“Anak, gising... inaapoy ka ng lagnat,” yugyog ng kanyang ama.
Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Nagulat siya nang mapansing nasa training ground pa rin siya—nakahandusay sa malamig na sahig, tila nakatulog dahil sa sobrang pagod.
Mabigat ang kanyang katawan; halos hindi niya maigalaw dahil sa pananakit at pamamanhid. Agad siyang binuhat ng ama pabalik sa silid at tumawag ng doktora. Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena. Tuwing siya’y nagkakasakit, iba’t ibang doktor ang dumarating. Hindi na niya ito kinuwestiyon pa. Ang malinaw lang: ayaw ng ama niyang madalas siyang lumalabas—na para bang napakadelikado ng mundong ginagalawan niya.
Ngunit lingid sa kaalaman nito, bahagi siya ng isang lihim na organisasyon—isang samahang kumikilos sa dilim upang gumawa ng kabutihan. Mula nang matanggap niya ang imbitasyon, hindi na siya umatras. Madalas siyang lumalabas tuwing gabi para sa mga misyon.
Pagdating ng doktora, tinanong siya nito tungkol sa kanyang nararamdaman. Nanahimik siya, lalo na’t naroon ang kanyang ama. Hindi niya kayang sabihin ang totoo—ang matinding kirot sa pagitan niya, dahilan kung bakit halos hindi siya makalakad.
Napasulyap siya sa ama, at tila naunawaan nito ang ibig niyang ipahiwatig.
"Okay, I’ll go out now. Just tell the doctor about it—maybe it’s a girl thing,” wika nito bago lumabas ng silid.
Doon lamang siya nakahinga at nagkalakas-loob.
"Masakit po... doon sa private part ko,” mahina niyang sabi.
Diretsong tanong ng doktora, “Did you have sexual intercourse?”tahimik siyang tumango.
"Is it your first time?”muli siyang tumango.
"How many times?
“Three,” maikli niyang sagot.
Matapos ang masusing pagsusuri, ipinaliwanag ng doktora, “Mataas ang lagnat mo, nasa tatlumpu’t siyam na antas. Namamaga at may pamumula sa pagitan mo. Malamang nagkaroon ka ng maliliit na punit dahil bago ka pa lamang sa pakikipagtalik.” Napayuko siya, napakagat sa labi sa hiya.
"Wala akong nakikitang palatandaan ng impeksiyon. Ang lagnat mo ay galing sa matinding pagod at sa pinsalang natamo mo. Kapag pinagsabay ang sugat at labis na pagod, mabilis bumigay ang katawan.
Naglabas ng reseta ang doktora. “Bibigyan kita ng gamot para sa lagnat at sa kirot. Magpahinga ka muna, at iwasan mo muna ang matinding training.”
Nakiusap siya na huwag nang ipaalam sa ama ang nangyari. Tumango ang doktora bilang pagsang-ayon. Pagkaalis nito, pumasok muli ang kanyang ama.
Anak, kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito, bakas ang pag-aalala.
Pasensya ka na sa ginawa ng ate mo... at sa mga nalaman mo. Alam kong mahirap tanggapin na hindi kami ang tunay mong mga magulang. Pero anak pa rin kita. Huwag ka na munang bumalik sa training ground. Sobra akong natakot nang makita kitang nakahandusay.”
Napatingin siya rito, dama ang bigat ng mga salita.
“Wala ho iyon, Daddy... pero sino po ba ang tunay kong ama? Gusto ko po siyang makilala.”
Humugot ng buntong-hininga ang ama. “Hindi ko rin alam, anak. Ang alam ko lang, dumating ka sa akin kasama ng isang sulat. May sustento mula sa kanya—hindi lang pera, kundi mga property at kompanyang nakapangalan sa’yo. Pinapamahalaan ko lahat iyon palihim, ayon sa bilin niya. Nasa tamang edad ka na para hawakan ang lahat ng iyon.”
Nanlaki ang mga mata niya, naguguluhan sa mga narinig.
“Anak,” dagdag ng ama, “kahit makilala mo siya, sana huwag mo akong kalimutan. Mula pagkasilang mo, inalagaan na kita. Sana wala kang sama ng loob sa mommy mo. Ang ate mo... alam kong mahal ka noon, pero nadala siya ng selos. Pasensya na, anak.”
Napapikit siya sandali. Wala na siyang nararamdaman para kay Jace; hindi ganoon kalalim ang iniwan nitong marka. Ang lalaking nakauna sa kanya ang ngayon ay di mawala sa isip niya.
She want to search about pero natatakot siya, marahil hindi naman siya hahanapin nito, siya naman ang nagpumilit na may manyari sa kanila kaya wala siyang dapat ikagalit dito, dala ng kalasingan at kuryusidad ay naging padalos dalos siya.
“Kalimutan na natin iyon, Daddy. Ang kailangan ko ngayon ay mahanap ang totoo kong magulang… at pamahalaan ang iniwan nila sa akin.”
Tumango ang ama. “Magpahinga ka muna. May nurse na magbabantay sa’yo. Kailangan ko lang lumabas at marami pa akong kailangan asikasuhin sa opisina.”
Pagkaalis nito, napaisip siya. Bakit nila ako iniwan? Kung kasama ko sila noon, mararanasan ko pa ba ang lahat ng ito?
Mahal niya ang amang nagpalaki sa kanya. Kahit hindi sila magkadugo, hindi nito ipinadama na iba siya. Mahigpit lang ito pagdating sa kanyang kaligtasan.
At ngayon, habang naaalala niya ang mga nagbabantay sa labas, sumagi sa isip niya, baka ang tunay niyang ama ang nag-utos niyon subalit kanina niya lang nakita ang mga iyon, baka naman ngayon lang niya binigyan ng pansin?
Babangon sana siya ngunit muling sumiklab ang kirot. Ganito ba talaga kasakit ang unang beses? Noon ay puro init at kakaibang sensasyon ang naramdaman niya pero ngayon—puro kirot at at sakit ng buong katawan.
Binisita siya ng kanyang matalik na kaibigang si laica, isa din itong agent sa organisasyong kinabibilangan niya, may miayon ito kaya hindi ito nakatawag sa kanya ng nakaraan araw humingi din ito ng pasensiya at hindi na daw siya nahatid dahil sa biglaang misyon nito sa lugar ng kanyang Bar, wala naman kaso sa kanya iyon dahil alam niya sa kinabibilangan nila kailangan nilang sumunod.
"Who is that man with you that night? alam ba ni Jace iyon" usisa nito sa kanya, halos umasim.ang mukha ko ng marinig ang binanggit nitong pangalan. Tawag ito ng tawag sa kanya kaya mas pinili niyang patayin na lang ang cellphone.
"Di ko kilala" pagsisinungaling niya, sa totoo lang hindi niya makalimutan ang pangalan nito ' Jhayden Cyruz Dela Costa'
"Ehh bakit ka sumama? akala mo ba di ko malalaman? nagkaroon lang ako ng misyon but i have eyes everywhere" saad nito. tss oo na alam kong maraming magsusumbong sa kanya, malamang tauhan niya sa bar.
"Lasing ako nun, hinatid niya lang ako" tanging nasabi niya. naalala niya na naman ang kagagahan
"Bakit ka nga pala naglasing?"
"Jace cheated on me with my sister" simplemg sagot niya.
"What i going to kill that man!" saad nito na mas galit pa sa kanya.
"Okay lang yun bagay din sila, Tsaka mabuti na din yun, babaero kala mo naman malaki" inis na saad niya maalala ang maliit nitong junjun.
Humalakhak naman sa kanya si laica
"You caught in the act? God your virgin eyes" Natatawa parin ito
"I've seen better" o mas tamang sabihin that she experienced the best
"As if, ehh halos di kana lumabas sa lungga mo, kita mo na nagkasakit ka diyan sa kakatraining mo, You are skilled already bakit ka pa ba nagtitraining? Just accept some mission di yung panay tanggi mo" saad nito.
Ito lang ang may alam sa lahat ng bagay sa kanya.
"Ayaw ko lang di ko gusto ang ibang mission masyadong madali, i want somthing more challenging" she said
"Magpagaling ka, tatawag ako sayo wag mong ioff cp mo halos di kita matawagan ng gabing nalaman kong may estrangherong naghatid sayo, kung pwede lang ako umalis doon baka pinauntahan na kita sa pagaalala" pagpapaalam nito sa kanya.
"Sige, magiingat ka pauwi"
Makalipas ang ilang araw, bumalik ang lakas niya. Isang gabi, nag-ikot siya sa paligid ng bahay,matalim ang mga mata at mabilis ang bawat hakbang. Hawak ang kanyang double-blade knife, handang pumatay kung kinakailangan. Hindi nagtagal, nahuli niya ang isang lalaking nagmamanman sa bakuran.
Mabilis niya itong naitulak sa pader, ang malamig na talim halos dumampi sa balat nito.
“Who are you?” malamig niyang tanong.
Tahimik ang lalaki.
“Who is your boss?” muling usisa niya, mas matalim ang tono.
“Just kill me now,” mariin nitong sagot.
Nanlilisik ang kanyang mga mata. “Tell your boss—if he won’t show himself, he won’t see me breathing anymore.”
Ngunit bago pa siya makakilos, isang mababang tinig ang bumasag sa katahimikan ng gabi.
“That won’t happen.”
Agad niyang iniwasan ang kamay ng lalaking akma sanang agawin ang kutsilyo, saka mabilis niya itong sinipa. Tumumba ito sa lupa. Paglingon niya, isang pamilyar na pigura ang bumungad—ang lalaking hindi niya inasahang makikita roon. Si Cyruz—ang lalaking naka-one-night stand niya.
“You seem strong, babe,” wika nito na may nakakalokong ngiti. “I don’t think you need my protection.”
Sumiklab ang galit sa dibdib niya. “Why are you here? And why are those men surrounding my territory?” Ang tanong niya ay puno ng apoy—hindi dahil sa mga tauhan, kundi dahil sa kawalan pa rin ng sagot tungkol sa tunay niyang ama.
“Guarding. Keeping you safe,” malamig na tugon nito.
“I don’t need any protection,” mariin niyang sagot.
“I know. I saw it myself.” Bahagyang lumapit ito, ang mga mata’y nakatitig sa kanya na para bang binabalatan ang kaluluwa niya. “But what’s mine, I keep safe.”
Nanigas ang kanyang katawan. “I’m not yours.”
Ang ngiti nito ay naging seryoso, mapanganib. “The moment you gave yourself to me… you became mine.”
Namilog ang kanyang mga mata. Umangat ang kamay niya upang sampalin ito, ngunit mabilis itong nakailag—reflexes na bihira niyang makita kahit sa pinakamahuhusay na agent
“Why did you run from me?” mababa ang boses nito, puno ng banta at pananabik. “Do you think I wouldn’t find you? There are more ways than one, and you know it. After what happened, you can’t just disappear. Without my protection, you’ll be dead—do you know how many enemies I have? Thousands. And they’ll use you against me.”
“’Di mo ako tauhan para utusan mo,” balik niya, matalim ang tono. “It was just… nothing. A mistake.” Magsisinungaling na sana siya, pero ang alaala ng gabing iyon ay masyadong malinaw. Ramdam pa rin niya ang lahat—at iyon ang pinaka nakakatakot.
Lumapit pa ito, halos dumikit sa kanya. “It wasn’t nothing. And whether you like it or not—you’re coming with me.”
Mabilis ang pangyayari—hinila siya nito, buhat-buhat na dinala sa itim na kotse na nakaparada sa gilid. Pinilit siyang ipasok sa loob.
“Walang hiya ka! Baliw!” sigaw niya.
Ngumisi lamang ito. “That’s true. Nakakabaliw ka kasi.”
Habang umaandar ang kotse, nanahimik siya, abala ang isip sa pag-iisip ng paraan para makatakas. Ngunit naputol iyon nang may tawag na dumating—nakaloudspeaker, kaya rinig niya ang bawat salita.
“Nasa amin na ang Heiress, but someone died. They think it was her. Thank God X was with us—muntik na siyang tamaan ng bala. X told me to keep that girl with you, or he will kill her. Hinayaan mong makapasok siya sa buhay mo, kaya dapat handa ka sa consequences. Dahil sa babaeng ‘yan, muntik nang mawala ang anak niya. And you know he’s not bluffing.”
Mariin ang sagot ni Cyruz. “She’s not just some girl. And if I have to go against X—or anyone—I will. For her.”
Sandaling katahimikan. Pagkatapos ay sagot mula sa kabilang linya: “Keep her then. We’ll support you.” At pinutol ang tawag.
Tahimik siyang nakinig, puso’y kumakabog. Heiress? Sino ang tinutukoy nila?
“I don’t need anyone’s protection,” mariin niyang wika, bagama’t may halong pagtataka. “I can protect myself.”
Ngumisi lamang ito. “I know you can. But you don’t know the whole picture yet. It’s far bigger than you think.”
Tumigil ito sandali, saka nagpatuloy. “I’ll take you to our hideout. You’ll meet them.”
“Do I even have a choice?” malamig niyang tanong.
“No,” diretsong sagot nito, walang alinlangan.
Naramdaman niya ang kamay nitong dumapo sa kanyang hita. Sa halip na galit, isang hindi maipaliwanag na init ang gumapang sa kanya—isang bagay na kinamumuhian niyang maramdaman.
“Stay away from him,” mariing saad nito.
Napakunot ang noo niya. “What do you mean?”
“That man, Jace. I want him out of your life. Ako lang dapat ang lalaki sa buhay mo.”
Tumitig siya rito, puno ng inis. “At sino ka para sundin kita?”
“Makikilala mo ako kapag sinuway mo ako.” Mapanganib ang tinig nito. “Stay away from him—or he’s gone forever.”
Namilog ang mga mata niya. Paano nito nakilala si Jace? Pinaimbestigahan ba siya nito?
“Bakit natahimik ka?” halos nakadikit na ito sa kanya, mabigat ang titig. “Don’t tell me you still have feelings for him—after he cheated on you with your sister.”
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Alam nito… lahat.
Nagngingitngit siya. “Do you know my father?”
Bahagyang kumurba ang labi ng lalaki. “Yeah. Balthier Casabuena. Your mother? Esmeralda Casabuena. I know every detail. And I know… they’re not your real parents.”
Napapikit siya, naguguluhan. Maraming tanong ang sumisiksik sa isip niya, ngunit isa lang ang malinaw: ang lalaking ito, anuman ang motibo, ay may hawak na piraso ng katotohanan.
At iyon ang dahilan kung bakit hindi siya kumawala.
Tahimik lang siya sa buong biyahe, nakatitig sa bintana habang dumaraan ang mga ilaw ng siyudad—parang bawat kislap ay paalala ng kalayaang bigla niyang nawala.
Hawak ni Cyruz ang manibela, steady lang ang tingin sa daan—pero ramdam niya, mula sa bawat galaw nito, na hindi ito basta ordinaryong tao.
Pagdating nila sa dulo ng highway, lumiko ito papunta sa madilim na daan, paikot-ikot hanggang sa pumasok sa ilalim ng lumang tunnel. Paglabas nila, isang malaking gusali ang bumungad—tila abandonadong warehouse, pero sa loob ay puno ng high-tech equipment at mga armadong tao.
“Welcome to our hideout,” malamig na sabi ni Cyruz, sabay bukas ng pinto ng kotse at labas.
Hindi siya kumilos. Pinagmasdan lang niya ito habang pinapasok ng mga tauhan ang kotse. Lahat ay yumuko nang dumaan ito—tila hari ng sarili niyang mundo.
“You’re safe here,” dagdag nito.
“Safe? You kidnapped me,” matalim niyang sagot.
Ngumiti lang ito, bahagyang umiling. “If I didn’t, you’d be dead by now. Someone out there wants you gone, and trust me—they don’t miss twice.”
Tumaas ang kilay niya. “So dapat magpasalamat pa ako?”
“Maybe,” tugon nito, sabay lakad papasok.
Wala siyang nagawa kundi sumunod.
Pagpasok nila sa loob, sinalubong sila ng malamlam na liwanag, mga monitor na nagpapakita ng mapa, CCTV feeds, at ilang lalaking nakasuot ng tactical gear. Lahat ay napahinto nang makita siya.
“Boss, she’s here,” sabi ng isa.
“I can see that,” sagot ng lalaking lumabas mula sa isang silid na tila opisina. Nasa mid-fifties ito—matikas, matangkad, at halatang napakagwapo noong kabataan. He had this dangerous aura.
“Make sure no one outside knows she’s with us.”
“Welcome to our hideout, Kazmiyah. I’m X,” pakilala nito.
Napakunot ang noo niya—naalala niyang ito ang nagbanta na papatayin siya. Hindi niya alam kung paano magre-react, pero bago pa siya makapagsalita, mabilis siyang hinila ni Cyruz paalis doon. Hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi pa siya tapos kausapin ang lalaking iyon—may bahagi sa kanya na gustong manatili.
“What’s this all about? Sino ka ba talaga?” inis na sigaw niya kay Cyruz.
Lumapit ito, halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. “You’ll find out soon. But for now, rest. You look tired,” sabi nito.
“Hindi ako pagod,” matigas niyang sagot.
“Then stay awake and watch. Maybe you’ll start understanding what kind of world you stepped into.”
Tumalikod ito at sinenyasan ang babaeng nasa gilid. “Show her to her room.”
Dinala siya ng babae sa isang kwarto sa ikalawang palapag. Minimalist, malamig, at mukhang temporary room lang. Wala siyang cellphone, wala ring bintana—isang halatang secured area.
Pag-alis ng babae, tumayo siya at nag-ikot. Hinanap niya kung may hidden camera o exit. Wala. Pero alam niyang may nagmamatyag.
“I know you’re watching,” mahina niyang sabi, habang tinatanggal ang sapatos at umupo sa kama.
Ilang segundo lang, nagsalita ang speaker sa kisame.
“Of course. I can’t risk losing you,” wika ni Cyruz.
Napairap siya. “You really think I’ll stay here quietly?”
“You can try to escape,” sagot ng lalaki, may bahid ng amusement sa tinig. “But I’d bet you’ll be back before sunrise.”
“Anong ibig mong sabihin?"
Tahimik saglit bago ito sumagot.
"Because out there, someone wants you dead. And I’m the only one keeping you alive.”
Napasinghap siya. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa sa sinasabi nito
"Tell me something,” dagdag pa nito. "Do you really think your real father left you because he wanted to"
Napahinto siya. “What do you mean?"
"Everything you know… is a lie, But i couldn't trace who is your real father and it only means he is someone as powerful as me" he said
"Do you know what it means? You are in danger"
Tahimik ang buong kwarto. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya.
“Sleep well, princess” wika nito sa huling pagkakataon bago tuluyang namatay ang ilaw.