Share

10 - Eagle Wings

“Ang tagal n’ya naman,” bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa batuhan dito sa may ilog. Nakalublob ang mga paa ko sa tubig at tahimik itong pinagmamasdan.

Hinihintay ko kasi si Sage. Alam kong dito s’ya dadaaan sa ilog kaya naman dito ko s’ya napiling abangan. Hindi ko s’ya nagawang kausapin kanina. Bukod kasi sa lintik na babaing kasama n’ya ay talagang iniiwasan n’ya rin ako.

Nasasaktan ako dahil sa cold treatment n’ya sa akin pero naisip kong kasalanan ko rin naman kung bakit s’ya ganun sa akin. I pushed him away at ngayong lumalayo na s’ya sa akin ay ako naman ‘tong naghahabol sa kanya.

Marahas akong napabuntonghininga. Napatingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang unti-unti nitong pagdilim. Ang magagawa ko na lang ay ang humingi ng sorry sa kanya. Nagalit ako dahil sa mababaw na kadahilanan kaya kasalanan ko kung bakit lumamig ang treatment n’ya sa akin.

“Hindi kaya sa bahay na s’ya ni Mosa tumutuloy ngayon?” tanong ko sa sarili ko saka ko yinakap ang dalawang binti ko.

Sino
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status