Share

CHAPTER 04

Author: sshhhhin
last update Last Updated: 2024-08-13 23:24:58

CHAPTER 04: HUG

LYN'S POV

"Ihahatid mo ako sa loob?" tanong ko kay Khan nang bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto pero kahit nakalabas na ako ay nanatili siya sa harap ko.

Mas lumawak ang ngiti niya. "Gusto mo? Tara!" Naglakad siya kaya sumabay na ako. Parang siya pa tuloy ang nakatira rito. Nagdire-diretso kasi siya. "Anong floor ka ba?"

"Penthouse," simpleng sagot ko at pumasok na nang bumukas ang elevator. Nagulat ako nang pumasok din siya at pinindot ang button para sa PH.

"Ang taas mo pala! 'Di ka takot kapag tumitingin ka sa ibaba?" manghang tanong niya dahil kaming dalawa lang ang nando'n.

Gumaan din ang pakiramdam ko na kasama ko siya dahil natatakot ako roon sa stalker ko. Siguro ay dapat ko na iyong ikwento kay Ate Lia para magpalagay ako ng dagdag na security?

"Hindi naman ako tumitingin sa baba," paliwanag ko at ngumiti. "Maganda 'yong langit. Lalo na kapag sunrise o sunset. Sobrang ganda rin din kapag gabi na tapos maraming stars!" mas sumaya ang boses ko.

"Cute mo!" puri na naman niya at napatagal ang usapan namin dahil mataas talaga ang Penthouse.

"Dyan lang ako," sagot ko at itinuro ang kwarto na malapit sa tapat ng elevator. "Thanks sa paghatid at ingat pauwi."

"Naman! Bye, Lyn!" Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang sumarado ang elevator.

Pumasok na ako sa unit ko at nagbihis ng mas komportableng damit bago nagsimulang mag-prepare ng meryenda at kakainin ko para mamayang gabi. Hindi na ako masyadong nagmadali dahil weekend naman bukas.

"Hi, Mika!" Malaki ang ngiti ko nang sagutin ni Ate Lia ang tawag ko sa kanya sa social media account niya pero ang anak niya ang nakita ko sa screen.

"Ate Lia, masyadong malapit si Mika sa iPad! 'Yong eyes niya!" puna ko sa kapatid.

"Hayaan mo siya!" pagsusungit niya mula sa background kaya napanguso ako.

"Ang sama mo sa anak mo! Ibigay mo na lang kaya siya sa akin!" dahilan ko dahil kawawa naman si Mika kapag maagang lumabo ang mga mata dahil sa radiation.

"You want?! Go, sis, you can have her!" walang pag-aalinlangang sagot niya at humalakhak bago naging blurry ang video sa side niya at nakita ko na siya. Buti naman! "So, why did you call?" pagpalit niya ng usapan habang nag-aalis siya ng make up sa mukha. Kakatapos siguro ng trabaho.

"Miss ko na kayo! Marami akong kwento tungkol sa first week of school namin! Marami na akong bagong friends!" excited na sagot ko at hindi na isinali sa kwento iyong tungkol sa stalker ko. Mawawala kasi 'yong saya. Baka mag-alala siya sa akin. Mag-iingat na lang ako!

"Eatwell, baby."

Nalaglag ang panga ko habang ngumunguya ng niluto kong pasta for dinner. It was from that unknown number from my stalker again. Pero paano niya nalamang kumakain ako?! Bigla akong kinilabutan at napatingin sa buong unit. May CCTV ba rito?

Naputol ang pag-iisip ko nang may sumunod siya sinabi sa text message. "Don't be curious. Just eat."

Napa-inom ako ng tubig para kontrolin ang sarili at nanginginig na nagtipa ng reply. "Stop!" iyon ang tanging paki-usap ko at blinock na ang number niya.

Ibinaba ko iyon at tinitigan hanggang sa kumalma ang puso ko dahil hindi na siya muling nagparamdam. Buti naman!

Nag-shower ako bago humiga sa kama nang mag-alas diyes na ng gabi. Panay ang pagtunog ng phone ko dahil sa ingay ng group chat namin nila Scarlet, Zai, Khan, Rave at Love Joshua kaya nagbasa ako habang nagpapatuyo ng buhok.

MGA FUTURE ALIPIN PERO SA AIRPLANE

Yes. That's our group chat named by Khan.

Khan Alipin ni Lyn: Labas tayo bukas! 'Pag ayaw niyo date na lang kami ni @Lyn Inosenteng Alipin.

Scarlet Sexy Alipin: Asa ka @Khan Alipin ni Lyn! HAHAHA Ikaw talaga 'di namin isasama! Remove mo na nga sarili mo dito!

Zai Gorgeous Alipin: Go ako anytime and anywhere!

Rave Mahangin na Alipin: Nice, babe! Sama din ako syempre! Bar tayo? Tara @everyone, inom!

Khan Alipin ni Lyn: Bawal do'n si baby @Lyn Inosenteng Alipin ko. Pass! Sign na 'to para mag-date na lang kami.

Scarlet Sexy Alipin: @LJ Nonchalant Alipin, ano na, love? Galaw-galaw, oh!

Khan Alipin ni Lyn: Buti pa ako, present baby ko. Heart mo nga 'to @Lyn Inosenteng Alipin.

Nag-react ako ng laughing emoji sa mensaheng iyon ni Khan bago nag-reply. Gusto ko ring sumama para mas makilala ko sila.

Lyn Inosenteng Alipin: Sasama po ako! Pero hindi sa Bar. Bawal ako magpagabi, e :(

Khan Alipin ni Lyn: Awts, baby! Okay lang 'yan! Sasamahan kita kahit saan mo gusto :)

Napangiti ako kahit papaano at pinagpatuloy ang pakikipagkwentuhan sa kanila. Panay seen lang ako at hinayaan ko lang silang dumaldal. Ang pinakamaingay ay sina Scarlet at Khan. Game lang si Zai at puro wild naman ang topic ni Rave. Si Love Joshua, hindi nagse-seen. Busy siguro siya sa ibang bagay.

Napagkasunduan naming lumabas bukas para pumunta sa Mall para manood ng sine at mag-food trip. Triple date pa nga ang tinawag nina Scarlet do'n.

Alas onse na nang antukin na ako. Akmang ilo-logout ko na ang social media account nang may bagong notification na lumitaw.

Kael Nikolich sent you a friend request.

Dinelete ko iyon dahil hindi ko naman kilala. Gano'n lagi ang ginagawa ko. Kahit school mate ko ang ilan base sa unifrom nila sa profile picture ay iniignora ko lang dahil hindi ko naman sila ka-close.

"Ate Lia, lalabas kami mamaya ng mga friends ko," paalam ko sa kapatid nang tumawag siya sa akin kinaumagahan.

"To where? I can drop you off, dadaan ako r'yan mamaya," alok niya pa pero umiling ako.

"Mall lang, ate. Malapit lang dito. At saka..." nabitin ang sasabihin ko dahil sa hiya. "Susunduin ako no'ng friend ko, si Khan."

"Khan who?! A guy?" tumaas ang boses niya.

Lumobo ang labi ko. "Opo," pag-amin ko dahil gusto ko ring makilala si Khan. Siya ang pinaka-close ko na guy sa circle of friends namin.

"You sure you're just friends?!" nahimigan ko ang panunukso sa boses niya. Para namang hindi pwedeng maging magkaibigan ang babae at lalake.

"Opo, ate. Sobrang bait nga niya, e. He picks and drive me back to my condo yesterday," dagdag ko.

Uminit ang pisngi ko nang tumili siya. "Really?! That friend you're pertaining who did that is a guy?! Lyn! He likes you for sure!"

Hala! Masyado naman nang assuming si Ate Lia! Dinaig pa ako.

"Hindi po. Friends lang kami," pagpapakalma ko sa kanya.

"Ipakilala mo sa akin! I will judge if what flag is he representing to!" utos niya kaya kumunot ang noo ko.

"Flag?" nalilitong tanong ko at napatingin sa orasan. Ilang minuto na lang bago ako sunduin ni Khan.

"Yup! Green o red. Pwede ring black like—" nabitin ang sasabihin niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ate? Hello?" Tinignan ko ang phone. On-going pa rin ang call.

"Hello, Lyn?" tanong niya pabalik. Nawalan siguro ng signal.

"Anyway, may napapansin ka bang kakaiba, Lyn?" mas naging wirdo ang mga sinasabi niya.

Bigla tuloy akong natakot dahil mag-isa lang ako sa unit ngayon. "Wala naman, ate. Bakit?"

"Nothing, just curious on how your living alone journey is going!" pakantang sagot niya.

Napatango ako dahil hindi na masyadong seryoso ang boses niya. Bakit niya tinatanong kung may napapansin akong kakaiba rito? Could it be she knew about my stalker? Paano naman niya nalaman kung gano'n nga?!

"Ate Lia, may sasabihin ako," panimula ko para umamin na sana pero nakita ko ang notification ng message ni Khan sa social media account ko.

Khan: lyn, i'm here na po!

May kasama pa iyong emoji na nakangiti habang nagba-blush kaya napangiti ako.

"Mamaya na lang, ate. Nasa baba na si Khan," paalam ko sa kanya para i-check ang buong unit kung may nakalimutan akong patayin na electricity.

"Okay, enjoy!" paalam niya at pinakaway pa si Mika sa camera. Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ko.

"Bye Mika!" Kumaway ako sa anak ni Ate Lia at humagikgik nang batiin niya ako pabalik. Ang cute niya talaga!

Pinindot ko na ang end call button at inayos ang sarili bago lumabas ng apartment. Pero pagkabukas ko ng pinto ay napaatras ako nang may lalakeng naka-itim at nakasuot ng cap na humigit sa akin papasok mula sa unit.

Bumilis ang tibok ng puso ko at napasandal sa dibdib niyang mabilis din ang kabog nang yakapin niya ako.

Natulala ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari. "S-sino ka?" nanginginig ang boses ko.

Pero imbes na sumagot ay humigpit ang yakap niya sa akin kaya napapikit ako at nalanghap ang pamilyar na panlalakeng amoy niya.

"Please? Natatakot ako..." bulong ko habang naiiyak na dahil sa sobrang kaba. Kumikirot ang dibdib ko dahil sa takot.

"Shhh, I won't hurt you," marahang bulong niya at hinaplos pa ang tuktok ng ulo ko para pagtahanin ako.

And to my surprise, my heart calms because of his sweet deep voice and gentle touch.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mafia's True Love   CHAPTER 52

    CHAPTER 52: LOVE LYN'S POV My heart feels warmer as I saw how his gray eyes watered with joy tears while he's looking, smiling, chuckling, singing and dancing with me. Ito na yata ang pinakamagandang birthday celebration na naranasan ko! "Time to make a wish, baby," malambing na aniya nang sa wakas ay makarating kami sa dining room kakasayaw. Sinindihan niya ang dalawang kandilang nasa ibabaw bago iyon dinala palapit sa akin. Napangiti ako at kaagad na inihipan iyon. Napaawang ang labi niya kaya mahina akong natawa. "'Di na ako nagwish kasi natupad na 'yong wish ko." "Ano bang wish mo?" kuryosong tanong niya at ibinaba ang cake para harapin ako. "Makasama ka po," simpleng sagot ko at ipinalibot ang braso sa bewang niya. "Happy birthday, Lyn," ramdam kong nakangiti siya nang batiin niya ako. Tumingala ako at sinalubong ang ngiti niya. "I love you," sambit niya pa at mabilis na humalik sa labi ko. "I love you rin!" sagot ko at tumiklay para abutin ang labi niya per

  • Mafia's True Love   CHAPTER 51

    CHAPTER 51: MINE"Kael..." Kaagad ko itong pinigilan at hinawakan ang braso niyang mariing nakahawak sa palapulsuan ni daddy.Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang tignan niya ako bago niya binitawan si daddy at iniharang ang katawan niya sa akin. "You bastard!" sigaw ni daddy at nagmartsa palabas. "Just wait and I will kill you!" galit na galit na banta nito."Hon, what are you doing?!" Kaagad siyang hinabol ni mommy na takot na takot.Nagkatinginan kami ni Kael. "Tumakas na tayo!" utos ko sa kanya. "Baka anong gawin sa 'yo ni daddy, please!" pakiusap ko at niyugyog ang braso niya dahil sa inis nang hindi siya gumalaw. Nakatitig lang siya sa mukha ko."Kael!" kinakabahang tawag ko sa pangalan niya. "Tara na, please? Umalis na tayo rito!"Umigting ang panga niya. "Are you sure, Lyn?" "Oo!" atat na sagot ko dahil ayaw kong maabutan ulit kami ni daddy dito."Hon! Bring that down!" rinig kong sigaw ni mommy sa labas. Mas lalo akong kinabahan. "Tara na!" anyaya ko kay Kael at

  • Mafia's True Love   CHAPTER 50

    CHAPTER 50: HURTLYN'S POV"Miss Lyn!" Naalimpungatan ako nang marinig ang pamilyar na boses ni yaya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at kaagad na naramdaman ang sakit ng buong katawan nang subukan kong bumangon. May suot na rin akong pares ng pink pajama. Hindi katulad kagabi na hubad akong nakatulog."Gising na po, ma'am. Pinapatawag ka ng mommy mo sa baba," aligagang aniya at lumapit sa akin."Mamaya po, please?" pakiusap ko at mapakagat labi dahil sa sakit ng katawan. Nanlalambot ang katawan ko. Sobrang sakit ng bewang at likuran ko na parang nabali ang buto ko. Ang pagitan naman ng hita at dibdib ko naman ay mahapdi. Wala na si Kael sa tabi ko kaya inabot ko ang phone para tawagan siya. Hindi ko talaga kayang bumangon! Naiiyak na ako sa sakit!"Bakit, ma'am? May masakit ba sa 'yo?" nagtatakang tanong ni yaya kaya mabilis akong tumango."Mamaya na lang po ako bababa. Pakisabi na lang, please?" sagot ko at muling humiga."Good morning, baby!" masigla ang boses ni Kael nang

  • Mafia's True Love   CHAPTER 49 (SPG)

    CHAPTER 49: MIDNIGHTLYN'S POV"I can't get enough of you, Lyn!" Napangiti ako habang buhat niya ako at papunta kami sa bathroom para naglinis ng katawan. "Bathtub!" Itinuro ko iyon pero sa shower niya ako ipinasok.Hindi ako bumitaw sa kanya nang ibaba niya ako dahil nanghihina talaga ako! Kung hindi niya lang binuhusan ng oil ang tiyan ko ay hindi ako maliligo! "One more round, please?" pakiusap niya at niyakap ang bewang ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Masarap pero masakit pala ang sex! Well, masarap habang ginawa pero masakit kapag natapos! Ramdam ba ramdam ko ang hapdi! "I feel sore po," pagtanggi ko at yumakap sa bewang niya. "Bukas na lang ulit?" "Okay, baby. I'm sorry I didn't control myself at the end. It was rough," paliwanag niya at hinaplos ang pagitan ng hita ko dahilan para mapatiklay ako dahil sa pinaghalong hapdi at kiliti. "Kael! Ahhh!" nasundan ng ungol ang reklamo ko dahil minasahe niya ang sensitibo pa ring tuktok ng pagkababae ko. Yumuko siya nang hu

  • Mafia's True Love   CHAPTER 48 (SPG)

    CHAPTER 48: EIGHTEENLYN'S POVWala akong masyadong ginawang paghahanda para sa debut ko. Pero si mommy at Ate Liandra, alam kong marami. Sila naman ang nagde-desisyon para sa akin kaya hinahayaan ko na lang. Basta ang mahalaga, hindi ako nai-stress! Sabay kaming nagreview ni Anastacia para sa exam. Si Kael naman, wala siya. Focus lang daw muna ako sa school. "Food break po?" Napatingin ako kay Kael nang saktong sumandal ako para magpahinga saglit. Natapos ko na ang isang Chapter. Napangiti ako nang makitang may dala siyang pagkain. May nuts at dark choloate, fruit shake at toasted bread na may palaman. "Ikaw po nag-prepare?" tanong ko at tumayo para lapitan siya. "Yes, baby!" matamis na sagot niya at inilapag iyon sa gitna namin ni Anastacia. "Meryenda muna kayo. Text mo lang ako 'pag gusto mo pa, hmm?" paliwanag niya at humalik sa pisngi ko. "Thank you!" sinserong sagot ko at nginitian siya nang lumabas din siya agad. "Ang sweet talaga ng boyfriend mo, Lyn! I can't imagine h

  • Mafia's True Love   CHAPTER 47

    CHAPTER 47: BESTFRIEND LYN'S POV "Hi, Lyn!" Kaagad akong yumuko nang marinig ang boses ni Anastacia na bumati sa akin nang sumapit ang Lunes. Isinalpak ko ang earpods sa magkabilang tenga ko at pinalakasan ang tugtog. Yumuko ako para magbasa ng librong dinala ko para may mapagkakaabalahan. I felt betrayed! Hindi ko na sila papansinin Kael. Hindi naman pala siya totoong kaibigan sa akin. Napipilitan lang siya! Kaya pala isang araw, bigla na lang niya akong nilapitan at hindi tinantanan. Akala ko, totoong gusto niya akong maging kaibigan. "Evan, pwedeng sumabay sa 'yo mamayang lunch?" tanong ko sa kanya dahil baka guluhin lang ako ni Anastacia kapag mag-isa ako. Ayaw ko na siyang kausapin. "Sige ba! Si Anastacia? Hindi kayo sabay?" tanong niya dahilan para mapabuntonghininga ako. "Hindi ko na siya kaibigan," sagot ko at hinawakan ang braso niya. Pansin ko naman ang pagtigil niya. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. "Pwedeng ikaw na lang ang bestfriend ko?" Nahihiya siyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status