Share

Mafia's Damsel : Little Did She Know
Mafia's Damsel : Little Did She Know
Penulis: Royai's Novele

PROLOGUE

Penulis: Royai's Novele
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-20 09:01:25

"Koya…huwag pooo!" eskandalosa kong sigaw nang may bigla na lang sumulpot na lalaki out of nowhere habang naliligo ako sa ilog. Mabilis s'yang napalingon sa akin. Kung hindi ako sumigaw ay baka hindi n'ya mapapansin na may diyosang nag-aala mermaid sa mabatong ilog.

Kumunot ang noo n'ya sa akin. Bumagsak ang panga ko nang makita ang kabuoan ng mukha n'ya paglingon n'ya sa gawi ko.

Jusmeyo marimar!

Mapapasigaw ka na lang talaga ng 'warakin mo ako' dahil sa taglay n'yang kagwapuhan at kakisigan. Tirik na tirik pa ang araw kaya naman sureball akong hindi katulad ni Mario Jose, na manliligaw ko ang mukha at tindig n'ya.

Siguro ay 1000x na paligo ang lamang n’ya kay Mario Jose.

Oh shet! Warakin mo ako! Chariz lang!

Kasing hinhin dapat tayo ni Maria Clara.

Dalagang pilipina yurn?

"Damn it!" Narinig kong mura ni pogito. Mabilis s'yang napalingon sa likuran n'ya bago muling bumaling sa akin pero kaagad n'ya rin akong iniwasan ng tingin.

Ehh?

Tumawid s'ya sa ilog hanggang sa makarating s'ya sa mapunong bahagi bago tumakbo paalis at iwanan ako.

Tss. Hindi man lang tinanong pangalan ko o kung single ako. Bad!

Nang mawala s'ya sa paningin ko ay narinig ko ang ilang mga kaluskos sa kaninang pinanggalingan n'ya. Nanlaki ang mga mata ko ng lumabas mula roon ang mga nakaitim na mga lalaki bitbit ang iba't ibang uri ng baril.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at nagkunwaring magandang rebulto sa gitna ng ilog.

Isa akong magandang rock. Yes. Rock na pretty at sexy.

Biglang tumambol sa kaba ang puso ko ng may isang lalaking napalingon sa direksyon ko.

"Miss!"

"P-Po?!" Kabadong saad ko.

Nakita ko kung paano nagtulakan ang iba n'yang kasamahan ng makita ako kaya naman tumudo ang heartbeat ko sa takot.

Kaya ba may nakita ako kaninang pogi kasi last day ko na sa earth ngayon?

Isa kasi sa mga wish ko ay makakita ng pogi bago man lang ako mamaalam sa mundong ito. Nakakasawa na kasi ang pagmumukha ng mga lalaki sa baryo namin lalo na ang mukha ni Mario Jose kaya masisisi n'yo ba akong humuling ng gwapo?

"Miss, may nakita ka bang lalaki na dumaan dito kanina?"

Tumango ako. Nanginginig ang kamay kong itinuro ang direksyon kung saan pumunta si pogito.

Sorry pogi. Kitakits sa...heaven?

"Sir, baka naman pwede nating baunin si ganda?"

"Oo nga boss. Para naman ganahan pa kami lalo sa misyong 'to." Pakiusap pa ng isang lalaki sa boss nila.

Napayakap ako sa sarili ko. Oh em gee! Kung pagkain lang naman ang gusto nila ay may mga kamote akong pwede nilang baunin.

Pinasadahan ako ng tingin ng lalaki na tinawag nilang boss. Kinilabutan ako ng makita ang pagsilay ng pilyong ngiti sa labi n'ya. Hindi na bago sa akin ang gan'yang tingin dahil sa irresistable beauty at alindog ko pero hindi pa rin ako sanay.

Malandi lang ang inner self ko pero hindi ako tanga para hindi malaman ang tumatakbo sa utak nila ngayon.

"Shet! Sexy boss oh!" Hiyaw ng isa.

Akala ko ba may hinahabol sila?

Haist. Ito ang hirap kapag saksakan ng ganda pati palaka napapalingon.

Hindi ko na narinig ang usapan nila. Dalawa ang humakbang papalapit sa akin samantalang lima naman ang tumakbo papunta sa itinuro kong direksyon.

Hindi na ako nagsayang ng oras at kumaripas na rin ng takbo paalis sa ilog.

'Yong kamote ko naiwan! Babalikan ko kayo promise!

"Hoy!" sigaw ng lalaki.

"Hindi ako si hoy! Bobo ka?!" Balik kong sigaw.

Hindi ko na sila nilingon at nag-focus na lang sa pagtakbo at pag-iisip ng paraan para mailigaw sila. Kabisado ko na ang parteng 'to ng gubat. Malayo pa rito ang baryo namin kaya wala akong ibang choice kundi ang makipagtaguan at habulan sa kanila rito.

"Bumalik ka rito miss! Hindi ka naman namin sasaktan!"

"Utot n'yo!"

"Aba't!"

Nagpasya akong tumakbo patungo sa narra kung saan kami madalas noon maglaro nina Dori at Magot. May sekretong taguan kami 'ron kaya sa tingin ko ay may pag-asa akong maka-survive mula sa mga MIB na 'to.

Tsk. Mas mukha silang mga alien in disguise.

Mga chaka! Buti pa si pogito kanina.

"Kyahhh!" sigaw ko nang bigla akong matapilok dahil sa naka-usling ugat ng puno sa lupa.

Nagsimulang manubig ang mga mata ko nang maramdaman ang pananakit ng mga tuhod ko dahil sa pagbagsak ko. Marumi na rin ang puting t-shirt na suot ko na may mukha ni Capitan dahil sa pagsubsob ko sa lupa.

"G*go! Ayon oh!" narinig kong sigaw ng lalaki.

Paika-ika akong humukbang.

Gosh! Maaabutan na nila ako!

"Wala ka nang kawala miss! Hahaha!"

"Ahhh!" Napatili ako nang may humatak sa braso ko kaya naman sinabunutan ko s'ya at pinaghahampas.

"P*ta! Palaban ka ah! Lito! Hawakan mo!" utos n'ya sa kasama n'yang kakarating lang.

"Waggggg!" sigaw ko nang hawakan ng lalaking nagngangalang Lito ang dalawa kong braso at ilagay 'yon sa likuran ko.

Mas lalo akong nag-panic nang makitang nagtatanggal na nang belt ang lalaking nasa harapan ko. Inapakan ko ang paa ng lalaki na nasa likuran ko at inihampas ang ulo ko sa baba n'ya. Namilipit ito sa sakit kaya naman nabitawan n'ya ako.

Hilong-hilo ako dahil sa makabasag bungong stunt ko. Tatakbo na sana ulit ako nang may malakas na kamay ang humila sa buhok ko.

"Palaban ka ah! Tingnan lang natin kong hanggang saan ang kaya mo."

Tumulo na ang pinipigilan kong luha dahil sa magkahalong sakit ng katawan at takot. Baka nga oras ko na para maging angel sa heaven at umalis sa kalupaan. Siguro naman mas maraming pogi 'ron.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil ayokong makita ang gagawin sa akin ng lalaki. Tahimik lang akong umiiyak at naghintay.

"Tama 'yan, miss. Dapat behave ka lang para hindi ka nasasaktan."

"Pre! Dalian mo na. Tigas na tigas na–"

"P*tangina!" Malutong na mura ng lalaki.

Ilang mga ingay at ungol ang narinig ko kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Pagmulat ko ay kita-kita ko kung paano niyakap ni pogito ang leeg ng lalaking kaharap ko ba 'yon baliin.

Narinig ko ang tunog nang pagkabali ng leeg ng lalaki at pagbagsak nito sa harapan ko kaya naman muli akong napatili.

Holy shemay! I just witnessed a murder!

"K-Koya...huwag pooo."

Ehh?

Mamatay ka na pero ang landi-landi mo pa rin Tabitha Rose Pechayko!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   48 - Tease

    Kaagad kong sinundan si Augustos. Gusto kong maliwanagan. Paano n’ya nasabing panggulo lang sa akin si Ariella. Ang batang ‘yon nalang ang dahilan kung bakit pinipilit kong manatili sa poder n’ya. Alam kong malaki ang utang na loob ko dahil sa pagligtas n’ya sa buhay ko pero hindi tama ang gagawin n’ya.Hindi ako papayag.Magkamatayan na!“Rose.” Hindi ko pinansin si Elliot. Bago pa man n’ya maisara ang pinto ay pinigilan ko na s’ya.Nilampasan ko si Elliot at kaagad na lumapit kay Augustos na kakaupo lang harap ng mesa n’ya. Marahas kong ibinagsak ang dalawa kong kamay sa mesa dahil sa magkahalong galit at takot. Mawala na sa akin ang lahat huwag lang ang batang ‘yon.Matatalim ang mga mata nito habang nakatitig ng diretso sa akin pero hindi ‘yon sapat para mabasa ko ang totoong emosyon nito. Galit s’ya pero bukod ‘don ay ano pang tumatakbo sa isip n’ya.“Go back to your room, Rose,” utos ni Elliot na nasa likuran ko.Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Sa ngayon ay walang maid

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   47 - Distraction

    “Wala akong kilalang Arman,” sagot ni Elena. Dali-dali n’yang kinuha ang mga gamit n’yang panglinis at patakbong lumayo sa akin.Masyado ba s’yang na heartbroken para kalimutan ng tuluyan ang ex n’ya?Weird. Hindi naman ako nagka-amnesia ng lokohin ako ni Sage. “Karga ako.”Nalipat ang tingin ko kay Ariella. “At kelan ka pa natutong magtagalog ng hindi na bubulol?” Iwinagayway n’ya ang dalawa n’yang malilit na braso para magpabuhat kaya naman kinuha ko s’ya at iniangat sa ere. “Pasalamat ka cute ka.”“Arella cute, danda din.”“Sa akin ka nga nagmana.” Diniinan ko ang halik sa pisngi n’ya na ikinahagikgik n’ya. “So, where do you want to go?”“Mawl.” She beamed. For sure ay bubudulin n’ya na naman ako sa mga stufftoys na makikita n’ya lalong-lalo na kapag mga sea creatures na connected kay little mermaid at spongebob.Hindi nga nagkamali si Antonette sa ipinangalan n’ya sa anak n’ya.“Mall? Ayan ka na naman sa alien spowkening mo.”Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noong kasama ko

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   46 - Bothered

    CHAPTER 47“Hoy! Nasa outer space na naman ‘yang diwa mo,” pahayag ni Seul. Inilapag n’ya sa mesa ang ice coffee na hawak n’ya bago maupo sa harapan ko. “Tell me, ano ba talaga ang gumugulo sa’yo at kahapon ka pa parang wala sa sarili?”Bumuga ako ng hangin saka humigop sa iced coffee na inorder n’ya. Sarap talaga kapag libre.Hindi lang kasi ako mapakali dahil sa mga paratang na naririnig. Hindi lang si Sage ang nagsasabi na ipinagpalit ko raw s’ya sa ibang lalaki. Na sumama raw ako sa iba at hindi na kontento sa kanya. Kahit si Basilyo ay iyon din ang mga sinasabi. Hindi ko lang kasi matanggap. Ako? Cheater? Walang akong matandaan na ginawa ko iyon bago ako mabundol at ma-comatose.Sa pagkakaalam ko ay ako itong niloko ni Sage. Huh! At kay Mosa pa talaga! Sa tuwing naaalala ko ang ginawa n’ya ay nanggagalaiti talaga ako. Sa ngayon ay ayoko muna s’ya i-confront patungkol doon dahil baka saan-saan na naman ako dahil ng emosyon ko.Nakapagtataka lang, kung hindi si Sage ang nagtanim

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   45 - Not Enough

    Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Ariella ay dinig ko na kaagad ang malakas na iyak at sigaw n’ya. Dali-dali akong pumasok sa loob at doon na bumungad sa akin ang ginagawang kahayupan ni Antonette sa sarili n’yang anak. “M-Mama no!” hagulgol ni Ariella habang hatak-hatak s’ya ng ina n’ya sa braso. Sumiklab ang galit ko ng ibalibag ni Antonette sa sahig ang bata na para bang laruan lang ito sa paningin nya.Ang hayop na ‘to!Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanya saka ko malakas na hinatak ang buhok n’ya dahilan para magsisigaw s’ya na parang nangingitlog na manok.“Binalaan na kita noon!” asik ko. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya nang mapalingon s’ya sa akin. Hindi n’ya inaasahan ang pagdating at gagawin ko kaya naman sa gulat n’ya ay nawalan s’ya ng balanse matapos tumama ng palad ko sa mukha n’ya. Unang bumagsak ang pwetan n’ya sa sahig kaya naman napahiyaw s’ya. Makikita sa mukha n’ya ang takot. Halatang takot s’yang masira ang pwet n’yang gawa sa silic

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   44 - Heated Pt. 2

    Bumagsak ang likuran ko sa malambot na sofa samantalang dumagan naman sa ibabaw ko ang lalaking dapat na kinamumunghian ko ng sobra. Patuloy naming hinahagkan ang labi ng isa’t isa―malalim ang halik at puno ng pananabik na imbis na pandirihan ko ay gustong-gusto ko pa. Ayokong mag-assume pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.What the hell am I doing?Bakit hinahayaan ko s’ya na gawin ang bagay na ‘to sa akin?Pahamak talaga ang karupukan ko sa lalaking ‘to. Hindi lang sarili ko ang tinatraydor ko kundi pati na rin ang mga namayapa kong mga magulang. Kung nandito siguro ngayon sina mommy at daddy ay baka na disappointed na sila sa akin.Akala ko ay matagal ko nang naibaon sa limot ang pagmamahal ko sa kanya pero kahit anong subok ko ay natatandaan pa rin pala ng puso ko ang lalaking itinitibok nito.Ano bang solusyon sa problema kong ito sa puso? Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagu-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ay tinatraydor ko ang sarili ko

  • Mafia's Damsel : Little Did She Know   43 - Heated Pt. 1

    Tabitha?” gulat na sambit ni Basilyo nang makita n’ya ako. Gusto ko s’yang ambahan ng yakap pero ikinalma ko ang sarili ko. Wala kasi akong nakikitang excitement sa mukha n’ya kaya nagdal’wang isip ako. Hindi ba s’ya masayang makita ako?Ngumiti ako sa kanya pero ako naman ‘tong nagulat nang magbago ang ekspresyon n’ya. Sumeryoso s’ya saka n’ya ako inirapan. Sanay na ako sa mga pabiro n’yang irap noon sa akin pero ngayon ay mababakas sa mga mata n’ya ang galit sa akin. Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa naging reasksyon n’ya.“Bossing, naghihintay na sa’yo ang mga ka-meeting mo. Gorabells na at baka ako na naman ang pag-initan ng mga tanders na ‘yon,” pahayag n’ya na para bang wala lang ako sa kanya. “Tell them to f*cking wait,” matigas na pahayag ni Sage. “Basilyo―” Hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko nang mabilis n’ya akong talikuran. Akmang hahabulin ko na sana s’ya nang may kamay ang pumigil sa akin pero marahas ko ‘yong winakli at patakbong sinundan ang kaibigan k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status