Share

CHAPTER 9: THE WEDDING

“MISS Sophie, alin po sa mga gown na ito ang gusto ninyong suotin?” tanong sa akin ng bridal stylist habang patuloy ang mga maid sa pagpapakita sa akin ng ’iba’t-ibang bridal gowns.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga gown nang walang kaemo-emosyon sa mukha ko. “Puwede bang ikaw na lamang ang mamili para sa akin?”

Bakas ang pagkabigla sa mukha ng stylist. “O-Okay, Miss Sophie. Tingin ko po kung babagay sa inyo ang unang gown.”

“Okay.”

Pakakasalan ko ang lalaking ni hindi ko naman mahal. Noon pa man, pangarap ko na ang pakasalan ang lalaking mahal ko. Wala akong pakialam kung simple lang iyon o kung saan man kami ikakasal o kung ano ang isusuot ko sa araw na iyon. Ang mahalaga, ang groom ko ay iyong lalaking pinakamamahal ko. Pangarap ko ang magkaroon ng masaya at sarili kong pamilya noon pa man, pero tingin ko ay hindi na iyon matutupad pa.

Ikinulot ng mga stylist ang buhok ko saka ito ipinusod. Nilagyan din nila ng kaunting makeup ang mukha ko, tapos isang simpleng tiara sa may ulo ko.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status