She woke up in someone else's bed, instincts sharp, pulse steady. The man beside me breathed slow and deep
Napansin niya ang kislap ng bakal sa mesa. Baril. Hindi ordinaryo. Modified. She should’ve been terrified. Instead, she was electrified. Every warning screamed in her mind, but her body remembered the heat, the control, the power. He was danger wrapped in human form. Realization hit her. She had given myself to him. The irony twisted like a knife in my chest. I’d spent years mastering control, building walls, reading threats before they moved—and yet one night, one reckless moment, I handed my power to a stranger. To him She couldn’t walk properly. Every step felt heavy, like her body refused to move forward. Maybe it wasn’t just the pain — maybe it was the weight of realization pressing down on her. Pinulot niya kanyang mga damit na nasa sofa, nakatupi iyon. Each piece felt heavier than it should, each movement a reminder of a mistake she shouldn’t have made. Her hands were steady, but her mind was far from calm. Sa salamin, sandali siyang tumigil. The reflection staring back at her didn’t look like the agent everyone feared. Her hair was a mess, her eyes looked tired—haunted even. Pero sa ilalim ng lahat ng ‘yon, nandun pa rin ‘yung tapang. The discipline. The steel. Before she left, she looked at him one last time. He was still asleep, calm, almost harmless if you didn’t know what kind of monster he truly was. Tahimik niyang isinara ang pinto sa likod niya. "What did you do...?" bulong niya sa sarili, halos kinukutya ang sariling kahinaan. Habang nasa biyahe, halos sabunutan niya ang sarili sa inis at kahihiyan. Hindi niya lubos maisip na nagawa niya iyon. Pilit niyang binuksan ang cellphone ngunit hindi ito mabuksan-lowbatt. Pagdating sa bahay, bumungad agad sa kanya ang kotse ng kanyang ama sa garahe. Doon pa lamang kumabog na ang dibdib niya-alam niyang magagalit ito kapag nadatnan siyang wala sa bahay. Halos ayaw ng kanyang ama na lumalabas siya nang walang pahintulot. Ngunit bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang mainit na pagtatalo ng kanyang mga magulang sa loob. "Did you know what she did to my daughter?!" galit na sigaw ng kanyang ina. "Sinampal niya dahil lang mas pinili ng boyfriend niya ang anak ko!" Halos mapailing si Kazmiyah. Hindi na iyon bago sa kanya-dahil simula pagkabata, ang ate lamang niya ang tanging anak na kinikilala ng kanyang ina. "Syempre boyfriend niya iyon. Pero kasalanan din ng anak natin. Bakit ba pumapatol siya, alam naman niyang karelasyon na ni Miyah," mahinahong sagot ng kanyang ama. "Lagi mo na lang kinakampihan ang babaeng iyan!" sigaw ni Esmeralda, ang kanyang ina. "Kita mo nga-wala sa bahay, hindi umuwi. Gawain ba ng matinong babae iyon?" Tahimik na nakinig si Kazmiyah, ngunit natigilan siya nang marinig ang sumunod na mga salita. "Bakit ba kasi dinala mo iyang batang iyan dito? Hindi naman natin kaano-ano! O baka naman anak mo talaga iyan sa iba? Binilhan mo pa ng sariling bahay para lang ihiwalay sa amin. Ano bang kinakatakutan mo-na maltratuhin namin siya?" Halos hindi na niya maramdaman ang bigat ng katawan; nanginginig siya sa narinig. Ngunit higit pang sumakit ang dibdib niya nang muling umalingawngaw ang boses ng kanyang ama. "Tandaan mo, Esmeralda! Wala kayong matatamasang ginhawa kung hindi dahil sa kanya. Kung hindi dahil sa mga magulang niya, matagal nang bagsak ang kompanya natin dahil sa sugal at kasino mo!" Parang pinunit ang puso ni Kazmiyah sa narinig. Kaya pala-kaya pala kahit kailan, hindi niya naramdaman na tunay siyang bahagi ng pamilya. "Totoo ba...?" mahina niyang sambit. Napatigil ang kanyang mga magulang at napalingon sa kanya. Mabilis na lumapit ang kanyang ama at niyakap siya nang mahigpit. "Anak... anuman ang narinig mo, tandaan mong anak pa rin kita." Ngunit wala na siyang lakas para magsalita. Para siyang natulos sa kinatatayuan, hindi alam kung ano ang mararamdaman. Ang sakit ay humalo sa galit, at tuloy-tuloy na dumaloy ang kanyang luha. "Gusto ko muna pong mapag-isa..." mahina niyang wika. Tumango ang kanyang ama at hinila palayo ang kanyang ina, na nanlilisik ang mga mata habang nakatitig sa kanya. Mabilis siyang bumaba sa underground ng bahay at doon ibinuhos ang lahat ng bigat ng damdamin. Sinuntok niya ang punching bag nang paulit-ulit, halos mabutas ito. Dumugo ang kanyang kamay, ngunit hindi niya iyon alintana. Mas mabigat ang sakit na nasa loob niya kaysa sa sugat ng kanyang balat. Halos manghina siya at nakaramdam na parang nilalagnat. Nakalimutan niyang masakit din pala ang kanyang katawan, halos hindi na niya maramdaman dahil sa mga narinig mula sa magulang. "Kaya pala..." bulong niya habang patuloy na umaagos ang kanyang luha at naaalala ang nangyari noon. "Daddy... can I just go with you to the office?" mahinang tanong ni Kazmiyah habang nakaupo sa gilid ng sofa, pinupunasan ang sariling mga mata. Umiling ang kanyang ama. "Anak, hindi pwede. Hindi kita maaasikaso doon. May mga meeting ako buong araw." Napayuko siya, pilit iniintindi ang dahilan. Ngunit sa totoo lang, tanging sa kanyang ama lamang siya nakakaramdam ng kapayapaan. Kapag ito ang kasama niya, ligtas siya. Ngunit kapag wala ito, pakiramdam niya'y para siyang ibong ikinulong sa hawla ng bangungot. Nang tuluyang umalis ang kanyang ama, narinig niya agad ang bulyaw ng kanyang ina mula sa kusina. "Ano pang tinutunganga mo diyan? Maglinis ka!" Agad siyang nataranta at kumilos. Alam niya na iyon ang palaging routine kapag wala ang kanyang daddy-maglilinis, maglalaba, magluluto. Sa murang edad ay natutunan na niya ang lahat ng gawaing bahay. Dahil kung hindi, bubugbugin na naman siya ng kanyang ina. Bawal magkamali. Bawal maging mabagal. Bawal maging tamad. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nagmamadaling pinulot ang mga gamit sa paglilinis. Ngunit sa sobrang pagkataranta, hindi niya namalayan na nasagi niya ang isang flower vase sa mesa. Pak! Binasag ng tunog ang katahimikan ng bahay. Parang huminto ang kanyang paghinga. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. At kasunod noon, isang sigaw ang bumulaga sa kanya. "ANONG GINAWA MONG WALANG HIYA KA?!" Walang tigil siyang pinalo ng kanyang ina gamit ang hawak nitong pamalo. Ang bawat hampas ay parang apoy na dumidikit sa kanyang balat. Pilit niyang tinakpan ang ulo, ngunit hinila siya ng ina papunta sa kwarto-ang silid kung saan siya madalas ikulong. "Diyan ka! Wala kang silbi! Dapat lang turuan ka ng leksyon!" Mabilis na isinara ang pinto, at naiwan siyang nag-iisa sa dilim. Napaluhod siya, halos hindi na maramdaman ang mga pasa at sugat. Sanay na siya. Manhid na ang kanyang katawan. Ngunit hindi ang kanyang puso-doon, walang tigil ang kirot. Lumipas ang oras at unti-unti siyang nanghina. Kumakalam ang kanyang tiyan, nanginginig ang kanyang mga daliri. Walang ibang nagawa si Kazmiyah kundi dahan-dahang kumatok sa pinto, mahina ang boses habang sumasambit: "Tulong... tulong..." Ngunit walang nakarinig. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. Nagising siya sa ospital. Malamlam ang kanyang paningin, ngunit unti-unting lumilinaw nang makita niya ang kanyang ama, nakaluhod sa tabi ng kama at umiiyak. "Anak... I'm sorry. I'm so sorry..." nanginginig ang boses nito habang hawak ang kanyang kamay. "Wala po iyon, Daddy..." mahina niyang sagot, pilit pinapangiti ang ama. "Ang mahalaga, nandito kayo. Huwag niyo po akong iiwan..." Ngunit bumukas ang pinto at bumungad ang kanyang ina. Napahigpit ng hawak si Kazmiyah sa kamay ng ama at mabilis na nanginig ang kanyang buong katawan. Napansin ito ng kanyang ama at agad tumayo. "Lumabas ka, Esmeralda. Takot sa'yo ang bata!" "Hindi mo ako pwedeng-" "Pitong taon lang si Kazmiyah!" putol ng kanyang ama, nanginginig ang boses sa galit. "Anong ginawa mo sa kanya? Bakit punong-puno ng pasa at sugat ang katawan niya? May fracture pa sa buto! At ang likod niya-ang daming peklat! Ano bang ginawa mo sa bata, Esmeralda?!" Nanlaki ang mga mata ni Kazmiyah at tuluyang bumagsak ang kanyang luha. Totoo. Hindi lang siya basta minamaltrato. Pinapatay siya nang dahan-dahan ng sariling ina. Mula noon, binigyan siya ng kanyang ama ng sariling bahay. Doon na siya nanirahan mag-isa. May mga tutor na dumating at nagturo sa kanya ng iba't ibang fighting skills. Homeschool siya-malayo sa ina, malayo sa sakit. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang kapayapaan. Ngunit sa kanyang puso, nanatili ang sugat-hindi madaling maghilom, at higit sa lahat, hindi madaling kalimutan. Limang taon ang lumipas mula nang insedente hindi na nagpakita ang kanyang ina at doon nagsimulang magbago ang lahat. Sa sarili niyang bahay, hindi na siya basta isang batang umiiyak sa dilim. Araw-araw, pinupuno ng tunog ng mga suntok, hampas, at sigaw ng lakas ang kanyang underground training room. May mga dumating na guro-mga instructor na pinili mismo ng kanyang ama. Una, sa martial arts: taekwondo, karate, judo. Sinundan ng arnis at eskrima hanggang sa natutunan niya ang paggamit ng iba't ibang sandata. At sa bawat hakbang, sa bawat galaw, mas lalo siyang tumitibay. Ngunit hindi lamang ito tungkol sa pisikal na lakas. Kapag gabi, kapag mag-isa siya, saka bumabalik ang mga alaala-ang basag na flower vase, ang malupit na mga kamay ng ina, ang sigaw sa dilim. Sa bawat pagtulo ng luha, pinipilit niyang umangat muli. "Hindi na ako muling magiging mahina." Isang gabi, sa kalagitnaan ng ensayo, napansin ng kanyang instructor ang labis na pagod niya. "Kazmiyah," anito habang hawak ang kanyang balikat, "hindi sapat ang galit para magtagumpay ka. Oo, nagbibigay ito ng lakas, pero kung ito lang ang sandata mo, sisira din ito sa'yo." Napatingin siya rito, at kahit bata pa lamang, malinaw ang apoy sa kanyang mga mata. "Kung hindi ko gagamitin ang galit, paano ko mapoprotektahan ang sarili ko?" sagot niya. Ngumiti lang ang guro. "Darating ang panahon, matututo kang gamitin ang galit bilang apoy-hindi bilang lason." Mula noon, mas pinaghusayan pa niya ang sarili. Sa murang edad, nakapagtapos siya ng iba't ibang training na kay tagal bago makuha ng isang ordinaryong tao. Hindi siya perpekto, ngunit ang tibay ng kanyang loob ang nagdala sa kanya. Dekada na ang lumipas, muling dumating ang kanyang ina. Hindi para humingi ng tawad, kundi para saktan siya muli. "Hindi na umuuwi ang daddy mo dahil sayo!" sigaw nito, saka siya biglang sinampal. Ngunit hindi na si Kazmiyah ang batang umiiyak sa sulok. Mabilis niyang hinugot ang paborito niyang kutsilyo-isang doble talim na palaging nakatago sa hita niya. Tinutok niya ito sa leeg ng kanyang ina. Ang kanyang mga mata ay malamig, walang bakas ng takot. "Hurt me again," malamig niyang bulong, "and you won't see the light anymore." Napaatras ang ina, halatang natigilan sa nakitang tapang ng anak. Hindi na siya nagdalawang-isip-mabilis itong tumakbo palabas ng bahay. Kazmiyah, sa kabila ng panginginig ng mga kamay, alam na alam ang totoo: hindi siya nagbibiro. At simula noon, hinding-hindi na niya hinayaang may manakit pa sa kanya. Nang sumunod na araw, dumating ang kanyang ama upang kausapin siya. "Anak... this is not you," mahinang wika nito habang pinipisil ang kanyang mga kamay. "Don't let anger consume you. Don't lose yourself." Doon lamang siya muling napaiyak. Sa loob ng Sampung taon, ngayon lang muli bumagsak ang kanyang mga luha. "I'm sorry, Daddy," bulong niya. "It's okay, anak. Naiintindihan kita." Mahigpit siyang niyakap ng ama, marahang hinahagod ang kanyang likod. Sa yakap na iyon, muling bumalik ang init na kay tagal nawala sa kanyang mundo. Ngunit sa kanyang puso, malinaw na ang desisyon: hindi na siya papayag na maging biktima muli. Sa mga sumunod na taon, mas lalo siyang nagpakadalubhasa-sa espada, sa disiplina, sa diskarte ng pakikipaglaban. At habang siya'y tumatanda, ang batang minsang nakulong sa dilim ay unti-unting naging isang mandirigma na kayang ipagtanggol hindi lamang ang sarili, kundi pati ang mga mahal niya sa buhay.Kumikislap ang mga chandelier sa buong bulwagan ng 'KZ Hotel'. Isa sa pinakakilalang hotel ni X, masyadong magarbo, bawat sulok ay talagang nagpapakita ng karangyaan. Lahat ng sulok ng silid ay may bantay. Ang mga lalaking nakaitim na suit ay nakatayo doon.Makikita mo ang mga nakakabit na earpiece sa mga tenga nito, matitipuno ang katawan, halod lahat sa mga iyon may angking kagwapohan. Hindi lang iilan bagkus halos hindi na mabilang. The guests , business elites, politicians, and underground figures, mingled with champagne in hand, pretending this was just another charity gala. They have no idea about LaSombra. But everyone knew: tonight wasn't about charity. It was about bloodline. "Ladies and gentlemen... tonight, We all gathered to welcomes a name long hidden in the shadows. The rightful heiress to an empire built in silence..." Pagsisimula ng host ng event. A hush fell over the room. All eyes turned toward the grand staircase. Slowly, she appeared. The Heir
Kazmiyah slept soundly after they made love. her body draped in the soft glow of the bedside lamp, her breathing even, her skin still marked by the heat of his touch. For the first time in a long while, Cyruz felt… peace. A fleeting peace he knew wouldn’t last. Napangiti siya nang bahagya. Walang pagtutol, walang alinlangan. Hindi ito lasing, hindi ito nadala lang ng sandali. She wanted him. And that truth settled deep in his chest — heavy, intoxicating. Finally, naisip niya. I’m inside her world… maybe even her heart. Pero kahit gano’n, may kirot pa rin sa isip niya. Hindi niya maalis ang tanong — mahal pa rin kaya niya ‘yung lalaki sa nakaraan? Pero hindi iyon ang oras para magselos. Sa ngayon, may mas mahalagang bagay siyang kailangan protektahan — ang buhay nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang mukha ni Kazmiyah. Sa bawat paghinga nito, may lambing na tila sumisigaw ng tiwala. Pero para sa kanya, iyon din ang dahilan ng pangamba. Dahil sa mundong ginagalawan nila,
“Magbihis ka. Pupunta tayo sa mall.” Kalmado ang boses ni Cyruz, pero walang puwang sa pagtutol. Habang inaabot niya ang paper bag na may laman ng mga damit, ramdam ni Kazmiyah ang bigat ng awtoridad sa bawat salita nito. Katatapos lang nilang mag-training, at kahit pagod pa siya, tumango na lang at pumasok sa silid para maligo at magbihis. Wala naman talaga siyang masuot. Madalas, mga damit ni Cyruz ang ginagamit niya—malalaking shirt, loose pants, minsan ilang piraso ng mga binili nito na pilit niyang tinatanggihan pero nauuwi rin sa pagsusuot. Hindi niya alam kung bakit patuloy itong bumibili para sa kanya. Siguro, iyon ang paraan nitong mag-alaga—hindi sa salita, kundi sa kontrol. Pagkatapos magbihis, agad silang umalis. Tahimik ang biyahe; tanging ugong ng makina at mahina ng ulan sa windshield ang maririnig. Sa rearview mirror, napansin niyang may mga itim na SUV na nakasunod. Mga tauhan ni Cyruz. sigurado siya. Pero may isang sasakyan sa dulo ng convoy na tila hindi kasaba
Panibagong araw, panibagong hamon para kay Kazmiyah. Sa ibabaw ng mesa, maayos na nakalatag ang mga hard copies. makakapal na file folders, bawat isa may pangalan, litrato, at mga impormasyong tila kasing bigat ng mundo. Hindi niya alam kung sino-sino ang mga ito, at sa totoo lang, wala rin siyang balak alamin. Pero mukhang wala siyang pagpipilian. "Basahin mo sila. Kilalanin mo. Sa mundong ito, hindi sapat na marunong kang bumaril. kailangan marunong kang bumasa ng tao." LaSombra: The Council of Nine The world saw them as entrepreneurs, philanthropists, empire-builders. But in the shadows, they were something else entirely,the architects of a silent empire that owned everything yet answered to no one. They called themselves LaSombra,The Shadow. Nine names whispered only in boardrooms and bloodstained corridors. Nine rulers bound by secrecy, greed, and power. 'X' The Founder To the Council, he represents both the beginning and the end.He built LaSombra out of dust and b
Nagising si Kazmiyah sa malakas na katok sa pinto. Mabigat pa ang talukap ng mga mata niya, pero agad siyang bumangon. Tahimik ang paligid, maliban sa paulit-ulit na katok. Matigas, may halong banta. Gumapang sa dibdib niya ang malamig na pakiramdam na matagal na niyang hindi naramdaman. Hindi ito ordinaryong umaga. Pagbukas niya ng pinto, bumungad si Cyruz. Malinis pa rin ang suot nito, pero iba na ang presensya,malamig, matigas. Tila may pader sa pagitan nila. Ang mga matang dati’y puno ng tapang at init, ngayo’y parang nagyelo at sa lamig na iyon, may tumusok sa loob niya. May parte sa kanyang natatakot dito pero hindi niya iyon pinahalata. “Anong kailangan mo?” malamig niyang tanong, pilit pinapatatag ang boses. Galit pa rin siya. Pakiramdam niya, nakakulong ulit siya sa mundong hindi niya pinili. Anong alam niya tungkol sa buhay ko? Why did she even give herself to him? Anong mahikang meron sa lalaking ’to? Maybe she was too aggressive when she was drunk. Pero baki
“Anak, gising... inaapoy ka ng lagnat,” yugyog ng kanyang ama. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Nagulat siya nang mapansing nasa training ground pa rin siya—nakahandusay sa malamig na sahig, tila nakatulog dahil sa sobrang pagod. Mabigat ang kanyang katawan; halos hindi niya maigalaw dahil sa pananakit at pamamanhid. Agad siyang binuhat ng ama pabalik sa silid at tumawag ng doktora. Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena. Tuwing siya’y nagkakasakit, iba’t ibang doktor ang dumarating. Hindi na niya ito kinuwestiyon pa. Ang malinaw lang: ayaw ng ama niyang madalas siyang lumalabas—na para bang napakadelikado ng mundong ginagalawan niya. Ngunit lingid sa kaalaman nito, bahagi siya ng isang lihim na organisasyon—isang samahang kumikilos sa dilim upang gumawa ng kabutihan. Mula nang matanggap niya ang imbitasyon, hindi na siya umatras. Madalas siyang lumalabas tuwing gabi para sa mga misyon. Pagdating ng doktora, tinanong siya nito tungkol sa kanyang nararamdaman. Nanah