Share

Mafia War: His Mistake
Mafia War: His Mistake
Author: Emperor's_smile

Prologue

AMIRAH P.O.V

BANG!

"Ahhh!" napasigaw ako dahil sa lakas ng putok ng baril. Umiyak ako sa takot. Hindi pa ako nakakabawi sa putok ng baril kanina at dumagdag pa ito ngayon. Tinakpan ko ang tenga ko dahil umi-echo sa pandinig ko ang malakas na putok.Isang lalaki sa likuran ko ang naramdam kong natumba. I can't clearly see kung anong nasa paligid ko ngayon dahil naka blindfold ako.

"Alam n'yo na ang gagawin. Unahin ninyo ang matanda."

After hearing those words, I immediatley kneel down with courage  gathered from nowhere. Ipinagdikit ko ang dalawa kong kamay na nakagapos sa harapan ko. Magmamakaawa ako para sa buhay namin ni Manong. Buong buhay ko hindi ko nagawang magmakaawa sa pamilya ko. Hindi ko aakalain na darating itong araw na 'to na gagawin ko lahat mailigtas lang si Manong na ngayon ko lang nakilala.

"Parang-awa n'yo na po. W-wala po talaga kaming alam. Hindi namin kasama 'yong lalaki kanina at mas lalong hindi kami spy. We don't even know you!" walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nagmamakaawa ako sa harap nila.

I know they are not just an ordinary business man na nag me-meeting lang dito. I can feel more than that. Besides, hindi sana kami hahantong sa ganito kung ordinaryong tao lang sila.

Biglang tinanggal ng isang lalaki ang blindfold ko. Naging malabo ang paningin ko dahil sa tagal na pagkakatakip sa mata ko. Pinilit kong aninagan ang mga taong nakaupo sa magarang upuan na nasa harapan ko.

Limang naka tuxedo na mga lalaki ang nakita kong nakaupo sa isang magarang itim na sofa at sa likuran naman nila ay may mga nakatayo at nakabantay na mga armdong mga lalaki na naka suit din.

Halos gusto ng kumawala ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. I could almost feel my soul escaping from my body when I saw how the way they look at me, as if they were trying to eat me alive. Napaka seryoso ng mga mukha nila at parang pagkitil lang ng buhay ang alam nilang gawin.

May mga itsura sila na parang ang ilan sa kanila ay nasa 30s at 40s pero nakakatakot ang mga awra nila. Ramdam ko rin ang namumuong tensyon sa loob ng kwartong ito. 

Napalunok ako ng ilang ulit nang tinignan nila ako nang nakakatakot. Parang sinisiyasat nila ang buong pagkatao ko.

"W-we're not really a spy! Bakit hindi niyo kayang maniwala? Just...just what sort of people are you?" sigaw ko sa gitna ng mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

"I really don't want to end like this," mahinang bulong ko na alam kong ako lang ang nakarinig.

May pumuntang lalaki sa harapan ko at akma sana akong sasampalin nang may baritadong boses ang nagsalita na nakapagpatindi ng takot ko. "Stop!" 

Nagmamakaawa ang mga mata kong tumingin sa taong nagsalita. Nakita ko kung paano niya ako pinasandahan ng tingin gamit ang walang kaemo-emosyon niyang mga mata.

"She's mine," sabi niya at tumayo papunta sa akin. Dahil sa takot ko ay napatayo ako bigla at akmang lalayo sana sa kaniya nang mahawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kaniya bago ako binuhat na parang isang sakong bigas. Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang pagkakabuhat niya sa akin at nakatali rin ang mga kamay ko.

Pumasok kami sa isang room na gawa sa salamin na tanging ilaw lang ng kandila ang liwanag sa buong kuwarto at isang puting kurtina lang din ang nagsisilbing pantakip nito.

"H-hija?" tawag ni manong sa akin kahit nahihirapan na siya.

Umiiyak ako while mouted 'I'm sorry' bago kami tuluyang makapasok sa loob.

Pabagsak niya akong ibinaba sa malambot na kama. Nag-umpisa na rin siyang hubarin ang tuxedong suot niya habang matiim na nakatingin sa akin.

Umiiling-iling akong nakatingin sa kaniya habang tumutulo ang napakarami kong luha. Pumunta ako sa ulohan ng kama at lumayo sa kaniya. Tanging pang-ibaba lang na damit ang naiwan sa kaniya. 

Napasigaw ako nang malakas nang hilahin niya ang dalawa kong paa para mapahiga ako sa kama. Agad siyang pumaibabaw at sinimulan akong halikan nang marahas sa leeg. Nagpupumiglas ako sa pagkakadagan niya sa 'kin pero kinuha niya ang nakagapos kong mga kamay at inilagay sa ibabaw ng ulo ko habang ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak dito. Marahas niyang tinanggal ang damit ko gamit ang isa niyang kamay at naiwan na lang sa akin ang underwear na suot ko.

Umiyak ako nang malakas at nagmakaawa sa kaniya nang todo. Tumigil siya sa ginagawa niya at tiningnan ako nang seryoso at nakakunot ang noo. Kinuha niya ang kumot at itinakip sa buong katawan namin.

"If you want to live, then listen to me," sabi niya bago dahan-dahan inilapit ang mukha niya sa leeg ko.

Mariin akong pumikit habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Ilang segundo akong nakapikit pero wala akong naramdamang labi na dumikit ulit sa leeg ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at laking pagtataka ko nang makita ko siyang nagpupush-up sa ibabaw ko.

Ang dalawa niyang kamay ay nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo ko. Ngayon ko lang napansin na hindi niya na pala hawak ang dalawa kong kamay na nasa ibabaw nang ulo ko.

Nakatulala lang akong nakatingin sa kaniya. Gulong-gulo ang isip ko dahil sa mga ikinikilos niya sa ibabaw ko. Hindi ko aakalaing gagawin niya ito sa akin. Nabawasan nang kaunti ang takot na nararamdaman ko. Parang pakiramdam ko naging ligtas ako sa sandaling panahon.

Nagkatitigan kaming dalawa habang nagpu-push up pa rin siya sa ibabaw ko. Halos magkadikit na nga ang katawan namin sa tuwing bumababa siya. Ibinaling ko ang tingin ko sa gilid nang malapit nang magkadikit ang labi namin.

Ramdam na ramdam ko ang malalim niyang hininga sa leeg ko at kung gaano kainit ang bawat hininga na dumadampi sa balat ko.

"They can see us outside," bulong nito sa akin gamit ang malamig niyang boses.

May namumuo ng mga pawis sa mukha niya dahil sa bilis nag pagpu-push up niya.

Iwinalis ko nang kaunti ang kumot para sumilip sa oras na nasa mini-table na malapit lang sa akin at nakita ko na 10 minutes na pala siyang nagpo-push-up nang mabilis sa ibabaw ko. Tagaktak na rin ang mga pawis sa mukha at katawan niya.

Hindi ko alam kung bakit pero may kaunting awa akong naramdaman para sa kaniya. Hindi kita sa mukha niya ang hirap dahil poker face lang naman siya pero alam ko at ramdam ko na nahihirapan na siya. Hindi madaling mag push-up nang matagal lalo na kung mabilis pa ito.

Lumipas pa ang ilang minuto at 'yong mga pawis niya ay tumutulo na sa mukha ko. Hindi na ako nag-abala pang punasan iyon at hinayaan ko na lang na matuyo sa mukha ko. Tiningnan ko ulit ang orasan at halos 20 minutes na pala siyang nagpo-push-up sa ibabaw ko.

Napasinghap ako nang bumagsak siya sa akin. 'Yong mukha niya ay nakasubsob sa leeg ko. Rinig na rinig ko rin kung paano niya habulin ang hininga niya at ang malakas na tibok ng puso niya.

Wala akong nagawa kun'di ang hayaan na lang na ganito ang posisyon namin. Iwinalis ko ang kumot haggang balikat ko para makahinga man lang kaming dalawa nang maayos. Hindi naman nila malalaman na walang nangyari sa amin dahil nasa ibabaw ko naman ang lalaking 'to at natatakpan din ng balikat niya ang bra na suot ko.

"S-salamat," mahinang bulong ko sa kaniya.

"Sa susunod na magkita tayo. I won't let you go easily," bulong niya sa tainga ko at kinagat ito nang mahina na ikinataas ng mga balahibo ko sa katawan. Nanumbalik lahat ng takot ko nang gawin niya 'yon sa akin. I tried to push him pero mabigat siya.

"Forget about everything when you go home. You are still young to let those bastard ruin your life."

Napalunok ako nang ilang ulit nang bitawan niya ang mga salitang iyon. I feel something that I had never felt before that sprouted within my heart and somehow making my heart skip a few beats as well. I smiled and silently cried. For the first time in my entire life, a stranger words that I met minutes ago makes me feel that I am safe.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status