Share

CHAPTER 2: VINCENT HASTINGS

"Boss, pakawalan niyo na po ako, pakiusap! Bigyan niyo pa ako nang kaunting panahon!" pagmamakaawa ng isang lalaking mukhang nasa tatlompu na ang edad habang nakaluhod sa harap ng isa pang lalaking may suot ng black na suit, at may hawak na baril sa kanang kamay.

Napalilibutan sila ng mga lalaking nakasuot din ng itim na mga suit habang nagtitinginan at nagngingisian sa isa't isa.

Isa iyong torture cell. Puno ang kwartong iyon ng mga kagamitan na tanging mga kriminal lamang ang nagmamay-ari. Bawat sulok niyon ay may bahid ng dugo.

May dugo sa gilid ng labi ng lalaki. Ang mga mata niya ay mukhang ilang beses nang sinuntok dahil sa nagu-ubeng bilog sa paligid ng mga ito. "Babayaran kita sa susunod na linggo, pangako! Kapag hindi kita nabyaran, pwede mo na akong patayin!"

"Renzo. I already gave you a month to pay me, and now you're asking for another week?"

"Boss, please....patawarin mo na ako..." pagmamakaawa niya sa lalaki habang patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata. Naghahalo na ang sipon, luha at dugo sa mukha niya.

"You know how much I f*cking hate liars, Renzo. I f*cking hate it, whenever someone tries to fool me. And you know what I do to them?"

Tumaas ang mga kilay niya habang ang mga mata niya ay mas lalo pang umitim nang itutok niya ang baril sa ulo ng kaawa-awang lalaki.

"Boss...please...Huwag niyo po akong patayin...please..."

"Say hi to the d*vil for me, Renzo."

Baam.

Umalingawngaw sa buong t*rture cell ang tunog ng putok ng baril habang patuloy ang pag-agos ng dugo sa sahig. Inihagis ni Vincent ang baril sa sahig saka nagsimulang maglakad palapit sa isa sa mga tauhan niya upang kunin ang isang towel na ipinunas niya sa kamay na may bahid pa ng dugo.

"Throw him somewhere, then give some money to his family. Clean this mess, this cell smells like sh*t already."

"Yes, boss."

Matapos niyon ay nagpatuloy na siyang muli sa paglalakad palabas sa gusaling iyon kasunod ng mga tauhan niya. Ang kanyang mataas na pigura at walang kaemo-emosyong mukha ang nagbibigay ng matinding aura na siya ay isang mafia king na kinatatakutan sa buong bansa. Mayroon siyang itim at kulot na buhok na halos tumatakip na sa mga mata niya, matangos na ilong, mapupulang mga labi, at napakagandang makisig at maskuladong pangangatawan.

"Where are we heading now?" tanong niya sa mga tauhan.

"Kay Mr. Laurens, boss. Ang CEO ng Laurencio Holdings."

Tumangu-tango siya. "That old man who pleaded for me to help him with his business?" tanong niya saka sinindihan ang sigarilyo gamit ang lighter na iniabot sa kanya ni Joe, ang kanyang assistant. "He wouldn't be where he is now if it wasn't for me."

"May utang pa siyang 900 Billion sa inyo, Sir. Balita ko rin ay balak niyang makipag-aliyansa kay Mr. Romano."

Halos matawa siya sa narinig. "Romano's in my pocket. Does that old hag think he could really defeat me just by running into someone who owes me big time, too? D*ckhead."

Nagtawanan ang mga tauhan niya. Binuksan din nila ang pinto nang makarating na sila sa kompanya ng susunod nilang target na si Albert Laurens.

"Let's test his bravery. I'm going to play with that old hag." sambit ni Vincent, saka itinapon ang sigarilyo sa sahig.

Kasalukuyang nagpapahinga si Albert Laurens sa kanyang office matapos ang isang nakakapagod na meeting sa isa ring kilalang mafia boss sa bansa na si Pablo. Humingi siya rito ng pabor upang makipag-alyansa laban kay Vincent, ngunit sinabi nito sa kanya na hindi maaari dahil maging siya ay takot din sa nasabing binata.

"W*langh*ya ka talaga, Hastings. Inipon mo na lahat ng tao rito sa bansa at ginawang tauhan mo. Hinding-hindi ko hahayaang hawakan mo akong muli sa leeg." bulong niya sa sarili.

Nang walang anu-ano ay bumukas ang pinto ng kanyang office. Bago pa man siya makatayo at lingunin iyon ay kaagad na siyang napadapa sa sahig. "Sinong---

"Long time no see, Laurens."

Nang marinig ang pamilyar na boses, kaagad nang nalaman ni Albert kung sino iyon. "Vincent Hastings."

"Oh. So, you still remember me, huh?"

"Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka nandito?"

Malakas na halakhak ang narinig. Tila ba halakhak iyon ng isang demonyo. Kaagad na naglakad palapit si Vincent sa kinadadapaan ni Albert saka niya ito iniangat gamit lamang ang isang kamay. "You don't know why I am here? Are you even serious?"

"K..Kung tungkol sa utang ko sa iyo, wala pa akong ganoon kalaking pera... Pero kaya kitang bayaran ng 900 million sa ngayon..."

"900 million? What do you want me to do with that? Buy a f*cking candy?"

"V..Vincent...babayaran kita next month... pangako... babayaran...kita.." pagmamakaawa niya habang pilit na iniaalis ang pagkakasakal sa kanya ng binata.

Kaagad na nag-igting ang panga ng binata atsaka malakas na inihampas si Albert sa dingding. Sa sobrang lakas niyon ay napaimpit siya sa sakit.

"How many times did I hear those lines today? All of the people I met todya said that too, and do you know what happened to them?"

"N..No, please, Vincent... Huwag mo akong p*tayin...Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong pat*yin..."

"By the way, I heard you talked to Romano and Pablo. Is that true?"

Nanlaki ang mga mata ni Albert. "P..Paano mo---

Nahinto siya sa pagsasalita nang bigla na lamang sinuntok ni Vincent ang dingding sa gilid niya, dahilan upang mapapikit siya. Ang buong katawan niya ay nanginginig.

"You know what p*sses me off the most, aside from liars? Traitors. I f*cking hate it when someone tries to make a move against me behind my back. Especially when I helped them climb the stairs going up to where they are now. You should try being grateful, Laurens." inilabas ni Vincent ang isang b*ril saka iyon itinutok sa ulo ni Albert.

"Vincent...Huwag....Kailangan pa ako ng kompanya...Kailangan pa ako ng mga tauhan ko...ng pamilya ko..."

"And S*tan said he needs you now, too." sarkastikong tugon ni Vincent.

"Hindi...Vincent...Pwede mo akong gawing alipin mo...pwede kong ibigay sa iyo ang lahat...kahit ang kompanyang ito!"

"Aside from this company, what else do you have?" tanong ni Vincent habang pinaglalaruan ang b*ril sa kamay niya.

Hindi naman maialis ni Albert ang tingin sa bar*l na kaunting galaw lamang ay maaari nang tapusin ang buhay niya. "M-Mayroon akong sampung yate.... isang daang mansiyon...M..May tatlo akong dalagang anak! Pwedeng pakasalan ang isa sa kanila kung gusto mo!"

Napahalakhak ang binata. "You are offering me your daughters? Is that how desperate you are?"

"B.Basta huwag mo lang akong pap*tayin...."

Sandaling nag-isip si Vincent, bago muling nagsalita. "Are your daughters beautiful? Or they look just like you?"

Nagtawanan ang mga tauhan niya sa likuran.

"Ang bunso kong anak ang pinakamaganda sa kanilang tatlo..."

"And you will give her to me?"

"O...Oo..."

"Okay. Bring your daughter tomorrow. No, bring all of your daughters tomorrow. If you don't show up, I won't hesitate to k*ll you this time."

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nako! Nakakatakot Naman ito!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status