Sophie's POV
"And why should we hire you?" tanong sa akin ng isa sa mga interviewer.
Huminga muna ako nang malalim bago muling tumingin sa kanila.
Kaya mo iyan, Sophie.
"Because I can do whatever it takes to be a teacher assistant. I can deal with kids and I love teaching them."
Tumangu-tango lamang sila habang binabasa ang iba pang nakasulat sa resume ko. Oo, naga-apply ako ng trabaho kahit na hindi pa ako graduated ng college. Kaya nga ganoon din kahirap para sa kanila na ipasok ako. Pero gusto ko talaga ito.
"So, Laurens is your surname? Are you perhaps affiliated with Mr. Albert Laurens?"
"Yes, he is my father."
Kaagad na nanlaki ang mga mata nila nang sabihin ko iyon. Nagtinginan silang dalawa saka sabay na tumayo at yumuko sa akin. "G..Good morning, Miss Laurens."
Pag-aari ni Daddy ang eskwelahan na pinaga-applyan ko, pero hindi ko naman gusto na dahil lamang anak niya ako ay makapapasok na ako nang ganoon na lamang.
"N..Naku, hindi niyo na po kailangang maging ganiyan ka-formal sa akin. Aplikante lang din naman po ako rito!" tugon ko habang pilit silang pinapaupong muli. "G..Gusto ko lang naman po sanang malaman kung... p..pasok po ba ako?"
"Of course, Miss Laurens! You are now one of our assistant teachers! And you can start whenever you want!"
Halos mapatalon na ako sa tuwa nang marinig ko iyon mula sa kanila. "T...Talaga po?! Pasok na ako?! Naku! Maraming salamat po!"
"You're very welcome, Miss Laurens! It's an honor for us to have you here in our school!"
"Maraming salamat po!"
May napakalaking ngiti sa mga labi akong lumabas ng kwartong iyon nang matapos na ang interview. Ang tagal ko na rin kasi talagang gustong maging isang teacher. Iyon din ang pangarap para sa akin ni mommy noon, bago siya mawala. At ngayon, unti-unti ko nang natutupad iyon. Sigurado akong napakasaya niya para sa akin. Kahit na sa tingin ko, nakapasok lang naman ako dahil sa apelyido ko na Laurens. Ang daddy ko na si Albert Laurens, ay kilala bilang isa sa pinakamayamang Business Tycoon sa bansa. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay mayaman din ako. Lahat ng mayroon siya, hindi ko pag-aari. Anak niya lang naman kasi ako sa labas. Nagkaroon siya ng relasyon sa isa sa mga maid nila noon kahit na may asawa na siya, at ako nga ang naging bunga niyon.
Dahil sa takot na baka palayasin si Daddy at itakwil siya ng pamilya niya, si mommy na ang nag-pasyang umalis upang itago na rin ako mula sa kanila. Pero hindi nag-laon ay nalaman din iyon ng grandparents ko kaya naman ginamit nila ang kapangyarihan nila para malaman kung nasaan ako saka ako kinuha mula kay mommy. Sinubukan kong lumayas para bumalik kay mommy, pero nakuha rin nila ako ulit. Hanggang sa isang araw, sinabi na lamang nila na namatay na si Mommy. At pumunta ako sa libing niya, nang mag-isa.
Magmula noon, tumira na ako sa napakalaki nilang mansiyon kasama ang mga stepsiblings ko. Kung iniisip niyo na namumuhay ako nang magarbo dahil Laurens ang apelyido ko, nagkakamali kayo. Dahil wala akong ibang ginawa kundi ang mag-silbing maid nila. Nagluluto, naglilinis, naghuhugas ng pinggan, lahat ng gawain ng isang maid ay ginagawa ko. Iyon ang kapalit ng pagtuloy ko sa bahay nilang iyon. At marahil, ang parusa nila dahil anak ako sa labas.
"At saan ka na naman nagpunta, Sophie?" nakapamewang na tanong sa akin ni Samantha, pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng mansiyon.
"N..Nag-apply lang ako ng trabaho."
Si Samantha ang panganay na anak ni Daddy sa legal wife niya. Mayroon kasi silang tatlong anak. Dalawang babae, at isang lalaki.
"Trabaho? Bakit? Hindi pa ba sapat iyong binibigay sa'yong monthly allowance ni Daddy?"
"G..Gusto ko lang kasi talagang magturo sa mga bata..."
Umirap lamang siya. "Whatever. Basta siguraduhin mo lang na matatapos mo ang mga assignment ko ngayong gabi. Bukas na ang deadline ng mga 'yon."
"Okay."
"Hoy, Sophie!" sigaw naman sa akin ni Sera, ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. Naglakad siya palapit sa akin saka may iniabot na isang piraso ng papel. "Bilhin mo ang lahat ng iyan, at huwag mo kalilimutang magpunta sa bahay ni Harold para sabihing nakikipag-break na ako sa kanya."
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. "B..Bakit hindi ka nalang makipag-break sa kanya ng personal?"
"Shut up! Basta magpunta ka nalang doon at sabihin mo iyon sa kanya! Sawa na akong makinig sa mga drama niya ano!"
Hilig talaga ni Sera ang makipag-date sa kung sinu-sinong lalaki sa eskwelahan nila tapos makikipag-break din siya kapag sawa na siya. Pero hindi naman iyon ang problema. Ang problema ay ako parati ang pinipilit niyang kumausap sa mga lalaki para gumawa ng kung anu-anong dahilan ng pakikipag-break niya. Actually, nauubusan na nga rin ako ng idadahilan kung minsan.
Papasok na sana ako sa kwarto ko para magpalit ng damit, pero bigla ko na lamang nakita ang bunso nilang kapatid na si Sebastian na naglalakad papunta sa akin nang may napakalaking ngiti sa mga labi.
"Seb!"
"Sophie! May bago akong nai-compose na kanta! Kailangan mong marinig!" masaya niyang sabi sa akin.
Si Seb ay dalawang taon ang tanda sa akin. Hilig niya talaga ang pag-compose ng kanta noon pa man. Sa kanilang tatlo, siya lamang ang close ko.
"Talaga? Sige, pakinggan natin mamaya kapag natapos na akong magpalit ng damit, okay?"
"Okay!"
Matapos niyon ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko.
"Boss, pakawalan niyo na po ako, pakiusap! Bigyan niyo pa ako nang kaunting panahon!" pagmamakaawa ng isang lalaking mukhang nasa tatlompu na ang edad habang nakaluhod sa harap ng isa pang lalaking may suot ng black na suit, at may hawak na baril sa kanang kamay.Napalilibutan sila ng mga lalaking nakasuot din ng itim na mga suit habang nagtitinginan at nagngingisian sa isa't isa.Isa iyong torture cell. Puno ang kwartong iyon ng mga kagamitan na tanging mga kriminal lamang ang nagmamay-ari. Bawat sulok niyon ay may bahid ng dugo.May dugo sa gilid ng labi ng lalaki. Ang mga mata niya ay mukhang ilang beses nang sinuntok dahil sa nagu-ubeng bilog sa paligid ng mga ito. "Babayaran kita sa susunod na linggo, pangako! Kapag hindi kita nabyaran, pwede mo na akong patayin!""Renzo. I already gave you a month to pay me, and now you're asking for another week?""Boss, please....patawarin mo na ako..." pagmamakaawa niya sa lalaki habang patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata. Naghahalo na a
Sophie's POVSaktong pagtunog ng bell na hudyat na ng dismissal, kaagad akong tumayo sukbit ang backpack ko. Tuluyan na sana akong lalabas ng classroom namin nang tawagin ako ng prof. "Miss Laurens."Kaagad ko siyang nilingon. "Miss?""Pwede mo bacng puntahan sa infirmary si Mr. Jacobs at sabihin mong pumunta siya sa office ko?"tugon niya habang inaayos ang suot niyang salamin. Siya ang prof na kung hindi ako nagkakamali ay nasa 25 pa lamang ang edad. Maganda siya, at siya ang prof namin sa literature. Tumango na lamang ako sa kanya. "Yes, Miss.""Thank you."Si Mr. Jacobs o Doc Jacobs ay ang official school doctor ng unversity namin. Isa siyang gwapo, at matipunong lalaki na talaga namang hinahangaan ng lahat ng babae rito sa university. Napakaganda rin ng mga mata niya. Sa twung titignan ka niya, tila ba matutunaw ka. Para siyang isang Greek God sa sobrang perfect niya! At kung tatanungin niyo ako kung gusto ko siya, obvious ba?Una ko siyang nakilala noong unang salta ko pa lamang
Sophie's POV"W...Wala akong pakialam kung sino ka, ang alam ko, hindi mo pwedeng iwanan ang isang batang umiiyak nang dahil sa'yo." sunud-sunod kong sabi habang nakikipag-titigan sa Greek God na nakatayo sa harapan ko ngayon nang walang kaemo-emosyon sa mukha.Tumaas ang kanang kilay niya. "So, you don't really know me?""Hindi nga kita kilala, okay? Kailangan pa ba kitang makilala?"Hindi ko rin alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob ko nang mga oras na iyon. Hindi ko lamang inialis ang pagkakatitig ko sa kanya kahit pa nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba. Matalim ang pagkakatitig niya sa akin at para bang pwede na akong mamatay sa ttig na iyon. "You're quite brave, huh? Well, let's see where your bravery would take you."Walang anu-ano, bigla na lamang niya akong hinapit sa bewang at hinila palapit sa kanya. Mas lalo pa akong nagulat nang bigla niyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Tila ba na-estatwa ako mula sa kinatatayuan ko. Pilit ko siyang itinulak palayo sa aki
Sophie's POVHumahangos akong nakarating sa restaurant kung saan sinabi ni Daddy na magkakaroon kami ng dinner kagabi. Naroon na silang lahat, busy sa pagkukwentuhan habang ako ay mukhang kagigising lang dahil sa gulo ng buhok ko. Buong bilis kasi akong tumakbo para lamang makarating dito. "S...Sorry I'm late." pabulong kong sabi nang maupo ako sa tabi ni Seb na kaagad na ngumiti sa akin nang makita ako. "Ayos lang, Sophie. At least nagpunta ka." sabi naman ni Daddy."Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon, Sophie? Magd-dinner tayo with a very important person tapos ang tanging suot mo lamang ay white t-shirt at pantalon? At tignan mo pa iyan buhok mo, parang kagigising mo lang, e." biglang komento ng stepmother ko. Napayuko na lamang ako. "P...Pasensiya na po. Galing pa kasi ako sa school kaya hindi na ako nakapagpalit pa ng damit.""Okay lang 'yan, Sophie. Kahit na basahan pa ang suot mo, maganda ka pa rin." ani Seb upang pagaanin ang loob ko pero kaagad ko namang nakita sina Samant
Sophie's POV"Hindi ako sasama sa'yo!" sigaw ko nang makita kong naglalakad palapit sa akin si Vincent.Napataas siya ng kilay sa akin. "You have no choice, baby. Your idiotic father owed some money to me and offered you as the collateral."Tumingin ako kay Dad. "D..Dad...please... Ayokong sumama sa lalaking 'yan!""Sophie.... Vincent, can we just talk about this again? Can we--"Are you trying to fool me?! We already had an agreement and now you're saying that we should talk about it again?!" galit na galit na sigaw ni Vincent. Ang napakalakas niyang boses ay nadinig sa buong restaurant. "S..Sorry... I already changed my mind... I don't want to give my daughter..."Lahat kami ay nagulat nang walang anu-ano ay bumunot si Vincent ng baril saka iyon itinutok kay Daddy. "You know I hate people who breaks their promise. Now, just choose. Will you give me that woman or I'll blow your fucking brain out?""Dad!""Honey!""Hindi! Huwag, please!" sigaw ko. "Sasama na ako sa'yo! Sasama na ako,
“HANDA na ang breakfast, kumain na tayong lahat!” bulalas ko nang matapos na akong maghain. Lahat naman sila ay nakaupo na sa harap ng hapagkainan, pero walang kaemo-emosyon sa mga mukha. “Bakit naman parang ang lungkot ninyo?”“Sasama ka ba talaga sa lalaking ’yon, Sophie? Hindi ba puwedeng dito ka na lang?” malungkot na tanong ni Seb sa akin.“Nababaliw ka na ba, Sebastian? Gusto mo bang patayin tayo ng lalaking ’yon?” sabi naman ni Aunt Natalie sa kanya.Huminga ako nang malalim. “Tama si Aunt Natalie, Seb. Maimpluwensiya ang lalaking iyon. Sigurado akong gagawin niya talaga ang sinabi niya kung hindi tayo susunod. Ayaw kong may saktan siya sa inyo.”“Come on. Huwag ka na ngang magpanggap pa riyan, Sophie. Alam naman naming lahat na tuwang-tuwa ka nang piliin ka niya. Napaka-hot at napaka-guwapo ng lalaking iyon, sino namang hindi gugustuhing sumama sa kanya?” biglang hirit ni Samantha habang masamang nakatingin sa akin.“Tama siya! Sigurado akong napakasaya mo ngayon dahil hindi m
HINDI ko maiwasang mapanganga nang makababa ako mula sa limousine. Kaagad kong nakita ang isang napakalaking mansyon. Actually, palasyo na nga yata ang tawag dahil sa sobrang laki. Malaki naman ang bahay namin, pero grabe ang laki ng isang ito.“Stop standing there and follow me inside,” bigla na lamang sabi sa akin ng mafia boss saka siya naglakad papasok ng mansyon.Nang makapasok na kami sa loob mansyong ito ay kaagad na sumalubong sa amin ang nakalinyang mga maid at butler. Lahat sila ay nakayuko na wari’y nagbibigay-galang sa mafia boss na kasama ko.“Margarette,” bigla na lamang siyang tumawag ng pangalan at isa sa mga maid ang nag-angat ng tingin saka naglakad palapit sa kanya.“S-Sir?”“Bring Sophie to her room, and also, give her a change of clothes.”Tumango naman ang babae. “O-Opo, sir.”“Go with her,” baling niya bigla sa akin.“O-Okay,” tugon ko nang hindi tumitingin sa kanya.Matapos niyon ay nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa itaas na bahagi ng mansyon habang ang mga la
“MISS Sophie, alin po sa mga gown na ito ang gusto ninyong suotin?” tanong sa akin ng bridal stylist habang patuloy ang mga maid sa pagpapakita sa akin ng ’iba’t-ibang bridal gowns.Pinasadahan ko ng tingin ang mga gown nang walang kaemo-emosyon sa mukha ko. “Puwede bang ikaw na lamang ang mamili para sa akin?”Bakas ang pagkabigla sa mukha ng stylist. “O-Okay, Miss Sophie. Tingin ko po kung babagay sa inyo ang unang gown.”“Okay.”Pakakasalan ko ang lalaking ni hindi ko naman mahal. Noon pa man, pangarap ko na ang pakasalan ang lalaking mahal ko. Wala akong pakialam kung simple lang iyon o kung saan man kami ikakasal o kung ano ang isusuot ko sa araw na iyon. Ang mahalaga, ang groom ko ay iyong lalaking pinakamamahal ko. Pangarap ko ang magkaroon ng masaya at sarili kong pamilya noon pa man, pero tingin ko ay hindi na iyon matutupad pa.Ikinulot ng mga stylist ang buhok ko saka ito ipinusod. Nilagyan din nila ng kaunting makeup ang mukha ko, tapos isang simpleng tiara sa may ulo ko.