Share

CHAPTER 12: MARRIAGE CONTRACT

"Don't kill him yet. I'll be there in a minute. I'll just finish this business."

Isang baritado at pamilyar na boses ang narinig ko. Iminulat ko ang mga mata ko para tingnan ang lalaking nagsalita. Dahil kagigising ko lang ay masyadong malabo pa ang paningin ko. Inaninagan ko nang mabuti ang mukha niya pero hindi ko makita dahil nakatalikod ito sa gawi ko at nakaharap siya sa salamin na bintana at nakatanaw sa labas. Sinuri ko ang likuran niya at nanlaki bigla ang singkit kong mga mata na agad ko ring ikinatayao sa pagkakahiga sa sofa nang namumukhaan ko ang likod niya.

"You're awake."

Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang paraan niya ng pagsasalita. Ang malamig niyang boses ang nagdulot ng sobrang kaba sa buo kong katawan. Pigil hininga ako habang hindi ko inaalis ang pagkatitig ko sa likod niya.

Nakalimutan ko saglit kung bakit ko siya gustong makita o makausap. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at nagpakawala nang malalim na hininga bago ako nagsalita.

"M...Mr. E
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status