Share

07 - Eskinita

Naningkit ang mga mata ko ng makita si Ginny at Dori na kinakausap si Sage. Kitang-kita ko kung paano malanding haplusin ni Ginny ang braso n’ya habang maarte itong tumatawa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagtawa ng impakta. Nagmumukha s’yang tanga dahil hindi naman bumubuka ang bibig ni Sage.

Ang sarap suntukin sa ngala-ngala ni Ginny. Nanggigigil ako!

Sinabi ko kay Sage kahapon na huwag na s’yang pupunta rito sa palengke pero heto s’ya’t agaw pansin sa lahat ng mga kababaihan.

Alam kong wala akong karapatan para pagbawalan s’ya sa mga gusto n’yang gawin pero concern lang naman kasi ako sa kanya. Paano kung makita s’ya ng mga taong humahabol sa kanya rito? Edi dedu s’ya?

Bahala nga s’ya sa buhay n’ya!

May tumawag kay Sage na lalaki kaya kaagad n’yang tinalikuran ang dalawang chanak. Nakita ko kung paano mag-flex ang biceps n’ya nang buhatin n’ya ang isang sako ng bigas. Parang lahat ng mga kababaihan sa paligid n’ya ay natigil sa ginagawa nila dahil sa panunood sa kanya.

Pogi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status