang na maalala ang mga nangyari noon. Sinikap kong makahanap ng bagong trabaho na mas malaki ang sahod. Pinangako ko sa sariling kakalimutan ko ang lahat at magbabagong buhay.

“Sigurado ka bang ayaw mong tanggapin ang 50,000?”ani Tiyang nang bisitahin niya ako sa apartment ko.

Umiling ako.

“Tama na iyong napagamot ang kapatid ko at may nagamit si Papa para sa palayan.”

Malaki ang binayad ng mayamang iyon. Hindi ko aakalaing napakalaki ng halaga na ibibigay niya para lang sa isang gabi.

Ayoko nang tumanggap ng pera na galing doon. Maalala ko lang ang nangyari. Kumapit ako sa patalim at kinakahiya ko iyon.

Umalis din si Tiyang at natanaw ko ang kotse na kulay puti na ginagamit niya ngayon. Ang pera na parte niya ay binili niya ng sasakyan.

Bumuntong-hininga ako at napansin ko ang kalendaryo sa pinto. Isang buwan na ang nakararaan pero hindi pa rin pala ako inaabutan ng buwanang dalaw. Ipinagsawalang bahala ko iyon at sinara ang pinto.

ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
ganda ng story
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status