LOGINHingal na hingal si Demon habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking wala nang malay sa madilim na sulok ng parke. Marahan niyang pinunasan ang duguang labi gamit ang likod ng kaniyang kamay, bago lumingon sa direksyong tinalahak nina Crystal.Ligtas na ang dalaga. Iyon lang ang mahalaga.Mabilis siyang sumakay sa kaniyang Ducati at pinaharurot ito patungo sa Manchester Condominium. Pagpasok na pagpasok niya sa unit, sinalubong siya ng amoy ng mamahaling bourbon at usok ng sigarilyo.“You look like hell, Silvestre,” bungad ni Leiron habang nakasandal sa dulo ng bar counter, bitbit ang isang baso ng alak.“Shut up, Leiron,” asik ni Demon habang tinatanggal ang kaniyang leather jacket na may bahid na ng dugo. Inihagis niya ito sa sahig at dumeretso sa kitchen sink para hugasan ang kaniyang mga kamay.“Jeez. Demon ano’ng nangyari sa mukha mo?” nag-aalalang nausisa ni Terrence na kakalabas lang mula sa kwarto, bitbit ang kaniyang stethoscope na parang nakalimutang nasa bahay lang siya. “K
HINDI na nakinig si Demon sa mga huling hirit ni Leiron sa arena. Pinaharurot niya ang kaniyang Ducati, pero imbes na dumeretso sa kaniyang condo, tila may sariling isip ang kaniyang mga kamay na lumingon sa direksyon ng parke.Gabi na. At tanging liwanag na lang mula sa poste ng ilaw, ang naiwang nakabukas. Wala na ang mga tao, higit sa lahat, wala ang babae doon.Tumayo si Demon sa tapat ng bench kung saan niya iniabot ang box kay Crystal. Hinaplos niya ang malamig na kahoy.“Anong ginagawa mo, Demon? Nahihibang ka na yata.”Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya, napangiti kalaunan bago muling sumakay sa motor.MANCHESTER CONDOMINIUMPAGDATING n
“F*ck!” mahinang mura ni Demon habang kinakapa ang bulsa ng kaniyang black pants.Tumigil siya sa paglalakad, ilang metro na ang layo mula sa pwesto ng nagpapatugtog ng violin. Ang kaniyang gintong Zippo—may ukit na The Shadow sa gitna at selyo ng mga Silvestre, ay wala na sa kaniyang bulsa. Hindi lang iyon basta gamit; simbolo iyon ng kaniyang ranggo na ipinamana ni Don Vichio.Padabog siyang lumingon. Sa inis niya, kailangan niyang balikan ang babaeng tumawag sa kaniya na manong para lang sa isang lighter.Habang papalapit, nakita niyang nag-eimpake na ang babae. Maingat nitong inilalagay ang violin sa case. Pero may napansin si Demon dahil bawat galaw ng babae ay tila mabagal, at nakadepende sa pakiramdam ng mga daliri nito.“Miss,” tawag
NAPANGIWI na iniinda ni Demon ang paghapdi ng sugat sa braso niya habang tinatahi ni Terrence. Sa clinic ng kaibigan siya dumeretso pagkatapos siyang sugurin ng babaeng nakasiping. Nakabalot pa ng puting sapin ng higaan si Demon dahil wala itong suot kahit na ano.“I think she wants you to be dead in pleasure, Dem. Next time kasi, safety before kalibugan. Look at you, para kang suman.” Natatawang saad ni Terrence.“Tsk! Gamutin mo na lang ang sugat ko, mamaya mo na ako sermonan, doktor.”Umiling si Terrence, bahagya itong natigilan nang may kung anong mapansin sa puting tela. Maya-maya ngumisi ito.“Ikaw yata ang nakauna sa nakalaban mo, tingnan mo… nag-iwan ka pa talaga ng ebidensya.”Kaagad na tinitigan ni Demon ang t
SA isang magarang birthday party, nasaksihan si Demon kung paano magmahal ang kakambal na si Dark. Naging malambot ito mula nang dumating si Anya.Si Anya, na siya rin bumihag sa puso niya. Ngunit, sadya siyang malihim kumpara sa kakambal niya. Sa kabila ng maamong mukha nakatago ang misteryoso niyang katauhan.Demon smirks, and a devilish smile trace on his lips. He was sitting on the couch, busy staring at them.“This is the stupidest thing I’ve ever done. I’m craving for my brother’s wife, and it’s killing me.” Tinitigan ni Demon ang nakangiting si Anya na noon nakangiting nakatingin sa kaniya.Marahan siyang huminga, humigpit din ang paghawak niya sa champagne glass. Bumakat ang nagmamasel niyang braso sa suot na white long sleeve na pinaresan niya ng black pants. Bahagya niyang niluwagan ang suot niyang necktie dahil pakiramdam niya biglang umalinsangan ang paligid.Titig pa lang ni Anya, kakaiba na ang dating n’yon sa kaniya. Umigting ang panga niya habang nakatingin pabalik.“K
Binalot ng matinding tensyon ang Underground arena, maligo man sa sariling dugo ang kalaban, nananatiling bakas ang ngisi sa mukha ni Demon kahit sabog na ang sariling kilay at labi. Wala siyang pakialam kung lapnos na ang kamaong balot ng manipis na tela; ang mahalaga ay makuha ang premyo. Dahil sa mundong ito, dugo ang puhunan niya para sa marangyang buhay.Humigpit ang kamao ni Demon, sa isang iglap, pinakawalan ng kalaban ang isang mabilis na right hook, pero bahagyang kumiling lang si Demon para ilagan ito.Bago pa makabawi ang kaharap, sinalubong ito ni Demon nang sunod-sunod na atake. Isang malakas na sipa, low jab sa sikmura, at isang malutong na uppercut sa panga. Napasandal sa bakal ang nanginginig na kalaban bago tuluyang bumagsak. Nanatiling nakatayo si Demon—hinihingal, nanonood, at naghihintay sa anunsyo sa kanyang pagkapanalo.“Damiel! Damiel!” Dumagundong ang arena sa pagsigaw sa pangalan niya. At habang ninanamnam ni Demon ang hiyawan.Subalit, isang matandang lalaki
Habang nakasandal si Anya sa balikat ni Dark, napapangiti siya nang pinaglalaruan nito ang kanyang mga daliri. Nasa labas silang dalawa sa mga sandali na iyon habang nag-movie marathon. Habang nagbigay init sa malamig na gabi ang patuloy na pagsiga ng apoy sa may bandang bahagi. Agaw atensyon din
TITIG na titig ang mga bata kay Dark. Wari’y kinikilatis ng mga ito ang lalaking nasa harapan nila. Naging kalmado man kung titigan sa mga pagkakataon na iyon si Dark subalit, hindi maipagkaila ang pagningning ng mga mata nito. Pigil na pigil na hawakan kahit isa man lang sa kanila. Mga bagay na na
A/N: Excited na ba ang lahat sa kung bakit, nanlamig ang ating fafang Dilim🤣 —-- MAAGA pa lamang ay preperado na ni Anika ang sarili. Hindi na rin siya nagpahatid kay Stewart dahil, busy ito at may business na lalakarin. Nagpaalam siya sa mga anak niya at ibinilin s
LUMAPAD ang ngiti ni Anya nang muling masilayan ang Kuya Hubert niya. May bitbit iyong mga prutas. At sandaling inilapag ito sa ibabaw ng mini table.Natatakam siya at wala siyang ideya kung bakit. “I brought you some of your favourite fruits. Be ready, uuwi na tayo s







