Share

Chapter Three: Negative

Malungkot at puno ng panlulumo ang mukha ni Aleia habang nakatingin sa hawak.

Isang pulang linya.

Isa lang ang sabihin niyon, negative.

Hindi siya nagdadalang-tao. Iyon ang resulta sa hawak niyang pregnancy test.

Hawak-hawak iyon ay lumabas siya. Nakangiti siyang sinalubong ni Meredith na noo'y tila excited pa kaysa sa kanya ang mukha.

Pero nawala ang ngiti nito sa labi ng makita ang tila biyernes santo niyang mukha.

Umiling siya saka ini-angat ang hawak para ipakita rito.

"Negative eh."

Bigla ring nawala ang ngiti nito nang dumako ang mga mata sa hawak niya.

"Hindi naman one hundred percent na sigurado ang test, you can try another one again." Sabi ni Meredith, trying to comfort her. "Isa pa, dalawang linggo pa lang naman magmula ng may nangyari sa inyo ng estrangherong iyon sa club, baka kailangan pa nating maghintay ng--"

She heave a sigh. "Ang sabi ni Doctora Mercado, malalaman na ng isang babae kung buntis siya kahit dalawang linggo pa lang. I bought the pregnancy test she recommended me to use, and I tried twice already, pero negative talaga Dith eh, I'm not pregnant."

"Let's just wait until your period. And until then, may posibilidad pa rin na may nabuo talaga kayo, marahil hindi palang makita ngayon. Or better na pumunta tayo sa clinic ni Doctora ngayon para malaman natin." Suhestyon nito.

Umiling siya. "Hindi na, let's just wait. Kung wala talaga, then maybe hindi pa panahon para magka-baby ako."

She look at her, tila may gustong itanong, dangan nga lamang parang nag-alinlangan ito. Pero matapos ang ilang sandali ay hindi rin ito nakatiis.

"Kung sakaling hindi ka nabuntis, gagawin mo ba ulit iyon? I-I mean another one night stand with a stranger to get pregnant?"

Pinaglapat niya ang kanyang mga labi saka umiling. "Parang hindi ko na yata kayang gawin ang bagay na iyon sa iba." Sagot niyang hilaw na ngumiti.

Pagkatapos ng nangyari sa kanila ng estrangherong iyon, pakiramdam niya, nakakadiri nang gawin iyon sa ibang lalake. Hindi yata niya kayang i-imagine ang sarili niyang nagse-sex sa iba pagkatapos nito.

Not because she plan on having a one night stand to have a baby, ay gagawin na niya iyon kahit kanino. She's desperate, yes, but not to the point that she'll jump in any men's bed. Isa pa, kaya niya pinili ang lalakeng iyon, ay dahil may naramdaman siyang kakaiba ng gabing iyon pagkakita niya rito. It was something she couldn't explain. He was rude, he was not even friendly, pero sa kabila niyon, matindi pa rin ang naramdaman niyang atraksyon para rito. It's not just the charisma and his physical appearance that caught her eyes, it was beyond that, it was something deeper, something more.

Nakita niya ang pilyang ngisi ng kaibigan.

"Are you saying that if there's any chance you'll see him again, gagawin mo ulit? Basta sa kanya lang?"

Ramdam niya ang biglang pag-init ng kanyang mga pisngi.

"I-I didn't say that!" Agad niyang depensa.

"But your reaction tell me so." Kantiyaw pa rin nito. "Guwapo ba talaga?" She asked curiously. "Knowing you, Hindi ka basta-basta na-aatract sa mga lalake, hindi ka nga nagka interes doon sa mga una kong itinuro sayo sa kabila ng artistahin ang kanilang mga itsura. But with this one--" ikiniling nito ang ulo saka tinitigan pa siyang lalo. Nasa mga labi pa rin ang pilyang ngisi. "Mala Brad Pitt ba?"

She bit her lip, saka hilaw na ngumiti. "Higit pa yata.."

Meredith eyes widened. "OMG.. as in OMG... Na-curious na talaga ako sa lalakeng iyon. Parang gusto ko ng makilala. Bumalik kaya tayo sa sabado sa club, malay mo makikita natin siya ulit doon."

Maybe, the man looks very familiar in the place. Alam na alam nito ang pasikot-sikot. He even had a VIP room upstairs. But she doubt if she had the guts to meet him again.

'Hear my warning, if you're planning to run away, huwag mo ng tangkain na gawin iyon. I'm telling you, I'm going to find you even into the depths of hell!'

Nanindig ang balahibo niya ng maalala ang sinabi nitong iyon.

"Ano.. punta tayo ulit sa sabado?" Nanantiya nitong tanong.

Natatawang umiling siya. "No.."

"Sige na, I just want to see him if he happen to be there, ituro mo lang sa akin, I'm just curious about what he really looks like, for you to--"

"Ayoko Dith.." tanggi niya. "Wala na akong planong makita pa ulit ang lalakeng iyon. Tama na ang gabing iyon."

Ngumuso ito. "Sabi mo eh." Kibit-balikat nito. "Well, let's just pray na may nabuo nga talaga kayo that night."

Muli niyang tiningnan ang pregnancy test. Mukhang wala yatang pag-asa na mangyayari iyon.

--LEVIN--

Nagagalaiting halos magwala si Levin ng marinig ang sinabi ng dalawang Detective sa kanyang harapan. Buong lakas niyang pinulpog ang kanyang office table, sanhi para tumalsik ang ibang mga papales na nakapatong sa ibabaw niyon.

Sa gulat, napaatras ang dalawa.

"Isang babae lang ang ipinapahanap ko sa inyo, bakit hanggang ngayon hindi ninyo pa rin mahanap?!" gigil na sabi niya. Halos manlisik ang kanyang mga mata sa inis.

He's been patiently waiting in the past two weeks kahit hindi iyon ang forte niya. Pero, ito lang ang kanyang maririnig. Ang balitang hindi pa nahahanap ng mga ito ang babaeng ipinapahanap niya.

"Pasensiya na Mr. Ferroci, hirap talaga kaming hanapin ang babae dahil walang masyadong pagkakakilanlan sa kanya maliban sa ipinagawa mong sketch. Hindi rin iyon masyadong detalyado kaya--"

"It's the reason why I am paying you triple! Ginagawa ninyo ba talaga ang trabaho ninyo?"

"Mr. Ferroci," alanganing sabat nung isa. "Dalawang linggo pa lang naman ang nakalipas."

"At sa dalawang linggong iyon, ni hindi man lang kayo nagkaroon ng kahit kaunting impormasyon?"

"We already had a lead through the CCTV we managed to get at the bar, pinag-aaralan pa namin ng mabuti sa ngayon Mr. Ferroci. Give us another week or two, at sinisiguro namin sa inyo na magandang balita na ang ibibigay namin sa inyo sa panahong iyon. Magdadagdag kami ng tao para mas lalong mapadali ang paghahanap--"

Natahimik ito ng tingnan niya sa madilim na mga mata.

"I don't need incompetent men. Makakaalis na kayo." Matigas niyang sabi. Meynard ihatid mo na sila sa labas." Utos niya sa kanyang kanang kamay na agad namang tumalima.

Madilim ang mga matang sinundan niya ng tingin ang pintong kinalabasan ng mga ito. He gritted his teeth hardly. Kinuha niya sa mesa ang iilang papel na dinala ng dalawang Detective at marahas na itinapon.

Hindi niya kailangan ang walang kwentang mga impormasyon na iyon! He didn't pay them triple for that shit!

"Bakit hindi ka nalang humingi ng tulong sa organisasyon para mapadali ang paghahanap mo sa babaeng iyon Lev?" Si Meynard, hindi niya namalayang bumalik na pala ito.

"If you want to find that woman, the men in the organization is the suitable one to help you. Tiyak isang araw lang at dadalhin nila sayo ang babaeng iyon."

He look at him darkly.

"I don't need you fucking suggestions Meynard! Alam mong hindi ko maaaring gawin iyon!"

"But you look so desperate. Sino ba kasi ang babaeng iyon huh? Why you're this desperate?"

He gritted his teeth more. He is asking himself that same question. Sino nga ba ang babaeng iyon at hetong tila nababaliw na siya?

She's just one of those woman who perhaps looking for a man to fucked that night and satisfy her desire. Hindi na siya bago sa larangang iyon, lalo na sa mga lugar tulad ng Clubs or mga Bars. A woman who is looking for hook-ups.

Pero sinong niloloko niya sa isiping ganoong klase itong babae gayong unang pagkakataon nito iyon na nakipag-sex?

Or nagkataon lang talaga na siya ang nakauna?

Is it the reason of his curiosity? O hindi lang matanggap ng ego niya na sa kabila ng binigyan na niya ito ng babala na huwag umalis, ay umalis pa rin ito?

Hindi niya matanggap, dahil hindi siya sanay. He was used to woman who's always at his mercy. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi siya nasunod.

"Fuck!"

Pati si Meynard ay nagulat sa biglang bulyaw niyang iyon.

Tumukod siya sa kanyang mesa at sa matatalim na mga mata ay tumingin sa harap.

Hindi siya titigil hangga't hindi niya ito nakikita. Gaya ng banta niya rito, handa niyang pasukin kahit ang impiyerno para lamang mahanap ito. Kung kinakailangan gamitin niya ang organisasyon para doon, gagawin niya.

At humanda ito oras na magkita silang muli!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jadexanne
ang Ganda nakakilig nman oh..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status